Share

Billionaire's Ex-Fiance
Billionaire's Ex-Fiance
Author: Miss Raine

Prologue

Author: Miss Raine
last update Huling Na-update: 2022-08-03 22:23:37

"Ma'am may appointment po ba kayo?" magalang na tanong ng sekretarya niya.

Tiningnan ko ang babae. Natitiyak kong hindi na ito dalaga dahil bukod sa itsura nitong mga nasa more or less forty na ay halatang-halata pa ang wedding ring na suot niya habang nakahawak sa iPad.

"I have no appointment with Mr. Gray but I need to see him today," sabi ko.

Willing naman ako magpa-appointment o magpa-schedule pero dahil biglaan ang pag-uwi ko rito sa Pilipinas ay hindi ko na iyon naharap pa.

And what are the chances he'd like to have a meeting with me anyway? Natitiyak ko na hindi niya hahayaang maisulat man lang sa schedule niya ang pangalan ko kaya bakit ko pa iyon gagawin?

"I'm sorry, ma'am, we're following strictly the rules given by Sir Gray and..." Mukha siyang namomroblema. "What is your name again po, ma'am?"

"Zoefia Chelsea Morgan," sabi ko na literal na binuo ang pangalan. "Nandiyan ba siya sa opisina niya?"

"Oo, ma'am, kaso--"

"May kasama sa loob?"

"Wala po. Marami kasi siyang kailangang pirmahan ngayong araw kaya--"

"Let me in," sabi ko. "I'll assure you he won't scold nor fire you. Sasabihin ko na ako ang nagkusang pumasok at nagpumilit."

Kung saan-saan na siya tumitingin. Isa lang ang napuna ko, masyadong mabait ang secretary niya. Kasi kung iba ito? O kung ako ito, kapag walang schedule at nangungulit ay papaalisin ko na. But her, hesitating to send me away, just proves she's too kind for this position. At hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon o hindi. Well, she's not my secretary anyway so why would I even bother.

"Kaso kasi, ma'am, medyo mainit ang ulo ni Sir lalo na kapag ganito na madami siyang ginagawa. Kaya po pina-cancel niya lahat ng meetings niya ngayong araw para walang mang-iistorbo sa kanya."

I smirked in my mind. Buti na lang pala at pina-cancel niya lahat. Hindi na ako mahihirapang makisingit sa mga meetings niya o kaya ay puntahan siya sa ibang lugar.

"It will just be quick, I promise. And this is nothing personal, it's all about business."

Which is true. Nandito ako para sa business ay hindi para sa kanya. Kung magugulo ko siya at magagalit siya sa akin ay wala na akong pakielam pa roon. What's important to me is work, business, my company. And he's not included to my lists of priority.

Unti-unti ko ring napapayag ang secretary niya at iminuwestra nito ang opisina sa akin. Kakatok na sana siya at bubuksan ang pinto nang magpresinta akong ako na. Gumilid siya at hinayaan ako sa gustong gawin.

Habang hawak ko na ang doorknob ng opisina niya ay bigla akong kinilabutan. It's my first time here in his company, in his very office. And it's been five years since we last saw each other, since we last talked.

Hindi na ako dapat kabahan. Bakit ako kakabahan? Nandito ako para sa isang business deal at walang puwang ang kaba para sa ipinunta ko rito ngayon. With that in mind, I slowly opened the door.

Una kong napansin ang buong floor na window glass ng opisina niya. Bagaman may kurtina ay bukas ang gitnang parte no'n ay kitang-kita ang mga building mula rito. Sumalubong din sa paningin ko ang couch set niya na isang tingin pa lang ay alam mo ng mamahalin. Of course, their company itself is a furniture and designing company. Kapuna-puna naman kung low quality ang magiging couch set niya rito sa opisina niya.

Black, gray, at white ang tema ng opisina niya. Maaliwalas tingnan bagaman medyo intimidating din ang dating.

