Share

1

Hindi ko maintindihan bakit ako pa, bakit kailangan ko na magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala. Bakit kailangan pakasalan ko ang lalaking hindi ko pa nakikita. Para isalba ang kompanya!

Natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa narinig. Sa tono pa lang ni Tita Cynthia parang sigurado na siya. Hindi man lang nila hiningi ang opinyon ko, hindi nila iyon kailangan dahil galit at nagseselos sila sa akin.

Deserve ko ang posisyon ko sa kompanya, malaki ang naitulong ni Daddy sa kompanya.

Ilang beses akong bumuntong-hininga bago naka pagpasya na pumasok sa loob. Nag-aaway pa rin sila, hindi ko pinahalata na mayroon akong nalalaman sa plano nila, umakto ako na normal.

"Bakit hindi nyo ako pinatawag may meeting pala kayo rito, hindi ba parte ako ng pamilya."

"You're to young to understand what we are talking about."

Matamis akong ngumiti kahit nakakaramdam ako ng inis sa kanila. Masama ang mainis pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na maramdaman iyon.

"Twenty-five is not young, malapit na akong lumampas sa kalendaryo," sagot ko ng mayroong halos biro.

"We are trying to talk about how we can solve our problem," Tito Conrad strictly said.

I clasped my hands together. "Mas maganda dahil may maitutulong ako sa pag-iisip nyo. I know a lot, it can also help."

"Clara this is not the right time to joke, bumalik ka na sa opisina mo ay hayaan mo kami ng mga Tito at Tito na mag-usap." Kalmadong sabi ni Tita Vinice ang asawa ni Tito Conrad.

Mabait si Tita Vinice, siya ang masasabi ko na totoong kakampi ko sa pamilya. Palagi niya akong pinagtatangol at sana nga matulungan niya ako.

Tumango ako. "Fine, I'll go ahead, nasa office lang ako, pakitawagan na lang si Nicole kung kailangan nyo ako." Nagbigay ako ng matamis na ngiti kahit peke. "I hope you're not talking about me or something about me," I said before I left.

Imbis na bumalik sa opisina ko para magtrabaho ulit, naisipan ko na umalis. Kaagad ko na pinaandar ang sasakyan ko palayo sa kompanya nasa isip pa rin ang usapan nila.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, walang dereksyon ang pagmamaneho ko. Ayaw ko pa na magpakasal, kung gusto ko man bakit hindi ko ginawa noon, bakit nila ako pinapangunahan.

Nagcheck-in ako sa isang hotel malayo sa amin. Pinatay ko rin ang cellphone ko para hindi nila ako mahanap, sinadya ko na mag check-in sa hindi kilala na hotel dahil alam nila na hindi naman ako makakatiis sa mumurahin na hotel. Totoo naman iyon hindi ko iyon pwedeng ikaila.

"I really want to be like this," bulong ko sa sarili ko habang ninamnam ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko.

Nandito ako sa terrance ng kwarto, nagbabasa ng libro na nabili ko kanina sa maliit na bookstore nila.

Natigil ako sa pagbabasa noong marinig ang katok mula sa pinto. Kumunot ang noo ko dahil wala akong binibili at hindi rin ako nagpapatawag ng room service.

Nilapag ko sa maliit na coffee table ang libro bago nagtungo sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras noong makilala kung sino ang nakatayo sa labas. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Kuya Bryan anong ginagawa mo rito, paano mo ako nahanap?" kinakabahan ko na tanong sa pinsan ko.

His jaw clenched because of what I said. "Our company is in crisis then you have your guts to ran away. Hinahanap ka ng mga tao sa mansyon."

I looked at him with the same seriousness. "Wow, hindi nila ako hinahanap dahil nag-aalala sila sa akin, hinahanap nila ako dahil sa akin nila ibabato ang responsibilidad na hindi naman ako invole."

"Involved ka dahil ikaw ang vice president ng kompanya!" he fired back. "Nasa posisyon ka kaya may mga obligasyon ka."

"Your mother is the CEO bakit hindi ba kaya ni Tita Cynthia?"

"Hindi mo nakukuha ang punto, Clara. Ngayon ayusin mo na ang mga gamit mo habang nagkakapagtimpi pa ako, uuwi na tayo."

"Ayaw kong umuwi!" matapang kong sagot.

"Uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo. Huwag mo na mismong mga pulis pa ang pasunduin ko sayo," nakahalukipkip niya na sabi. "Hindi mo magugustuhan, Clara."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status