"And why is that?" Salubong ang kilay ni Craig habang mas lalong naging mataman ang titig kay Maxine. Maging ang paraan ng pagtatanong nito ay kakaiba ang tono. Hindi naman mapakali si Maxine."H-hindi ko pa alam?"utal na sagot niya. Hindi pa rin niya alam kung mapagkakatiwalaan ba talaga niya si Alfred. At bakit siya hinahanap? Kahit na kanina ay gusto niya itong makausap, kinakabahan pa rin siya kung bakit bigla na lamang itong gusto siyang makita. "You don't know and yet... you let him contact you and meet you... right now?" Gumuhit ang mga gitla sa noo ni Maxine na tumingin kay Craig. He was like a jealous boyfriend, kung hindi niya lang alam kung saan siya lulugar ay iyon ang iisipin niya sa ikinikilos nito ngayon. "He help me..." sagot niya. "Si Alfred ang nagdala sa akin sa hospital when l needed someone to do it," madiin niyang saad na lalong nagpadilim sa mukha ni Craig. Alam nitong ito ang pinaparinggan niya. Kinailangan niya ito pero nasaan ito? Magsisi man ito ngayon
Hindi maipagkakaila ang gulat sa itsura ni Maxine sa naging pahayag ng matanda nang makita ang kasamang lalaki. Bakas sa mukha niya ang pagkalito. Magkakilala ba ang mga ito?"Son of a bìtch!" malaki ang ngisi sa mukha ng matandang Samaniego. Nangingislap ang mga mata na tila ba nagugustuhan ang nakikita. Masayang masaya ang itsura nitong muling napamura. Hindi na bago kay Maxine ang ugaling iyon ng matanda. Palamura talaga ito lalo na kapag galit o kaya ay sobrang masaya ito.Maging si Alfred ay nakangisi at mukhang nagagalak. "Hindi ko iyan itatanggi Don Felipe. After all I'm really a bitch's son. How are you?" Natatawang saad naman nito nang makaharap na ang matandang Samaniego.Lumapit si Alfred sa matanda. Nakipagkamay ito na malugod naman na tinanggap ng matandang Samaniego. Nagtatakang nakamasid pa rin si Maxine sa mga ito bukod sa sigurado siyang magkakilala nga ang mga ito batay sa mga ikinilos ng dalawang lalaki."Good, good! Especially that I see you today, Al," ani pa ng
Pinandilatan niya ng mga mata si Craig bilang babala. He is acting weird at para sa kanya, isang kabaliwan ang ikinikilos nito ngayon. Lalo na sa harap pa ng lolo nito at siyempre, sa babaeng sinasabing gusto nito. Nakasunod kasi si Sofia sa lalaki at kitang kita niya ang asim sa mukha nito. Hindi nito nagugustuhan ang nasasaksihan. Ang weird lang sa pakiramdam niya. Mas sanay pa yata siyang binabalewala ni Craig kaysa ang kumilos ito ng hindi naaayon sa harap ng ibang tao."Craig, give me my coffee here," tawag naman ng lolo nito kaya nang akmang magsasalita pa si Craig ay napatigil na lamang. Binalingan nito ang lolo at walang magawa kundi ang humakbang palapit dito dala ang tray ng kape. Ito na rin ang nag-abot ng tasang may laman na kape."Careful, Lo, it's hot," aniya. Ngunit inirapan lamang siya ng abuelo.Dinala ng matanda ang tasa sa bibig. Humigop ito ngunit agad din naman nitong naibuga ang laman ng bibig sa tasa. Napangiwi ito."I told you, it's hot, Lo," tila paninisi niya
Muling tumikhim si Craig. Nakuha naman ang atensiyon ni Maxine sa pagtikhim niyang iyon. Kusang gumalaw ang kamay nito at hinila mula sa pagkakahawak ni Alfred Nahihiyang napangiti na lamang si Maxine nang ma-realize ang naging aksiyon. "I'm sorry," hinging paumanhin nito kay Alfred.Napatango-tango naman si Alfred. Hindi siya bobo para hindi mahalata ang namamagitang tensiyon sa babae at sa lalaking kaharap niya. "Let's get to the point, Mr. Chua," aniya ni Craig na ikinahalakhak ni Alfred. Mas lalong naging lukot ang mukha ni Craig sa biglang paghalakhak ng lalaki. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinagtatawanan siya. "Is it funny flirting around while we have this big problem?" hindi niya mapigilang saad. Nakuyom niya ang kamaong nasa bulsa. Tumigil naman sa pagtawa si Alfred ngunit hindi pa rin natanggal ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi. Umayos ito ng upo. Pagkatapos ay may kinuhang papel mula sa loob ng leather jacket na suot. Medyo lukot ang makapal na papel na iyo
Tumayo ang matandang Samaniego. Nagpatiuna itong maglakad na siyang inalalayan ni Alfred. Natural na sa lalaki ang tila maging guwardiya sa sinoman. Sa pagiging agent niya ay lumalabas ang pagiging protective niya, lalo na sa taong tumulong sa kanya noong kinakailangan niya ng masasandalan. Ang matandang Samaniego ang naging sponsor niya sa pag-aaral simula noong mamatay ang kanyang ama at hindi siya tanggapin ng pamilya nito—ang madrasta at mga kapatid niya sa ama. Nang malaman niyang ang target ni Mr Smith ay ang kompanya nito ay agad siyang umaksiyon. It's not easy for him. Kailangan niyang pumasok sa illegal na gawain para lang mapaniwala ang matandang dayuhan na isa siyang masamang taong kakapit dito dahil sa pangangailangan. Eventually, kinuha siya nito bilang kanang kamay nang mahuli ang dating pinagkakatiwalaan nito ng mga pulis. It was a trap they set. Pinalabas nilang traydor ang kanang kamay nito noon. He then killed him just to prove that he's ready to do anything for Mr
Hinila ni Maxine ang kaibigan sa kanyang opisina at isinara ang pinto. Nang sila na lamang ay hinarap niya ito. Hindi man siya magtanong ay kita naman iyon sa mukha niya, hinihintay lamang niya itong magpaliwanag sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay nang tila umasta itong walang alam. Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang mistulang binalewala siya. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan ha, Max..." sabi nitong pilit na umiwas sa kanya. Pero hinawakan niya ito sa balikat at muling hinuli ang mga mata nito."You know him right? Tell me, I want to know?"Sa una ay nakipagmatigasan pa ito sa kanya habang tikom ang bibig. Ngunit ito rin naman ang sumuko. Hindi niya inaasahan na bigla itong mapapaluha at iiyak. "Oo na, sige na!" saad nitong lalo niyang ikinalito. Tila may inaamin ito pero hindi maliwanag. Nagulat siya nang bigla itong umupo. Tinakpan ang mukha ng mga kamay at ang balikat nito ay yumugyog dahil sa pag-iyak. She was sobbing continously, hiccupping at the same time. Namumula a
Nang makababa sila ay naratnan na lamang nila sina Alfred at ang matandang Samaniego na naghihintay. Napalinga siya ng pasimple upang hanapin si Craig ngunit wala ito. Nawala kasama si Sofia. Akala niya ay mararatnan rin nila ang mga ito doon. "Don't look for him, Max. Ang gagò ay bigla na lang umalis!" medyo galit na saad ng matanda. Hindi nito nagustuhan ang pagsuway ng kaisa-isang apo. Basta na lamang kasi itong umalis na hindi man lamang nagawang magpaalam. Like he was in a hurry. At kasama pa nito ang babae kanina sa opisina. Napabuntong hininga ito ng malalim. "Let's head to our table. They set it up already," yaya nito. Itinuro ang loob kung saan ay for VIPs. Hindi na rin nagyaya ang matanda sa labas kumain. Minabuti nitong tangkilikin ang mga restaurant na nasa loob ng kanyang kompanya. At dahil malapit na rin ang off ng ibang empleyado ay hindi na ganoon karami ang tao roon. Mamaya pa ang datingan ng mga night shift.Pinilit na ngumiti ni Maxine. It was the first time na s
Napatigil si Hannah sa pagsugod. May bigla kasing yumakap sa babae at iniharang ang katawan nito sa babae. "How ironic, hindi lang pala kay Mr. Smith ka dapat protektahan. Even here, you need my protection..."Lalong nanggalaiti sa galit si Hannah sa narinig na kataga mula sa lalaki. Pero naitulos na lamang siya sa kinatatayuan at hindi nakapagsalita. Lalo na noong humarap na ang lalaki sa kanya. Hindi man magsalita ang lalaki ay alam niyang mapanganib ito. Nakakatakot ang mga mata nitong ipinukol sa kanya. "Is this how employees act, here? Akala ko ay sinasala ang mga empleyado dito. Bakit may mga empleyadong umasta ay parang galing sa baryo?""W-what?" nauutal na saad ni Hannah. Nanginig siya dahil sa paraan ng titig ng lalaking kaharap. Mabigat na para bang anumang oras ay kayang baliin ang leeg niya. "B-baryo?"Gusto niyang bulyawan ang lalaki. Gusto niyang ipamukha dito kung sino ang taga-baryo sa kanila ni Maxine. Gusto niyang makaganti sa babae dahil napahiya siya! Nagawa siy
IMBES na sa bahay ni Craig ay sa hospital nila dinala si Craig. Nawalan ito ng malay dahil sa matinding pananakit ng ulo. Mabilis itong nadaluhan ng mga doctor at agad na ginawa ang mga kaulkukang mga test para masuri itong mabuti. Natawagan na rin niya ang una ng lalaki oara ipaalam ang kalagayan nito."Max..." Napatayo siya nang makita sa pasilyo ng hospital ang mama ni Craig. Nakagat niya ang ibabang labi niya nang makita ang mukha nitong labis sa pag-aalala. Lalo at hindi lamang ito ang naroon. Maging ang matandamg Samaniego ay kasama nito. Hindi na niya ito sinabihan dahil ayaw niyang mag-aalala din ito lalo na dahil matanda na ito. Baka makaapekto sa kalusugan nito iyon. "How's my son, Max?" naluluhang tanong ni Mrs. Samaniego. Hinawakan nito ang kamay niya. Parang sa kanya kumuha ng lakas. Naiintindihan niya ang takot nito dahil nag-iisang anak nito si Craig."Narinig ko ang nangyari sa party. Dahil ba ito doon?" tanong naman ng matanda. Kababanaagan ng galit ang mga mata
Napasabunot sa buhok si Craig. Ang mga mata niya ay naluluha hindi lang dahil sa matinding sakit ng ulo kundi sa silaw na dala ng mga flashes ng camera. Hindi niya alam ang gagawin. May bumabalik sa balintataw niyang alaala. Malabo iyon. He's in panic mode. At ramdam iyon ni Maxine. "Craig?" Lumapit siya sa lalaki. Hinawakan niya ang kamay nito. Laking gulat niya nang makapang malamig ang kamay nito at namamawis. Halata din ang butil-butil na pawis nito sa noo. Maging siya ay kinabahan sa nakikitang kalagayan ng lalaki. Napalinga-linga siya para maghanap ng kung sinong makakatulong sa kanila. 'Where's Sofia? Bakit biglang nawala ito?'"I can't breathe," anas nitong nahihirapan. Ang isang kamay nito ay napayakap sa kanya. Habang sapo pa rin nito ang ulo. Bahagyang nakasabunot sa buhok nito. Ang buong bigat nito ay naging pasan niya. Muli niyang pinagala ang kanyang ulo. That time, nakasalubong ng mga mata niya si Alfred. Agad naman nitong nakuha ang ibig sabihin ng tingin niyang i
Tutok na tutok naman ang mga mata ni Maxine habang nag-i-speech ang matandang Dela Paz. Hanggang sa tila gumawi ang mga mata nito sa bandang likod. Hindi niya alam kung guni-guni lamang niya pero sa ilang beses na sumulyap ito sa gawi nila ay alam niyang sadya ang pagbaling nito ng tingin. May pagtataka siyang bumaling sa kasama. Pakiwari niya ay kay Sergio tumitingin ang matanda. "I want to make a toast for the new management. For our new business partners and new projects on the way. Let's make a better future for our graduates in making businesses that will cater to them..."Nagpalakpakan ang lahat dahil sa paunang speech ng matanda. Iisa lang naman ang layunin ng lahat. At tama ang matandang Dela Paz, they are making sure na nake-cater nila ang mga bagong graduates at the same time, mga taong nais magtrabaho kahit na matanda na. That's why their businesses are good for partnership dahil iisa lang ang layunin nila. They both explore different businesses as well. If their companies
Nanlaki ang mga mata ni Maxine nang tuluyang makalapit sa kanya ang taong iyon. "Where have you been? Kanina pa ako paikot-ikot para hanapin ka!" Nagmamaktol sa ika nito. "Sumakit na ang paa ko kahahanap sa iyo.""Sha, what are you doing here?" Hindi naman makapaniwalang tanong ni Maxine sa kaibigan. Ngumiwi ito bago tuluyang sumimangot."Well, may nakakita sa akin at kinidnap ako! Akala ko kung saan ako dadalhin, dito lang pala," aniyang umirap pa sa ere. "What are you saying? It's not funny. Ikaw ang bigla na lang sumakay sa sasakyan ko at sumama dito," sabi naman ng lalaking biglang lumitaw sa gilid. Lalong hindi makapaniwala ang itsura ni Maxine. Napanganga pa siya at halos lumuwa ang mga matang tiningnan si Sharon. Lalong umirap ito at bubulong-bulong. "Max, paki-close ang bunganga mo, please. Baka pasukan ng langaw," mataray na sita nito sa kanya. "Magkasama kayo?" may panunuksong saad niya. Paano ay si Alfred lang naman ang kasama nito ngayon. Hindi niya alam kung paano na
"She's okay. I gave her injectable medicine for her allergy so she will recover soon," aniya ng babaeng tumingin kay Maxine pagkatapos nitong mahirapang huminga at mahimatay."Thanks," pasasalamat ni Craig sa babaeng nakilala niyang si Yvonne. Kasama rin sa kuwartong iyon si Aivan at Sofia. They all rush to them nang makitang pangko niya si Maxine na walang malay. Ang balat nito ay puno ng pantal na pula at halos habulin nito ang hininga. Her throat was swollen that she can't breathe easily. Nakuyom ni Craig ang kamao nang maalala ang nangyari kanina. Sinundan niya ang babae dahil napansin niya ang pamumula ng balat nito sa leeg. Wala siyang balak na milagro dito. He's just checking her. Medyo sumobra lamang talaga siya dahil sa hindi mapangalanang damdamin. He just wants to check her out because she drank alcoholic drink. Kung bakit pinaniwalaan niya itong nakaunom talaga ng gamoy. Kung hindi lamang niya napansin ang mga pantal niyo ay baka huli na ang lahat. Kung hindi niya ito si
Nagdilim ang mukha ni Craig. May damdaming gustong sumabog sa pagkatao niya. Hindi niya alam kung ano iyon. Basta ang alam niya, ayaw niya ang nakikita. Kung kay Alfred ay nato-tolerate pa niya ang presensiya ng lalaki. Kay Sergio ay hindi. Parang gusto niyang mawala sa mundo ang lalaki. Kung madali lang sanang gawin iyon ay baka sa isang iglap ay wala na ito sa landas niya.Bumaling siya kay Sofia. Ngumisi siya at nginitian ito. Parang hindi na maipinta ang hilatsa ng mukha ng babae. Mabuti na lamang at naroon ito. Maitatago niya ang hindi mapangalanan na damdaming kumakain sa kanya ngayon. Mabilis na bumaba ang mukha niya at walang sabi-sabing hinalikan si Sofia sa labi. Habang sa gilid ng mga mata niya ay kita niya ang pagbaling sa kanila ni Maxine. Sinadya niyang halikan si Sofia. Alam na alam niya ang magiging reaksiyon ni Maxine. At nang nag-iwas ito ng tingin sa kanila ay nagbunyi ang kalooban niya. 'That's it. Make her jealous.' Sabi ng isip niya habang pinapalalim ang ha
