"Zoe," tawag ni kuya sa akin nang magkita kami sa may company building. "Let's talk over lunch later. May sasabihin ako sa iyo."
Dumiretso agad ako sa opisina ko. Ibinaba ko ang dalang handbag sa may ibabae ng cabinet na malapit sa mesa ko at binuksan ang laptop. Financial statements and other reports are already sent to me. Kailangan ko ng i-check ang lahat ng iyon."Get me a cup of coffee, please," I said to my secretary via intercom.Sanay naman akong magpuyat pero iba yata ang pagod ko ngayon, parang pasan ko ang mundo sa dami ng inisip ko kagabi.Five years...Limang taon na ang dumaan mula nang huli kong makita si Jeremy. Sure we're in the same field. Sure, I am still updated with him. Paanong hindi, eh, halos buwan-buwan na iba't ibang magazine brand ang nagco-cover ng buhay niya.But it has been five years. Hindi ko alam na sa isang balita na iyon ay nagising ang mga damdaming pilit ko ng ibinabaon sa limot. The anger, the pain, the betrayal...Hindi ko alam ang gagawin ko, kung ano'ng plano ang dapat kong gawin at sundin, o kung dapat ba na may gawin ako o hayaan na lang lahat?"I want you to assign you for the new hotel we are building in the Philippines."Napanganga ako sa tinuran ni Kuya. Nasa opisina niya ako ngayon, nakaupo sa visitor's chair niya. His office is a bit larger than mine, more simple, but more intimidating."W-what?"Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ayos lang sa akin ang kahit na anong bansa sa Asya, 'wag lang ang Pilipinas. Five years... and in those five years, ni hindi ko ginustong umuwi ng pilipinas."It's a hotel and resorts business, Zoe, medyo malaking project iyon. Mag-o-open din tayo ng restaurant at cafe sa mismong lugar. Sa initial planning ay balak din na magtayo ng tennis center at iba pang sports activities. I can't just assign this to any staff."Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip. Is this even real?I gulped as I tried to compose myself. "Okay. Can you tell me what's the status of this project as of the moment?"Tumango siya at may pinindot sa laptop niya bago iniharap sa akin."The land and the area where each buildings will be built are already fixed. Makikita mo iyan dito." Itinuro niya isa-isa ang mga iyon sa tila mapang ipinakita niya. "May initial plan na pero...""Pero?"Huminga siya nang malalim. "I want you to get the Grays for this project. You're familiar with them, right?"Alam niya ang tungkol sa ex ko. Alam niya ang dahilan kaya ako nandito sa New York ngayon at wala sa pilipinas. Pero hindi alam ni kuya na ang taong dahilan ng lahat ng sakit na dinanas ko ay ang tanong namamalakad ng kumpanyang gusto niyang kunin para sa proyektong ito."Hmm." Tumango ako at ngumiti ng labag sa loob.Ayaw ko ng malaman niya pa kung sino ang ex ko. My parents knew who it was. Pero hindi na para sabihin pa kay kuya. The moment I left the Philippines, I don't want any connection with him anymore."Kung ganoon pamilyar ka rin na sila ang number one sa field ng engineering at architecture? They are now entering the field of furniture-making, at mas maganda sana kung tayo ang una nilang magiging partner sa furniture business nila. That would benefit both of us."Nakukuha ko na ang punto niya."You want me to offer partnership with them?""Bakit hindi?" Nagkibit siya ng balikat. "Katulad ng sabi ko, the Grays are best in this field. Isa pa, pangalan pa lang nila, malaking tulong na sa advertisement ng hotel and resorts na gagawin natin."Nalukot lalo ang mukha ko. I can't take it all in. This is just... too much.I'm going to go back to the Philippines and offer my ex-fiance a partnership. Wow? Just