Share

Kabanata 211

Part 7: Saved

“Tama na po! 'Wag niyo na kaming idamay!” palahaw ko.

Dahil hawak ng lalaki ang mga kamay ko ay malayang naglalandas sa pisngi ko ang dugo mula sa sugat.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lang ang sariling ibinalibag sa sahig. Napasigaw ako sa sakit.

Sinubukang magmakaawa ni Venus pero walang awang sinapak siya gamit ang baril! Nag-iwan iyon ng sugat!

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting itutok sa akin ang baril ng lalaking tumulak sa akin.

“Wala naman pala kayong silbi! Mas mabuti pang—”

“Hindi mo gagawin 'yan, Asero.”

Biglang tumahimik ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabibigat na yabag sa sahig na tila nagmamadaling makalapit.

Mula sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko kung paano rumehistro ang takot at gulat sa mukha nilang lahat. Takot na takot na para bang katapusan na nila.

Animo'y mga batang inilapag nila ang kani-kanilang armas sa sahig. Hindi rin makapaniwala yung tinawag na Asero. Mukhang tama ako, siya ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status