Bukas na uli. Halos kauuwi ko lang from school so yep, sobrang sabog ko. Bawi ako sa mga susunod na araw
Chapter 172ALAS SINGKO ng umaga, napilitan si Jeffrey na isama si Daisy dahil sa responsibilidad na ipinataw sa kanya. Magkasama silang nagpunta sa international airport.Pagdating nila, nakita agad ni Daisy ang makukulay na ilaw at ang mga taong nagmamadaling bitbit ang kani-kanilang mga maleta, parang mga tumatakas. Hindi niya nagustuhan ang tanawin.Matapos makuha ang kanilang boarding pass at dumaan sa security, pumasok silang dalawa sa VIP waiting room.Lumingon-lingon si Daisy, tumayo at saka nagsalita. "Lalabas muna ako, kakain ako ng kahit ano."Mukhang nainis si Jeffrey sa ginawi ni Daisy. "Ang dami namang pagkain dito, kulang pa ba 'yon para saâyo?"Hindi ito pinansin ni Daisy, kinuha ang wallet niya at lumabas.Malamig ang tingin ni Jeffrey at nagbabala, "Mag-ingat ka!"Pagkalabas ng waiting room, dumiretso si Daisy sa isang sikat na tindahan ng mga damit.Masyadong nagmamadali ang pag-alis niya ngayon. Ilang araw siyang nakakulong sa basement kaya ang itsura niya ay paran
Chapter 173PAGDATING ni Lolo Herman sa inpatient department ng St. Mary's Hospital, agad niyang binuksan ang pinto ng ward at nakita ang tatlong taoâdalawang matanda at isang bataânakapalibot sa kama. May isang babaeng nurse na nakatayo sa tabi nila.Narinig ng apat ang ingay at agad na lumingon. Nang makita kung sino ang dumating, tatlo sa kanila ang tumayo at sinalubong si Lolo Herman."Lolo!" tawag ni Brix."Lolo!" Tumakbo si Braylee papunta sa kanya, namumula ang mata.Hinawakan ni Lolo Herman si Braylee pero hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang isa sa kanila. Bahagya naman siyang tumango kay Eric, bago niya hinarap ang batang nurse."Kumusta na ang pasyente?""Nasa comatose state pa rin siya at kailangang bantayan nang mabuti," sagot ng nurse nang may paggalang."Salamat sa inyong pag-aalaga.""Tungkulin po namin ito.""Lolo!" Hinila ni Braylee ang pantalon ni Lolo Herman. "Anong nangyari kay Mommy?""...Ano âyung mga nakakabit sa katawan ni Mommy? Nakakatakot! Masakit ba
Chapter 174ANG ikatlong gusali ng Star Building ay ang star residence ng Andromeda Performing Arts Company. Nasa isang mahalagang lugar ito at may mahigpit na seguridad.Ang buong gusali ay napapalibutan ng magagandang hardin, maraming mamahaling sasakyan ang makikita sa paligid at ang disenyo ng bawat gusali ay napakagarbo. Sinumang nakatira dito ay itinuturing itong isang karangalan.Nakatayo si Charlotte sa balkonahe sa 12th floor, nakatingin sa gusaling may makukulay na ilaw sa malayo, may madilim na ekspresyon sa mukha.Bilang isang bagong artista na pino-promote ng kumpanya, dati siyang nakatira sa ika-dalawampu't walong palapag. Sinabing dormitoryo ito para sa staff, pero sa totoo lang, may dalawang palapag ito at may malalawak na bintanang abot sa sahig. Doon, maaari siyang tumayo sa tabi ng bintana, may hawak na baso ng pulang alak habang pinagmamasdan ang ilog sa malayoâhindi tulad ngayon, nakatira na lang siya sa isang maliit na kuwartong wala pang 150 square meters, nakat
Chapter 175MATAO pa rin ang mga lansangan kahit alas-onse na ng gabi.Sa malayo, maliwanag ang paligid. Marami pa ring bukas na tindahan sa daan, at may mga lalaking at babaeng nakasuot ng makukulay at mamahaling damit na naglalakad sa kalsada.Sanay ang mga tao sa lungsod sa ganitong klase ng buhayâmasigla ang gabi, at bihira ang natutulog nang maaga. Kahit mag-aala-una o alas-dos na ng madaling araw, may makikita ka pa ring mga taong gumagala.Si Daisy ay nakabihis nang maayos at naglalakad sa kalsada na hindi man lang lumilingon sa paligid, hindi napapansin na may sumusunod sa kanya.Naglakad siya papunta sa isang poste ng ilaw at tumigil doon, walang pakialam sa mga panakanakang sulyap ng mga dumadaang tao. Paminsan-minsan lang siyang tumitingin sa kanyang cellphone at nagtitipa rito, halatang may kinakausap.Ilang saglit pa, isang sasakyan ang huminto sa tabi ng kalsada at bumaba ang isang lalaking nasa katanghaliang-gulang, nakasuot ng T-shirt at casual na pantalon. Diretso ito
Chapter 176ALA-UNA ng madaling araw, dalawang bodyguard ang mahigpit na nagbabantay sa magkabilang gilid ng pinto. Parang radar ang kanilang mga mata habang sinusuri ang paligid.Maganda ang soundproofing ng pinto pero dahil gabi na at tahimik ang paligid, narinig pa rin nila ang nakakahiya at nakakakilabot na tunog na nagmumula sa loob.Nagkatinginan ang dalawa at napatawa nang bahagya. Biglang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Tatlong tao ang lumabas."Ang hirap ng trabaho niyo ah. Bumaba na kayo at magpahinga. Kami naman ang magbabantay."Tumango ang dalawang bodyguard, lumuwag ang tensyon sa kanilang katawan at lumihis sa daanan.Tinitigan ng isang bodyguard ang lalaking medyo pandak sa harap niya at tinanong ang dalawang bodyguard na naka-duty. "Sino siya?""Ah, bagong tauhan. Si Kuya Jepoy ang nag-utos na alagaan siya."Tumango ang bodyguard at hindi na nagtanong pa. Umalis silang dalawa habang nag-iisip kung saan pwedeng maglibang mamaya.Sa trabaho nila, mas nauunaw
Chapter 177PAGKATAPOS mag-almusal, pumasok ang assistant at inayos ang itsura ni Charlotte. Magkasama silang pumunta sa kumpanya.Matagal nang binawi ng kumpanya ang sasakyan na ibinigay sa kanya noon, kaya gamit niya ang sarili niyang kotse.Pagkapasok pa lang sa gate ng kumpanya, agad niyang nakasalubong ang isang babaeng nakapulang damit na papalapit sa kanya."Wala kang mata!" mataray na sabi ng babae. Siya ang itinuturing na reyna ng kumpanya, palaging may mga event at projects na inaasikaso araw-araw.Napakagat-labi si Charlotte, hindi niya matanggap ang pambabastos nito. "Oo nga, hindi ko nga alam kung sino talaga ang walang mata!"Narinig ito ng assistant niya at agad itong sumiksik sa likuran ni Charlotte, parang pagong na gustong magtago.Napataas ang kilay ng babae, parang nagulat na may naglakas-loob lumaban dito. Sinipat niya si Charlotte mula ulo hanggang paa bago tumingin sa kanyang manager. "Sino âyan?"Matagal na nag-isip ang manager bago sumagot. "ParangâĶ bagong sal
Chapter 178PUMASOK si Daisy sa kwarto at agad na ni-lock ang pinto sa likod niya.Ang unang nakita niya ay ang maliit na kama. Sa ilalim ng malambot at puting kumot, tahimik na nakahiga si Camila, may suwero na nakakabit sa likod ng kaliwang kamay.Sinilip ni Daisy ang paligid ng kwarto, pati na rin ang balkonaheng natatakpan ng kurtina. Nang masiguradong wala nang ibang tao roon, lumapit siya sa kama.Dahil siguro sa kaba, kahit alam niyang mag-isa lang siya, maingat pa rin siyang naglakad at halos hindi naririnig ang kanyang yabag.Nang makalapit na siya, mas malinaw niyang nakita ang mukha ni Camila. Dahil puro nutritional injections lang ang kanyang sustento, lalo itong pumayat at lumiit ang mukha. Ang kutis nito ay maputlang-maputla kaya lalong lumabas ang pagiging mahina at kaawa-awa.Napasinghal si Daisy at biglang pinisil nang madiin ang pisngi ni Camila. Hindi niya ito binitiwan hangga't hindi lumilitaw ang bahagyang marka ng kuko sa balat nito.Masyado siyang natuon sa gina
Chapter 179ITINUTOK ni Daisy ang syringe sa kanyang leeg, may luha sa kanyang mga mata, kalahating nagmamakaawa at kalahating nagbabanta ang makikita sa mukha niya. Ngumisi lang si Brix. "Sa tingin mo ba may pakialam ako kung mabuhay o mamatay ka?"Nanlamig ang mukha ni Daisy sa narinig. Pumikit siya, hinigpitan ang hawak sa syringe at itinarak ang dulo ng karayom sa kanyang balat."Stop!" malamig na sigaw ni Brix.Natigilan si Daisy at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ngumiti siya at saka nagsalita. "Billy, may nararamdaman ka pa rin para sa akin, hindi mo lang matanggap."Umakyat ang dugo sa ugat sa noo ni Brix, ngunit hindi niya pinasinungalingan ang sinabi nito. Sa halip, iniabot niya ang kanyang kamay. "Ibigay mo 'yan sa akin.""Hindi..." Hindi pa si Daisy natatapos magsalita nang biglang lumipat ang kamay ni Brix sa likod ng ulo niya at hinampas ito nang malakas.Napapikit si Daisy, at nawalan ng malay sa isang iglap. Nabitiwan niya ang syringe at bumagsak siya sa sahig.Yu
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isaât isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo saâyo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako saâyo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga âyan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino âto? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na âyun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami