“Ingat po kayo, Ma'am!” paalam sa akin ng isang worker. Kumaway sa akin ang iba at ang ilan ay inihatid pa ako sa parking lot.“Salamat po. Mag-iingat po kayo rito,” habilin ko.They smiled at me as I stepped forward to my car. Bago pumasok ako ay muli akong nagsalita. “Mabilis lang po ang isang linggo. Narito naman po si Engineer Reyes, siya po ang bahala sa inyo. Tatawag po si Russel siguro after days para mangamusta.”“Okay lang po, Ma'am. Ibati niyo na lang po kami kay Alias.”I smiled. Sa huling pagkakataon ay namaalam ako bago tuluyang pumasok sa aking sasakyan. Using my skills, dahan-dahan akong umatras bago swabeng nag-U turn sa malawak na lote. Napangiti ako habang nagmamaneho paalis. Maraming naituro sa akin si Russel bukod pa pagkuha ko ng driving lesson. Ilang linggo rin ang lumipas nang payagan na akong umalis-alis ni Russel. Ang buong linggong ito'y maluwag para sa akin. Since nahuli na si Theo, nabawasan ang takot ko.Anyway, galing ako sa malapit na art store dito. Bum
Sa pangatlong pagkakataon ay napatakbo ako sa sink at nagsuka kahit wala namang lumalabas kanina pa. I'm trying to paint even though I feel so dizzy. Nanunuyo rin ang lalamunan ko kaya maya't maya akong umiinom ng tubig. Ang hindi ko maintindihan ay nasusuka ako kapag nalalapatan ng tubig ang sikmura ko. It's 8 in the morning and I still haven't eaten. I'm literally not in the mood for breakfast. Napasukan yata ng lamig ang katawan ko dahil kinakabag din ako. Siguro'y dahil natulog ako nang busog kagabi. Nagwork-out kasi kami ulit ni Venus kaya napagod ako. Pagkakain ko ng dinner kagabi ay nauna na akong matulog kay Russel. Hindi naman siya nagtaka dahil alam niyang napagod ako sa workout. Namalayan ko na lang, paggising ko kanina'y wala na siya. Nag-iwan siya ng message sa akin na nagsasabing may meeting siya nang alas sais kaya kinailangan niyang magmadali. Hindi na niya ako ginising dahil tulog na tulog ako. Bumangon ako kahit nahihilo at nagawa ko pa rin namang maligo. Tapos ko
Hingal na hingal akong sumalampak sa sahig at binitiwan ang barbells. Itinukod ko sa likuran ang mga kamay at suminghap nang suminghap upang habulin ang aking paghinga. Namilog na ang bibig ko sa pagsinghap. Ipinikit ko ang aking mga mata nang mabawasan ang hilo. “Are you okay?” puna sa akin ni Venus. Tumigil siya sa pagtakbo sa treadmill at lumapit sa akin. “You need water?”“Okay lang. Napagod lang ako...” I trailed on.“Namumula ka. Sabi ko naman sa 'yo, bukas na lang ulit tayo magwork-out!” palatak niya. “Ano bang nangyayari sa ' yo? Baka mapano ka na naman at mapagalitan ka ulit!”Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga. Umayos ako sa pagkakaupo at itinuwid ang aking likod. “Noong isang araw pa ako ganito. Hindi naman masakit ang ulo ko. Wala rin akong lagnat.”“Geez! Nahihilo ka pala tapos sinamahan mo pa ako rito! Baka mamaya nyan, magalit sa akin si kuya Russ! O, eto, uminom ka!” Siya na ang nagbukas ng bote ng tubig at iniabot sa akin.I sipped on it. Kaunti lang ang inino
Abala kami sa paghahanda ng mga gagamitin pag-alis. Nakapag-impake na ako ng mga damit namin that's good for one week. One travel bag for me, for Russel, and for our son. Namaywang ako habang tinitingnan ang mga nakalatag na gamit sa kama. Nagkalat pa ang maliliit na gamit gaya ng makeups. Since hindi ako sigurado kung kakailanganin ko pa bang mag-ayos o hindi na, dinala ko na lang ang mga iyon. Inilagay ko sa maliit na pouch at isiniksik sa travel bag ko. Mas marami akong inihandang mga damit ni Alias dahil mas madalas siyang magbihis. At dahil one week kami sa isla, talagang malaking paghahanda ang ginagawa namin ngayon. Ganito rin ang ginagawa ni Nanay ngayon at ng dalawa naming kasambahay. Noong una'y hiyang-hiya pa sina Ate Ziri at Manang Elsa pero pumayag din naman sila sa huli. Hindi ko naman sila isasama para lang maging katulong namin ni Nanay. Isasama ko sila para magkaroon din sila ng mahabang bakasyon bago sumabak sa busy days.Kasama rin ang buong pamilya ni Olive. Madal
“You don't really have to go there,” giit ni Russel.“Gusto kong makausap si Denise. Besides, aalis na tayo bukas. Baka pagbalik natin, hindi na talaga ako pwedeng sumawsaw sa kaso,” anas ko. Nagpatuloy ako sa pagpupusod ng aking buhok. I just got done drying it. Nagmamadali ako dahil 2pm to 3pm ang visit hour ngayong hapon. Before 4pm naman ay may aasikasuhin akong meeting with my team.Kauuwi lang din ni Russel galing sa trabaho. When I asked him when he went to Theo, he said no. Kaya naman niyayaya ko siya ngayon na samahan ako roon. He's been telling me not to go for so many times already but I refused. This is actually a sudden decision. Hindi ko alam. Bigla na lang akong tinulak ng instinct ko. Mabuti man o masama ang mangyari, ang mahalaga'y nasunod ko ito.“Come on, baka hindi natin siya maabutan,” saad ko sabay kapit sa braso niya.Nang hilahin ko siya'y ni hindi man lang siya natinag o gumalaw man lang. He remained sitting at the edge of our bed. Nakatukod palikod ang kaniya
The night before our departure, naipon kaming lahat sa bahay. Iyong mga sasama sa isla kabilang na ang pamilya ni Luke, sina Tiya Marga, si Venus, ang pamilya Clausen, at kami. Halos mapuno ng luggage nila ang parihabang mesa sa sala. Hindi na kami nag-abalang magprepare ng silid para sa mga gamit na ito dahil mamayang madaling araw ay aalis na kami. Before 7am bukas nang umaga, ayon kay Russel, ay nasa isla na kami kung maayos ang daloy ng trapiko. “Who will be staying there for one week?” asked Luke in the middle of their conversation. “I'm up for it,” ani Madeley. There's a slight hint of excitement in her face. Nang dumating sila rito'y siya talaga ang una kong hinanap. Madali ko naman siyang na-approach dahil siya ang unang bumaba ng sasakyan. Isang sasakyan lang ang dala nila. Madeley didn't bring her car. Nang tanungin ni Russel kung bakit, sagot niya'y tinatamad siyang magmaneho at mabobore lang siya kung wala siyang sakay sa byahe. Sa napag-usapang pagiging ilag ni Madeley
Natupad ang hiling kong sana'y maluwag ang kalsada. Bago pa man pumatak ang alas syete nang umaga ay nakarating na kami. Ilang liko at ilang mahahabang lupain ang inikot namin bago tuluyang nakapasok sa bukana ng isla. May daanan ang sasakyan sa paloob na gubat kung saan kami pumasok. Patag ang gubat na nagpoprotekta at nagtatago sa isla kaya hindi mahirap ang daan. Maihahalintulad ko iyon sa isang diretso at mahabang rancho. Sa luwag ng daan ay pwedeng magsabay ang dalawang sasakyan.We were welcomed by different species of plants, tall trees and even some animals. May namataan akong ilang mga unggoy na nagpapalipat-lipat at nagtatalunan sa mga sanga ng puno. Habang mabagal na umuusad ang sasakyan ay tila sinusundan kami ng mga unggoy, naglalayag sila sa hilera ng mga puno.“Look, Mama! There are monkeys!” bulalas ni Alias. Nilingon ko siya sa backseat kung saan magkatabi sila ni Nanay. Naalarma naman ang huli nang biglang tumayo si Alias upang mas matanaw ang mga hayop.“Maupo ka, A
Isang liko pa matapos ang mahabang pathway, natanaw ko na ang malaking karatulang nakasabit sa isang puno na nagsasabing nasa bukana na kami ng sentro. Wala pang isang minuto'y nakapasok na ang sasakyan sa magandang entrance. Napalilibutan ng mga ligaw na baging ang karatula dala ng mahabang paglipas ng panahon. It looked like a mystical place. Nagmistula itong isang islang ngayon pa lamang madidiskubre.Nang malagpasan namin ang mga punong pinanggagalingan ng mga nakaladlad na baging, tuluyan na kaming nakapasok sa isla.Ang asul at malawak na karagatan ang sunod na bumungad. Sa huling pagkakataon ay lumiko ang sasakyan at napasinghap ako nang masilayan ang isang malaking vacation house, nakatayo sa hindi kalayuan. Sa gilid nito'y mayroon ding malawak at malaking garahe na mukhang sadyang pinagawa para sa mga Clausen. Nakahilera na roon ang apat na sasakyan. Ipinarke ni Russel ang sasakyan sa tabi ng kay Daimler.“Dahan-dahan ka, Usher,” paalala ni Nanay nang nagmamadali itong bumaba