kyot kyot ni Lolo Herman. Sa imagination ko, portrayer niya si Ronaldo Valdez 💗✨
Chapter 186"ATE..."Isang bahagyang nanginginig na boses ang pumukaw sa atensyon ni Camila habang nagbabasa siya ng libro sa sofa sa balkonahe.Ibinaba niya ang libro sa kanyang tuhod at tumingin sa direksyon ng boses. Nakita niya si Charlotte na nakatayo sa may pinto, may dalang lunch box, at mukhang may kasamang guilt sa mga mata. Pati ang ngiti nito ay mukhang pilit."Sino ka?" tanong ni Camila habang pinipisil ang mga mata, tila nag-iisip at may halong pagdududa.Sa narinig, natuwa si Charlotte at agad na nawala ang kaba niya. Maaga pa lang siyang pumunta roon matapos marinig na nawalan ng alaala si Camila. Sinadya niyang dumating nang wala si Brix.'Talagang pabor sa akin ang pagkakataon! Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko siya makukuha sa panig ko, pero ngayon, nawalan siya ng alaala—ibig sabihin, mas madali na ang lahat para sa akin!'Mabilis siyang lumapit, inilapag ang lunch box sa mesa, pagkatapos ay lumapit sa sofa na may masayang ekspresyon. Hinawakan niya ang kamay ni
Chapter 187DAHIL nauna nang nagdala ng pagkain si Charlotte kahapon, maaga pa lang ngayong umaga, dinala na ni Brix si Braylee sa ospital.Nang makita nilang hindi naman sumama ang pakiramdam ni Camila pagkatapos kumain kahapon, nagpagawa sila ng mas masarap na pagkain ngayon.Masayang kumakain si Camila nang biglang mapatingin siya sa pinto. Nakita niyang gumalaw ang door handle at sa sumunod na segundo, bumukas ang pinto. Nakatayo doon si Charlotte, may hawak na food box."Ate, bayaw, Braylee, magandang umaga!"Sabi nga nila, hindi mo pwedeng saktan ang isang taong nakangiti. Kaya naman ipinakita ni Charlotte sa tatlo ang isang perpektong ngiti. Nagbago pa siya ng tawag kay Brix, umaasang makuha ang loob nito.Ngayon, hindi siya nakasuot ng palda. Naka-puting t shirt lang siya sa itaas at matibay na maong sa ibaba. Halos matawa si Camila nang makita ito."Ate, nagluto ulit ako para sa’yo. Ah, tapos ka na palang kumain?""Ayos lang, pwede pa naman akong kumain ulit." Dahil nagsalita
Chapter 188MATAPOS ang mahigit kalahating buwang pagpapahinga sa ospital, bumuti na ang pakiramdam ni Camila at bumalik siya sa pamilya Monterde ayon sa mungkahi ni Lolo Herman.Ang dahilan na ginamit ng matanda para kumbinsihin siya ay isang simpleng pangungusap lang. "Camila, hindi mo pa rin lubusang tinatanggal sa puso mo si Brix. Ngayon na nagbago na siya, bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang isa’t isa?"Matapos ang lahat ng nangyari, alam niyang niloloko lang niya ang sarili kung sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman para kay Brix.Hindi naman bago sa kanya ang pagmamahal kaya malinaw sa kanya ang nararamdaman niya. Hindi siya yung tipo ng taong mahilig umiwas o maging passive, kung hindi, hindi sana niya hinabol si Brix noon nang walang pag-aalinlangan.Mabilis na tumatakbo ang sasakyan sa kalsada at dumaan ang sinag ng araw sa bintana, bahagyang nagdidilim habang lumalampas ang mga tanawin. Nakasandal si Camila sa bintana, tahimik na iniisip ang lahat habang pinagma
Chapter 189GABI na naman.Si Camila na nakahiga nang tuwid sa kama, ay bumaligtad at natulog patagilid. Hindi niya namalayang niyakap niya ang tabi niya gamit ang kanang kamay, pero wala siyang nakapang katabi. Pumikit siya at hinaplos ang paligid ng kanyang kama, pero wala siyang naramdaman. Bigla siyang natauhan."Asan si Braylee?" Mahinang bulong niya. Pinilit niyang imulat ang kanyang mata at nakita ang isang maliit na unan sa tabi niya.Ramdam niyang mas malamig ang parte ng kama kung saan natutulog si Braylee, senyales na matagal na itong bumangon.Inabot ni Camila ang switch ng ilaw sa tabi ng kama at biglang lumiwanag ang kwarto mula sa crystal na chandelier sa kisame. Bumangon siya at lumakad pababa ng kama."Braylee——""Mommy? Gising ka na!" Nagulat at bahagyang kinabahan ang boses ni Braylee mula sa banyo.Nagtaka si Camila at lumapit sa pintuan. "Anong ginagawa mo diyan?""Mommy, nasa banyo lang ako. Sorry sa istorbo. Matulog ka na ulit."Iihi na naman? Ganito rin ang si
Chapter 190MAGKAYAKAP ANG MGA braso na umakyat ang magkapatid sa harap ng nagulat na mga empleyado. Pagdating sa taas, naghiwalay na sila ng landas.Pagkapasok sa opisina, agad na tumakbo si Braylee papunta sa bintana para tingnan ang mga bulaklak. Hindi siya pinigilan ni Camila at natawa na lang habang umupo sa kanyang desk.Bumalik na ulit sa kamay niya ang kumpanya. Siguradong galit na galit sa kanya si Charlotte, pero nagkukunwaring malapit pa rin sa kanya bilang kapatid. Ang galing nitong umarte—hindi kaya kumuha siya ng acting lessons sa kung anong entertainment company?Habang binubuklat ang mga dokumento sa mesa, may kumatok sa pinto.Tumingala si Camila at nakita ang isang pamilyar na pigura sa likod ng translucent na glass wall."Tuloy."Pumasok si Yesha at bumati, "President Camila." Matapos siyang titigan ng ilang sandali, nag-alinlangan ito bago nagsalita."Boss, ako si Yesha, ang assistant mo. Kung may mga tanong ka, pwede mong itanong sa akin."Dati, palaging ginagamit
Chapter 191MATAPOS makumpleto ang isang malaking company deal, sobrang saya ni Braylee, pero hindi niya nakalimutan ang pangako niya kay Camila. Papasok na sana siya sa elevator nang biglang hawakan siya ni Charlotte."Braylee, may sasabihin si Tita sa'yo," lambing ni Charlotte.Kamakailan lang, may tumawag na direktor sa kanya at inaalok siyang maging guest sa isang parent-child na programa. Ang talent fee ay 1 million pesos kada episode. Pero dahil gusto niyang maging isang sikat na idol na kilala sa kagandahan, tinanggihan niya ito agad.Pero ngayong nakita niya ang prodigy look ni Braylee, bigla siyang nagkaroon ng interes. Kahit na inis siya sa bata, hindi niya maitatangging sobrang husay nito kumpara sa mga kasing-edad nito at bukod pa roon, maganda rin ang itsura. Kung sasali si Braylee sa programang "Genius Children," siguradong magiging patok ito. Puwede pa niyang gamitin ang kasikatan ni Braylee para sumikat din siya."Hindi ako makikinig!" Pilit na inaalis ni Braylee ang k
Chapter 192ALAS sais ng hapon, nakaupo si Camila sa sofa habang kumakain ng mga meryenda na dinala ng mga kasambahay nang biglang lumapit si Braylee."Mommy, gusto mo bang masahiin kita?""Hindi na, may lakas ka ba naman?""Malakas si Braylee! Nag-aral ako ng masahe sa online!"Muntik nang mabulunan si Camila sa butter cake na kinakain niya at napaubo. "Sige, subukan mo muna kay Orange, ‘yung asong nasa bakuran. Kapag sinabi niyang magaling ka, papayag ako.""Mommy, magkaiba ang points ng aso at tao, eh," sagot ni Braylee nang seryoso. Ang tinutukoy nito ang Meridian points sa katawan. "Oh! Marunong ka rin sa meridian?" Tinaasan siya ng kilay ni Camila. Ayaw niyang pigilan ang confidence nito kaya inilapag niya ang pastry sa plato at humiga sa sofa."O, sige na nga.""Tabi ka diyan, hindi ko maabot nang maayos," sabi ni Braylee, sabay turo sa kama."Okay."Masayang lumipat si Camila sa kama. Agad namang hinubad ni Braylee ang sapatos niya, tinaas ang manggas ng damit, at sinimulang
Chapter 193NAGPUSTAHAN na ang dalawa, pero kahit ganun, walang awang nang-iinis pa rin si Wilbert.Tinapik niya ang noo ni Braylee gamit ang daliri at mayabang na nagsalita. "Ano bang kinakain mo sa bahay niyo? Ang liit-liit mo! Ako, madalas akong inilalabas ng mama ko para kumain sa mga mamahaling restaurant, pero kayo, mukhang hindi niyo kaya!"Napangiwi si Braylee. "Hindi pa nga ako apat na taon, ikaw ilang taon ka na?""Eh...," namula si Wilbert, "Walong taon na ako! Pero bakit? Kahit umabot ka sa edad ko, mas matangkad pa rin ako sa'yo!"Napatingin si Braylee sa kanya nang may pagdududa. "Paano mo nalaman? Ano ka, fortune teller?"Napakunot-noo ang ibang bata sa tabi nila—hindi nila maintindihan ang ibig sabihin ng "fortune teller"."Titigan mo pa ako nang ganyan, sasapakin na talaga kita!" Winasiwas ni Wilbert ang kamao niya sa hangin.Napangiwi si Braylee. "Sabi sa libro, 'Ang tunay na gentleman, salita ang gamit at hindi kamao.' Ibig sabihin, mahilig kang mam-bully ng mas mahi
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami