Share

Kabanata 4

Kabanata 4: Back to Reality I

Pagkauwi ni Heaven sa dorm ay dali-dali siyang pumasok sa banyo. Binuhusan niya ng tubig ang kaniyang mukha para mahimasmasan. Napapikit siya at napaupo dahil sa kahihiyan.

“Tangina, Heaven! Ano ba ang ginawa mo?! Bakit nagpadala ka sa alak at tukso?!” sisi niya sa kaniyang sarili.

Hindi niya alam kung bakit kusang tumulo ang luha niya. Inaamin niya na nasaktan siya sa inasal ng binata pagkatapos nang nangyari sa kanila kagabi. Kakaiba ang lalaki kagabi, malambing at ito na rin ang naglinis sa kaniyang katawan sa kadahalinang napagod siya. Dama pa niya ang init ng katawan ng binata na yakap-yakap siya ng mahigpit.

“Magtigil ka, Heaven! Nawala man ang birhin mo, at least nasarapan ka kagabi!”

Inis na napailing siya. Grabeng pang ga-gaslight sa sarili para lang ma justify ang nangyari kagabi. She felt so pathetic and so low.

Pero ano bang magagawa niya? Nangyari na? Maibabalik pa ba ang virginity na nakuha ng isang Villareal?

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang iuntog ang sarili sa pader, gusto niyang kalimutan ang nangyari pero may isang bahagi ng kaniyang puso niya na gusto niyang maulit ulit.

Nahihibang na ba siya? Paano nagagawa sa kaniya ng isang lalaking hindi naman niya lubusang kilala ang ganitong pagnanasa. Bagay na hindi naman niya naramdaman sa kahit na sino man.

“Alak pa more, langit!” tumayo na lang siya pero mabilis siyang napaigik dahil masakit pa ang gitnang bahagi na kaniyang pagkababaé.

“Syempre kung may sarap, may sakit din. Kingina! Buti na lang talaga walang pasok!”

Parang tanga si Heaven na kinakausap ang sarili. Naiinis na lang niyang hinubad ang damit na may halong amoy na ni Alessandro. Kumapit ang amoy na ‘yon sa dress na binigay ni Grace at aaminin niyang sobrang bango no’n.

“Ang landi mo na, Heaven!”

Wala na lang siyang ibang nagawa kundi maligo. Lilinisan na lang niya ang kaniyang katawan kesa naman mainis dahil sa pagsisisi.

Pero may pagsisisi nga ba siyang nararamdaman?

Inaamin niyang nasarapan siya sa ginawa nila Alessandro kagabi. Hindi niya man lubusang kilala ang lalaki pero grabe ang attraction na naramdaman niya dito.

Patuloy na umaagos ang tubig mula sa kaniyang ulo hanggang sa baba ng kaniyang katawan. Naiisip pa lang niya ang nangyari kagabi ay nag-iinit muli ang makasalanan niyang katawan.

‘Bahala na. At least may experience,’ bulong niya sa kaniyang sarili.

Pagkatapos maligo ay dali-dali na siyang lumabos ng banyo. Dali-dali rin siyang nagbihis bago nagsuklay at nagblower ng buhok. Pagkatapos ay nahiga na siya sa kaniyang kama habang nakatulala sa kisame.

“Sanay na sanay na talaga ang lalaki na ‘yon ‘no? Ang sweet kagabi pero kanina parang kasing lamig ng north pole kung umasta. Medyo na hurt ako doon hehe…”

Tumulo ang luhang kanina pang pinipigilan ni Heaven. Mabilis niya ‘yong pinahid tsaka ngumit. “Huwag ka umiyak, Heaven! Lalaki lang ‘yon. Hindi porket nawala na birhen mo e sira ka na. You’re still a woman who needs to survive in this world. They won’t judge you just because you lost your virginity,” pilit niyang pinapagaan ang kaniyang sarili.

“He’s just a man, self. Lalaking nakakuha nang bagay na pinaka-iningatan mo, pero dahil lang sa alak, biglang nawala na. It’s okay, Heaven. It will be alright okay?” bulong niya pa sa sarili.

Tumagilid siya at hinintay na lamunin siya ng kadiliman. Kailangan niyang magpahinga nang sagayon ay kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Sana lang talaga walang mangyari na kakaia sa susunod pa na araw. Parang nad-drain na siya.

“Good night, Heaven. Tulog ka na…” kausap niya sa kaniyang sarili bago lamunin ng kadiliman at nakatulog na.

End of Chapter 4.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status