Chapter 167PAGKATALIKOD ni Camila, bigla niyang naramdaman ang matinding sakit sa likod. Napasigaw siya at napayuko nang kusa ang kanyang katawan. Ilang sandali lang, bumagsak siya sa lupa na parang nakuryente—hindi gumagalaw."Miss Camila!"Mabilis na umaksyon ang lalaking nakaitim. Tumakbo siya para habulin si Daisy na mabilis na tumakas pero natigilan siya nang makita si Camila na tahimik lang, duguan ang likuran.Dalawang segundo siyang nag-alinlangan bago tuluyang binaliwala si Daisy. Yumuko siya at maingat na binuhat ang walang malay na si Camila.Napatingin siya sa kutsilyong nakatarak sa katawan nito, pero hindi siya naglakas-loob na alisin ito. Iningatan niyang huwag masyadong gumalaw si Camila habang nagmamadaling lumapit sa kotse sa gilid ng kalsada.Bago pa siya makalapit, narinig na niya ang tunog ng makina ng sasakyan. Nataranta ang lalaking nakaitim at binilisan ang pagtakbo. Saktong nakita niya si Daisy na hawak ang manibela, pinapatakbo ang nag-iisang sasakyan palayo
Chapter 168MAAGANG-MAAGA pa lang, nakaupo na si Dale sa hapag-kainan sa ikalawang palapag, hawak ang isang food bowl ng masustansyang lugaw na espesyal na inihanda ng chef para sa kanya upang palakasin ang kanyang katawan.Dahan-dahan siyang kumakain, isang kutsara sa bawat subo, ang kilos niya ay parang isang robot—paulit-ulit at walang emosyon. Pati ang dati niyang malinaw na mga mata, na medyo hawig sa kay Daisy noon ay wala nang ningning.Lubhang bumagsak ang kanyang katawan nitong mga nakaraang araw. Lumubog na ang kanyang mga mata, kaya mukha na siyang isang taong malnourished na may anorexia.Nang nasa 70% na siyang busog, biglang nag-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Ibinalik niya ang kutsara, kinuha ang cellphone at binuksan ito. Nang makita niyang si Daisy ang nagpadala ng mensahe, mabilis niyang pinindot ito."Kuya, tulungan mo ako, basement."Sa sobrang pagkataranta ni Daisy, hindi na niya nailagay ang address o kung sino ang nagkulong sa kanya, kaya walang ideya k
Chapter 169SINA CYFER at Charlotte na dumating para manggulo kay Camila ay hindi inasahang makakakita ng ganoong eksena sa harap mismo ng ospital.Ngayon, hindi sila makausad pero ayaw din nilang umatras.Sa wakas, nagkaroon na si Charlotte ng pagkakataong makita si Camila na nahihirapan. Hindi niya matitiis na hindi siya pagtawanan at laitin.Pero narinig niya na dati ay parang magkapatid sina Dale at Brix at ngayon ay ganito na ang pagtrato ni Brix sa kaibigan. Paano kung sa kanila ito gawin ni Brix? Baka mapatay sila sa bugbog.Pinunasan ni Cyfer ang pawis sa noo, hindi alam kung dahil ba sa init o kaba. Diyos ko, matagal na siyang sikat pero ngayon lang siya nakaranas ng ganito."Umalis na muna tayo. Hindi ito ang tamang oras. Paano kung makita ka ni Mr. Monterde na inaapi si Camila? Hindi ba't ikaw ang mapapahamak?"Naiintindihan ni Charlotte ang pag-aalala nito. Matapos makita ang sinapit nina Jackie at Lannie, imposibleng hindi matakot si Cyfer kay Brix.Gigil na gigil siyang
Chapter 170SINABI ni Jeffrey kay Daisy ang balita. Ang gusto lang naman niya ay mapagtanto nito kung gaano kaseryoso ang problema at pumunta kay Brix para humingi ng tawad, para hindi na siya madamay pa. Pero hindi niya inasahan na kabaligtaran ang magiging epekto.Nang marinig niya ang sagot ni Daisy, kumunot ang noo ni Jeffrey. "Ang kuya mo lumuhod para sa'yo at matigas ang paninindigan ni Mr. Monterde dahil sa dami ng 'magagandang' bagay na nagawa mo. Bakit mo ngayon sinisisi si Miss Perez ?"Nang makita niyang ipinagtatanggol din nito si Camila, nagpanting ang tenga ni Daisy at lalong nagalit. "Kung hindi dahil sa malanding Camila na niloko si Brix, hindi niya ako ituturing na ganito! Kasalanan ng babaeng 'yon!"Alam ni Jeffrey na walang saysay na makipagtalo sa babae kaya deretsahan na lang niyang sinabi. "Ilalabas kita mamaya. Ayusin mo ang sarili mo at pumunta ka sa ospital para humingi ng tawad kay Master Monterde."Sa mata ni Brix, si Jeffrey ang tagasuporta ni Daisy. Kung
Chapter 171"PAMILYA ng pasyente? Pamilya ng pasyente, lumapit kayo!"Biglang lumabas ang isang lalaking doktor mula sa isang kwarto at lumapit kina Brix at sa dalawa pa, may hawak na papel sa kamay.Bumukas ang talukap ng mata ni Brix at bago pa siya makapagsalita, nagsalita na agad ang doktor, "Malubha ang kondisyon ng pasyente at nanganganib ang buhay. Kailangan ng pirma ng pamilya para sa critical illness notice."Sa isang iglap, tila nagyelo siya sa kinatatayuan niya. Parang may isang napakalaking bato na bumagsak mula sa langit at dinurog siya pababa sa kailaliman, pinuno siya ng takot at sumikip ang dibdîb niya sa labis na pag-aalala."A-Ako," mahina niyang sagot."Kayo na sumunod sa akin." Kumaway ang doktor, senyales na dapat siyang sumama.Tumango si Brix at sumunod, mabibigat ang bawat hakbang na kanyang ginagawa.Si Eric na tahimik lang kanina ay agad ding naglakad kasunod nila, seryoso ang ekspresyon.Pumasok silang tatlo sa isang private room. Tinulak ng doktor ang dalawa
Chapter 172ALAS SINGKO ng umaga, napilitan si Jeffrey na isama si Daisy dahil sa responsibilidad na ipinataw sa kanya. Magkasama silang nagpunta sa international airport.Pagdating nila, nakita agad ni Daisy ang makukulay na ilaw at ang mga taong nagmamadaling bitbit ang kani-kanilang mga maleta, parang mga tumatakas. Hindi niya nagustuhan ang tanawin.Matapos makuha ang kanilang boarding pass at dumaan sa security, pumasok silang dalawa sa VIP waiting room.Lumingon-lingon si Daisy, tumayo at saka nagsalita. "Lalabas muna ako, kakain ako ng kahit ano."Mukhang nainis si Jeffrey sa ginawi ni Daisy. "Ang dami namang pagkain dito, kulang pa ba 'yon para sa’yo?"Hindi ito pinansin ni Daisy, kinuha ang wallet niya at lumabas.Malamig ang tingin ni Jeffrey at nagbabala, "Mag-ingat ka!"Pagkalabas ng waiting room, dumiretso si Daisy sa isang sikat na tindahan ng mga damit.Masyadong nagmamadali ang pag-alis niya ngayon. Ilang araw siyang nakakulong sa basement kaya ang itsura niya ay paran
Chapter 173PAGDATING ni Lolo Herman sa inpatient department ng St. Mary's Hospital, agad niyang binuksan ang pinto ng ward at nakita ang tatlong tao—dalawang matanda at isang bata—nakapalibot sa kama. May isang babaeng nurse na nakatayo sa tabi nila.Narinig ng apat ang ingay at agad na lumingon. Nang makita kung sino ang dumating, tatlo sa kanila ang tumayo at sinalubong si Lolo Herman."Lolo!" tawag ni Brix."Lolo!" Tumakbo si Braylee papunta sa kanya, namumula ang mata.Hinawakan ni Lolo Herman si Braylee pero hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang isa sa kanila. Bahagya naman siyang tumango kay Eric, bago niya hinarap ang batang nurse."Kumusta na ang pasyente?""Nasa comatose state pa rin siya at kailangang bantayan nang mabuti," sagot ng nurse nang may paggalang."Salamat sa inyong pag-aalaga.""Tungkulin po namin ito.""Lolo!" Hinila ni Braylee ang pantalon ni Lolo Herman. "Anong nangyari kay Mommy?""...Ano ‘yung mga nakakabit sa katawan ni Mommy? Nakakatakot! Masakit ba