"What is it?" Memories streamed from the deepest part of my brain to my mind.

Unti-unti kong nilingon ang pinanggalingan ng baritonong boses na iyon na ngayon ko na lang ulit maririnig pagkatapos ng limang taon.

Nakayuko ito at nakasuot ng reading glasses. He's holding a high quality pen on his large hands and his large frame is very visible on his seat. Bumaba ang mga mata ko sa pangalang nakaukit doon sa may mesa niya.

Jeremy Lucas Gray

Huminga ako nang malalim at sinadyang patunugin ang heels habang naglalakad palapit sa kanya. Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha sa akin.

I saw his pictures a few times in a magazine. I saw his face a few times in the news. But seeing him in person like this made me realize how much he has changed. He's now matured-looking with hard features. He wasn't back then. He looks so gentle and angelic back then.

Halatang nagulat ito nang makita ako. Pero ang gulat ay unti-unting napalitan ng galit hanggang sa tuluyang nawala ang emosyong naglalaro kanina sa kanyang mga mata. The muscles of his jaw tightened. And I can clearly see him clutching his knuckles.

He probably doesn't like the sight of me. Gusto kong matawa dahil ang kapal naman ng mukha niya para siya pa ang mag-inarte sa aming dalawa.

"Good morning, Mr. Gray," I said in my well-practiced sweet but sarcastic tone.

"What are you doing here?" bakas ang galit sa boses niya. "Who the fvck let you in here?"

Pinaikot ko ang dila sa loob ng bibig ko upang pakalmahin ang sarili bago umupo sa visitor's chair sa harap ng mesa niya. He stood up, as if he wanted to grab my collar and push me out of his office, out of his sight. He's rigid.

The veins of his neck popped out. Kahit gaano niya ipakita na walang emosyon ang mukha niya ay halatang-halata ang galit na nararamdaman niya.

Pero hindi naman ako nandito para humingi ng tawad sa kanya. As if I'll do that.

"Pinapasok ko ang sarili ko, okay na? So why don't you sit and let's discuss business here."

"I have no time with you, Miss Morgan." He glared at me and then he let out a sarcastic smile. "Or was it Mrs. now?"

I shrugged. "That's none of your business anymore--"

"Yeah, right. Mind if you leave because I don't have any business with you, too."

Inilagay ko ang kamay sa mesa niya at nilaro-laro ang daliri sa mesa niya.

"I have a business proposal to you," diretsahang sabi ko at tiningnan ang oras. "Alam ko na busy ka at may kailangan pa rin akong puntahan kaya umupo ka na at pag-usapan natin ito."

He calmed himself down. Umupo siya sa mesa niya bilang isang masunuring tao. Gusto kong matawa sa mga iniisip ko pero pinigilan ko. Niluwagan niya ang blue tie na suot niya at saka matalim akong tiningnan.

"Let's get married."

Kaugnay na kabanata

  • Billionaire's Ex-Fiance   1: The Past

    - Zoefia Chelsea Morgan -"Hi, baby!" Nagulat ako nang may humalik sa pisngi ko habang nagpupunas ako ng mesa sa coffee shop.Napangiti ako nang makita si Jeremy, my boyfriend for almost two years. Mag-a-anniversary na kami sa susunod na buwan. Hindi ko akalain na magtatagal kami lalo na't ang dami ring nakapalibot na babae sa lakaking ito. Akala ko ay magsasawa siya agad sa akin at iiwan ako.But he did not.He keeps on reassuring me I'm the only one.Masaya ko siyang niyakap pero agad ding bumitaw nang ma-realize na nakasuot pa ako ng apron ng coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Medyo pawis na rin ako dahil sa pagod dahil kanina pa rin ako galaw nang galaw rito."Bakit ang aga mo?" tanong ko dahil kapag sinusundo niya ako ay pasara na kami pero ngayon ay isang oras pa bago magsara ay nandito na siya.Ngumuso siya. "I missed you." Nagkamot siya ng batok niya at saka ako niyakap ulit. "Dinner tayo."Natatawa ko siyang itinulak dahil nakatingin na ang mga kasamahan ko sa amin. Nanu

    Huling Na-update : 2022-08-03
  • Billionaire's Ex-Fiance   2: Anniversary

    Ngayon ang ikaapat na araw mula nang umalis si Jeremy. Panay naman ang text at tawag nito sa akin mula ng makaalis. Pakiramdam ko nga ay mas marami pa siyang time sa cellphone kaysa sa pakikinig sa seminar niya.At apat na araw na rin mula nang may nagpapadala sa akin na mga larawan niya na may kasamang babae. Wala namang malisya ang mga larawan kaya naiinis ako sa patuloy na nagse-send. Halatang gusto lang kami sirain na dalawa.(Guess what?) bungad niya ng magsimula ang panibagong video call namin.Nakapantulog na siya at mukhang wala ng balak lumabas kahit maaga pa. Minsan nagi-guilty ako na hindi na siya masyadong nakiki-socialize. Hindi naman ako selosa at may tiwala naman ako sa boyfriend ko, but he just don't want to create an issue. Ayaw niya rin naman daw lumabas na hindi ako kasama."You look happy," puna ko at nakangiti siyang pinagmasdan.(Pinayagan ako ni dad magbakasyon sa anniversary natin. Saan mo gusto pumunta? Should we go abroad? Kahit saan mo gusto, babe.)That's w

    Huling Na-update : 2022-08-03
  • Billionaire's Ex-Fiance   3: Present

    "Congratulations, anak."Nginitian ko lahat ng bumabati, maski ang mga hindi ko kilala na naging imbitado sa ginawa kong opening ng cafe dito sa New York. It's the largest branch we have here in US.Napaka-romantic ng overall design ng lugar. It can cater up to a hundred persons. Bukod sa maluwang siya ay may second floor pa. Beautiful and custom-made dessert designed couches, cute stuffs on the other side, and vintage style on the other. The romantic feels is all over the place.Ngayon pa lang ang unang araw ng pagbubukas pero pakiramdam ko ay success na ang business na ito. Why not? The fact that I loved it myself means people will love it, too. May pagka-perfectionist ako pagdating sa mga businesses namin kaya kapag sa akin dumaan ay alam na nila na mataas ang kalidad ng lahat."Zoe!"I turn around only to see my only brother, wearing his usual business-suit outfit. Naglakad siya palapit sa akin at saka bumeso."Kuya!" I shrieked. "You made it. Akala ko ay hindi ka na makakapunta."

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • Billionaire's Ex-Fiance   4: The Plot

    "Zoe," tawag ni kuya sa akin nang magkita kami sa may company building. "Let's talk over lunch later. May sasabihin ako sa iyo."Dumiretso agad ako sa opisina ko. Ibinaba ko ang dalang handbag sa may ibabae ng cabinet na malapit sa mesa ko at binuksan ang laptop. Financial statements and other reports are already sent to me. Kailangan ko ng i-check ang lahat ng iyon. "Get me a cup of coffee, please," I said to my secretary via intercom.Sanay naman akong magpuyat pero iba yata ang pagod ko ngayon, parang pasan ko ang mundo sa dami ng inisip ko kagabi. Five years...Limang taon na ang dumaan mula nang huli kong makita si Jeremy. Sure we're in the same field. Sure, I am still updated with him. Paanong hindi, eh, halos buwan-buwan na iba't ibang magazine brand ang nagco-cover ng buhay niya.But it has been five years. Hindi ko alam na sa isang balita na iyon ay nagising ang mga damdaming pilit ko ng ibinabaon sa limot. The anger, the pain, the betrayal...Hindi ko alam ang gagawin ko,

