Share

Chapter 89

Pagkatapos naming kausapin ang doctor at nailipat sa mas maayos na kwarto si Selena, napagdesisyonan ng aking mga magulang na umuwi muna sa bahay para makapagpahinga. Lalong-lalo na si Daddy. Hindi pa rin magaling ang mga pasa niya sa katawan. Kailangan niyang maka-recover.

Si Clint naman ay nagpaiwan dahil gusto niyang makita si Francine. Gusto ko sanang lumabas at i-check ang kalagayan ng mag-ina kaso walang magbabantay sa aking anak. Baka magising siya at wala ako sa tabi niya. Mamaya na lang ako pupunta kapag gising na si Selena.

Dalawang oras na ang nakalipas at hindi pa rin nagigising si Selena. Kanina pa ako hindi mapakali. Pabalik-balik ako sa paglalakad habang iniisip kung kumusta na ang kalagayan ng mag-ina at kung saan nakuha ni Selena ang pagiging colorblind.

Umupo ako sa silya malapit sa kama ng aking anak. Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. All these years, wala akong alam na may problema sa mata ang aking anak. Wala akong ideya kung ano ang pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status