wow. Pagkatapos ng ilang taon kong hindi bumabalik doon para lang hindi siya makita ay ganito rin pala ang kahahantungan ng lahat.Hindi ko binigyan ng konkretong sagot ang kapatid ko at nanghihinang bumalik sa opisina. First is the idea of Ryla which is ask him for marriage. The now, partnership?Alam ko kailangan kong madaliin ang desisyon dahil kapag naikasal na siya sa iba ay mahihirapan na kami sa partnership na gusto namin."Sinabi sa akin ni Ry lahat."I sighed. Sumandal ako sa couch ng condo Ryla. Balak nila mag-clubbing kanina pero wala ako sa mood na makarinig ng malalakas na music at hindi ko rin trip makakita ng maraming tao ngayon.It's been a week since we last discussed about the Grays."Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?" tanong ko habang nilalaro ang hawak na wine glass.Lander heaved a sigh, looking like he's torn, too."Alam ko na mahihirapan ka, Zoe. Hindi ko rin alam kung tama ba na ayain mo siya ng kasal. May feelings ka pa ba sa taong iyon?""Duh. Wala na, ano!"Sakto namang pumasok si Ry sa sala galing sa kusina, dala-dala ang pizza na pinainit niya."Kung naka-move na kayong dalawa at pareho namang single, bakit hindi? You can just marry each other in paper and still live in different roofs," ani Ryla at umupo sa tabi ko."Ha?" Nagsalubong ang kilay ni Lander. "That also means that they are already tied together. Paano kung may ibang gustong pakasalan si Zoe? This is not a great idea, Zoe."Ryla scrunched her nose, a bit annoyed. "Single pa naman siya ngayon. And if ever she meets a man somewhere in the future, uso naman na ang divorce ngayon. Ang mahalaga ay magkaroon sila ng koneksyon.""That's not a great idea," pagpilit ni Lander.Of course. Alam ko na sa side ko siya dahil alam niya at nakita niya lahat ng nangyari noon.Lander is my ex-boyfriend and one od my closest friends up to now. Hindi naman kami nagkaroon ng isyu sa isa't isa. Hindi lang talaga nag-work."Lander, alam kong concern ka sa pinsan ko. And Zoe, of course, I'm also worried about you. Pero hindi naman ganoon kasama ang ideya. Marriage for convenience. Hindi naman ba tayo nakatira sa sinaunang panahon na kailangan sa isang bahay kayo nakatira."Pinag-uusapan na nila ang posibleng set-up pagkatapos ng kasal. Eh, ni hindi ko nga alam kung papayag iyon.Umiling-iling si Lander. Kitang-kita na hindi niya talaga gusto ang sinasabi ni Ryla. Ako naman ay nanatiling neutral sa dalawa. After all, kahit naman subukan ko ang sinasabi ni Ry ay medyo sure na rin ako na hindi papayag si Jeremy. Why would he? Well, unless it's all about the money and power."Ano naman ang mapapala sa kasal na iyon, kung sakali? Wala!" giit ni Lander. "P'wede namang i-push through na lang yung partnership na walang kasal na magaganap.""My gosh! Do you even understand, Lander? Jeremy Lucas Gray is one of the richest bachelor. At kung magpapakasal pa ito sa isang babae na bilyon-bilyon din ang ari-arian, they will definitely own everyone of us. Well, hindi literal. Pero nage-gets mo ba ang punto? The power will be vested upon them. Kung sino ang kakampi sa kanila ay iyon ang mananalo. Everyone will beg for their mercy. At isa tayo sa magiging apektado kung sakali."My God. This is too much information.Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. Nahihilo pa rin ako pero kaya ko pa namang mag-drive pauwi."Saan ka pupunta?" sabay nilang tanong sa akin.I shrugged. "I want to think alone, okay?""Ihahatid na kita," sabay ulit nilang sabi. Nagkatinginan sila at nagsamaan ng tingin."Nevermind. Hindi naman ako lasing. Kaya kong umuwi mag-isa."Dire-diretso akong lumabas ng condo ni Ryla. At nang pasakay na ako sa elevator ay may nagharang ng kamay niya sa may pinto. It's no other than Lander."Lander--""Kung gusto mong mag-isip mag-isa, gawin mo iyon sa bahay niyo. But I can't just let your drive alone when you drunk."I rolled my eyes. "Hindi nga ako lasing.""Even just a tiny drop of alcohol, I won't allow you to drive."Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Wala namang sense na makikipagtalo pa ako sa kanya gayong nandito na rin siya.Sasakyan ko ang ginamit namin, magco-commute na lang daw siya pabalik."Zoe," I looked at him. "Do you still love him?"Love? Can you just love and unlove people?"Huwag na nating pag-usapan ito, Lander.""Are you willing to marry him, then?"Am I?Kung tungkol lang sa business, talaga bang iaalay ko ang kalayaan ko para lang doon?Partnership. Business deal. Iyon ang kailangan kong makuha sa kanya. I should get him sign the papers before he can even find a wife!Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize. I think I've got the plan."Lander.""No," he uttered like he knows what I'm thinking already. "Zoe--""I'm going back to Manila.""Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo?" Kuya looked a bit worried. "Sigurado ka bang kaya mo ng bumalik sa Pinas, Zoe? I'm sorry for doing this to you."Ngumiti ako sa kanya. "Ano ka ba, kuya, ayos lang iyon. Saka pakiramdam ko ay ito na rin ang tamang oras para harapin lahat."Niyakap niya ako nang mahigpit.Ngayon ang huling araw ko rito sa New York. Ano mang araw mula ngayon ay magkikita ulit kami ng taong limang taon kong hindi nakikita. I wonder if he looks the same as those pictures in the magazines.Napag-usapan na namin ni kuya ang mangyayari. Nagkaroon na rin ng meeting kasama ang mga makakasama ko sa Pinas para sa project na iyon. I also talked to the investors of the said project. Medyo madaming kailangan iayos pero limang ko na rin namang ginagawa ito kaya hindi na rin ganoon kahirap. Hindi alam ni kuya ang marriage proposal na balak kong i-offer kay Jeremy. Pero alam ko na aware siya na either magbe-benefit kami roon kung sakaling ako ang mapang-asawa niya, o maaapektuha
Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang nakikipagsabayan ng matalim na tingin sa lalaking nasa harap ko. He's not showing me any mercy. Coldness in his eyes, anger in his voice, disgust in his reaction. Five years and here we are, meeting each other again in a completely different version of ourselves. Hindi niya ako kailanman napagtaasan ng boses noon, maliban sa mga huling away namin. But he never disrespected me in any way just like how he's been pushing me away like this.Sobrang lambot lagi ng ekspresyon niya sa akin. Hindi kami nag-aaway sa mga wala namang kabuluhan na bagay. Siya ang laging nanunuyo kahit minsan ako ang may kasalanan.But this man in front of me... I can't see any trace of the man I fall in love with. Ang layo. Sobrang layo."Just hear me out, then..."Umigting ang panga niya. Alam kong naiinis na siya sa akin. Kinuha ko ang isang pirasong bond paper na pinaglistahan ko ng mga sasabihin ko sa kanya habang nasa eroplano ako. Ibinaba ko iyon sa mesa niya at hin
"Huwag mo ng isipin iyon. Hindi naman siya kawalan, duh!""Satrue lang. Ano naman kung gwapo yung ex mo? Eh, napakadami namang may itsura sa mundo. So kung mayaman? Eh, may pera ka rin naman. Hahanapan na lang kita ng iba."Napailing-iling ako sa mga kaibigan ko. Kasama ko ngayon si Ryla at si Jess. Nasa loob kami ng Mall at namimili ng mga gamit ko dahil madami pang wala sa condo. At ngayon ay naglalakad-lakad kami habang namimili ng sofa set para sa living room ko. Katatapos lang kasi namin bumili ng mga appliances na ide-deliver mamaya.Topic nila si Jeremy. Yung Jeremy na bago. Hindi ko siya ma-consider na ex ko dahil ibang-iba siya sa taong nakilala at minahal ko. I get that we're both mad at each other but I don't see any reason for him to rude at me. It's not like I cheated on him-- oo nga pala, iyon nga pala ang akala niya."P'wede ba, Jess? Hindi naman ako umuwi para sa kanya o para makipagbalikan, ano!""You proposed a marriage, Zoe! Ano pa sa tingin mo ang nangyayari ha?" U
Si Ate Jane ay kasama ko noong nagtatrabaho ako rito five years ago. At totoong walang nakakaalam na akin ang cafe na ito. Ayaw ko rin naman ipaalam dahil pakiramdam ko ay mag-iiba ang trato nila sa akin kapag nalaman nila. And I'm happy with the my relationship with my co-workers that time."Kailan ka pa nakauwi? Napakaganda mo, para kang artista."Uminit ang mukha ko sa compliment na binigay niya."This is your order, Ma'am." Ibinaba ng babaeng nagse-serve ang order ko sa aming mesa. Pagkatapos ay gulat siyang napatingin sa manager niya. "Hello po, Ma'am Jane.""Say hello to your real boss, Kia. This is Zoefia Chelsea Morgan," pakilala niya sa akin.Natatarantang tumingin sa akin ang babae at yumuko pa sa harap ko."Pasensya na, ma'am, hindi ko po kayo nakilala. First time ko po kasi kayo makikita sa personal," kinakabahang paliwanag niya.I smiled before tapping her arm."Ayos lang iyon. Bumalik ka na sa trabaho mo."Nagpasalamat ito at nagmamadaling umalis. I am sure I am not inti
Cheater...Narinig ko na naman ang salitang iyon. Hindi ako galit. Hindi na rin ako naiinis. Noon siguro, oo. Noon, naiinsulto. Pero ngayon ay wala na lang. Hindi rin naman ako guilty.Tumayo ako at lumayo sa kanya. Mukhang kahit naman anong gawin kong pangungumbinsi ay wala akong magagawa."You're looking for a wife," puna ko. "Wala ka rin namang girlfriend. It's not as if may mawawala sa iyo kung ako ang pipiliin mo."His brow shot up. Umayos siya ng tindig at diretsong tumingin sa akin pero bago iyon ay pasimple niyang pinasadahan ang kabuuan ko. I'm wearing a semi-formal clothes today so he can't put a bad comment on it."Wala rin naman akong mapapala kung ikaw ang pakakasalan ko."Yung pang-iinsulto mula sa bibig niya ay tumagos sa dibdib ko. Wow! As if naman may mapapala ako sa kanya."Ano naman kung wala?" Taas-noo ko siyang tiningnan. "Company, partnership, business deal... iyon ang pinag-uusapan natin dito. This is nothing personal.""Marriage is very personal to me, Miss Mor
Maghapon kong kasama si Lander. Bumalik kami sa opisina pagkatapos naming magtungo sa bahay. Nagkaroon ng meeting at ilang mga pagpapakilala. May mga investors din na dumaan para makita ako. Mas kilala ang kapatid ko sa pagma-manage ng mga negosyo namin dahil sa cafe lang naman talaga ako naka-focus. Pero ngayon ay nakakatuwa na makilala ang mga tao na tumulong upang maabot namin kung nasaan kami ngayon."I know a good restaurant. Doon na lang tayo mag-dinner?""Sige," sagot ko at hinayaan siyang mag-drive kung saan man ang tinutukoy niya.Ako naman ay abala sa ipad ko. Sa dinner ay idi-discuss na rin namin ni Lander ang mga plano namin para sa mga susunod na buwan. Kailangan din naming puntahan ang hotel namin sa Cebu na next month na ang opening. I have to schedule my visitation for that. "Nabanggit mo na ba kila tita na ibebenta na ang bahay?" "Hindi pa ngayon pero nasabi ko naman na bago tayo umuwi. Ayos lang naman sa kanila. Wala na rin naman silang balak umuwi pa roon," sagot
Lunch time na nang makarating kami sa Cebu. The hotel is still under construction. Kaya naman sa iba kami tumuloy. Isang magandang transient house na may view ng dagat ang napili ng mga kasama ko, hindi rin kalayuan sa hotel na dadalawin namin mamaya.I am with my friends. Weekend din kasi kaya naisipan na rin naming mamasyal kahit papaano."Mag-boy hunting na lang tayo diyan sa kabilang resort," biro ni Ryla habang nasa terrace kami ng tinutuluyan, nagkakape, at nakaharap sa malawak at payapang karagatan.Si Lander ay nauna na sa hotel na ginagawa dahil imi-meet niya na yung head engineer. Susunod kami mamayang hapon kapag hindi na mataas ang araw."No, thanks," sagot ni Jess na mayroon ng ka-talking stage. "Loyal ako, ano!"Ngumiwi si Ryla. "Ikaw na lang, Zoe.""Pass.""Pass pass ka diyan. Huwag mo sabihing na-inlove ka na naman doon sa ex mo?"Matalim ko siyang tinapunan ng tingin."The fvck?! Hindi, noh.""Wait, speaking of Jeremy, kumusta yung marriage proposal mo?" Jess asked. N
Green na silk mini dress ang suot ko nang pumasok kami sa loob ng club. Nagkayayaan lang na uminom ngayon. It's another Sunday night. Dalawang linggo na ako rito sa Pinas pero wala pa ring nangyayari. Balak kong pumunta sa opisina ni Jeremy noong Friday pero nagpa-appointment na muna ako. This time idadaan ko sa pormal at maayos na pakikipag-usap. This is a business deal and I want to do it in a way that he won't take personally. At bukas ang schedule ko. Sa tingin ko ay hindi niya alam na imi-meet niya ako dahil kung ganoon ay alam kong hindi siya papayag na maisingit ako sa schedule niya.Maingay pero masaya. Madaming nagsasayawan sa dance floor, nagtatawanan sa gilid, may mga magjojowa na may sariling mundo, at mga magbabarkada na nag-aasaran. Most of the people here are in their late twenties. "Whiskey, please," request ko sa bartender."Don't drink too much, Zoe," paalala ni Lander bago nagpunta sa mga kakilala niya.The girls started partying on the dance floor. Kasama rin nam
"So, you're planning to have an outdoor bar area that is a bit different from the usual bar themes?"Napairap ako nang ulitin ni Jeremy ang sinabi ko. Nakatayo ako at nagpe-present sa harap ng team tungkol sa bago kong plano na gustong idagdag para sa hotel and resorts."Inulit mo lang ang sinabi ko, Mr. Gray," napipikon na sabi ko at muling hinarap ang ibang mga tao roon na tila nagulat sa pabalang kong sagot sa boss nila. "So, as I was saying..."Seryoso ako buong durasyon ng meeting. Wala ako sa mood makipagbangayan o asaran pa sa iba. Mabuti na lang at seryoso din naman ang mga engineers, architects, at designers na ka-meeting namin today. Parang walang gustong mag-aksaya ng oras dahil abala sila lahat."Meeting adjourned." Kinuha ko na ang mga gamit ko at umambang lalabas nang magsalita siyang muli. "Except you, Miss Morgan."Napairap ako sa ere. Bwisit!Makahulugang tingin ang pinukol sa akin ng mga kasama namin bago sila tuluyang lumabas ng conference room. Ako naman ay padabog
I'm in a good mood the next morning. May mga designs na akong naaprubahan at ngayon ay magkakaroon ng meeting for the final furnishing of details. Wearing a classy pink corporate attire, my hair is in tucked in a high ponytail, jewelries on point, I felt so good."Good morning!" bati ko kay Gina nang makarating ako sa desk namin. "Binilhan kita ng food. Nag-breakfast ka na?""Ayun, sakto, nagugutom na ako," aniya at nahihiyang humalakhak pagkatapos. "Maganda yata umaga mo, Zoe?"Nagkibit ako nang balikat. Hindi ko rin alam eksakto kung bakit pero pakiramdam ko isa sa dahilan ay si Sarah. Kagabi na-realize ko kung gaano naging okay ang lahat. Nagkasakitan kami ni Jeremy, naghiwalay, pero iyon yung point ng buhay namin na talagang nagpaganda ng buhay ng bawat isa.We both became successful. Siguro hindi talaga maganda yung relationship namin noon para sa isa't isa.At ngayon na-realize ko na ayos na ako roon. He's got Sarah now and I am also happy. Maybe it's time to face it all then mo
"Bakit iyan?" tanong ko kay Gina nang makita ang sandamakmak na paperbag at kung ano-ano sa mesa ko. "Good morning, Ma'am Zoe," bati ng empleyado na dumaan.I greeted her back with a smile before looking at my table again. Isang linggo na naman ang lumipas pero sa nagdaang linggo ay bihira akong pumasok dito. Malapit na rin magawa ang office ko na katabi ng opisina ni Jeremy at lilipat na rin ako roon marahil sa susunod na linggo.Madami akong ginawa noong nakaraang linggo. Dalawang beses lang yata ako napadpad dito at dahil lang sa mga meeting and updates. I haven't seen Jeremy for the past week, too. Balita ko ay abala raw siya sa maraming bagay at pati sa meeting namin ay hindi siya sumama, which I understand, nag-assign na siya ng mga professionals doon kaya baka hindi na rin siya magfo-focus sa project.Isa-isa kong tiningnan ang mga bagay sa mesa ko. Bouquet of flowers, chocolates, boxes with things I don't know about..."Pakisabi hindi ako nagbebenta ha," pabiro kong sabi kay
Sa likod ni Lander ay pansin ko ang bulungan ng mga kasama namin. Gusto kong matawa, alam ko na agad na ako ang pinag-uusapan nila. Kanina ay akala nila may something sa amin ni Jeremy at base sa tingin na ipinupukol nila kay Lander ay ito naman ngayon ang pinagkakamalan nilang kasintahan ko.I didn't dare to clear the rumours. Baka ako pa ang magmukhang defensive."Ginamit mo ang car ko?" tanong ko habang pinapakuha niya ang nga gamit ko sa ilang tauhan ng hotel."I used mine," sabi nito. "Binalik ko ang sasakyan mo sa may condo. Dito na tayo kakain ng lunch?"Oo nga pala. Bakit ko ba naisip na pagdating niya ay aalis kami agad. For sure napagod siya sa byahe, ilang oras din iyon. Mas gusto kong umalis dahil ayaw kong makita si Jeremy. After last night and what happened earlier, medyo naiilang ako sa kanya. Alam ko na pinapaikot niya ako ngayon sa laro niya pero naiinis ako sa sarili ko sa ginawa kong pagpasok sa kwarto niya kagabi.It's shameful!"Ikaw. Mas gusto mo ba rito o magha
Nag-inat ako at nakapikit na kinapa ang bedside table para kunin ang phone ko pero wala akong mahawakan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at agad nagtakip ng unan nang medyo masilaw sa chandelier na nasa ceiling. "Ugh!" Niyakap ko ang unan at tumulala sandali bago tuluyang umupo. Muli kong tiningnan ang bed side table at nagtaka bakit wala roon ang phone ko. And then I saw my bag at the small table near the door. Huh?Tumayo ako at mas lalong nangunot ang noo nang makita ang damit ko na suot ko kagabi. Damn you, Zoe. You reek of alcohol. Sa sobrang dami mong nainom, maski ang magbihis ay hindi mo nagawa!Naglakad ako patungo sa CR nang bigla itong bumukas at nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang lumabas mula roon.His upper body is naked. Ang ibabang bahagi ay natatakpan ng puting tuwalya. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatakip ng bibig sa gulat. Inikot ko ang hotel room. Doon ko lang napansin na medyo iba ito sa akin. Pareho ng disenyo pero may mga corner na iba sa p
Nine o'clock in the evening. May night bar na open sa tabi ng hotel namin. Open place siya, may mga benches, magagandang lights, aesthetically pleasing, retro style, as in maganda siya talaga. Malakas din ang sound pero hindi yung parang nasa loob ng club kasi medyo peaceful sa pakiramdam ang view ng dagat pati na rin ang tunog ng bawat paghampas ng alon.Nagkayayaan sila na uminom kami parang getting to know each other na rin at pa-congrats sa project na ito. Babalik pa kami sa beach property na pagtatayuan ng proyekto bukas kasama ang ilan pang mga professionals na kailangan namin sa project na ito. Ifa-finalize na rin kasi ang magiging area per building na itatayo."Unang tingin ko pa lang dito kay Zoe, alam ko ng hindi basta-basta, eh," ani Gina na medyo nagiging komportable na rin sa akin.Ngumiti ako at inalala ang una naming pagkikita. The day I left my friends at the airport and travel all the way from there to Jeremy's company.Ininom ko ng diretso ang whiskey na nasa shot gl
Napaka-awkward ng katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko sana magpatugtog pero baka hindi niya gusto. Hindi rin ako makapagsalita kaya bahala na. Hindi rin naman ako makapag-cellphone dahil nahihilo ako kapag umaandar. Honestly, hindi ko alam kung makakarating ba akong maayos sa Aurora. Tahimik lang si Jeremy na nagda-drive, seryoso ang mukha, halatang hindi mo mabibiro. Naalala ko yung mga araw na kami pa noon. Siya talaga lagi ang nagda-drive. Hatid-sundo niya ako kapag pumupunta ako sa work. Pero hindi ganito na hindi kami nag-uusap. Magkasundo kami maski sa taste sa music kaya madalas na nagkakantahan kami sa loob ng sasakyan o kung hindi ay nagkukwentuhan ng mga nakakatawa at nakakaasar na nangyari sa buong araw namin. We weren't just boyfriend-girlfriend. We used to be each other's best friends. Kaya din siguro kahit naka-move on na ako, kami, may parte pa rin na masakit. Friendship break up sucks, too. Literal na walang umimik sa amin hanggang makarating kami sa hotel na pan
The weather is a bit gloomy. Hindi ko alam kung tama ba na tumuloy kami ngayon pero mukhang nakaalis na ang iba. It's ten in the morning. Ngayon ang schedule namin ng pagpunta sa Aurora para i-check ang lupa roon. I've never been there honestly. Sa picture ko pa lang din siya nakikita.We will stay there for the night. Limang oras ang byahe o baka mas late or mas maaga kami makarating, depende sa lagay ng trapiko, lagay ng panahon, at pati na rin sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan.Dala ko ang sasakyan ko at papunta na ako ngayon sa kumpanya ni Jeremy. Doon kasi ang meeting place. Pero pagdating ko ay wala ng tao. O baka wala pa sila? Bumaba muna ako ng sasakyan at lumapit kay Kuya Guard. "Wala pa po sila?" tanong ko dahil siya naman ang nandito kanina pa."Sila Ma'am Gina po ba, ma'am? Nakasakay sila ng van kanina, nauna na po," sagot nito sa akin. "Kayo lang po ba mag-isa?"Nanlamig ako at napapikit nang mariin. Ako na lang ang naiwan, kung ganoon? Wala akong numero ni Gina kaya
Nakatingin ako sa salamin habang sinusuklay ang brunette kong buhok na hanggang bewang. The natural loose curls at the end vibe with my clothes. Tapos na akong maglagay ng make-up, simple lang din at medyo formal ang itsura. I'm wearing a white mini dress with white coat. Ngayon ang unang araw ko na mag-o-opisina sa kumpanya ni Jeremy. Sa tabi ni Gina ang pansamantala kong magiging office. Ngayon din kasi ibibigay ang initial design para sa project at may mga detalye rin akong kailangang aprubahan. I'd probably see more of him today onwards. At pagkatapos ng mga narinig ko noong nakaraan ay tuluyan na akong nawalan ng pakielam sa kanya. Fine. Tapusin na lang namin ang project na ito ng maayos. Kung hindi ko siya kailangan ay lalapit ba ako? Tss. "Good morning, Ma'am," nakangiting bati ni Gina pagdating ko. "Good morning, Gina. Huwag mo na akong tawaging Ma'am, call me Zoe instead. Hindi mo naman ako boss." Nahihiya siyang ngumiti. "Boss na rin kita kasi partner kayo ni Sir." Pina