    Huling Na-update : 2022-08-10
  • Billionaire's Ex-Fiance   5: Welcome Home

    "Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo?" Kuya looked a bit worried. "Sigurado ka bang kaya mo ng bumalik sa Pinas, Zoe? I'm sorry for doing this to you."Ngumiti ako sa kanya. "Ano ka ba, kuya, ayos lang iyon. Saka pakiramdam ko ay ito na rin ang tamang oras para harapin lahat."Niyakap niya ako nang mahigpit.Ngayon ang huling araw ko rito sa New York. Ano mang araw mula ngayon ay magkikita ulit kami ng taong limang taon kong hindi nakikita. I wonder if he looks the same as those pictures in the magazines.Napag-usapan na namin ni kuya ang mangyayari. Nagkaroon na rin ng meeting kasama ang mga makakasama ko sa Pinas para sa project na iyon. I also talked to the investors of the said project. Medyo madaming kailangan iayos pero limang ko na rin namang ginagawa ito kaya hindi na rin ganoon kahirap. Hindi alam ni kuya ang marriage proposal na balak kong i-offer kay Jeremy. Pero alam ko na aware siya na either magbe-benefit kami roon kung sakaling ako ang mapang-asawa niya, o maaapektuha

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • Billionaire's Ex-Fiance   6: Marriage Proposal

    Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang nakikipagsabayan ng matalim na tingin sa lalaking nasa harap ko. He's not showing me any mercy. Coldness in his eyes, anger in his voice, disgust in his reaction. Five years and here we are, meeting each other again in a completely different version of ourselves. Hindi niya ako kailanman napagtaasan ng boses noon, maliban sa mga huling away namin. But he never disrespected me in any way just like how he's been pushing me away like this.Sobrang lambot lagi ng ekspresyon niya sa akin. Hindi kami nag-aaway sa mga wala namang kabuluhan na bagay. Siya ang laging nanunuyo kahit minsan ako ang may kasalanan.But this man in front of me... I can't see any trace of the man I fall in love with. Ang layo. Sobrang layo."Just hear me out, then..."Umigting ang panga niya. Alam kong naiinis na siya sa akin. Kinuha ko ang isang pirasong bond paper na pinaglistahan ko ng mga sasabihin ko sa kanya habang nasa eroplano ako. Ibinaba ko iyon sa mesa niya at hin

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Billionaire's Ex-Fiance   7: Starting Anew

    "Huwag mo ng isipin iyon. Hindi naman siya kawalan, duh!""Satrue lang. Ano naman kung gwapo yung ex mo? Eh, napakadami namang may itsura sa mundo. So kung mayaman? Eh, may pera ka rin naman. Hahanapan na lang kita ng iba."Napailing-iling ako sa mga kaibigan ko. Kasama ko ngayon si Ryla at si Jess. Nasa loob kami ng Mall at namimili ng mga gamit ko dahil madami pang wala sa condo. At ngayon ay naglalakad-lakad kami habang namimili ng sofa set para sa living room ko. Katatapos lang kasi namin bumili ng mga appliances na ide-deliver mamaya.Topic nila si Jeremy. Yung Jeremy na bago. Hindi ko siya ma-consider na ex ko dahil ibang-iba siya sa taong nakilala at minahal ko. I get that we're both mad at each other but I don't see any reason for him to rude at me. It's not like I cheated on him-- oo nga pala, iyon nga pala ang akala niya."P'wede ba, Jess? Hindi naman ako umuwi para sa kanya o para makipagbalikan, ano!""You proposed a marriage, Zoe! Ano pa sa tingin mo ang nangyayari ha?" U

    Huling Na-update : 2022-08-26
  • Billionaire's Ex-Fiance   8: Second Attempt

    Si Ate Jane ay kasama ko noong nagtatrabaho ako rito five years ago. At totoong walang nakakaalam na akin ang cafe na ito. Ayaw ko rin naman ipaalam dahil pakiramdam ko ay mag-iiba ang trato nila sa akin kapag nalaman nila. And I'm happy with the my relationship with my co-workers that time."Kailan ka pa nakauwi? Napakaganda mo, para kang artista."Uminit ang mukha ko sa compliment na binigay niya."This is your order, Ma'am." Ibinaba ng babaeng nagse-serve ang order ko sa aming mesa. Pagkatapos ay gulat siyang napatingin sa manager niya. "Hello po, Ma'am Jane.""Say hello to your real boss, Kia. This is Zoefia Chelsea Morgan," pakilala niya sa akin.Natatarantang tumingin sa akin ang babae at yumuko pa sa harap ko."Pasensya na, ma'am, hindi ko po kayo nakilala. First time ko po kasi kayo makikita sa personal," kinakabahang paliwanag niya.I smiled before tapping her arm."Ayos lang iyon. Bumalik ka na sa trabaho mo."Nagpasalamat ito at nagmamadaling umalis. I am sure I am not inti

    Huling Na-update : 2022-08-28

Pinakabagong kabanata

  • Billionaire's Ex-Fiance   24: Bad Mood

    "So, you're planning to have an outdoor bar area that is a bit different from the usual bar themes?"Napairap ako nang ulitin ni Jeremy ang sinabi ko. Nakatayo ako at nagpe-present sa harap ng team tungkol sa bago kong plano na gustong idagdag para sa hotel and resorts."Inulit mo lang ang sinabi ko, Mr. Gray," napipikon na sabi ko at muling hinarap ang ibang mga tao roon na tila nagulat sa pabalang kong sagot sa boss nila. "So, as I was saying..."Seryoso ako buong durasyon ng meeting. Wala ako sa mood makipagbangayan o asaran pa sa iba. Mabuti na lang at seryoso din naman ang mga engineers, architects, at designers na ka-meeting namin today. Parang walang gustong mag-aksaya ng oras dahil abala sila lahat."Meeting adjourned." Kinuha ko na ang mga gamit ko at umambang lalabas nang magsalita siyang muli. "Except you, Miss Morgan."Napairap ako sa ere. Bwisit!Makahulugang tingin ang pinukol sa akin ng mga kasama namin bago sila tuluyang lumabas ng conference room. Ako naman ay padabog

  • Billionaire's Ex-Fiance   23: Devil's Eyes

    I'm in a good mood the next morning. May mga designs na akong naaprubahan at ngayon ay magkakaroon ng meeting for the final furnishing of details. Wearing a classy pink corporate attire, my hair is in tucked in a high ponytail, jewelries on point, I felt so good."Good morning!" bati ko kay Gina nang makarating ako sa desk namin. "Binilhan kita ng food. Nag-breakfast ka na?""Ayun, sakto, nagugutom na ako," aniya at nahihiyang humalakhak pagkatapos. "Maganda yata umaga mo, Zoe?"Nagkibit ako nang balikat. Hindi ko rin alam eksakto kung bakit pero pakiramdam ko isa sa dahilan ay si Sarah. Kagabi na-realize ko kung gaano naging okay ang lahat. Nagkasakitan kami ni Jeremy, naghiwalay, pero iyon yung point ng buhay namin na talagang nagpaganda ng buhay ng bawat isa.We both became successful. Siguro hindi talaga maganda yung relationship namin noon para sa isa't isa.At ngayon na-realize ko na ayos na ako roon. He's got Sarah now and I am also happy. Maybe it's time to face it all then mo

