Dumaan kami sa site bago umuwi ng bahay. By the way, I'm using my car. Si Russel ang nagpaiwan sa bahay para magbantay kay Alias. Natuloy na rin ang plano kong isama rito sina Venus at Nanay. Si Olive naman ay hindi raw makakaalis dahil abala sa shop. Sumalubong sa amin ang malakas at sariwang ihip ng hangin pagbaba. May mga worker agad na napalingon sa gawi namin. “Wow! You didn't tell me it's so huge!” bulalas ni Venus.“I didn't know too. Russel surprised me with this huge gallery. Sabi ko nga, yung sakto lang sana ang laki. Outlet ko lang naman 'to, eh. At kailan ko lang din nalaman. Tamad kasi akong mag-usisa.”“Well, I like this! I think this is better than your first bet! Sayang, kung marunong din akong magpinta, I will definitely put my arts here. Parlor kasi ang gusto kong ipatayo.”Some workers greeted us as we walked through the pathway. May pathway bago makarating mismo sa gallery. Sapat lang ang distansya mula sa kalsada patungo rito. Pagmamay-ari ni Russel ang buong kal
Sa nalalapit naming pag-alis, nagsimula na kaming mag-general cleaning. Mula sa pagpapalit ng bedsheets, pillow cases, curtains, carpets, at kung ano-ano pa. Alam ko kasing mapapagod kami sa gaganaping birthday celebration ni Alias kaya mas maiging ngayon pa lang ay ibuhos ko na ang enerhiya ko sa paglilinis ng napakalaking bahay na ito. Kasama na rin ang pag-re-rearrange ng mga gamit, iyong mga kaya lang naming galawin. Ngayong araw namin sinimulan. Katulong ko si Nanay at ang dalawang helper na kapapasok lang kanina. To be honest, naiilang ako dahil hindi ako sanay na may mga kasambahay kami. Nasanay akong kami lang ni Nanay ang kumikilos dito sa bahay. Idagdag pa riyan ang tila ba pagkakailang din sa akin ng mga ito. Our maids seemed so distant to me, something that I don't want to stretch between us. Gusto ko, iyong hindi sila makakaramdam ng anumang intimidasyon sa presensya ko lalo na kay Russel. Mula kahapon pagdating nila'y ilag na ilag na sila sa amin samantalang panay ang ng
“Ingat po kayo, Ma'am!” paalam sa akin ng isang worker. Kumaway sa akin ang iba at ang ilan ay inihatid pa ako sa parking lot.“Salamat po. Mag-iingat po kayo rito,” habilin ko.They smiled at me as I stepped forward to my car. Bago pumasok ako ay muli akong nagsalita. “Mabilis lang po ang isang linggo. Narito naman po si Engineer Reyes, siya po ang bahala sa inyo. Tatawag po si Russel siguro after days para mangamusta.”“Okay lang po, Ma'am. Ibati niyo na lang po kami kay Alias.”I smiled. Sa huling pagkakataon ay namaalam ako bago tuluyang pumasok sa aking sasakyan. Using my skills, dahan-dahan akong umatras bago swabeng nag-U turn sa malawak na lote. Napangiti ako habang nagmamaneho paalis. Maraming naituro sa akin si Russel bukod pa pagkuha ko ng driving lesson. Ilang linggo rin ang lumipas nang payagan na akong umalis-alis ni Russel. Ang buong linggong ito'y maluwag para sa akin. Since nahuli na si Theo, nabawasan ang takot ko.Anyway, galing ako sa malapit na art store dito. Bum
Sa pangatlong pagkakataon ay napatakbo ako sa sink at nagsuka kahit wala namang lumalabas kanina pa. I'm trying to paint even though I feel so dizzy. Nanunuyo rin ang lalamunan ko kaya maya't maya akong umiinom ng tubig. Ang hindi ko maintindihan ay nasusuka ako kapag nalalapatan ng tubig ang sikmura ko. It's 8 in the morning and I still haven't eaten. I'm literally not in the mood for breakfast. Napasukan yata ng lamig ang katawan ko dahil kinakabag din ako. Siguro'y dahil natulog ako nang busog kagabi. Nagwork-out kasi kami ulit ni Venus kaya napagod ako. Pagkakain ko ng dinner kagabi ay nauna na akong matulog kay Russel. Hindi naman siya nagtaka dahil alam niyang napagod ako sa workout. Namalayan ko na lang, paggising ko kanina'y wala na siya. Nag-iwan siya ng message sa akin na nagsasabing may meeting siya nang alas sais kaya kinailangan niyang magmadali. Hindi na niya ako ginising dahil tulog na tulog ako. Bumangon ako kahit nahihilo at nagawa ko pa rin namang maligo. Tapos ko
Hingal na hingal akong sumalampak sa sahig at binitiwan ang barbells. Itinukod ko sa likuran ang mga kamay at suminghap nang suminghap upang habulin ang aking paghinga. Namilog na ang bibig ko sa pagsinghap. Ipinikit ko ang aking mga mata nang mabawasan ang hilo. “Are you okay?” puna sa akin ni Venus. Tumigil siya sa pagtakbo sa treadmill at lumapit sa akin. “You need water?”“Okay lang. Napagod lang ako...” I trailed on.“Namumula ka. Sabi ko naman sa 'yo, bukas na lang ulit tayo magwork-out!” palatak niya. “Ano bang nangyayari sa ' yo? Baka mapano ka na naman at mapagalitan ka ulit!”Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga. Umayos ako sa pagkakaupo at itinuwid ang aking likod. “Noong isang araw pa ako ganito. Hindi naman masakit ang ulo ko. Wala rin akong lagnat.”“Geez! Nahihilo ka pala tapos sinamahan mo pa ako rito! Baka mamaya nyan, magalit sa akin si kuya Russ! O, eto, uminom ka!” Siya na ang nagbukas ng bote ng tubig at iniabot sa akin.I sipped on it. Kaunti lang ang inino
Abala kami sa paghahanda ng mga gagamitin pag-alis. Nakapag-impake na ako ng mga damit namin that's good for one week. One travel bag for me, for Russel, and for our son. Namaywang ako habang tinitingnan ang mga nakalatag na gamit sa kama. Nagkalat pa ang maliliit na gamit gaya ng makeups. Since hindi ako sigurado kung kakailanganin ko pa bang mag-ayos o hindi na, dinala ko na lang ang mga iyon. Inilagay ko sa maliit na pouch at isiniksik sa travel bag ko. Mas marami akong inihandang mga damit ni Alias dahil mas madalas siyang magbihis. At dahil one week kami sa isla, talagang malaking paghahanda ang ginagawa namin ngayon. Ganito rin ang ginagawa ni Nanay ngayon at ng dalawa naming kasambahay. Noong una'y hiyang-hiya pa sina Ate Ziri at Manang Elsa pero pumayag din naman sila sa huli. Hindi ko naman sila isasama para lang maging katulong namin ni Nanay. Isasama ko sila para magkaroon din sila ng mahabang bakasyon bago sumabak sa busy days.Kasama rin ang buong pamilya ni Olive. Madal
“You don't really have to go there,” giit ni Russel.“Gusto kong makausap si Denise. Besides, aalis na tayo bukas. Baka pagbalik natin, hindi na talaga ako pwedeng sumawsaw sa kaso,” anas ko. Nagpatuloy ako sa pagpupusod ng aking buhok. I just got done drying it. Nagmamadali ako dahil 2pm to 3pm ang visit hour ngayong hapon. Before 4pm naman ay may aasikasuhin akong meeting with my team.Kauuwi lang din ni Russel galing sa trabaho. When I asked him when he went to Theo, he said no. Kaya naman niyayaya ko siya ngayon na samahan ako roon. He's been telling me not to go for so many times already but I refused. This is actually a sudden decision. Hindi ko alam. Bigla na lang akong tinulak ng instinct ko. Mabuti man o masama ang mangyari, ang mahalaga'y nasunod ko ito.“Come on, baka hindi natin siya maabutan,” saad ko sabay kapit sa braso niya.Nang hilahin ko siya'y ni hindi man lang siya natinag o gumalaw man lang. He remained sitting at the edge of our bed. Nakatukod palikod ang kaniya
The night before our departure, naipon kaming lahat sa bahay. Iyong mga sasama sa isla kabilang na ang pamilya ni Luke, sina Tiya Marga, si Venus, ang pamilya Clausen, at kami. Halos mapuno ng luggage nila ang parihabang mesa sa sala. Hindi na kami nag-abalang magprepare ng silid para sa mga gamit na ito dahil mamayang madaling araw ay aalis na kami. Before 7am bukas nang umaga, ayon kay Russel, ay nasa isla na kami kung maayos ang daloy ng trapiko. “Who will be staying there for one week?” asked Luke in the middle of their conversation. “I'm up for it,” ani Madeley. There's a slight hint of excitement in her face. Nang dumating sila rito'y siya talaga ang una kong hinanap. Madali ko naman siyang na-approach dahil siya ang unang bumaba ng sasakyan. Isang sasakyan lang ang dala nila. Madeley didn't bring her car. Nang tanungin ni Russel kung bakit, sagot niya'y tinatamad siyang magmaneho at mabobore lang siya kung wala siyang sakay sa byahe. Sa napag-usapang pagiging ilag ni Madeley
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik