Sa madilim na sulok ng kwarto, nanatili si Jhaira na nakaupo sa malamig na sahig, ang mga kamay ay mahigpit na nakagapos sa likod. Ang bawat hibla ng kanyang katawan ay nanginginig, hindi lamang dahil sa lamig kundi dahil sa takot sa susunod na maaaring mangyari. Sa kabila ng pagod, patuloy siyang umaasa na may darating upang iligtas siya. Ngunit sa oras na iyon, tila wala siyang ibang maaasahan kundi ang sarili.Narinig niya ang malakas na tunog ng pagbukas ng pinto. Agad siyang napatingin, ang puso niya'y tila napako sa kaba. Si Arjay ang pumasok, lasing na lasing, at halatang wala na ito sa tamang katinuan. Amoy alak ang buong silid nang sumara ang pinto sa likuran nito."Ang tahimik mo naman, Jhaira," aniya habang pabagsak na naupo sa gilid ng kama. "Hindi ba dapat magpasalamat ka? Kasi ako, ako ang pumili sa'yo! Hindi mo na kailangan pang maghirap! Hindi ba 'yun ang gusto mo?"Hindi umimik si Jhaira. Nanatili siyang tahimik habang pinipilit na pigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
Hindi siya makagalaw. Nanginginig ang buong katawan niya habang nakatitig kay Arjay, na walang malay sa sahig. Ang dugo sa ulo nito ay tumulo sa malamig na tiles, at ang basag na bote sa kanyang kamay ay tila mas mabigat pa kaysa sa buong mundo. Pakiramdam niya’y hindi siya makahinga—parang hinigop ng takot at pagkabigla ang lahat ng hangin sa paligid.“Anong nagawa ko...” bulong niya, nanginginig ang tinig habang ang mga luha ay tuluyan nang bumagsak sa kanyang pisngi. Hindi niya inakalang magagawa niya iyon, pero wala siyang ibang paraan para makaligtas.Habang nagpupumilit na kumalma, mabilis niyang kinapa ang bulsa ng kanyang shorts, umaasang nandoon ang kanyang cellphone. Wala. Ang kaba niya’y biglang dumoble.“Nasaan ang cellphone ko?!” tanong niya sa sarili, ang mga kamay ay tarantang naghanap sa bawat sulok ng silid. Napatingin siya sa lamesa malapit sa kama, at doon niya nakita ang telepono niya—nakapatong sa ibabaw ng mga papel. Tumakbo siya papunta roon, ngunit sa gitna ng
Tahimik ang kwarto. Tila napakalaki nito sa kawalan ng presensya ni Jhaira, na madalas niyang kasama sa parehong kama. Si Zachary ay nakahiga, nakatindig ang mga mata sa kisame, habang ang malamig na hangin mula sa air conditioner ay parang sumasalamin sa lamig ng kanyang damdamin.Sa isang kamay niya, hawak ang litrato ni Jhaira—ang litratong ipinadala ni Arjay. Sa larawan, makikita ang babaeng mahal niya, magulo ang buhok at parang may pinagdadaanan. Ang litrato ay puno ng alingasngas na gumugulo sa kanyang isipan.Ilang minuto siyang nakatitig doon, ang kanyang panga’y mahigpit na nakatikom, at ang kanyang mga mata’y tila puno ng pinipigilang emosyon. Walang makikitang emosyon sa mata ng lalaki pero kapag tinitigan ito ng matagal ay makikita ang pangungulila, pangungulila kay jhaira "Sumama ka ba talaga sa kanya, Jhaira?" mahinang bulong niya sa sarili, ang boses niya ay mababa, puno ng sakit at pagkabigo. Ngunit kaagad din niyang iniiling ang ulo, na para bang ayaw niyang tanggap
Sa madilim na loob ng kotse, tahimik na nakaupo si Zachary, ang mga kamay niya'y mahigpit na nakakapit sa manibela. Ilang oras na siyang naroon, ngunit tila walang balak na umuwi o magpahinga. Ang buong paligid ay balot ng katahimikan, tanging ang mabibigat niyang buntong-hininga at ang tunog ng ulan sa labas ang naririnig. Halos tatlong araw na mula nang mawala si Jhaira, at hanggang ngayon ay wala pa rin silang anumang lead tungkol sa kanya. Ang bigat ng sitwasyon ay unti-unting bumubulagta sa kanya, at ang bawat segundo ay tila mas lalo lamang siyang sinasakal.Walang impormasyon ang mga pulis gaya ng dati at ganon na din si Uno na tumutulong sa kaniya, mukhang dinala ni Arjay si Jhaira sa isang hinid kilalang lugar kaya nahihirapan silang I track si Jhaira. Idagdag ding humingi na din ng tulong si Uno sa mga kasamahan nitong trained agent rin para mahanap ang babae pero wala paring nakakaalam sa kung nasaan siya ngayon"Where are you, Jhaira?" mahina niyang tanong, ngunit ang sago
Maingay na tunog ang gumising kay Zachary mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. Kasabay nito, naramdaman niya ang malamig na basahan na tumatama sa kanyang balat, at isang malambot na kamay ang maingat na pinupunasan ang pawis sa kanyang noo at dibdib. Bahagya siyang pumikit-pikit, hindi pa lubusang gising, ngunit sa kanyang isipan, isang tao lang ang naiisip niya—si Jhaira.Sa kabila ng antok at pangungulila, hinila niya ang babae mula sa tagiliran nito at mahigpit na niyakap. Narinig niya ang mahinang tili nito, ngunit hindi niya pinansin. Sa kanyang isipan, ang babaeng ito ang tanging taong nais niyang makita, ang nag-iisang mahal niya. Hinaplos niya ang mukha nito, at habang papalapit ang kanyang labi sa kanya, unti-unting bumalik ang kanyang linaw ng paningin.Biglang nanigas ang kanyang katawan. Hindi si Jhaira ang nasa harap niya."Diane?" gulat na bulong niya, kasabay ng mabilis na pagtulak dito palayo. Napabalikwas siya ng bangon mula sa kama, ang init ng kanyang katawan ay
Masakit na ang buong katawan ni Elijah, tila sinusunog ng mataas na lagnat, pero hindi siya tumigil. Hindi siya makapapayag na nakahilata lang habang nawawala si Jhaira. Kahit pa halos wala na siyang lakas, pinilit niyang magmaneho papunta sa kumpanya ni Uno para kumuha ng update tungkol sa paghahanap.Nang makarating siya sa harap ng gusali, bawat hakbang niya ay mabigat. Ang kanyang mga mata ay mapungay, pero ang determinasyon ay malinaw pa rin sa kanyang ekspresyon. Paakyat na sana siya sa hagdan papunta sa entrance nang biglang lumitaw si Jael sa gilid, hinihingal na parang kanina pa ito nagmamadali."Elijah!" tawag ni Jael, ang boses nito'y puno ng desperation. Agad siyang humarang sa daraanan ni Elijah, na pilit umiwas ng tingin at naglakad nang dire-diretso."Elijah, sagutin mo ako!" sigaw ni Jael, napahawak sa braso nito. "Nasaan si Jhaira? May balita ka na ba tungkol sa kanya?"Tumigil si Elijah, ngunit hindi siya nagsalita. Malamig ang kanyang titig nang lingunin niya si Jae
Nagmulat ng mata si Jhaira, agad na bumungad ang maliwanag na kisame na puno ng detalye. Mabilis siyang napaupo, ramdam ang lambot ng kutson sa ilalim niya. Hinaplos niya ang malasutlang kumot na tumatakip sa kanya, pero agad siyang tumayo nang mapansin ang kakaibang ayos ng kwarto.Halos lumuwa ang mata niya ng makita ang itsura sa paligid niyaNapakalaki ng silid, parang sa mga fairytale—ang bawat sulok ay puno ng ginto at marmol, at ang chandelier sa kisame ay kumikislap tulad ng mga bituin. Tumayo siya sa gilid ng kama at tinungo ang malawak na bintana. Sa labas, nakita niya ang hardin na parang hindi nauubos ang bulaklak, may mga fountain na bumubulwak ng kristal na tubig."Nasaan ako?" bulong niya sa sarili, nararamdaman ang malamig na hangin na dumaan sa kanyang balat.Hindi niya alam kung bakit nandito siya. Pinikit niya ang mata at pilit na ginisng ang sarili at nagbabasakaling baka nanaginip lang siya pero pagmulat niya ay naroon parin siya, duon niya naalala ang mga eksena
Tahimik na naupo si Jhaira sa gitna ng napakahabang mesa, ang bigat ng kanyang pakiramdam ay bumalot sa buong katawan niya. Sa harap niya, isang mesa na tila walang katapusan, puno ng iba't ibang pagkain na parang panghari at reyna. Hindi niya magawang tumingin nang diretso sa plato. Ang lahat sa paligid ay masyadong magarbo para sa kanya—ang mga ukit sa kahoy ng mesa, ang makintab na chandelier na kumikislap sa ibabaw nila, at ang malamig ngunit maaliwalas na simoy ng hangin na pumapasok mula sa bintana.Nanatili siyang nakatingin sa kawalan, ang isipan niya ay puno ng tanong. "Totoo ba ito?" tanong ng kaniyang isipan. Ang lahat ng ito ay parang isang panaginip na hindi niya matukoy kung kailan magtatapos."Anak," tawag ng kanyang ina, si Jaem. Ang boses nito'y puno ng lambing, parang umaawit ng himig ng pagkalinga. Lumapit ito sa kanya, dala ang isang mangkok ng sopas, at maingat na nilagyan ang kanyang plato ng mainit na pagkain. "Kumain ka na, Jhaira. Hindi ka pa kumakain simula n
Masaya at payapang umaga ang bumalot sa condo nila ni Zach. Habang nakaupo siya sa dining table, abala siya sa pagkain ng almusal—isang simpleng meal na gawa ni Zach mismo. He insisted na siya ang maghanda, knowing how weak she felt last night.Her appetite was back, at kitang-kita iyon sa paraan ng pagkain niya. Hindi niya napansin na mula pa kanina ay tahimik lang si Zach, nakasandal sa upuan habang mariing nakatitig sa kanya. His sharp eyes followed every little movement she made—mula sa pagkuha niya ng pagkain hanggang sa pagnguya niya.Napansin niyang may ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mukha, at bago pa niya iyon maalis, may mainit na kamay nang naunang humawi roon.Zach.Naramdaman niya ang banayad na pagdampi ng daliri nito sa kanyang balat habang marahang inaayos ang buhok niya. She looked at him, at nagtagpo ang mga mata nila—his eyes held something she couldn't quite place, pero isa lang ang sigurado siya. He was looking at her with so much intensity.Napakurap
Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng kwarto, pero ang init ng balat na bumabalot sa katawan niya ang pumipigil sa kanya para ganap na ginawin. Marahang nagmulat ng mata si Jhaira, pakiramdam niya ay parang may mabigat na bagay na nakapatong sa katawan niya—hindi naman ganun kabigat, pero sapat para pigilan siyang gumalaw nang malaya.Nanatili siyang nakahiga habang pinapakiramdaman ang paligid. Ramdam niya ang malalakas na bisig na mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang mula sa likuran, ang mainit na hiningang dumadampi sa kanyang batok na nagbibigay ng banayad na kiliti. Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sino iyon—dahil alam na alam na ng puso niya kung kaninong bisig siya nakakulong.Si Zach.Dama niya ang init ng katawan nito, ang matitigas na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran. Ang isang braso nito ay nakaipit sa ilalim ng kanyang ulo, habang ang isa naman ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang ayaw siyang pakawalan kahit pa sa gitna ng pagt
Napuno ng init at tamis ang gabing iyon.Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto, tanging ang mahinang tunog ng keyboard at ang paminsang buntong-hininga ni Jhaira ang pumupuno sa espasyo. Malalim ang kunot ng kanyang noo habang sinusuri ang mahahabang dokumentong ipinasa sa kanya kanina.Mula nang maupo siya bilang CEO, halos hindi na siya magkanda-ugaga sa dami ng kailangang pag-aralan. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang magpatakbo ng isang malaking kompanya. Alam niyang magiging challenging ito, pero ngayon lang niya talaga naramdaman ang bigat ng responsibilidad na iniwan sa kanya ng kanyang ama.Bumuntong-hininga siya at marahang hinilot ang kanyang sintido. Kanina pa masakit ang kanyang ulo, pero hindi siya pwedeng tumigil. Hindi ngayon.Bigla na lang niyang naramdaman ang isang mainit at matigas na katawan na dumikit sa kanyang likuran. Muntik na siyang mapatalon nang may dumaan na braso sa kanyang bewang, mahigpit na yumakap sa kanya mula sa likod. Isang pamilyar na
Umaalon ang dibdib ni Jhaira habang pinagmamasdan niya kung paano pilit na nagpupumiglas sina Risa at Diane habang isinasakay ng mga pulis sa kanilang patrol car. Sa kabila ng kanilang pag-aalma, wala silang magawa — naka-posas na ang dalawa, at ang mga pulis ay walang balak palampasin ang kanilang mga kasalanan.Malamig na sumunod si Jhaira sa loob ng conference room, ramdam ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanya. Kasabay ng mga bulungan ay ang mabilis na pagtaas ng tensyon sa silid. Mula sa mga investor na kanina lamang ay nakangiti at pumapalakpak kay Risa, ngayon ay puro pagdududa na ang kanilang mga mukha.Biglang tumayo ang isa sa mga pinakarespetadong investors — isang matandang lalaki na may presensya pa lang ay nagbibigay na ng awtoridad. Malamig at mabigat ang tono ng boses nito nang magsalita."Ms. Jhaira, I’m afraid you have no right to claim the CEO position just like that."Matiim ang tingin nito sa kanya, bakas sa ekspresyon nito na hindi siya sang-ayon sa pagkuha n
Pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo, halos manghina si Jhaira habang nakasandal sa upuan ni Zach. Ramdam pa rin niya ang kirot sa mga binti at braso niya, para bang piniga ang bawat kalamnan sa katawan niya. Napansin iyon ni Zach kaya hindi na siya pinayagang bumalik sa upuan niya sa kabilang side ng mesa.Ngayon, si Jhaira ay nakaupo sa isang maliit na upuan sa tabi ni Zach, ang kanyang mga binti ay nakapatong sa kandungan nito. Si Zach naman ay abala sa pagsusulat sa isang dokumento, hawak ang ballpen sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay abala sa pagmamasahe sa talampakan ni Jhaira.Napapapikit siya sa tuwing marahang pinipisil ni Zach ang masakit niyang binti. Dama niya kung paanong bawat hagod ng mga daliri nito ay tila unti-unting pinapawi ang sakit."Masakit pa ba?" tanong ni Zach, hindi inalis ang tingin sa mga papeles sa harapan niya."Medyo," mahinang sagot ni Jhaira, napangiti siya nang bahagya."That's what you get for teasing me kanina," ani Zach, m
Sa loob ng opisina na dating pagmamay-ari ng ama ni Jhaira, nanatiling tahimik ang paligid maliban sa mahihinang pag-click ng ballpen ni Risa habang naglalaro ito sa daliri niya. Nasa likod siya ng malaking mesa — ang mesa ng dating boss — habang ang mga papeles ay nakakalat sa harapan nila.Si Diane naman ay nakaupo sa isang gilid ng mesa, may hawak na baso ng wine na tila pang-relax lang sa kanya. Sa kabilang banda, ang Lolo ni Zach ay kampanteng nakaupo sa malambot na armchair malapit sa bintana, hawak ang isang baso ng whisky na bahagyang niyayanig sa kanyang kamay. Ang malamig na ngiti nito ay tila nanunukso habang pinagmamasdan si Risa."Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko natin ang mga pulis ng ganun kadali," pabirong sabi ni Diane bago uminom sa kanyang baso."Pera lang naman ang kailangan," sagot ni Risa, halatang may yabang sa boses niya. "Kung wala kang pera, wala kang laban. Simple.""Simple?" singit ng Lolo ni Zach, ibinaba nito ang baso ng whisky sa maliit na lamesa s
Malalim ang gabi nang sa wakas ay nakatulog si Jhaira tahimik si Zach sa tabi niya na mariing pinagmamasdan ang pagtulog ng dalaga... Nakahaplos ang kamay ni Zach sa bewang at likuran niya kaya mas naging mahimbing ang pagtulog ni Jhaira Mariing pumikit si Zach at hinalikan ang nuo ni Jhaira, mukhang kailangan na niyang gumawa ng aksiyon para matigil na ang pangangahas ng lolo niya sa relasyon nila ni Jhaira"I will make them pay" Sa gabing din iyon, umalis ng tahimik si Zach sa kuwarto ni Jhaira. Kailangan niyang I secure ang lola niya na ngayon ay nagpapagaling na sa hospital, hindi niya alam kung ano ang maaring gawin ng lolo niya kaya kailangan niyang ingatan lahat ng minamahal niya sa buhayPagmulat ng mga mata ni Jhaira, parang mas maliwanag ang paligid kaysa dati — hindi dahil sa araw, kundi dahil parang malinaw na sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin."Hindi puwedeng ganito lang 'to matatapos..." bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame.Mabilis siyang bumangon,
Tatlong araw na ang lumipas, pero parang isang siglo na ang nararamdaman ni Jhaira. Hindi na niya alam kung umaga ba o gabi na. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang imahe ng Papa niya — ang boses nito, ang tawa, pati na rin ang mga pangarap nilang dalawa na hindi na mangyayari.Nakapulupot siya sa makapal na kumot habang nakaupo sa may sofa, nakatanaw sa madilim na bintana. Sa tabi niya, naroon pa rin ang tray ng pagkain na iniwan ng isa sa mga kasambahay kanina — hindi man lang niya nagawang hawakan. Parang wala nang saysay ang lahat. Wala na siyang lakas, wala na siyang gana.Mabigat ang dibdib niya, parang may batong bumabara sa lalamunan niya. Hindi na niya kayang humagulgol tulad ng dati — ubos na yata ang luha niya.Tahimik ang buong paligid, pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sa una, hindi siya gumalaw. Akala niya isa na naman sa mga kasambahay iyon na mag-iiwan ng pagkain at aalis din kaagad.Pero nang pumasok ito sa loob, may naamoy siyang pamilyar — mabango
Mabilis na huminto ang sasakyan, halos lumipad si Jhaira palabas ng pinto bago pa ito tuluyang magpreno. Parang wala na siyang pakialam kung may masaktan siya sa pagmamadali — kailangan niyang makita si Papa.Ang malamig na hangin ay dumampi sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para palamigin ang apoy ng kaba sa dibdib niya. Isa-isa niyang nilapitan ang mga sasakyang nakasunod sa kanila — kumakatok, pilit na binubuksan ang mga pinto."Papa! Nasaan ka?!" halos pasigaw na tawag niya habang patuloy sa paghahanap. Bawat pagbukas ng pinto ay nagdadala ng panibagong pag-asa — at panibagong pagkadismaya. Iba't ibang mukha ng mga tao ang bumungad sa kanya — mga guwardiya, kasambahay, pati na rin mga taong tila hindi niya kilala — pero kahit isa, wala roon ang ama niya.Nang makita niya si Nanay Celly na bumaba mula sa isang van kasama ang ilang kasambahay, para siyang nabuhusan ng ginhawa."Nay!" Mabilis siyang tumakbo papunta rito, niyakap ito ng mahigpit na tila doon siya kumukuha ng lakas.