Tahimik na naupo si Jhaira sa gitna ng napakahabang mesa, ang bigat ng kanyang pakiramdam ay bumalot sa buong katawan niya. Sa harap niya, isang mesa na tila walang katapusan, puno ng iba't ibang pagkain na parang panghari at reyna. Hindi niya magawang tumingin nang diretso sa plato. Ang lahat sa paligid ay masyadong magarbo para sa kanya—ang mga ukit sa kahoy ng mesa, ang makintab na chandelier na kumikislap sa ibabaw nila, at ang malamig ngunit maaliwalas na simoy ng hangin na pumapasok mula sa bintana.Nanatili siyang nakatingin sa kawalan, ang isipan niya ay puno ng tanong. "Totoo ba ito?" tanong ng kaniyang isipan. Ang lahat ng ito ay parang isang panaginip na hindi niya matukoy kung kailan magtatapos."Anak," tawag ng kanyang ina, si Jaem. Ang boses nito'y puno ng lambing, parang umaawit ng himig ng pagkalinga. Lumapit ito sa kanya, dala ang isang mangkok ng sopas, at maingat na nilagyan ang kanyang plato ng mainit na pagkain. "Kumain ka na, Jhaira. Hindi ka pa kumakain simula n
Pagkatapos kumain, dinala siya ng ina sa isang bahagi ng mala-palasyong mansyon. Madaming pasikot-sikot ang kanilang nadaanan, kaya hindi niya alam kung saan na sila nakarating. Tahimik si Jhaira habang sinusundan si Jaem. Sa bawat hakbang nila, ramdam niya ang pagkailang. Parang hindi pa rin niya matanggap na ang babaeng ito, na matagal niyang inakala na patay na, ay kasama niya ngayon.Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang napakalaking library. Napalunok si Jhaira habang pinagmamasdan ang mga dingding na puno ng libro mula sahig hanggang kisame. Ang liwanag ng araw ay pumapasok mula sa malalawak na bintana, nagpapaliwanag sa buong silid. Sa gitna, may malambot na sofa at mesa, parang eksena sa isang pelikula.“Upo ka, anak,” mahinahong sabi ni Jaem habang naupo sa sofa. Ngumiti ito kay Jhaira, pilit na pinaparamdam ang init ng pagiging magulang.Dahan-dahang naupo si Jhaira sa kabilang dulo ng sofa, bahagyang lumalayo. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan. Pakira
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nag-iba nag ihip ng hangin kay Jhaira at naramdaman ito ng kaniyang inaKinabukasan, mas lalong napansin ni Jaem ang kakaibang kilos ni Jhaira. Hindi ito masyadong nagsasalita, at kahit sinubukan niyang magkwento habang nag-aagahan, nanatiling tahimik ang anak. Para bang lumulutang ang isipan nito. Hindi na niya matiis ang ganitong sitwasyon.Pagkatapos kumain, sinubukan ni Jaem kausapin si Mang Cesar. “Mang Cesar, napapansin ko lang na parang malalim ang iniisip ni Jhaira. Alam niyo ba kung anong nangyayari sa kanya? I'm worried about my daughter” tanong niya habang nag-aayos ng mga papeles sa sala.Umiling si Mang Cesar, halatang naaawa rin sa dalaga. “Pasensya na po, Madam. Hindi po niya nabanggit kahit ano. Tahimik lang po siya nitong mga araw na ito.”Nagpasalamat si Jaem sa sagot ng butler, ngunit mas lalong lumalim ang pag-aalala niya. Alam niyang hindi magiging madali ang relasyon nilang mag-ina, lalo na’t ngayon pa lang sila nagkakasama. Ngu
