Kung masakit na at sobra na, hindi na kailangan pang magtiis. Bakit kailangan ipaglaban ang wala ka naman ng laban. Hindi ba mas magandang bumitiw na lamang? Less sakit. Sa una lang talaga masakit pero masasanay rin. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Maxine sa sarili.Hindi na nagkausap pa si Maxine at Craig maging kinabukasan. Lunes ng umaga ay maagang pumasok si Craig sa kompanya. He wanted to talk to her. Siguro naman ay humupa na ang galit nito. "Good morning, Sir," bati ng mga nakakasalubong na empleyado. Gamit ang seryosong mukha ay bumati siya pabalik."Good morning," aniya. Nagtataka kung bakit may panakaw tingin ang mga ito sa kanya pagkatapos."Congratulations, Sir," dagdag na bati ng mga ito na lalong ipinagtaka niya. "For what?"Nagkatinginan ang mga bumati. Parang nalito na rin ang mga ito dahil sa naging reaksyon niya. "Sorry, Sir, never mind na lang po," sabi ng isa na agad umiwas. Parang napaso na lang bigla.Seryoso siyang lumulan sa elevator nang walang sinuman
Craig was stunned for a moment. Hindi niya akaling magagawang mag-resign ni Maxine. Nilamukos niya ang envelope na may lamang resignation letter ni Maxine. Gaya ng sabi niya, hindi pa sila tapos. Hindi basta-bastang palalayain niya ito. Not this time that his grandfather pushed their relationship into something romantic. Kilala niya ang lolo niya. Si Maxine ang huling strand ng tali para hindi siya nito tuluyang itakwil. Habang nasa kompanya si Maxine ay hanggang banta lang ang lolo niya sa kanya. Hindi siya magagawang paalisin sa kompanyang siya na ang namalakad simula noong mamatay ang kanyang ama at magretiro naman kanyang lolo. Maxine needs to stay no matter what. Mabilis siyang lumabas sa elevator. Nagtuloy tuloy siyang naglakad. Malalim ang kanyang iniisip lalo na at si Maxine ang bumabagabag doon kaya hindi niya napansin si Sofia na agad tumayo mula sa desk nito nang makita siya. Malawak ang ngiti sa mga labi ng babae. Bumuka ang bibig para sana bumati pero ni hindi niya naga
Ibinaba ni Maxine ang telepono. Kanina pa siya nakikinig sa usapan nila Sofia at Craig. Tinawagan siya ni Sofia bago pa man dumating si Craig sa kinaroroonan nito. Sa una ay humihingi ito ng tawad. Hindi niya gustong patulan ang babae dahil alam niyang isa lamang sa taktika nito iyon para mawala siya at tuluyang maging kanya si Craig. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit nito sa kanya? Dahil ba sa inggit? At ano naman ang ikai-inggit nito sa kanya? Dapat pa nga ay siya ang mainggit dahil ang lalaking mahal niya ay sa babae magpapakasal. Mapait siyang napangiti. Hindi niya magawang humakbang habang hilam ng luha ang mga mata. Sinabi niyang hindi na siya masasaktan pa kahit anong gawin o sabihin ni Craig, pero tao pa rin siya. Tanggap man niyang hindi siya kailanman mamahalin ni Craig at titignnan gaya ng pagtingin niya rito, masakit pa rin ang narinig niya mula dito. She's not special. Espesyal lang talaga siya kapag nakabuka ang kanyang mga hita dito. Espesyal pa
"ELEOREPH, Dali, the documents kailangan na rito!"Hindi magkandaugaga si Eleoreph nang malakas na tawagin ang pangalan niya. Dala ang mga folder ay dali-dali siyang lumapit sa kanyang boss. Malapit na siya nang bigla ay matisod siya sa sariling paa. "Oh, Shit!" bulalas niya nang mabitiwan ang mga folder at sumambulat iyon sa sahig. Napahilot na lamamg sa sentido ang boss niyang nakaupo kasama ang ka-meeting na kliyente. "I'm sorry, Mr. Sanchez..." "Oh, never mind that, Sergio..." tumatawang saad ng ka-meeting nila. Imbes na mainis ay parang ikinatuwa pa ang pagiging payaso ni Eleoreph sa harapan nila.Nang mapulot lahat ng lalaki ang mga dala ay naupo na ito sa tabi ng kanyang boss. Humingi din muna ng paumanhin bago nito ibigay ang kinakailangang dokumento. "Let's start," aniya ni Sergio. Sinulyapan si Eleoreph at sinenyasan na buksan ang laptop para ipakita ang presentation kay Mr. Sanchez. Naging mabilis ang meeting nila. Nagagalak si Mr. Sanches sa kinalabasan ng pag-uusap
Dalawang oras pa bago ang sinabing oras ni Craig kaya naman nagawa pang mahiga ni Maxine upang magpahinga. Ilang araw na siyang walang saktong tulog dahil sa mga agam-agam na kumakain sa pagkatao niya. Fear, anxiety, sadness, tiredness...Hindi na niya alam kung saan niya ilulugar ang mga iyon sa buhay niya. Ayaw niyang maranasan iyon at pilit niyang nilalabanan. Pero minsan talaga, basta ka na lang kakainin ng mga iyon. Kung buhay siguro ang kanyang ina, masasabihan siyang max siya sa kabobohan. Max siya sa katangahan dahil hinayaan niyang mangyari sa kanya iyon. Mulat na mulat ang mga mata niyang nakatitig sa kisame. Hanggang sa mapapikit na lamang siya at gupuin ng antok. Ngunit wala pang tatlumpong minuto na idlip ay naalimpungatan na siya sa sunod-sunod na doorbell. Nagtataka siyang bumangon dahil wala naman siyang inaasahan na delivery kung delivery man iyon. "Sino naman kaya ito?" bubulong bulong na saad niya. Inayos niya ang roba sa katawan bago puntahan ang pinto. Sigurado
You're beautiful. Katagang pangalawang beses niyang narinig sa araw na iyon. Bigla ay naalala niya ang lalaking muntik makabangga sa kanya. Sinabihan din siyang maganda nito. Lalo na ang mga mata niya."I just don't know why you hide the woman you really are, Max. Dahil sa totoo lang, mas maganda ka pa sa iba." Lumapit sa kanya si Sharon. Hinawakan nito ang baba niya saka itinaas nang tumungo siya. Ayaw niyang tumitig sa mga mata ng kaibigan. Nahihiya siya. "You should hold your head high dahil may ipagmamalaki ka. You're brainy and beautiful. At iyon ang dahilan bakit kinaiinggitan ka," pagpapalakas nito sa loob niya.Tipid siyang napangiti. Humugot siya nang malalim na hininga bago tuluyang kumalma. Tama ito, she needs to embrace the fact that she's beginning to change. Again. Magbabago siyang muli para sa sarili niya. "Alam mo, naiinggit ako sa iyo." Nagulat si Max sa inamin ng kaibigan. "Pero hindi inggit na may laman na hindi maganda. Naiinggit ako kasi, ang ganda-ganda mo pero
Gusto niyang tumanggi sa gustong mangyari ni Sharon pero nagdalawang isip siya. Tama ito, masasayang lamang ang ginugol nitong oras sa kanya. Baka nga puwede naman talaga siyang makadalo. Iisa lang din naman ang pakay niya doon at pakay ni Craig. Ang muling makausap ang apo ng matandang Dela Paz na siyang bagong tagapamahala ng kompanya ng mga ito.'I'm looking forward to meeting you again after five years...' boses sa isip niya. Iyon ang pinanghahawakan niyang salita mula rito. Limang taon na rin pala talaga ang nakararaan.Halos nakalimutan na niya ang sinabing iyon ng apo ng matandang Dela Paz noong may pagkakataong makausap niya ito. Papunta ito noon sa America para mag-aral. At ang party na iyon ang unang beses na haharap ito sa mga mata ng publiko. Maybe he is really successful now. Handa na rin ito ngayon sa pamamahala sa kompanya ng mga ito.Dela Paz owns luxury hotels and restaurants. Kung matutuloy ang collaboration ng kompanya nila at ng mga ito, they will gain millions. No
Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sa lalaki na ngayon ay palapit na sa gawi nila ni Sharon. Ngumiti sa kanya ang lalaki."How are you? I need to apologize again. Nagmamadali kasi ako kanina..."Marahas siyang umiling. "I am really fine. And it's not your fault anyway, wala din kasi ako sa aking sarili kanina kaya nangyari iyon," amin niya. Ang lalaking ngayon na nasa harapan nila ay ang lalaking muntik nang nakabangga kanina sa kanya. Ibang iba ang itsura nito ngayon. With his suit na mukhang mamahalin ay nagmukha din itong mamahaling tao. Naging kapantay ni Craig sa estado. Maging sa itsura nito ay halos magkasingkisig lang ang dalawa. Kung hindi niya lamang hawak ang calling card nitong nagsasabing secretary ito ay aakalain niyang nagmula ito sa prominenteng pamilya katulad ng mga Samaniego. "To make it up to you, can I invite you to accompany me to this party," tanong nitong ikinanlaki ng mga mata niya lalo. Maging ni Sharon at ng ibang naroon. Nakuha nila ang atensi
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan
Dahil hindi natuloy ang pagpunta nila sa designer ng damit noong nakaraan ay ngayon sila may panahon mapuntahan iyon. Kasama ni Maxine si Sharon dahil biglang may mahalagang meeting si Craig. 'I'm sorry, Max, promise, I'll be there later. Hahabol ako sa inyo' Bago siya umalis ay sabi ni Craig. Halatang gusto siya nitong samahan pero siyempre, mahalaga pa rin ang role nito sa kompanya.Pagkatapos nitong sabihin ang tungkol sa pagligtas ng ina niya sa lalaki ay matagal bago niya iyon naproseso sa kanyang isip. Pero mas naging proud siya sa kanyang ina. Dahil nagawa nitong iligtas ang lalaking minahal niya. Hanggang doon lamang ang sinabi ni Craig. Hindi pa siya handang aminin sa babae na ang dahilan kung bakit namatay ito ay dahil rin sa kanya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Maxine. Ngayon pa lamang, nahirapan na siya dito. Sa mas malalim pa kayang katotohanan? Natatakot siyang kasuklaman siya ng babae. Kahit sabihin na hindi naman niya ginusto ang mga nangyari at nadamay lam
Isang buwan pa ang nakalipas. Medyo may umbok na sa tiyan ni Maxine pero hindi pa naman gaanong kahalata. She's living the life she always wanted. Unti-unting nababago ni Craig ang pananaw niya dito. Pinapatunayan nito ang sarili sa kanya.Walang paltos si Craig sa pag-aalaga sa kanya. Maging sa mga check ups niya ay naroon ito. Sa paningin na nga niya ay nagiging husband material na ito. Pero siyempre, ayaw niyang pakasiguro. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng isang daang porsyentong pag-asa. Ayaw niya pa rin masaktan.Waking up beside him was everything. Nagigising siya sa umagang laging nakayakap ito sa kanya. Maging ang amoy nito ay kabisado na niya. Kaya kahit nakatalikod siya at paparating ito ay alam na alam niya. Wala ng mahihiling pa si Maxine. Parang nananaginip pa rin siya dahil pangarap lamang niya noon si Craig. Lihim na minamahal. Pero heto ngayon. Kasama niya. It all started with a contract being his bed warmer. Ngayon, aabot nga kaya sila sa isa na namang kontrata? K
Madilim pa rin ang mukha ni Craig nang pumasok siya sa coffee shop kung saan niya nakita sila Maxine at ang Dela Paz na iyon.Hindi nawala sa isip niya ang nasaksihan kanina, kung paano ngumiti ang Dela Paz na iyon dahil sa presensiya ni Maxine. Maging ang nahihiyang itsura ng babae habang inabot nito ang isang kahon.Napasulyap siya sa kahon na nasa mesa. Mukhang iniwanan iyon ng Dela Paz na iyon. "Craig...magpapaliwanag ako..." Saad ni Maxine sabay kuha sa kahon na iyon. Tumayo si Maxine mula sa kinauupuan. Marahan naman niyang inabot ang kamay nito at hinila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinokontrol niya ang sariling emosyon dahil baka sumabog siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil nasa matao silang lugar. 'Patience Craig. Patience!' Paalala niya iyon sa sarili. Iyon ang gusto niyang gawin kahit na halos bulkan ng gustong pumutok ang galit niya.Hinila niya si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pilit niyang ikinubli ang damaged ng sasakyan sa mga mata ni Maxine. Buti na lamang
"Hindi pa ba dumadating si Craig, Max?" Dumungaw si Sharon sa kanyang opisina. Kanina pa nito tinatanong kung susunduin ba siya ni Craig. Ngumiti siya. "Sabi niya ay hintayin ko siya, Sharon. Kung may pupuntahan ka, go na. Baka mainip ang date mo," sabi niyang nagbibiro lang naman. Pero nang makitang namula ang kaibigan ay napatunayan niyang meron nga itong mahalagang pupuntahan kaya tanong nang tanong. Lumapit ito sa kanyang mesa. "Nag-aalala ako, baka hindi siya makabalik agad. Okay ka lang bang maghintay dito?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Sha, buntis lang ako. Hindi may sakit. Huwag kang mag-alala sa akin. May ginagawa pa ako kaya hihintayin ko na si Craig."Napalabi ito. "Sure ka ha? Basta kapag hindi siya dumating tawagan mo ako. Lilipad ako para mapuntahan ka..."Mas lumawak ang pagkakangiti ni Maxine. Magagawa niya bang sirain ang date ng kaibigan? Pero siyempre kunwaring napatango na lamang siya para hindi ito ma-guilty na iwanan siya. Simula noong mabuntis siya at napagta
"Max, do you want Japanese food?" tanong ni Craig kay Max. Galing ito sa sariling opisina. Magtatanghali na kaya gusto niyang tanungin ito kung anong kine-crave na pagkain ng babae. "Kahit ano, Craig," sagot ng babae. Tumaas ang kilay niya dito. Ang 'kahit ano' nito ay whether she likes it or not. Pero usually, ayaw nito kaya tinatanong niya ito ng maigi.Lumapit siya dito. Hindi man lamang kasi siya nagawang tingnan nito. Masyadong abala ito sa ginagawa. Kaharap nito ngayon ang computer at ngayon nga ay nakatutok ang mga mata roon. Ni hindi nga siya napansin na nakalapit na.Pumuwesto siya sa gilid nito at dumungaw sa ginagawa. She's busy with the project with the Dela Paz."Still not finalized?" Napapansin niyang lagi nitong nire-revised ang ilan sa mga detalye. Ayaw na sana niya itong magtrabaho pero mapilit ito. Sabagay, meron namang go signal ang doctor na puwede itong magtrabaho. On moderation nga lamang. Walang stress dapat."I'll meet with Sergio the next day. This will be th