Share

Kabanata 5

Kabanata 5: Back to Reality II

‘Heaven’s Point of View’

“Saan ka galing, Heaven Jacinto?”

Bago pa ako makapasok sa classroom ay bumungad na sa’kin si Grace na nakaabang. Naka-krus pa ang ang kaniyang braso at nakataas pa ang kaniyang kanang kilay— nagmumukha tuloy siyang mataray.

Napaaga ako ng alis sa dorm kaya naman maaga rin akong nakadating sa classroom. Nakita ko naman na ang chats nila sa group chat namin at aaminin kong kinakabahan ako sa mga kaibigan ko. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanila nang nag séx kami ni Alessandro. Diyos ko po! Gusto ko na lang talaga kalimutan lahat ng nangyari sa amin.

Kaya ito ngayon si Grace, nasa harap mismo ng pintuan. Ang mga kaklase namin na maagang pumasok ay nagtataka tuloy sa inaasal ng kaibigan ko.

Pinanlakihan ko ng mata si Grace at tsaka hinila siya papunta sa upuan namin. Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase namin na nakatingin sa amin ngayon.

Kahit sa pagkaupo namin ay hindi niya aki nilubayan ng titig. Nagmumukha tuloy akong kriminal sa ginagawa niya.

“Tinatanong kita, Heaven! Saan ka galing after party?!”

“Sandali, Gracey!” pinandilatan ko siya ng mata.

Wala pa dito si Heart, Miracle at Angeline. Mas maayos ‘to, kay Grace ko muna sasabihin lahat.

“Naghihintay ako, Heaven,” naiinip niyang saad kaya napairap naman ako. Ang OA talaga nito.

“Pasensya na kung hindi ako nagsabi kung saan ako nagpunta…” panimula ko.

“Hindi ‘yan ang tinatanong ko, Heaven. Saan ka nanggaling? Alam mo ba na nag-alala kami sa’yo? Lalo na ako! Sagutin kita Heaven! Ako ang nag-aya sa’yo. Tapos puro seen ka lang sa chats namin! Ano ba nangyayari sa’yo huh?!” medyo malakas na ang boses niya kaya naman nagsitinginan ulit ang mga kaklase namin sa bandang gawi ng kinauupuan namin ni Grace.

“Sorry na…” nakokonsensya kong paumanhin sa kaniya. Ngayong kaharap ko na si Grace ay mas lalo akong nakosensya. Base sa boses niya ay mukhang na-stress siya kakahanap sa’kin .

“You don’t understand, Heaven! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang hinanap ka namin! Kung nawala ka o na paano ka? Ano sasabihin sa akin ni Tita Carina?! Diyos ko naman, Heaven! Magkaibigan tayo ‘di ba?”

“Oo nga… kaya nga ito magpapaliwanag na ako. Huwag ka ng magalit, Gracey.”

“Then tell me what happened!” mahina niyang sigaw bago siya nagpatuloy. “At sabihin mo sa’kin kung bakit kayo magkasama ni Alessandro?” saad niya pa na siyang kinagulat ko.

“P-Paanong…”

“Paano ko nalaman? Huh! Sinasabi sa’kin ni Raphael. Kaibigan ni Alessandro! Nakita niya kami sa party na parang aligaga kahahanap sa’yo. At alam mo kung anong sinabi niya sa amin? He just told us, ‘Looking for your friend? Kaaalis lang nila’ Alam mo ba ang gulat namin?!”

Ang lakas ng kabog ko dahil alam pala ni Grace, at hindi lang si Grace, buong kaibigan ko.

“Akala mo hindi naman alam ‘no? So tell me!”

“A-Ano k-kasi—”

“Just tell me, Heaven! Straight to the point!” she cut me off.

Napapikit muna ako bago ko binuka ang aking bibig. “May n-nangyari sa amin…” saad ko sa pinakamahinang boses para hindi marining ng mga kaklase ko at halos lumawa naman ang mata ni Grace sa binunyag ko.

“Putangina! Ano?!” malakas niyang sigaw kaya naman nagsitinginan lahat ng kaklase namin. Parang hinuhusgahan pa kami.

Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya. Hindi siya makapaniwalang tinignan ako at napapalunok pa.

“Ang OA mo naman…” bulong ko at mahina niya namang inalis ang kamay ko na nakatakip sa bunganga niya.

“Heaven! Nagbibiro ka lang ‘no? Joke time ba?” patawa-tawa pa siya pero nang nakita niyang seryoso ang mukha ko ay tsaka lang siya natigilan.

“Kingina true nga? P*****a!”

‘Ang bunganga talaga nito… Wagas!’ sa isip-isip ko na lang sinabi.

Hindi namin namalayan na papasok na ng classroom sina Miracle, Angeline and Heart. Mabilis na sinenyasan ni Grace ang tatlo na lumapit sa pwesto namin.

‘Nalintikan na! Lintek talaga, lagot ako sa kanila!’ isip-isip ko pa dahil paniguradong sasabunin ako ng mga nito.

“Look what I’ve learned,” panimula ni Grace, pasuspense pa.

“May kasalan ka sa amin Heaven ah,” bungad sa’kin ni Heart.

“True! Tsk tsk. Kasalanan mo,” si Angeline.

“Pinag-alala mo kami. Now tell us, what happened?” sabat pa ni Mircale.

“Hot seat ba ‘to ha?!” naiinis kong saad at sabay-sabay naman nila akong sinamaan ng tingin. Natahimik ako.

“Loka-loka itong kaibigan natin! Samahan niyo akong mabaliw,” oa na dada ni Grace kaya naman napatingin ang tatlo sa kaniya.

“Why?” curious na tanong ni Miracle.

“Ask her!” asik pa ni Grace.

Napakagat ako sa labi nang sabay-sabay nila akong tinignan. Nginitian ko sila pero inalis ko rin nang pinandilatan nila ako ng mata. Napasimangot ako at ito nanaman ang kabog ng dibdib ko.

“M-May nangyari sa a-amin ni A-Alessandro…” saad ko sa kanila ng mahina.

Walang violent reaction, lahat sila ay natameme lang. Kaya mas lalo akong kinabahan.

“T-Totoo?” napatakip sa bibig si Angeline, tumango na lang ako sa kaniya.

“What the f uck…” ayon na lang nasabi ni Heart.

Napayuko naman ako sa hiya. Alam kong disappointed sila sa’kin. Hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko.

“Let’s talk later, Heaven,” si Miracle at wala akong ibang nasagot kundi ang tumango lang.

“Just want to let you know na hindi ako o kami galit. It’s not your fault. Na-shook lang ako, pasensya na, bff,” si Grace ang nagsabi no’n at napangiti naman ako.

Hindi na ulit kami nag-usap pa dahil dumating na kaagad ang Prof namin.

Napangiti pa ako ng palihim at guminhawa ang aking pakiramdam nang naramdaman kong tinapik nila ang likod ko.

Swerte ko sa kanila. Buti na lang nandiyan sila.

End of Chapter 5.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status