Chapter 174ANG ikatlong gusali ng Star Building ay ang star residence ng Andromeda Performing Arts Company. Nasa isang mahalagang lugar ito at may mahigpit na seguridad.Ang buong gusali ay napapalibutan ng magagandang hardin, maraming mamahaling sasakyan ang makikita sa paligid at ang disenyo ng bawat gusali ay napakagarbo. Sinumang nakatira dito ay itinuturing itong isang karangalan.Nakatayo si Charlotte sa balkonahe sa 12th floor, nakatingin sa gusaling may makukulay na ilaw sa malayo, may madilim na ekspresyon sa mukha.Bilang isang bagong artista na pino-promote ng kumpanya, dati siyang nakatira sa ika-dalawampu't walong palapag. Sinabing dormitoryo ito para sa staff, pero sa totoo lang, may dalawang palapag ito at may malalawak na bintanang abot sa sahig. Doon, maaari siyang tumayo sa tabi ng bintana, may hawak na baso ng pulang alak habang pinagmamasdan ang ilog sa malayo—hindi tulad ngayon, nakatira na lang siya sa isang maliit na kuwartong wala pang 150 square meters, nakat
Chapter 220DAHIL sa sobrang pag-inom, nagka-allergy si Eric sa alak. Buti na lang at naagapan agad kaya hindi ito nagkaroon ng malalang epekto.Kahit ganoon, hindi pa rin umalis si Camila at inalagaan siya buong magdamag sa ospital.Maagang-maaga kinabukasan, dumating ang isang babaeng halatang mayaman at nagpakilalang ina ni Eric. Dahil dito, napilitan nang umalis si Camila kahit pagod na pagod pa siya. Hindi man lang niya napansin ang matalim na tingin ni Gloria sa kanya bago siya lumabas.Pagkaalis ng ospital, hindi siya dumiretso sa bahay o opisina. Sa halip, tinawagan niya si Brix at niyaya itong magkita.Dahil hindi pa siya nag-aalmusal, sa isang restaurant niya ito pinapunta.Mas mabilis dumating si Brix kaysa sa inaasahan niya.Habang kumakain siya, pasulyap-sulyap siya sa paligid. Mayamaya pa, nakita niyang lumabas si Brix mula sa elevator.Suot nito ang isang simpleng puting T-shirt at isang usong smoky blue na blazer. Gwapo at preskong tingnan. Pero saglit lang siyang tumi
Chapter 219MATAPOS ang isang araw ng trabaho, lumabas si Camila sa kumpanya gaya ng dati at naghintay kay Eric sa tabi ng puno sa gilid ng kalsada.Lumipas ang limang minuto. Pinikit ni Camila ang kanyang mga mata at sinilip ang mga sasakyang dumadaan, pero ang kotseng hinihintay niya ay wala pa rin.Laging nasa oras si Eric pero mukhang natagalan siya ngayon.Saktong kukunin na ni Camila ang cellphone niya para sabihing huwag na itong dumaan, isang puting sasakyan ang huminto sa harapan niya. Kotse iyon ni Eric."Akala ko hindi ka na darating," nakangiting sabi ni Camila, wala ni katiting na panunumbat sa boses niya.Bumaba si Eric at binuksan ang pinto sa likod para sa kanya. May bahagyang paghingi ng paumanhin sa tono nito."Naipit ako sa traffic. Sa susunod, mas maaga akong aalis."Nang mapalapit sa kanya, napansin ni Camila na mas mukhang matamlay ito ngayon kaysa kaninang umaga. Maputla ang mukha ni Eric, parang may hindi magandang nangyari.Hindi muna siya sumakay. Sa halip, t
Chapter 218"ANONG sabi mo? Gusto mong iwanan ko si Camila?"Sa kalsada kung saan humihip ang malamig na hangin, tiningnan ni Eric ang lalaking amoy alak at bahagyang napakunot ang noo."Hindi mo ba naisip na nakakatawa 'yang hiling mo? Bakit ko siya iiwan?"Kahit medyo lasing na si Brix, malinaw pa rin ang isip niya. Matapos marinig ang sinabi ni Eric, malinaw niyang sinabi ang gustong ipaintindi sa kaharap. "Dahil asawa ko siya."Kung hindi lang siya nag-aalala na magagalit si Camila kapag sinaktan niya si Eric, matagal na sana niyang ginawa.Pero ngayong gabi, pinaalala ni Pete na si Camila ay asawa niya at parang hindi ito iniisip ni Eric kahit kailan!Napangisi si Eric. "Mr. Monterde, ang alam ko, matagal nang hinihingi ni Camila ang divorce pero ikaw itong ayaw siyang pakawalan. At saka, wala namang masama sa pagitan namin, pero kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan."Biglang lumamig ang ekspresyon ni Brix. "Ibig sabihin, hindi mo gagawin?""Oo."Tinitigan siya ni Brix nang
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil