(Author's Note: Hi! Thank you for reading my first story published here on GoodNovel. I apologize for any grammatical and typographical errors. I'm still learning. Thank you for following the story. It's nearing its conclusion. I hope you enjoyed reading. Feel free to critique my story to help me enhance my writing skills. I apologize for the slow updates. I've been busy with school. I'll do my best to update regularly.)Nakaawang pa rin ang aking bibig habang tinititigan si Mommy na umiiyak. Hindi ako makagalaw sa aking tinatayoan. Hindi pa rin siya humihinto sa pag-iyak. Mas lalo lang siyang humagulhol nang yakapin siya ni Grandma. Umupo ako sa sahig saka hinawakan ang aking ulo. Yumuko ako at ipinikit ang aking mga mata. "Liam..." Tawag ni Grandma sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. "Patawarin mo sana kami.""Bakit hindi niyo sinabi sa akin agad? Hindi ba ako parte ng pamilyang 'to? I am clueless sa lahat ng nangyayari!" Sigaw ko."Magkapatid lang kayo ni Clint sa ina
It's been a week since Francine's accident. She hasn't woken up yet. Clint visits her almost every day, hoping she will wake up. Clint told me that Max is showing signs of improvement, although he's still under observation due to a head injury. I'm envious of my brother getting to stay close to Francine each time he visits the hospital, while I always hide because I don't want her family to see me."Liam, ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Anton nang napansin niya ang pagiging tahimik ko sa loob ng opisina. Kanina pa natapos ang meeting kasama ang mga bago naming investors ng kompanya."Medyo masama lang ang pakiramdam ko," sagot ko at pilit na ngumiti."Magpahinga ka muna. May meeting ka pa mamaya," sabi ni Anton habang nakatingin sa schedule ng aking mga dadalohang meeting ngayong araw. "Gusto mo bang ipa-cancel ko ang susunod mong meeting? Baka hindi ka maka-focus mamaya.""Ayos lang ako, Anton. Importante ang mga meeting na 'yan kaya hindi ko pwedeng ipa-cancel na l
"Hindi mo pwedeng gawin 'yan, Liam." Protesta ng aking ina. "Why? Natatakot kayong malaman ng lahat ang ginawa ko? Natatakot kayong madungisan ang mga pangalan natin?" Sarkastikong tanong ko. Umupo ako sa swivel chair. Tiningnan ko ang ibang dokumento na kailangan kong pirmahan. Ilang araw kong pinag-isipan ang desisyon na 'to. Gagawain ko 'to para sa kapatid ko. Ililipat ko sa pangalan ni Clint lahat-lahat. "Bakit hindi kayo makasagot? 'Yan naman ang totoo, 'di ba? Ma pinapahalagahan niyo ang mga pangalan natin kesa sa mararamdaman ni Clint. Naaawa ako sa kapatid ko kahit hindi ko siya kapatid sa ama. Never niyo siyang kinilalang anak dahil anak siya ni Don Alberto!" Sabay kaming napalingon lahat nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Clint. Napasinghap ako nang nakitang pumasok din si Tito Celso. Nakangisi siya nang tingnan niya kami isa-isa. "Sino si Don Alberto?" Tanong ni Clint. Nakatingin siya kina Mommy at Daddy. "Sino siya? Bakit nasabi ni Liam na anak niya ako?
Niluwagan ko ang aking neck tie. Pinagpapawisan ako habang hinihintay na magsalita si Tito Celso. Napahawak ako sa aking dibdib nang naramdaman ko ang mabilis na pagtibok nito. "Sino ang pumatay kay Don Alberto?" Pag-uulit ni Clint. Nilingon ko sina Mommy at Daddy. Bakas din sa kanilang mga mukha ang kaba. Muling nagsindi ng sigarilyo si Tito Celso. Nakangisi at napapailing habang tinititigan ang aking kapatid. "Kilala mo ba kung sino ang pumatay sa totoo kong ama?" Tanong ni Clint sa kaniya. Imbes na sumagot ay bumaling si Tiito Celso sa akin. "Bakit hindi kayo nagsasalita? Kailangan ko ng sagot!" "Nobody knows, Clint." Sagot ni Tito Celso. Nakahinga ako ng maluwag. Napahawak ako sa swivel chair at tiningnan si Tito Celso. Nakangisi pa rin siya at nakataas ang isa niyang kilay. "What? Akala ko ba may alam ka kung sino ang pumatay." Hindi makapaniwalang sabi ni Clint. Ikinuyom niya ang kaniyang mga palad. "Kung wala kayong alam, ako ang maghahanap sa taong pumatay sa kaniya!" "
Hindi ako makagalaw. Nanatili akong nakatitig kay Vivian ng ilang minuto. Magkapatid si Vanessa at Vivian sa ama. Anak siya ni Henry Lacsamana at lolo niya si Don Alberto. "Mukhang nagulat yata kita," nakangising sabi ni Vivian saka tiningnan ang mga kasama namin sa loob ng meeting room. "Hindi ko aakalaing biglang lulubog ang kompanya mo, Liam." Ngumiti ako at naglakad papalapit sa kaniya. "Palubog pa lang, Vivian," I corrected. "Hindi ko rin aakalaing may balak ka pa lang mag-invest sa kompanya ko makalipas ang ilang taon." "Well, well, well. Kagustohan ito ni Vanessa," bulong niya. Hindi ko pinahalata sa kaniya ang aking pagkagulat. Idinaan ko na lang sa ngiti ang sinabi niya nang napansin ko ang paglingon ng lahat sa amin. Tumikhim si Anton kaya naagaw niya ang atensiyon ng lahat. "Mukhang nandito na ang lahat. Sisimulan na natin ang pagpupulong para maaga tayong matapos at makauwi." Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Anton. Iginiya ko si Vivian sa pinakadulong upua
Britney's POV “Mommy we're here!” Masiglang sabi ni Max at mabilis na tumakbo patungo sa kama ni Francine. “Magandang araw, Ma’am Britney!” Nakangiting bati ni Manang Toni sa akin. Tumayo siya para tulongan ako sa mga pinamili kong pagkain. Inilagay ko sa mesa ang bag ni Max. Isang linggo na kaming nandito. Hindi pa rin umaayos ang kalagayan ng aking kapatid. Mabilis na gumaling si Max dahil hindi siya gaanong napurohan sa nangyaring aksidente. “Be careful, Max,” bilin ko nang nakita ko siyang pumatong sa silya at pinagmasdan sa kaniyang ina. Kinuha niya ang kamay ni Francine at hinaplos-haplos ito saka hinalikan niya ang mga kamay nito. Napapikit ako at napahawak sa aking dibdib. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayang makita na nasa gano'ng kondisyon si Francine. “I miss you, Mom. Sobrang namimiss na po kita…” Parang may karayom na tumutusok sa aking dibdib. Ang sabi ng doctor, hindi rin nila alam kung kailan siya magigising dahil hanggang ngayon walang progress na n
Humigpit ang paghawak ko sa aking cellphone. Nagdadalawang – isip ako kung maniniwala ba ako sa nalaman ko ngayon. Suminghap ako saka tiningnan ang numero ni Mr. Greg. Ilang minuto na akong pabalik – balik sa paglalakad habang kinakagat ang kuko. Tumingin ako sa wall clock. Pasado alas dos na ng hapon. Mag – iisang oras na rin at hindi pa nakabalik sina Max at Manang Toni. Hindi ako pwedeng umalis dahil walang magbabantay kay Francine dito. Napalingon ako agad nang biglang bumukas ang pintuan. Nakita kong pumasok sina Max at Manang Toni. Nakabusangot ang mukha ng aking pamangkin. Nilapitan ko sila. Lumuhod ako para i-check si Max. “Ayos ka lang ba?” Nag – aalala kong tanong saka nag – angat ng tingin kay Manang Toni. Nagsasalin siya ng tubig saka ibinigay sa bata. “Saan ka ba pumunta? Mabuti na lang at naabuotan ka ni Manang. Uminom ka muna ng tubig.” “I saw him, Tita Brit.” Ibinalik ni Max ang baso kay Manang pagkatapos niyang ubosin ang laman nito. Kinunotan ko siya ng noo. “Sin
Umupo ako sa bakanteng silya habang nakayuko. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Lucas tungkol sa nabasa niyang mensahe galing kay Mr. Greg. Napatingin ako sa aking cellphone nang bigla itong nag-vibrate. Tiningnan ko muna kung sino ang nag-text sa akin. Napakagat labi ako nang nakita ko ang pangalan ni Lucas. From: Lucas We need to talk kapag nakaalis na si Clint. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa akin. Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hapon na nang naisipan naisipan ni Clint na umuwi sa kanila dahil hinahanap siya ng kaniyang ina. Nagpaalam siya ng maayos sa amin at sa kapatid ko. Pinauwi ko muna si Manang Toni sa kanila dahil may sakit ang anak niya. Pinapunta ko naman ang isa naming kasambahay para may kasama kaming dalawa ni Max dito. “I want to sleep beside her,” sabi ni Max at itinuro ang kaniyang ina. Nagtinginan kami ni Lucas bago tumingin kay Max. “But –” “Let him sleep with her mother, Brit. Itabi na lang natin ang