JHAIRA POVAng gabi na iyon ay tila isang panaginip na ayaw ko nang magising mula rito. Nasa loob kami ng maliit na sala ng beach house, magkatabi sa isang mababang sofa habang ang liwanag ng lampara ay nagbibigay ng malambot na glow sa paligid. Si Zach ay nakayakap sa akin, ang kamay niya ay mahigpit na nakapulupot sa baywang ko habang ang ulo ko ay nakapatong sa balikat niya. Hindi kami nag-uusap ng marami, pero hindi ko iyon kailangang marinig para maramdaman kung gaano ako kahalaga sa kanya.Habang tumatakbo ang oras, naririnig ko ang banayad na hampas ng alon sa dalampasigan. Minsan, sisimulan ni Zach na magkwento tungkol sa mga karanasan niya noong bata pa siya, ang mga lugar na napuntahan niya, at ang mga pangarap na gusto pa niyang abutin. Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakikinig, lalo na kapag lumalalim ang boses niya na tila isang panatag na musika sa gabi."What are you thinking?" tanong niya, hinaplos ang buhok ko habang bahagya akong tumingala sa kanya."Wala naman,"
Jhaira povPagkarating namin sa condo, parang nagbago ang ihip ng hangin. Naging abala na ulit si Zach sa trabaho, at sa paglipas ng mga araw, mas lalo kong napansin ang pagbabago. Late na siya palaging nakakauwi, minsan pa nga ay hindi na kami halos nagkakasabay kumain. Ang dating masigla naming kwentuhan habang magkatabi sa dining table ay napalitan ng tahimik na gabi, kung saan ako lang ang naiwan.Minsan, magigising ako sa kalagitnaan ng madaling araw, at maririnig ko ang ingay ng pinto. Si Zach, papasok sa kwarto nang dahan-dahan para hindi ako magising, o kaya nama'y biglang umaalis ng walang pasabi. Para bang nasanay na siya sa ganitong takbo ng araw namin—parang may tinatago, o baka naman ako lang ang nag-iisip ng ganito.Isang madaling araw, naalimpungatan ako nang marinig kong naglalakad siya papunta sa pinto. "Zach?" bulong ko, pero hindi niya ako narinig. Sinilip ko siya mula sa kwarto habang nagmamadali siyang magbihis. Ilang saglit lang, umalis siya, at naiwan ako sa tan
Jhaira's POVTahimik akong sumakay sa sasakyan ni Arjay, ang isip ko'y mistulang natatabunan ng mga alaala ng eksena kanina—ang lolo ni Zach, si Diane, si Risa. Hindi ko alam kung anong itinatago nila, pero malinaw na mayroong hindi tama. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, ngunit ang pag-aalala ay tila nakabaon sa dibdib ko, mabigat at mahirap pakawalan.Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko si Arjay. May kakaibang tensyon sa kilos niya—ang mga kamay niya sa manibela ay masyadong mahigpit, at ang mga mata niya ay tila hindi mapakali. Napansin niya sigurong nakatingin ako, kaya bigla siyang nagsalita."Uh, Jhaira, okay ka lang ba?" tanong niya, bahagyang kinakabahan ang boses.Tumango ako nang mahina, ngunit ramdam kong hindi ako mukhang maayos. "Oo... ayos lang," sagot ko, bagamat malinaw na may bigat ang boses ko."I... uh, I wanted to say sorry about last time," dagdag niya, sinulyapan ako saglit. "Hindi ko alam kung paano ko hihingiin ang tawad, but... I was just overwhelmed. I di
Sa gitna ng mabilis na takbo ng sasakyan, pilit na binabalikan ni Zach ang usapan nila ng kanyang ina kanina. The urgency in her voice kept playing in his head. "Your lolo wants to talk to you," she said. Ngunit ngayon, habang papalapit siya sa mansyon, tila may kung anong bigat ang pumipigil sa kanya.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ng mga bantay. "Sir Zachary, good afternoon po," bati ng isa, ngunit bahagya lamang siyang tumango.Pagbukas niya ng pinto, naabutan niya ang kanyang lola na nakaupo sa sala, nanonood ng lumang pelikula sa telebisyon. She looked calm, almost too calm, compared to the storm brewing in his chest."Lola," tawag niya habang papalapit."Zachary! Oh, it's nice to see you, apo," bati nito, ngumiti nang magiliw."Where's Lolo?" tanong niya agad, hindi na nag-abalang umupo.Napakunot ang noo ng matanda. "Your lolo? He's not here, apo. He left this morning to visit the company. Bakit, may problema ba?"Napatigil si Zach. "Wait, what? Sabi ni Mom,
Sa isang madilim na silid, dahan-dahang dumilat si Jhaira. Nanatili siyang nakahiga habang hinahanap ang anumang pamilyar na bagay sa paligid. Ngunit wala siyang makita—ang mga mata niya ay natatakpan ng tila makapal na piraso ng tela. Sa halip, ang pandinig lamang niya ang gumagana, at ang malamig na simoy ng hangin ang tanging nadarama niya sa balat."Nasaan ako...?" mahina niyang bulong, pilit na nilalabanan ang takot.Sa kabila ng katahimikan, bigla niyang narinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Si Arjay."Ano ba, hindi ba pwedeng ikaw ang mag-adjust?!" galit na sabi ni Arjay, halatang nagtatalo ito sa kung sino man ang kausap niya."Ikaw ang may sabit dito, Arjay," sagot ng babae sa matalim na tono, halatang hindi rin nagpapatalo. "Huwag mo akong idadamay sa mga kagaguhan mo! I'm not going down with you kapag nalaman ng lahat kung anong ginagawa mo!"Nanginginig na napakapit si Jhaira sa gilid ng kama. Kahit hindi niya lubos na maaninag ang mukha ng babae, tila pamilyar an
Sa madilim na sulok ng kwarto, nanatili si Jhaira na nakaupo sa malamig na sahig, ang mga kamay ay mahigpit na nakagapos sa likod. Ang bawat hibla ng kanyang katawan ay nanginginig, hindi lamang dahil sa lamig kundi dahil sa takot sa susunod na maaaring mangyari. Sa kabila ng pagod, patuloy siyang umaasa na may darating upang iligtas siya. Ngunit sa oras na iyon, tila wala siyang ibang maaasahan kundi ang sarili.Narinig niya ang malakas na tunog ng pagbukas ng pinto. Agad siyang napatingin, ang puso niya'y tila napako sa kaba. Si Arjay ang pumasok, lasing na lasing, at halatang wala na ito sa tamang katinuan. Amoy alak ang buong silid nang sumara ang pinto sa likuran nito."Ang tahimik mo naman, Jhaira," aniya habang pabagsak na naupo sa gilid ng kama. "Hindi ba dapat magpasalamat ka? Kasi ako, ako ang pumili sa'yo! Hindi mo na kailangan pang maghirap! Hindi ba 'yun ang gusto mo?"Hindi umimik si Jhaira. Nanatili siyang tahimik habang pinipilit na pigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
Hindi siya makagalaw. Nanginginig ang buong katawan niya habang nakatitig kay Arjay, na walang malay sa sahig. Ang dugo sa ulo nito ay tumulo sa malamig na tiles, at ang basag na bote sa kanyang kamay ay tila mas mabigat pa kaysa sa buong mundo. Pakiramdam niya’y hindi siya makahinga—parang hinigop ng takot at pagkabigla ang lahat ng hangin sa paligid.“Anong nagawa ko...” bulong niya, nanginginig ang tinig habang ang mga luha ay tuluyan nang bumagsak sa kanyang pisngi. Hindi niya inakalang magagawa niya iyon, pero wala siyang ibang paraan para makaligtas.Habang nagpupumilit na kumalma, mabilis niyang kinapa ang bulsa ng kanyang shorts, umaasang nandoon ang kanyang cellphone. Wala. Ang kaba niya’y biglang dumoble.“Nasaan ang cellphone ko?!” tanong niya sa sarili, ang mga kamay ay tarantang naghanap sa bawat sulok ng silid. Napatingin siya sa lamesa malapit sa kama, at doon niya nakita ang telepono niya—nakapatong sa ibabaw ng mga papel. Tumakbo siya papunta roon, ngunit sa gitna ng
Tahimik ang kwarto. Tila napakalaki nito sa kawalan ng presensya ni Jhaira, na madalas niyang kasama sa parehong kama. Si Zachary ay nakahiga, nakatindig ang mga mata sa kisame, habang ang malamig na hangin mula sa air conditioner ay parang sumasalamin sa lamig ng kanyang damdamin.Sa isang kamay niya, hawak ang litrato ni Jhaira—ang litratong ipinadala ni Arjay. Sa larawan, makikita ang babaeng mahal niya, magulo ang buhok at parang may pinagdadaanan. Ang litrato ay puno ng alingasngas na gumugulo sa kanyang isipan.Ilang minuto siyang nakatitig doon, ang kanyang panga’y mahigpit na nakatikom, at ang kanyang mga mata’y tila puno ng pinipigilang emosyon. Walang makikitang emosyon sa mata ng lalaki pero kapag tinitigan ito ng matagal ay makikita ang pangungulila, pangungulila kay jhaira "Sumama ka ba talaga sa kanya, Jhaira?" mahinang bulong niya sa sarili, ang boses niya ay mababa, puno ng sakit at pagkabigo. Ngunit kaagad din niyang iniiling ang ulo, na para bang ayaw niyang tanggap
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto sa likod ng 7-Eleven, bigla akong natigilan. Parang bumagsak ang mundo ko sa sahig. Sa harap ko, isang hanay ng itim na sasakyan ang nakapila. Mga lalaking naka-black suit, may hawak na baril, at lahat nakatingin sa direksyon ko.Pero hindi sila ang bumuhay ng kaba sa dibdib ko.Nandoon siya.Ang matandang mukhang lumalamon ng galit at poot. Si Lolo ni Zach. Hindi ko man siya kilala nang lubusan, pero sa isang iglap lang ng titig niya — ramdam ko agad.Papatayin niya ako."PUTA!" sigaw niya habang mabilis akong nilapitan, mas mabilis pa sa paghinga ko. "PUTA KANG MALAS KA!"Isang sampal.Sunod-sunod. Wala akong oras para makaiwas.Sumabog ang tenga ko. Ang pisngi ko, parang tinuklap ang balat. Parang nagdilim ang paningin ko. Parang ang buong katawan ko ay nilunod ng apoy.Hinila niya ako palapit. Kinwelyuhan. Parang wala akong kwenta. Parang basura lang akong pinulot sa daan."Lahat, LAHAT NAWALA DAHIL SA'YO! DAHIL SA KALANDIAN MO!""A-ano—?"Hindi k
Hindi pa sumisikat ang araw nang maramdaman kong gumalaw ang mga pilikmata ko. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, pero sapat na ang liwanag ng buwan sa labas para makita ko ang madilim na silweta ng kwartong kinabibilangan namin ngayon.Tahimik. Malamig ang hangin galing sa aircon, pero mas mainit ang katawan ni Zach na nakayakap sa'kin mula sa likod.Nakahiga siya, ang isang braso niya nakaakbay sa baywang ko habang ang isa nama'y nakaipit sa ilalim ng leeg ko. Hinigpitan niya ang yakap niya nang bahagya, para bang kahit sa pagtulog niya ay ayaw niya akong pakawalan.Napalingon ako. Doon ko nakita ang mukha niyang nakalapat sa unan, mahimbing ang tulog, pero halatang pagod. Namumula pa ang ilalim ng mga mata niya, may kaunting eyebags na tinatago ng makakapal niyang pilikmata. Magulo ang buhok niya, bahagyang namumula ang labi, at halatang hindi siya natulog agad kagabi.Ni hindi ko alam kung nakatulog nga ba siya ng maayos.Paano ba naman, imbes na tapusin niya 'yung mga papeles
Pinagmasdan ko kung paano iligo ni Zach ang perfume ng strawberry scent sa kanyang katawan, pati buhok niya ay ini sprayan nya rin. Halos maubos na ang bagong bottle ng pabango dahil sa pag lalagay niya rito, kulang nalang ay gawin na niya itong sabon sa katawan"Done, can I hug you now?" tanong niya ng matapos siya Naka-upo ako sa sofa habang siya ay nakatayo sa harapan ko at tinatakpan ang pinapanood kong movie. Relax na relax lang ako rito pero siya ay kanina pa problemado dahil hindi ko pinagbigyang lumapit siya saakin kanina "Lika na baby ko" ngiti ko at inilahad ang aking kamay sa kaniya Sobrang lawak ng ngiti naman niyang binato sa likuran niya ang pabango sa sahig at agad akong nilapitan. Mabilis niya akong niyakap at agad na sumubsob ang mukha niya sa aking dibdib, ang kaniyang kamay ay pumasok sa loob ng aking blouse at hinaplos ang bewang. Ayaw na ayaw talaga nito na walang mahawakang balat saakin, kailangan ay may pisikal contact sa aming dalawa kung hindi ay para na si
Lutang akong nakatingin sa kawalan habang nakayakap saakin si zach mula sa aking likuran, ang kaniyang kamay ay nakayakap sa aking bewang at ang isa ay nakahaplos sa aking tiyan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ng aking leeg Ngumuso ako at sinulyapan siya, naabutan kong pikit na ang kaniyang mata at mukhang patulog na. Humarap ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang panga "Ayaw mo na ba saakin? ayaw mo na sa katawan ko?" tanong ko, halata ang pagtatampo sa boses Paano kasing hindi ako magtatampo ay inayawan niya ang ginawa kong pan lilinlang sa kaniya, pagkatapos niyang makita ang itsura ko sa lingerie ay agad niya akong kinumutan sa buong katawan at sinabing magpalit daw ako at baka lamigin ako, ibig sabihin ay palpak ang ginawa ko. Kitang kita ko pa naman ang pagtayo ni junjun niya kanina pero sa huli, mas nagtagumpay ang kanang kamay ni zach sa loob ng cr para palabasin ang dapat palabasin kanina Ang akala ko ay tulog na siya pero bigla niyang nilapit an
Nagising ako at naabutan ang sarili sa loob ng kuwarto namin ni zach, madilim na ang ulap at mukhang natulugan ko ang pag-uwi namin kanina mula sa club ni Raven. Kinusot ko ang aking mata at napansing nakasuot na ako ngayon ng pajama pantulog, mukhang pinalitan ako ng damit ni zach kanina"Zach" tawag ko sa kaniyang pangalan at unti unting bumangon, ramdam ko ang pagkalam ng aking tiyan at ang kaunting pagkahilo ko Lumabas ako ng kuwarto at nakitang naka patay na ang ilaw sa sala at kusina kaya naisipan kong puntahan siya sa kaniyang opisina "Zach" Mapupungay ang aking matang binuksan ang kaniyang kusina at naabutan siya roonNakaupo sa kaniyang desk at nagkalat ang mga papeles sa lamesa, suot suot niya ang kaniyang specs habang seryosong nag t-type sa kaniyang lapyop. Naka white na t-shirt at simpleng blacks shorts lang ang suot niya kaya kitang kita ang kaniyang mga muscles mula ulo hanggang paa. Nag-angat siya kaagad ng tingin ng makita ako sa pintuan "Zach nagugutom ako" aniko
"Let's go home?" Mahinang bulong ni Zach sa tenga ko habang ang kamay nitoy nakapulupot sa aking bewang. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit malamig ang ihip ng hangin mula sa labas ng club. Malambing ang tono niya, pero may bigat sa boses. Lumingon ako sa kanya, may ngiting mapang-akit sa labi. "Saglit lang. Nandito na rin naman tayo, 'di ba?"Napakunot ang noo niya, pero hindi galit. Curious lang, saka 'yung parang... ina-analyze kung seryoso ba talaga ako. "You sure? Hindi ka pa pagod?."Tumango ako, sabay ngiti pa lalo. "Hindi pa."Hindi na siya nakasagot. Napailing lang siya habang hawak ko na ang kamay niya at marahan siyang hinila papasok pabalik sa loob ng club. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa Pagpasok namin, agad akong sinalubong ng tunog ng malalakas na bass, nakaka-adik na ilaw na palipat-lipat ang kulay, at 'yung halimuyak ng alak, usok, at pabangong mahal. Maraming tao ang bumungad saakin paglabas namin sa underground, ang iba ay nasa dancefloor at ang iba
Tumapos na ang laban. Mabigat ang hangin. Hindi dahil sa pawis o pagod, kundi dahil sa kung anong hindi maipaliwanag na presensya sa loob ng arena. Parang hindi lang dugo ang iniwan ni Raven sa ring—parang may tinapon din siyang bahagi ng sarili niya roon. Tahimik siyang bumaba mula sa platform. Walang lingon. Walang paki. Parang wala siyang nakita, kahit pa nagsigawan ang crowd para sa pangalan niya.Sa kabilang gilid ng bleachers, si Jhaira, tahimik lang. Hawak niya ang maliit na tubig sa kamay, pero hindi iyon ang rason kung bakit nanginginig ang daliri niya. Hindi niya alam. Pero parang may iba. Something feels off. And she felt it the moment her eyes caught the silhouette of the girl sitting alone.Maganda ito—hindi sa flashy na paraan, kundi 'yong effortless. May mga hikaw na naggagalaw sa bawat kilos niya, habang nakatingin sa ring na para bang... may pinipilit siyang ibalik.Biglang napangiwi ang babae, halos hindi halata sa una. Pero nang marinig ni Jhaira ang bahagyang impit
"Zach, tubig,"Ngumuso si Jhaira habang nilulunok ang huling kagat ng hamburger. Medyo may tumulong sauce sa gilid ng labi niya pero hindi na niya pinansin, gutom na gutom siya kanina pa.Zach glanced at her quickly, then reached for the plastic cup of water without saying a word. Hindi niya inalis ang tingin sa daan masyado, pero enough yung saglit na sulyap para malaman niyang aware siya sa lahat—kahit sa konting uhaw, kahit sa dulo ng labi niya na may sauce."Here, baby."Inabot niya iyon kay Jhaira, making sure mahigpit ang takip bago ibigay. "Drink slowly, baka maubo ka."She smiled a little and took the water. "Thanks.""You want more?"His voice was low, soft. Bago pa man siya makasagot, pinunasan ni Zach gamit ang hinlalaki niya ang gilid ng labi ni Jhaira. Dahan-dahan. Para bang ayaw niyang masaktan siya kahit sa balat."May konting sauce ka rito," he murmured, eyes flickering to her lips for a second before focusing back on the road.Jhaira giggled. "Busog na ako. Okay na 'k
Kakapihit lang ng doorknob ng banyo nang lumabas si Zach, bagong paligo at may butil pa ng tubig na dumadaloy mula sa kaniyang buhok pababa sa leeg. Nakatapis lang siya ng puting tuwalya, at habang inaabot ang isa pang tuwalya para punasan ang kanyang buhok, ay napako ang tingin niya sa kama. Tumigil siya sa paglalakad.Nandoon si Jhaira.Nakabalandra sa malambot na kutson, nakatagilid pero nakabuka ang katawan, parang bata na mahimbing ang tulog. Magulo ang buhok, nakaangat ng bahagya ang laylayan ng oversize shirt niya—kay Zach din 'yon—at kitang-kita ang maputing balat na palaging kinaiinggitan ni Zach kahit araw-araw niya 'tong nakikita. Pero kahit sa gulo ng posisyon nito sa kama, hindi nawala ang ganda niya.She was a mess, but she was beautiful.Lumingon si Zach sa kanya habang pinupunasan pa ang sarili, at hindi na nakatiis. Lumapit siya ng dahan-dahan, tahimik na naupo sa gilid ng kama, saka yumuko para halikan siya sa noo. Isa pang halik sa labi na magaan, mahigpit pero puno