Share

Chapter 86

Nagugulohan ako kung sino ang uunahin kong puntahan. Si Max ba na anak ko o si Selena. Natatakot akong lumapit kay Max dahil baka biglang sumabog ang bomba sa katawan ni Selena. Kahit hindi kami magkaayos ng kaniyang ina, bata lang siya at kapatid siya ni Max sa ama.

"Mommy, help me!" Sigaw ni Max habang umiiyak.

"Please help, Ma'am!" Pagmamakaawa naman ni Selena.

Nag-vibrate ang aking cellphone. Nanginginig ang aking mga kamay nang tingnan ko kung sino ang nag-text. Muntik ko nang nabitawan ang aking cellphone pagkatapos kong basahin ang mensahe.

From: 09******200

Nanganganib ang buhay ng mga bata. Kailangan mong mamili kung sino ang ililigtas mo at kung sino ang hahayaan mong mamatay. Bilisan mong magdesisyon dahil tumatakbo ang oras. Sasabog ang bomba pagkatapos ng dalawampung minuto.

Umiiling-iling ako. "No... Hindi ko kailangan mamili. Ililigtas ko sila pareho. Walang buhay ang mawawala!" Sigaw ko.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa aking sasakyan para kumuha ng gunting sa l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status