Hello. Salamat sa mga nag-aabang sa kuwentong ito. Lalo ko pang pag-iigihan para lalong kapana-panabik ang istoryang ito. Sa susunod na kabanata ay masasagot na ang katanungan ninyo. Sino nga ba ang tumulong kay Max?
Kung gulat siya sa nasaksihan sa akto ay parang wala lang kay Craig iyon. Pasimpleng nagmulat ito ng mga mata. Umayos ito at pasimple din na may inayos sa babang parte ng kasuotan nito. "Get out there, Sofia," simpleng utos nito. Binalewala ang presensiya niya at pagkakahuli dito.Tila bulkan na bumulwak ang galit ni Maxine. Nagagawa pa talaga ng mga ito ang bagay na iyon samantalang may kinakaharap silang problema!"Miss Alegre, can you please get out for a moment. Mr Samaniego and I need to talk!" Maawtoridad na utos niya sa babaeng unti-unting lumabas mula sa mesa. Namumula ang pisngi nitong napayuko dahil sa kahihiyan ng pagkakahuli niya dito. Of course, sinong hindi mahihiya? Huling huli lang naman niya kasi ang mga ito sa aktong may kababalaghang ginagawa. Hindi siya ipokrita na hindi alam ang nangyayari. Nagawa na rin niya ang bagay na iyon. Craig loves to play silly things. Of course, he can do it with the said girl he wants to be with! Bilib na talaga siya sa kalidad at bi
"Don't worry. I'll save you," bago pa man siya talagang mawalan ng malay ay narinig niya ang pagsasalita ng taong pumangko sa kanya.Gusto niyang imulat ang mga mata niya ngunit sobrang bigat n'on. Maging ang kanyang ulo ay namimintig sa sakit kaya hindi niya makilala kung kaninong boses iyon. Pero alam niyang lalaki iyon dahil sa baritonong boses nito. Umasa nga siyang su Craig sana iyon. Pero iba ang nanunuot na amoy sa kanyang ilong. Hindi kay Craig. Nagising na lamang siyang nasa hospital na at nakabenda na ang kamay. "You have stitches, so be careful..."Napatingala siya sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Alfred iyon—ang kanang kamay ni Mr Smith. Kinabahan siya at namutla. Napalinga siya kung may ibang kasama ba siya ngunit wala. Wari niya ay nasa private room siya sa hospital."How are you feeling?" tanong nitong nakangiti. Humakbang palapit sa kanya. Sa takot ay nahila niya ang kumot na tila magagawa nitong protektahan siya bilang panangga. "I'm... oka
"And why is that?" Salubong ang kilay ni Craig habang mas lalong naging mataman ang titig kay Maxine. Maging ang paraan ng pagtatanong nito ay kakaiba ang tono. Hindi naman mapakali si Maxine."H-hindi ko pa alam?"utal na sagot niya. Hindi pa rin niya alam kung mapagkakatiwalaan ba talaga niya si Alfred. At bakit siya hinahanap? Kahit na kanina ay gusto niya itong makausap, kinakabahan pa rin siya kung bakit bigla na lamang itong gusto siyang makita. "You don't know and yet... you let him contact you and meet you... right now?" Gumuhit ang mga gitla sa noo ni Maxine na tumingin kay Craig. He was like a jealous boyfriend, kung hindi niya lang alam kung saan siya lulugar ay iyon ang iisipin niya sa ikinikilos nito ngayon. "He help me..." sagot niya. "Si Alfred ang nagdala sa akin sa hospital when l needed someone to do it," madiin niyang saad na lalong nagpadilim sa mukha ni Craig. Alam nitong ito ang pinaparinggan niya. Kinailangan niya ito pero nasaan ito? Magsisi man ito ngayon
Hindi maipagkakaila ang gulat sa itsura ni Maxine sa naging pahayag ng matanda nang makita ang kasamang lalaki. Bakas sa mukha niya ang pagkalito. Magkakilala ba ang mga ito?"Son of a bìtch!" malaki ang ngisi sa mukha ng matandang Samaniego. Nangingislap ang mga mata na tila ba nagugustuhan ang nakikita. Masayang masaya ang itsura nitong muling napamura. Hindi na bago kay Maxine ang ugaling iyon ng matanda. Palamura talaga ito lalo na kapag galit o kaya ay sobrang masaya ito.Maging si Alfred ay nakangisi at mukhang nagagalak. "Hindi ko iyan itatanggi Don Felipe. After all I'm really a bitch's son. How are you?" Natatawang saad naman nito nang makaharap na ang matandang Samaniego.Lumapit si Alfred sa matanda. Nakipagkamay ito na malugod naman na tinanggap ng matandang Samaniego. Nagtatakang nakamasid pa rin si Maxine sa mga ito bukod sa sigurado siyang magkakilala nga ang mga ito batay sa mga ikinilos ng dalawang lalaki."Good, good! Especially that I see you today, Al," ani pa ng
Pinandilatan niya ng mga mata si Craig bilang babala. He is acting weird at para sa kanya, isang kabaliwan ang ikinikilos nito ngayon. Lalo na sa harap pa ng lolo nito at siyempre, sa babaeng sinasabing gusto nito. Nakasunod kasi si Sofia sa lalaki at kitang kita niya ang asim sa mukha nito. Hindi nito nagugustuhan ang nasasaksihan. Ang weird lang sa pakiramdam niya. Mas sanay pa yata siyang binabalewala ni Craig kaysa ang kumilos ito ng hindi naaayon sa harap ng ibang tao."Craig, give me my coffee here," tawag naman ng lolo nito kaya nang akmang magsasalita pa si Craig ay napatigil na lamang. Binalingan nito ang lolo at walang magawa kundi ang humakbang palapit dito dala ang tray ng kape. Ito na rin ang nag-abot ng tasang may laman na kape."Careful, Lo, it's hot," aniya. Ngunit inirapan lamang siya ng abuelo.Dinala ng matanda ang tasa sa bibig. Humigop ito ngunit agad din naman nitong naibuga ang laman ng bibig sa tasa. Napangiwi ito."I told you, it's hot, Lo," tila paninisi niya
Muling tumikhim si Craig. Nakuha naman ang atensiyon ni Maxine sa pagtikhim niyang iyon. Kusang gumalaw ang kamay nito at hinila mula sa pagkakahawak ni Alfred Nahihiyang napangiti na lamang si Maxine nang ma-realize ang naging aksiyon. "I'm sorry," hinging paumanhin nito kay Alfred.Napatango-tango naman si Alfred. Hindi siya bobo para hindi mahalata ang namamagitang tensiyon sa babae at sa lalaking kaharap niya. "Let's get to the point, Mr. Chua," aniya ni Craig na ikinahalakhak ni Alfred. Mas lalong naging lukot ang mukha ni Craig sa biglang paghalakhak ng lalaki. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinagtatawanan siya. "Is it funny flirting around while we have this big problem?" hindi niya mapigilang saad. Nakuyom niya ang kamaong nasa bulsa. Tumigil naman sa pagtawa si Alfred ngunit hindi pa rin natanggal ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi. Umayos ito ng upo. Pagkatapos ay may kinuhang papel mula sa loob ng leather jacket na suot. Medyo lukot ang makapal na papel na iyo
Tumayo ang matandang Samaniego. Nagpatiuna itong maglakad na siyang inalalayan ni Alfred. Natural na sa lalaki ang tila maging guwardiya sa sinoman. Sa pagiging agent niya ay lumalabas ang pagiging protective niya, lalo na sa taong tumulong sa kanya noong kinakailangan niya ng masasandalan. Ang matandang Samaniego ang naging sponsor niya sa pag-aaral simula noong mamatay ang kanyang ama at hindi siya tanggapin ng pamilya nito—ang madrasta at mga kapatid niya sa ama. Nang malaman niyang ang target ni Mr Smith ay ang kompanya nito ay agad siyang umaksiyon. It's not easy for him. Kailangan niyang pumasok sa illegal na gawain para lang mapaniwala ang matandang dayuhan na isa siyang masamang taong kakapit dito dahil sa pangangailangan. Eventually, kinuha siya nito bilang kanang kamay nang mahuli ang dating pinagkakatiwalaan nito ng mga pulis. It was a trap they set. Pinalabas nilang traydor ang kanang kamay nito noon. He then killed him just to prove that he's ready to do anything for Mr
Hinila ni Maxine ang kaibigan sa kanyang opisina at isinara ang pinto. Nang sila na lamang ay hinarap niya ito. Hindi man siya magtanong ay kita naman iyon sa mukha niya, hinihintay lamang niya itong magpaliwanag sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay nang tila umasta itong walang alam. Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang mistulang binalewala siya. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan ha, Max..." sabi nitong pilit na umiwas sa kanya. Pero hinawakan niya ito sa balikat at muling hinuli ang mga mata nito."You know him right? Tell me, I want to know?"Sa una ay nakipagmatigasan pa ito sa kanya habang tikom ang bibig. Ngunit ito rin naman ang sumuko. Hindi niya inaasahan na bigla itong mapapaluha at iiyak. "Oo na, sige na!" saad nitong lalo niyang ikinalito. Tila may inaamin ito pero hindi maliwanag. Nagulat siya nang bigla itong umupo. Tinakpan ang mukha ng mga kamay at ang balikat nito ay yumugyog dahil sa pag-iyak. She was sobbing continously, hiccupping at the same time. Namumula a
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan
Dahil hindi natuloy ang pagpunta nila sa designer ng damit noong nakaraan ay ngayon sila may panahon mapuntahan iyon. Kasama ni Maxine si Sharon dahil biglang may mahalagang meeting si Craig. 'I'm sorry, Max, promise, I'll be there later. Hahabol ako sa inyo' Bago siya umalis ay sabi ni Craig. Halatang gusto siya nitong samahan pero siyempre, mahalaga pa rin ang role nito sa kompanya.Pagkatapos nitong sabihin ang tungkol sa pagligtas ng ina niya sa lalaki ay matagal bago niya iyon naproseso sa kanyang isip. Pero mas naging proud siya sa kanyang ina. Dahil nagawa nitong iligtas ang lalaking minahal niya. Hanggang doon lamang ang sinabi ni Craig. Hindi pa siya handang aminin sa babae na ang dahilan kung bakit namatay ito ay dahil rin sa kanya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Maxine. Ngayon pa lamang, nahirapan na siya dito. Sa mas malalim pa kayang katotohanan? Natatakot siyang kasuklaman siya ng babae. Kahit sabihin na hindi naman niya ginusto ang mga nangyari at nadamay lam
Isang buwan pa ang nakalipas. Medyo may umbok na sa tiyan ni Maxine pero hindi pa naman gaanong kahalata. She's living the life she always wanted. Unti-unting nababago ni Craig ang pananaw niya dito. Pinapatunayan nito ang sarili sa kanya.Walang paltos si Craig sa pag-aalaga sa kanya. Maging sa mga check ups niya ay naroon ito. Sa paningin na nga niya ay nagiging husband material na ito. Pero siyempre, ayaw niyang pakasiguro. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng isang daang porsyentong pag-asa. Ayaw niya pa rin masaktan.Waking up beside him was everything. Nagigising siya sa umagang laging nakayakap ito sa kanya. Maging ang amoy nito ay kabisado na niya. Kaya kahit nakatalikod siya at paparating ito ay alam na alam niya. Wala ng mahihiling pa si Maxine. Parang nananaginip pa rin siya dahil pangarap lamang niya noon si Craig. Lihim na minamahal. Pero heto ngayon. Kasama niya. It all started with a contract being his bed warmer. Ngayon, aabot nga kaya sila sa isa na namang kontrata? K
Madilim pa rin ang mukha ni Craig nang pumasok siya sa coffee shop kung saan niya nakita sila Maxine at ang Dela Paz na iyon.Hindi nawala sa isip niya ang nasaksihan kanina, kung paano ngumiti ang Dela Paz na iyon dahil sa presensiya ni Maxine. Maging ang nahihiyang itsura ng babae habang inabot nito ang isang kahon.Napasulyap siya sa kahon na nasa mesa. Mukhang iniwanan iyon ng Dela Paz na iyon. "Craig...magpapaliwanag ako..." Saad ni Maxine sabay kuha sa kahon na iyon. Tumayo si Maxine mula sa kinauupuan. Marahan naman niyang inabot ang kamay nito at hinila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinokontrol niya ang sariling emosyon dahil baka sumabog siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil nasa matao silang lugar. 'Patience Craig. Patience!' Paalala niya iyon sa sarili. Iyon ang gusto niyang gawin kahit na halos bulkan ng gustong pumutok ang galit niya.Hinila niya si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pilit niyang ikinubli ang damaged ng sasakyan sa mga mata ni Maxine. Buti na lamang
"Hindi pa ba dumadating si Craig, Max?" Dumungaw si Sharon sa kanyang opisina. Kanina pa nito tinatanong kung susunduin ba siya ni Craig. Ngumiti siya. "Sabi niya ay hintayin ko siya, Sharon. Kung may pupuntahan ka, go na. Baka mainip ang date mo," sabi niyang nagbibiro lang naman. Pero nang makitang namula ang kaibigan ay napatunayan niyang meron nga itong mahalagang pupuntahan kaya tanong nang tanong. Lumapit ito sa kanyang mesa. "Nag-aalala ako, baka hindi siya makabalik agad. Okay ka lang bang maghintay dito?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Sha, buntis lang ako. Hindi may sakit. Huwag kang mag-alala sa akin. May ginagawa pa ako kaya hihintayin ko na si Craig."Napalabi ito. "Sure ka ha? Basta kapag hindi siya dumating tawagan mo ako. Lilipad ako para mapuntahan ka..."Mas lumawak ang pagkakangiti ni Maxine. Magagawa niya bang sirain ang date ng kaibigan? Pero siyempre kunwaring napatango na lamang siya para hindi ito ma-guilty na iwanan siya. Simula noong mabuntis siya at napagta
"Max, do you want Japanese food?" tanong ni Craig kay Max. Galing ito sa sariling opisina. Magtatanghali na kaya gusto niyang tanungin ito kung anong kine-crave na pagkain ng babae. "Kahit ano, Craig," sagot ng babae. Tumaas ang kilay niya dito. Ang 'kahit ano' nito ay whether she likes it or not. Pero usually, ayaw nito kaya tinatanong niya ito ng maigi.Lumapit siya dito. Hindi man lamang kasi siya nagawang tingnan nito. Masyadong abala ito sa ginagawa. Kaharap nito ngayon ang computer at ngayon nga ay nakatutok ang mga mata roon. Ni hindi nga siya napansin na nakalapit na.Pumuwesto siya sa gilid nito at dumungaw sa ginagawa. She's busy with the project with the Dela Paz."Still not finalized?" Napapansin niyang lagi nitong nire-revised ang ilan sa mga detalye. Ayaw na sana niya itong magtrabaho pero mapilit ito. Sabagay, meron namang go signal ang doctor na puwede itong magtrabaho. On moderation nga lamang. Walang stress dapat."I'll meet with Sergio the next day. This will be th