  • Billionaire's Ex-Fiance   22: Flowers and Chocolates

    "Bakit iyan?" tanong ko kay Gina nang makita ang sandamakmak na paperbag at kung ano-ano sa mesa ko. "Good morning, Ma'am Zoe," bati ng empleyado na dumaan.I greeted her back with a smile before looking at my table again. Isang linggo na naman ang lumipas pero sa nagdaang linggo ay bihira akong pumasok dito. Malapit na rin magawa ang office ko na katabi ng opisina ni Jeremy at lilipat na rin ako roon marahil sa susunod na linggo.Madami akong ginawa noong nakaraang linggo. Dalawang beses lang yata ako napadpad dito at dahil lang sa mga meeting and updates. I haven't seen Jeremy for the past week, too. Balita ko ay abala raw siya sa maraming bagay at pati sa meeting namin ay hindi siya sumama, which I understand, nag-assign na siya ng mga professionals doon kaya baka hindi na rin siya magfo-focus sa project.Isa-isa kong tiningnan ang mga bagay sa mesa ko. Bouquet of flowers, chocolates, boxes with things I don't know about..."Pakisabi hindi ako nagbebenta ha," pabiro kong sabi kay

  • Billionaire's Ex-Fiance   21: Boyfriend

    Sa likod ni Lander ay pansin ko ang bulungan ng mga kasama namin. Gusto kong matawa, alam ko na agad na ako ang pinag-uusapan nila. Kanina ay akala nila may something sa amin ni Jeremy at base sa tingin na ipinupukol nila kay Lander ay ito naman ngayon ang pinagkakamalan nilang kasintahan ko.I didn't dare to clear the rumours. Baka ako pa ang magmukhang defensive."Ginamit mo ang car ko?" tanong ko habang pinapakuha niya ang nga gamit ko sa ilang tauhan ng hotel."I used mine," sabi nito. "Binalik ko ang sasakyan mo sa may condo. Dito na tayo kakain ng lunch?"Oo nga pala. Bakit ko ba naisip na pagdating niya ay aalis kami agad. For sure napagod siya sa byahe, ilang oras din iyon. Mas gusto kong umalis dahil ayaw kong makita si Jeremy. After last night and what happened earlier, medyo naiilang ako sa kanya. Alam ko na pinapaikot niya ako ngayon sa laro niya pero naiinis ako sa sarili ko sa ginawa kong pagpasok sa kwarto niya kagabi.It's shameful!"Ikaw. Mas gusto mo ba rito o magha

  • Billionaire's Ex-Fiance   20: Allergy

    Nag-inat ako at nakapikit na kinapa ang bedside table para kunin ang phone ko pero wala akong mahawakan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at agad nagtakip ng unan nang medyo masilaw sa chandelier na nasa ceiling. "Ugh!" Niyakap ko ang unan at tumulala sandali bago tuluyang umupo. Muli kong tiningnan ang bed side table at nagtaka bakit wala roon ang phone ko. And then I saw my bag at the small table near the door. Huh?Tumayo ako at mas lalong nangunot ang noo nang makita ang damit ko na suot ko kagabi. Damn you, Zoe. You reek of alcohol. Sa sobrang dami mong nainom, maski ang magbihis ay hindi mo nagawa!Naglakad ako patungo sa CR nang bigla itong bumukas at nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang lumabas mula roon.His upper body is naked. Ang ibabang bahagi ay natatakpan ng puting tuwalya. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatakip ng bibig sa gulat. Inikot ko ang hotel room. Doon ko lang napansin na medyo iba ito sa akin. Pareho ng disenyo pero may mga corner na iba sa p

  • Billionaire's Ex-Fiance   19: Hotel Room

    Nine o'clock in the evening. May night bar na open sa tabi ng hotel namin. Open place siya, may mga benches, magagandang lights, aesthetically pleasing, retro style, as in maganda siya talaga. Malakas din ang sound pero hindi yung parang nasa loob ng club kasi medyo peaceful sa pakiramdam ang view ng dagat pati na rin ang tunog ng bawat paghampas ng alon.Nagkayayaan sila na uminom kami parang getting to know each other na rin at pa-congrats sa project na ito. Babalik pa kami sa beach property na pagtatayuan ng proyekto bukas kasama ang ilan pang mga professionals na kailangan namin sa project na ito. Ifa-finalize na rin kasi ang magiging area per building na itatayo."Unang tingin ko pa lang dito kay Zoe, alam ko ng hindi basta-basta, eh," ani Gina na medyo nagiging komportable na rin sa akin.Ngumiti ako at inalala ang una naming pagkikita. The day I left my friends at the airport and travel all the way from there to Jeremy's company.Ininom ko ng diretso ang whiskey na nasa shot gl

