Good afternoon ~ subject for approval pa rin po ang chapter 156 pero hindi sobrang makakaapekto sa reading experience. I'm sorry for inconvenience po. Naduling ako kahapon sa taas ng lagnat ko at imbes sa kabilang book, dito ko na-upload ang chapters. Ayos na po ang chapter 157. Paki-remove add back po itong novel kung hindi lumilitaw ang edited chapter. Again, sorry po sa abalang nagawa ko. Maraming salamat sa pag-unawa.
Chapter 161"HAHA! Camila, karapat-dapat ka bang lumaban sa akin?"Matapos marinig ang magandang balita mula sa kanyang mga tauhan sa Pilipinas, hindi mapigilan ni Daisy ang sarili sa sobrang tuwa.Pinikit niya ng bahagya ang kanyang mga mata at napangisi.'Camila, kahit pa may tulong ka mula kay Brix at Mr. Pimentel, ano ngayon? Hindi mo ba kusa lang isinuko ang kumpanya mo? At ito pa lang ang simula. Marami ka pang pagdadaanan!'Naalala niya ang pang-aapi kay Camila online nitong mga nakaraang araw.at sobrang ikinatuwa ni Daisy ito.Ngumiti siya, inilapag ang cellphone sa mesa, kinuha ang isang baso, binuksan ang bote ng red wine at naglakad papunta sa terrace upang tikman ang alak nang dahan-dahan.Nakatanaw mula sa itaas ng matayog na gusali, kitang-kita ni Daisy ang buong siyudad. May bahagyang yabang at determinasyon sa kanyang mga mata.Darating ang araw, makukuha rin niya ang lahat ng pag-aari ni Camila at mas maganda kung tuluyan na siyang mawawala sa mundo. At si Brix...Hah
Chapter 162NANG mabalitaan nina Camila at Brix na nakabalik na sa Pilipinas sina Jeffrey at Daisy, dali-dali silang bumili ng ticket pauwi at lumipad pabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Habang nasa lubak-lubak na daan pa sina Camila, si Daisy naman ay nakarating na sa villa ni Jeffrey.Pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto, agad na nag-krus ng braso si Daisy at umupo sa sofa na may malamig na ekspresyon sa mukha. Ni hindi man lang siya tumingin kay Jeffrey na nakaupo sa tabi niya.Lumapit si Jeffrey at naupo sa tabi niya, ipinatong ang kamay sa balikat nito, saka bahagyang yumuko. "Galit ka ba?""Hmph!" Tumalikod si Daisy.Hinawakan ni Jeffrey ang mukha niya at pinaharap ito. "Sige na, alam mo namang hindi pa tamang panahon para ipaalam ang relasyon natin.""Ang totoo niyan, hindi mo lang talaga ako sineseryoso. Anong ‘female secretary’? Ano tingin mo sa akin sa harap ng ibang tao?""Okay, okay, walang sinuman ang makakabastos sa 'yo basta andito ako."Matapos siyang l
Chapter 163NAGHÀLIKAN nang matindi ang dalawa habang nakatayo lang si Camila, tulala at hindi agad makapag-isip kung ano ang nangyayari.Kung hindi lang niya alam na galing ang dalawa sa Indonesia, iisipin niyang galing sila mismo sa kagubatan dahil sa mga aksyong ginagawa sa harap niya. Habang naguguluhan pa siya, muling bumukas ang pinto ng opisina.Paglingon niya, nakita niyang si Brix iyon, nakasuot ng itim na casual shirt at nakatayo sa may pintuan. Mabilis nitong sinuri ang paligid bago lumapit kay Camila.Napalingon si Daisy sa ingay at nang makita niya si Brix, napasigaw ito sa gulat, "Ah!" sabay tulak kay Jeffrey palayo."Billy, bakit ka nandito? Hindi ito ang iniisip mo!"Kumunot ang noo ni Brix, hindi sinagot si Daisy, bagkus ay tinitigan si Jeffrey.Nagtagpo ang mga mata nila at biglang bumigat ang atmosphere sa kwarto.Hindi alintana ni Daisy ang tensyon. Mabilis siyang lumapit kay Brix at hinawakan ang kanyang pulso. "Billy, ako—"Ngunit walang emosyon sa mukha ni Brix