Sa malamlam na liwanag ng ospital, nagmulat si Zach ng mga mata. Hindi pa man lubos na gising, agad niyang naramdaman ang bigat ng kanyang ulo. Sa gilid ng kama, napansin niyang nakasubsob si Diane, ang mukha nito ay nakatago sa mga braso habang natutulog. Kumunot ang noo ni Zach, bakas ang inis sa mukha. Napaungol siya nang mahina, marahang hinilot ang kaniyang sentido habang sinusubukang alalahanin kung paano siya napunta roon.Naaalala niya ang huling pagkakataong kasama niya si Uno. Nahilo siya, unti-unting nawalan ng lakas, at tuluyang nawalan ng malay. Ngunit bago pa niya mas mawari ang lahat, ginising siya ng tunog ng galaw ni Diane."Zach! Gising ka na!" masayang wika ni Diane, ngunit agad na napalitan ng pag-aalala nang mapansin nitong tinatanggal ni Zach ang mga nakakabit na suwero sa kaniya. "Anong ginagawa mo?!""Stop touching me," malamig na tugon ni Zach habang iwawaksi ang kamay ng dalaga. Tumayo siya mula sa kama, walang pakialam sa pag-aalala nito."Zach, hindi ka pa
Nakatitig si Jhaira kay Zachary, ang kabog ng puso niya'y parang kanyon na sumasabog sa bawat segundo. Nakapako ang tingin niya sa lalaking nasa harap niya—seryoso ang ekspresyon, tila ba nagkukubli ng damdaming hindi niya mabasa. Ang mga mata nito’y matalim, ngunit may bahagyang lambing na tila pilit itinatago.Hindi niya magawang magsalita agad. Nangingibabaw ang galit, pagkagulat, at kirot na nararamdaman niya. Parang kailan lang, ang balitang nakita niya tungkol kay Zachary ay tila isang sibat na tumama sa kanyang pusoTahimik na nakatitig si Zach sa kaniya, ang mukha nito’y seryoso, ngunit may kakaibang lalim ang tingin. Halos hindi siya makahinga habang nakikita ang ekspresyon ng lalaki. Ang mga mata nito’y tila nangungusap, ngunit hindi niya mabasa. Ramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kanyang puso, ngunit sa kabila ng lahat, nangingibabaw ang galit sa kalooban niya.Huminga nang malalim si Jhaira, pilit pinipigilan ang luha na gustong kumawala sa kanyang mga mata.
Tahimik si Jhaira, halos hindi makahinga, habang unti-unting bumabalik ang lakas niya mula sa nangyari. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso niya, pero mas nararamdaman niya ang bigat ng damdamin ni Zach na nakasubsob pa rin sa kanyang leeg. Ang mga braso nito ay mahigpit pa ring nakayakap sa kanyang bewang, na para bang natatakot itong mawala siya muli.Nanginginig ang mga daliri niya habang dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ni Zach. Pakiramdam niya’y parang humupa na ang unos, ngunit naroon pa rin ang mabigat na tensyon sa pagitan nila. Hindi siya nagsalita; tanging mahihinang buntong-hininga ang pumuno sa pagitan nila.Narinig niya ang malalim na paghinga ni Zach, na para bang sinusubukan nitong kumalma. Ramdam niya ang pag-alog ng balikat nito, at unti-unti nitong iniangat ang mukha mula sa kanyang leeg. Ang mga mata nito’y mapupungay, puno ng emosyon na hindi kayang itago ng kahit gaano katigas na anyo.“I’m sorry…” mahina at halos pabulong ang boses ni Zach. Pero kahi
Napapikit ng mariin si Jhaira at hingal na hingal habang patuloy ang mga bayo ni Zach sa kaniyang likuran, kung kaninang tanghali ay nasa may lamesa sila ngayon nag-iba na ang posisyon at ang kanilang lugar. Kasalukuyan silang nasa deck ng yate at nasa kalagitnaan sila ng dagat, hindi niya mawari kung naka ilang beses na sila ni zach ngunit sa nakikita niyang mga nagkalat na condom sa sahig ay alam niyang naka ilang litro na sila ng t***d na nailabas"O-ohhh Z-zachhh--ughhhh" hindi maubos ubos ang mga ungol niya habang mahigpit na nakakapit sa unan na nagsisilbing suporta para makakuha siya ng lakas Ang paglabas masok nang tumitindig na pagkalalaki ni zach ay nagdadala ng panginginig sa kaniyang buong katawan lalo na sa hita, idagdag pa na ang kamay ng binata ay minamasahe ang isa niyang dibdib at ang isa nitong kamay ay nasa kaniyang bewang upang iposisyon siya. Ang labi ni zach ay nasa kaniyang leeg, abala ito sa paghalik at pagdila sa kaniyang balat na nagpapadagdag ng kalibugan sa
Mahimbing ang tulog ni Jhaira sa loob ng yate habang mahigpit siyang niyayakap ni Zach. Ang banayad na alon ng dagat ay tila nagpapatulog pa lalo sa kanya, ngunit kahit ganoon, ang mahigpit na yakap ni Zach ay tila nagpoprotekta sa kanya mula sa lahat ng kaguluhan sa mundo. Dahan-dahang nagmulat ng mata si Jhaira nang maramdaman niyang binubuhat na siya ng lalaki."Hmm..." mahinang ungol niya habang isiniksik ang mukha sa dibdib nito, tila ayaw pang magising. Ramdam niya ang init ng katawan ni Zach, isang pakiramdam na nagbibigay sa kanya ng kakaibang seguridad."Aalis na tayo?" tanong niya nang bahagya siyang magising, ang boses niya'y paos pa mula sa mahabang tulog.Hinaplos ni Zach ang buhok niya bago siya halikan sa noo. "Babalik na tayo," mahinang sagot nito, puno ng lambing. Sa kabila ng malalaking kamay ni Zach, maingat siyang ibinaba sa passenger seat ng sasakyan, parang iniingatan niyang huwag magising nang tuluyan si Jhaira. Inayos pa niya ang incline ng upuan nito para mas
Masaya at payapang umaga ang bumalot sa condo nila ni Zach. Habang nakaupo siya sa dining table, abala siya sa pagkain ng almusal—isang simpleng meal na gawa ni Zach mismo. He insisted na siya ang maghanda, knowing how weak she felt last night.Her appetite was back, at kitang-kita iyon sa paraan ng pagkain niya. Hindi niya napansin na mula pa kanina ay tahimik lang si Zach, nakasandal sa upuan habang mariing nakatitig sa kanya. His sharp eyes followed every little movement she made—mula sa pagkuha niya ng pagkain hanggang sa pagnguya niya.Napansin niyang may ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mukha, at bago pa niya iyon maalis, may mainit na kamay nang naunang humawi roon.Zach.Naramdaman niya ang banayad na pagdampi ng daliri nito sa kanyang balat habang marahang inaayos ang buhok niya. She looked at him, at nagtagpo ang mga mata nila—his eyes held something she couldn't quite place, pero isa lang ang sigurado siya. He was looking at her with so much intensity.Napakurap
Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng kwarto, pero ang init ng balat na bumabalot sa katawan niya ang pumipigil sa kanya para ganap na ginawin. Marahang nagmulat ng mata si Jhaira, pakiramdam niya ay parang may mabigat na bagay na nakapatong sa katawan niya—hindi naman ganun kabigat, pero sapat para pigilan siyang gumalaw nang malaya.Nanatili siyang nakahiga habang pinapakiramdaman ang paligid. Ramdam niya ang malalakas na bisig na mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang mula sa likuran, ang mainit na hiningang dumadampi sa kanyang batok na nagbibigay ng banayad na kiliti. Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sino iyon—dahil alam na alam na ng puso niya kung kaninong bisig siya nakakulong.Si Zach.Dama niya ang init ng katawan nito, ang matitigas na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran. Ang isang braso nito ay nakaipit sa ilalim ng kanyang ulo, habang ang isa naman ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang ayaw siyang pakawalan kahit pa sa gitna ng pagt
Napuno ng init at tamis ang gabing iyon.Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto, tanging ang mahinang tunog ng keyboard at ang paminsang buntong-hininga ni Jhaira ang pumupuno sa espasyo. Malalim ang kunot ng kanyang noo habang sinusuri ang mahahabang dokumentong ipinasa sa kanya kanina.Mula nang maupo siya bilang CEO, halos hindi na siya magkanda-ugaga sa dami ng kailangang pag-aralan. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang magpatakbo ng isang malaking kompanya. Alam niyang magiging challenging ito, pero ngayon lang niya talaga naramdaman ang bigat ng responsibilidad na iniwan sa kanya ng kanyang ama.Bumuntong-hininga siya at marahang hinilot ang kanyang sintido. Kanina pa masakit ang kanyang ulo, pero hindi siya pwedeng tumigil. Hindi ngayon.Bigla na lang niyang naramdaman ang isang mainit at matigas na katawan na dumikit sa kanyang likuran. Muntik na siyang mapatalon nang may dumaan na braso sa kanyang bewang, mahigpit na yumakap sa kanya mula sa likod. Isang pamilyar na
Umaalon ang dibdib ni Jhaira habang pinagmamasdan niya kung paano pilit na nagpupumiglas sina Risa at Diane habang isinasakay ng mga pulis sa kanilang patrol car. Sa kabila ng kanilang pag-aalma, wala silang magawa — naka-posas na ang dalawa, at ang mga pulis ay walang balak palampasin ang kanilang mga kasalanan.Malamig na sumunod si Jhaira sa loob ng conference room, ramdam ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanya. Kasabay ng mga bulungan ay ang mabilis na pagtaas ng tensyon sa silid. Mula sa mga investor na kanina lamang ay nakangiti at pumapalakpak kay Risa, ngayon ay puro pagdududa na ang kanilang mga mukha.Biglang tumayo ang isa sa mga pinakarespetadong investors — isang matandang lalaki na may presensya pa lang ay nagbibigay na ng awtoridad. Malamig at mabigat ang tono ng boses nito nang magsalita."Ms. Jhaira, I’m afraid you have no right to claim the CEO position just like that."Matiim ang tingin nito sa kanya, bakas sa ekspresyon nito na hindi siya sang-ayon sa pagkuha n
Pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo, halos manghina si Jhaira habang nakasandal sa upuan ni Zach. Ramdam pa rin niya ang kirot sa mga binti at braso niya, para bang piniga ang bawat kalamnan sa katawan niya. Napansin iyon ni Zach kaya hindi na siya pinayagang bumalik sa upuan niya sa kabilang side ng mesa.Ngayon, si Jhaira ay nakaupo sa isang maliit na upuan sa tabi ni Zach, ang kanyang mga binti ay nakapatong sa kandungan nito. Si Zach naman ay abala sa pagsusulat sa isang dokumento, hawak ang ballpen sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay abala sa pagmamasahe sa talampakan ni Jhaira.Napapapikit siya sa tuwing marahang pinipisil ni Zach ang masakit niyang binti. Dama niya kung paanong bawat hagod ng mga daliri nito ay tila unti-unting pinapawi ang sakit."Masakit pa ba?" tanong ni Zach, hindi inalis ang tingin sa mga papeles sa harapan niya."Medyo," mahinang sagot ni Jhaira, napangiti siya nang bahagya."That's what you get for teasing me kanina," ani Zach, m
Sa loob ng opisina na dating pagmamay-ari ng ama ni Jhaira, nanatiling tahimik ang paligid maliban sa mahihinang pag-click ng ballpen ni Risa habang naglalaro ito sa daliri niya. Nasa likod siya ng malaking mesa — ang mesa ng dating boss — habang ang mga papeles ay nakakalat sa harapan nila.Si Diane naman ay nakaupo sa isang gilid ng mesa, may hawak na baso ng wine na tila pang-relax lang sa kanya. Sa kabilang banda, ang Lolo ni Zach ay kampanteng nakaupo sa malambot na armchair malapit sa bintana, hawak ang isang baso ng whisky na bahagyang niyayanig sa kanyang kamay. Ang malamig na ngiti nito ay tila nanunukso habang pinagmamasdan si Risa."Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko natin ang mga pulis ng ganun kadali," pabirong sabi ni Diane bago uminom sa kanyang baso."Pera lang naman ang kailangan," sagot ni Risa, halatang may yabang sa boses niya. "Kung wala kang pera, wala kang laban. Simple.""Simple?" singit ng Lolo ni Zach, ibinaba nito ang baso ng whisky sa maliit na lamesa s
Malalim ang gabi nang sa wakas ay nakatulog si Jhaira tahimik si Zach sa tabi niya na mariing pinagmamasdan ang pagtulog ng dalaga... Nakahaplos ang kamay ni Zach sa bewang at likuran niya kaya mas naging mahimbing ang pagtulog ni Jhaira Mariing pumikit si Zach at hinalikan ang nuo ni Jhaira, mukhang kailangan na niyang gumawa ng aksiyon para matigil na ang pangangahas ng lolo niya sa relasyon nila ni Jhaira"I will make them pay" Sa gabing din iyon, umalis ng tahimik si Zach sa kuwarto ni Jhaira. Kailangan niyang I secure ang lola niya na ngayon ay nagpapagaling na sa hospital, hindi niya alam kung ano ang maaring gawin ng lolo niya kaya kailangan niyang ingatan lahat ng minamahal niya sa buhayPagmulat ng mga mata ni Jhaira, parang mas maliwanag ang paligid kaysa dati — hindi dahil sa araw, kundi dahil parang malinaw na sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin."Hindi puwedeng ganito lang 'to matatapos..." bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame.Mabilis siyang bumangon,
Tatlong araw na ang lumipas, pero parang isang siglo na ang nararamdaman ni Jhaira. Hindi na niya alam kung umaga ba o gabi na. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang imahe ng Papa niya — ang boses nito, ang tawa, pati na rin ang mga pangarap nilang dalawa na hindi na mangyayari.Nakapulupot siya sa makapal na kumot habang nakaupo sa may sofa, nakatanaw sa madilim na bintana. Sa tabi niya, naroon pa rin ang tray ng pagkain na iniwan ng isa sa mga kasambahay kanina — hindi man lang niya nagawang hawakan. Parang wala nang saysay ang lahat. Wala na siyang lakas, wala na siyang gana.Mabigat ang dibdib niya, parang may batong bumabara sa lalamunan niya. Hindi na niya kayang humagulgol tulad ng dati — ubos na yata ang luha niya.Tahimik ang buong paligid, pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sa una, hindi siya gumalaw. Akala niya isa na naman sa mga kasambahay iyon na mag-iiwan ng pagkain at aalis din kaagad.Pero nang pumasok ito sa loob, may naamoy siyang pamilyar — mabango
Mabilis na huminto ang sasakyan, halos lumipad si Jhaira palabas ng pinto bago pa ito tuluyang magpreno. Parang wala na siyang pakialam kung may masaktan siya sa pagmamadali — kailangan niyang makita si Papa.Ang malamig na hangin ay dumampi sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para palamigin ang apoy ng kaba sa dibdib niya. Isa-isa niyang nilapitan ang mga sasakyang nakasunod sa kanila — kumakatok, pilit na binubuksan ang mga pinto."Papa! Nasaan ka?!" halos pasigaw na tawag niya habang patuloy sa paghahanap. Bawat pagbukas ng pinto ay nagdadala ng panibagong pag-asa — at panibagong pagkadismaya. Iba't ibang mukha ng mga tao ang bumungad sa kanya — mga guwardiya, kasambahay, pati na rin mga taong tila hindi niya kilala — pero kahit isa, wala roon ang ama niya.Nang makita niya si Nanay Celly na bumaba mula sa isang van kasama ang ilang kasambahay, para siyang nabuhusan ng ginhawa."Nay!" Mabilis siyang tumakbo papunta rito, niyakap ito ng mahigpit na tila doon siya kumukuha ng lakas.