  • Billionaire's Ex-Fiance   18: Driver

    Napaka-awkward ng katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko sana magpatugtog pero baka hindi niya gusto. Hindi rin ako makapagsalita kaya bahala na. Hindi rin naman ako makapag-cellphone dahil nahihilo ako kapag umaandar. Honestly, hindi ko alam kung makakarating ba akong maayos sa Aurora. Tahimik lang si Jeremy na nagda-drive, seryoso ang mukha, halatang hindi mo mabibiro. Naalala ko yung mga araw na kami pa noon. Siya talaga lagi ang nagda-drive. Hatid-sundo niya ako kapag pumupunta ako sa work. Pero hindi ganito na hindi kami nag-uusap. Magkasundo kami maski sa taste sa music kaya madalas na nagkakantahan kami sa loob ng sasakyan o kung hindi ay nagkukwentuhan ng mga nakakatawa at nakakaasar na nangyari sa buong araw namin. We weren't just boyfriend-girlfriend. We used to be each other's best friends. Kaya din siguro kahit naka-move on na ako, kami, may parte pa rin na masakit. Friendship break up sucks, too. Literal na walang umimik sa amin hanggang makarating kami sa hotel na pan

  • Billionaire's Ex-Fiance   17: Passenger Seat

    The weather is a bit gloomy. Hindi ko alam kung tama ba na tumuloy kami ngayon pero mukhang nakaalis na ang iba. It's ten in the morning. Ngayon ang schedule namin ng pagpunta sa Aurora para i-check ang lupa roon. I've never been there honestly. Sa picture ko pa lang din siya nakikita.We will stay there for the night. Limang oras ang byahe o baka mas late or mas maaga kami makarating, depende sa lagay ng trapiko, lagay ng panahon, at pati na rin sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan.Dala ko ang sasakyan ko at papunta na ako ngayon sa kumpanya ni Jeremy. Doon kasi ang meeting place. Pero pagdating ko ay wala ng tao. O baka wala pa sila? Bumaba muna ako ng sasakyan at lumapit kay Kuya Guard. "Wala pa po sila?" tanong ko dahil siya naman ang nandito kanina pa."Sila Ma'am Gina po ba, ma'am? Nakasakay sila ng van kanina, nauna na po," sagot nito sa akin. "Kayo lang po ba mag-isa?"Nanlamig ako at napapikit nang mariin. Ako na lang ang naiwan, kung ganoon? Wala akong numero ni Gina kaya

  • Billionaire's Ex-Fiance   16: Coldness in Hell

    Nakatingin ako sa salamin habang sinusuklay ang brunette kong buhok na hanggang bewang. The natural loose curls at the end vibe with my clothes. Tapos na akong maglagay ng make-up, simple lang din at medyo formal ang itsura. I'm wearing a white mini dress with white coat. Ngayon ang unang araw ko na mag-o-opisina sa kumpanya ni Jeremy. Sa tabi ni Gina ang pansamantala kong magiging office. Ngayon din kasi ibibigay ang initial design para sa project at may mga detalye rin akong kailangang aprubahan. I'd probably see more of him today onwards. At pagkatapos ng mga narinig ko noong nakaraan ay tuluyan na akong nawalan ng pakielam sa kanya. Fine. Tapusin na lang namin ang project na ito ng maayos. Kung hindi ko siya kailangan ay lalapit ba ako? Tss. "Good morning, Ma'am," nakangiting bati ni Gina pagdating ko. "Good morning, Gina. Huwag mo na akong tawaging Ma'am, call me Zoe instead. Hindi mo naman ako boss." Nahihiya siyang ngumiti. "Boss na rin kita kasi partner kayo ni Sir." Pina

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status