Mabilis na tumalikod si Maxine nang biglang bumaling sa kanya si Aivan. Agad siyang sumabay sa paglalakad ni Sergio. Hindi maipagkakaila sa kanya na hindi siya gusto ng mga kaibigan ni Craig. Hindi lang isang beses niyang narinig na nilait siya ng mga ito. Not directly in front of her face pero ramdam niya ang disgusto sa kanya ng mga ito. Kung anong dahilan ay wala siyang alam. Habang naglalakad ay may lumapit na muli sa kanilang waiter. "Wine, Sir, Mam?"Akma pa lamang siyang kukuha nang pigilan ni Sergio ang kamay niya. "The wine you have a while ago will be your first and last, Miss Beautiful," bulong na saad ni Sergio sa kanya. Napakunot ang noo niyang napatingin dito. Tense na tense ang pakiramdam niya simula pa kanina. Hindi kasi maipagkakailang bawat galaw niya ay pinagmamasdan ni Craig. Para siyang kriminal na binabantayan bawat kilos niya. Na kahit malayo na sila sa mga ito ay ramdam niya pa rin ang mga mata nitong mabibigat na nakatitig sa kaniya. Idagdag pa ang pagdat
"Craig, Hon?" pukaw ni Sofia sa atensiyon ni Craig. Agad naman na binalingan ni Craig ang babae. Ngunit hindi pa man nagtatagal ang tingin kay Sofia ay lumipad muli ang mga mata niya sa dalawa. Nagsalubong ang mga kilay niya nang tila masayang humahalakhak ang lalaking kasama ni Maxine.Doon nakaramdam ng matinding pagpupuyos sa dibdib si Sofia. Siya nga ang kasama pero halatang ang buong atensiyon ng fiancee ay sa ibang babae. "Hon," muling tawag niya dito. Umangat ang kamay niya sa mukha ng lalaki. Ibinaling niya ang mukha nito sa kanya. "Are you even listening to me? Kung hindi ay uuwi na lang ako," hindi niya mapigilang maktol. Hindi pa man nag-uumpisa ang party ay sirang sira na ang gabi niya. Ginawa pa naman niya ang lahat para siya ang isama ng lalaki pero kung alam lamang niyang mababalewala siya ng ganoon ay hindi na lamang siya sana nagpumilit pa.'It's not your fault! Kung hindi sana pumunta ang Maxine na iyon ay maayos ang lahat. Kasalanan niya!' ika ng boses sa loob n
Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sa lalaki na ngayon ay palapit na sa gawi nila ni Sharon. Ngumiti sa kanya ang lalaki."How are you? I need to apologize again. Nagmamadali kasi ako kanina..."Marahas siyang umiling. "I am really fine. And it's not your fault anyway, wala din kasi ako sa aking sarili kanina kaya nangyari iyon," amin niya. Ang lalaking ngayon na nasa harapan nila ay ang lalaking muntik nang nakabangga kanina sa kanya. Ibang iba ang itsura nito ngayon. With his suit na mukhang mamahalin ay nagmukha din itong mamahaling tao. Naging kapantay ni Craig sa estado. Maging sa itsura nito ay halos magkasingkisig lang ang dalawa. Kung hindi niya lamang hawak ang calling card nitong nagsasabing secretary ito ay aakalain niyang nagmula ito sa prominenteng pamilya katulad ng mga Samaniego. "To make it up to you, can I invite you to accompany me to this party," tanong nitong ikinanlaki ng mga mata niya lalo. Maging ni Sharon at ng ibang naroon. Nakuha nila ang atensi