Chapter 164HINILA ni Jeffrey si Daisy palabas ng gusali ng Perez Company. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya, namula ang maputing pulso ni Daisy."Jeff, anong ginagawa mo?""Jeff, bitawan mo ako! Ang sakit!"Hindi kumibo si Jeffrey at nanatiling seryoso ang mukha. Tahimik lang siyang naglakad hanggang sa makarating sila sa parking lot sa tabi ng kalsada. Doon lang siya huminto at mariing itinulak si Daisy sa sasakyan.Tumama ang bewang ni Daisy sa matigas na katawan ng kotse at namutla siya sa sakit. Ilang beses siyang napasinghap bago siya nagawang tumingin kay Jeffrey nang may pagtataka."Jeff, ano ba—"SLAP! Diretsong sinampal siya ni Jeffrey, dahilan para mapaling ang ulo niya sa isang tabi."Tanga! Alam mo ba ang ginawa mo?!"Napahawak si Daisy sa namumula at nananakit niyang pisngi, hindi makapaniwala sa nangyari."Jeff, bakit mo ako sinampal? Ano bang nangyayari?"Dahil sa dami ng dumadaang tao sa paligid, hindi mapakali si Jeffrey. Imbes na sumagot, binuksan na lang nito
Chapter 165"KUYA, kung hindi mo ako tutulungan, wala na akong ibang pagpipilian kundi mamatay."Ipinatong ni Daisy ang kutsilyo sa pulso niya at idiniin ito. Nang makita ito ni Dale, namula ang kanyang mga mata.Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi at isa-isang binigkas, "Daisy, hindi ako pumapayag."Pagkasabi ni Dale noon, bago pa man makabawi si Daisy sa pagkabigla, lumapit siya at hinawakan ang pulso nitong may hawak na kutsilyo. Sa isang iglap, nalaglag ang kutsilyo sa kanyang sariling kamay.Walang pag-aalinlangan, itinaas niya ito at bumaon ang matalim na talim sa kanyang balat.Walang takot sa mukha ni Dale, ni hindi man lang siya kumurap. Tinitigan niya si Daisy gamit ang mapulang mata at malamig na boses. "Sapat na ba ‘to?"Dahil sa alak na ininom niya, mas mabilis dumaloy ang dugo niya na bumagsak sa sahig. Dumagsa ang maliwanag na pulang dugo mula sa sugat, bumalot sa sahig na may disenyo ng palasyo at mabilis na bumuo ng isang maliit na pool. "Kuya!" Napasigaw si Da
Chapter 166SA TABI ng bundok at kagubatan, malapit sa isang trench. Umihip ang malamig na hangin habang naglalakad si Camila sa isang makitid na daan na natatakpan ng mga damo. Nang tumingin siya sa unahan, nakita niya ang isang babaeng may piring sa mata, nakatali sa puno at nanginginig.Dahan-dahan siyang lumapit, hindi alintana ang tunog ng kanyang mga yabag.Nang marinig ni Daisy ang paglapit ni Camila, agad itong tumagilid at ang mahina nitong ungol ay naging mas desperado. Tinakpan ni Camila ang kanyang bibig at ngumiti, iniisip sa sarili, dumating na rin ang araw na ito para sa'yo, Daisy! Huminto siya sa harap ng puno at kumindat sa lalaking nakaitim na nakatayo sa tabi niya. Agad naman siyang inabutan nito ng kutsilyo.Ang lalaking iyon ay ang kanyang personal na bodyguard na inupahan niya sa malaking halaga. Bihasa ito sa pagsubaybay at pang-kidnap ng mga tao. Ilang araw nito munang sinundan si Daisy bago nakahanap ng tamang pagkakataon para bihagin ito.Ang matalim at mal
Chapter 167PAGKATALIKOD ni Camila, bigla niyang naramdaman ang matinding sakit sa likod. Napasigaw siya at napayuko nang kusa ang kanyang katawan. Ilang sandali lang, bumagsak siya sa lupa na parang nakuryente—hindi gumagalaw."Miss Camila!"Mabilis na umaksyon ang lalaking nakaitim. Tumakbo siya para habulin si Daisy na mabilis na tumakas pero natigilan siya nang makita si Camila na tahimik lang, duguan ang likuran.Dalawang segundo siyang nag-alinlangan bago tuluyang binaliwala si Daisy. Yumuko siya at maingat na binuhat ang walang malay na si Camila.Napatingin siya sa kutsilyong nakatarak sa katawan nito, pero hindi siya naglakas-loob na alisin ito. Iningatan niyang huwag masyadong gumalaw si Camila habang nagmamadaling lumapit sa kotse sa gilid ng kalsada.Bago pa siya makalapit, narinig na niya ang tunog ng makina ng sasakyan. Nataranta ang lalaking nakaitim at binilisan ang pagtakbo. Saktong nakita niya si Daisy na hawak ang manibela, pinapatakbo ang nag-iisang sasakyan palayo
Chapter 168MAAGANG-MAAGA pa lang, nakaupo na si Dale sa hapag-kainan sa ikalawang palapag, hawak ang isang food bowl ng masustansyang lugaw na espesyal na inihanda ng chef para sa kanya upang palakasin ang kanyang katawan.Dahan-dahan siyang kumakain, isang kutsara sa bawat subo, ang kilos niya ay parang isang robot—paulit-ulit at walang emosyon. Pati ang dati niyang malinaw na mga mata, na medyo hawig sa kay Daisy noon ay wala nang ningning.Lubhang bumagsak ang kanyang katawan nitong mga nakaraang araw. Lumubog na ang kanyang mga mata, kaya mukha na siyang isang taong malnourished na may anorexia.Nang nasa 70% na siyang busog, biglang nag-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Ibinalik niya ang kutsara, kinuha ang cellphone at binuksan ito. Nang makita niyang si Daisy ang nagpadala ng mensahe, mabilis niyang pinindot ito."Kuya, tulungan mo ako, basement."Sa sobrang pagkataranta ni Daisy, hindi na niya nailagay ang address o kung sino ang nagkulong sa kanya, kaya walang ideya k
Chapter 220DAHIL sa sobrang pag-inom, nagka-allergy si Eric sa alak. Buti na lang at naagapan agad kaya hindi ito nagkaroon ng malalang epekto.Kahit ganoon, hindi pa rin umalis si Camila at inalagaan siya buong magdamag sa ospital.Maagang-maaga kinabukasan, dumating ang isang babaeng halatang mayaman at nagpakilalang ina ni Eric. Dahil dito, napilitan nang umalis si Camila kahit pagod na pagod pa siya. Hindi man lang niya napansin ang matalim na tingin ni Gloria sa kanya bago siya lumabas.Pagkaalis ng ospital, hindi siya dumiretso sa bahay o opisina. Sa halip, tinawagan niya si Brix at niyaya itong magkita.Dahil hindi pa siya nag-aalmusal, sa isang restaurant niya ito pinapunta.Mas mabilis dumating si Brix kaysa sa inaasahan niya.Habang kumakain siya, pasulyap-sulyap siya sa paligid. Mayamaya pa, nakita niyang lumabas si Brix mula sa elevator.Suot nito ang isang simpleng puting T-shirt at isang usong smoky blue na blazer. Gwapo at preskong tingnan. Pero saglit lang siyang tumi
Chapter 219MATAPOS ang isang araw ng trabaho, lumabas si Camila sa kumpanya gaya ng dati at naghintay kay Eric sa tabi ng puno sa gilid ng kalsada.Lumipas ang limang minuto. Pinikit ni Camila ang kanyang mga mata at sinilip ang mga sasakyang dumadaan, pero ang kotseng hinihintay niya ay wala pa rin.Laging nasa oras si Eric pero mukhang natagalan siya ngayon.Saktong kukunin na ni Camila ang cellphone niya para sabihing huwag na itong dumaan, isang puting sasakyan ang huminto sa harapan niya. Kotse iyon ni Eric."Akala ko hindi ka na darating," nakangiting sabi ni Camila, wala ni katiting na panunumbat sa boses niya.Bumaba si Eric at binuksan ang pinto sa likod para sa kanya. May bahagyang paghingi ng paumanhin sa tono nito."Naipit ako sa traffic. Sa susunod, mas maaga akong aalis."Nang mapalapit sa kanya, napansin ni Camila na mas mukhang matamlay ito ngayon kaysa kaninang umaga. Maputla ang mukha ni Eric, parang may hindi magandang nangyari.Hindi muna siya sumakay. Sa halip, t
Chapter 218"ANONG sabi mo? Gusto mong iwanan ko si Camila?"Sa kalsada kung saan humihip ang malamig na hangin, tiningnan ni Eric ang lalaking amoy alak at bahagyang napakunot ang noo."Hindi mo ba naisip na nakakatawa 'yang hiling mo? Bakit ko siya iiwan?"Kahit medyo lasing na si Brix, malinaw pa rin ang isip niya. Matapos marinig ang sinabi ni Eric, malinaw niyang sinabi ang gustong ipaintindi sa kaharap. "Dahil asawa ko siya."Kung hindi lang siya nag-aalala na magagalit si Camila kapag sinaktan niya si Eric, matagal na sana niyang ginawa.Pero ngayong gabi, pinaalala ni Pete na si Camila ay asawa niya at parang hindi ito iniisip ni Eric kahit kailan!Napangisi si Eric. "Mr. Monterde, ang alam ko, matagal nang hinihingi ni Camila ang divorce pero ikaw itong ayaw siyang pakawalan. At saka, wala namang masama sa pagitan namin, pero kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan."Biglang lumamig ang ekspresyon ni Brix. "Ibig sabihin, hindi mo gagawin?""Oo."Tinitigan siya ni Brix nang
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil