We're having our breakfast while watching news. The first usual and common news didn't get our attention that much such as public chaos and scandals, showbiz, and other happenings. Napahinto lang ako sa pagkain nang marinig ang sunod na balita. The headline says: MARTINEO LEWISHAM, ARESTADO. Napako ang atensyon namin ni Nanay sa telebisyon habang matamang nanonood at nakikinig sa mga detalye. Naaresto siya kaninang madaling araw nang mamataan ang sasakyan niya sa likod na bahagi ng West View kung saan nangyari ang barilan. Ayon sa ulat, may mga kasama siyang tatlong armadong lalaki na pare-pareho ring nahuli dahil sa illegal possession ng firearms, kasama na rin si Theo. Kita sa video na nagulantang sila nang palibutan sila ng mga pulis at akmang aalma pa pero wala na silang nagawa nang tutukan sila ng baril.Dahan-dahang itinaas ang kanilang mga kamay at sabay-sabay ding pinatalikod at pinosasan. Matapos ay isa-isang pinasakay sa patrol car. Halo-halo ang nararamdaman ko habang naka
Pagpatak ng lunch break ay naipon ang workers sa loob ng kubo. Minutes before the break time, the ordered bunch of food has already arrived. Araw-araw pala silang inoorderan ni Russel kaya karamihan sa kanila ay hindi na nagbabaon ng pagkain.Sa isang nakabukod na table inilapag ni Russel ang supot para sa amin. Ako ang nagsabing dito na kami magtanghalian. Gusto ko rin ulit maranasang makasabay sa pagkain ang workers. Gusto kong muling maramdaman si Tatay sa presensya nila.“Salamat po nang marami, Sir Clausen!” natutuwang anas ng isa.“Pakabusog po kayo.” Russel smiled at them. He started putting down our food. We ordered rice, some veggie dishes and steak. Mula sa planta ang mga ito dahil iyon ang pinakamalapit na bilihan. Samantala, nasa cooler ang malamig na inumin.Masayang nagkukwentuhan ang lahat habang kumakain. Ang iba sa kanila'y nakipagkulitan na rin kay Alias kanina. Ang iba naman ay mukhang nahihiya sa aming mag-ina. Luke is with them, nakikipagkwentuhan na parang magkak
Nalalapit na ang kaarawan ni Usher. These days, araw-araw ipinaaalala sa akin ng panahon ang araw kung kailan ko siya pinanganak. Back when I was in Britain, I can clearly remember that amazing day of summer. Hirap ako noon sa pagtatrabaho dahil sa pagbubuntis ko. Sa bawat paglipas ng buwan, mas nararamdaman ko pa ang unti-unting paglaki at pagbigat ng aking tiyan.I was lucky enough to have Olive by my side. She never failed to provide me the care, support, and time that I needed. Kaya naman mistulang hinahaplos ang puso ko sa tuwing nakikita siyang nakikipagkulitan kay Alias. Idagdag pang talagang masaya rin ang aking anak kapag magkasama sila. I can see the genuine bonding between them. Their relationship has been built since the day when Usher was born. Si Olive na yung nagsilbi niyang pangalawang ina noong pinagsasabay ko ang trabaho at pag-aalaga sa kaniya. Hindi mapapantayan ang pasasalamat ko kay Olive na siya ring dahilan kung bakit nagkaayos kami ni Russel sa lalong madaling
“Is this final?” tanong ni Luke nang mapag-usapan namin ang mga plano sa gaganaping kaarawan ni Alias. Actually, wala akong idea noong una. Nang mabuksan ang usapan tungkol sa pribadong isla ng mga Clausen sa Vel Cuerpo, nagulat ako sa sinabi ni Russel. He literally surprised me!“It's final,” ani Russel sa malumanay na tono.Wala naman akong reklamo kahit saan pa 'yan. Pagdating sa pagdedesisyon, si Russel ang mas magaling sa aming dalawa. And of course, bakit ko naman tatanggihan yung suggestion niya? Sa totoo lang, mula noong binanggit ni Russel ang isla nila, umusbong yung kuryosidad ko. I'm curious about it. Iniisip ko kung gaano kaya ito kaganda. From my conclusion, I bet the island has a lot of breathtaking views. Sa kabilang banda, ang isa pang iniisip ko ay ang magiging reaksyon ng Senior. It was supposed to be his anniversary gift to his wife who died right before their special day.Now that Russel is planning to bring us there, hindi ko mapigilang kabahan. Ayaw kong magali
Hinintay naming makabalik sina Venus at Daimler mula sa probinsiyang pinaghanapan kina Tita Chime. Bakas ang pagod at puyat ni Venus nang salubungin ko siya sa labas ng bahay. Tumango sa akin si Daimler pagkababa niya sa sasakyan at si Russel agad ang hinanap. Itinuro ko na lang kung saan niya ito matatagpuan. Ilang segundo lang ay wala na siya sa paningin ko. “God, I'm so tired! I really need to unwind!” Venus dramatically grunted. “What happened?” agad tanong ko. “Nahanap niyo ba sila?”“Yeah but I can sit first? Dito tayo mag-usap.” Nauna na syang maglakad patungo sa shade na madalas naming tambayan.Umupo ako sa harap niya't isinandal nang maayos ang likod ko sa upuan. “Kumain na ba kayo? I'll prepare some food.”“No, Alliyah, it's okay. Dumaan kami sa resto bago pumunta rito. Inihatid lang namin si Mama sa hospital at... dahil hindi ko pa siya kayang tagalan, saglit lang akong dumalaw kay Tiyo Banny. He's awake. Alam niyo na ba?”I nodded. “Arcel has been updating us. Dadalaw n
[Serving you some flashbacks about Russel and Alliyah's journey since we've gone this far.]Part 1: Gift“Alliyah, gumising ka.”Naistorbo ang tulog ko nang magising ako sa tapik ni Nanay. Agad napagawi ang tingin ko sa alarm clock at nalamang alas otso na ng gabi. Napagod ako sa paglilinis kanina kaya ang bilis kong nakatulog. “Inay naman,” reklamo ko habang mas dinadama ang lambot ng kumot sa balat ko.“Bumangon ka riyan at may bisita ka.”“Gabing-gabi na, 'nay. Pauwiin niyo na po,” tamad na tamad kong sabi. Bumaling ako sa kabilang side.Ngunit naramdaman ko na lang ang pagsakit ng tainga ko nang pingutin iyon ni Nanay. “Aba! Kailangan mong harapin ang panganay na Clausen, kung hindi ay magagalit sa iyo si Ma'am Navi! Bilisan mo at naghihintay iyon!” pananakot niya sa akin sa pabirong paraan. Awtomatiko akong napabangon sa gulat. Kinusot ko ang mga mata ko habang ang mga kilay ko'y nangungunot. “Anong ibig mong sabihin, 'nay?” kabado kong turan. “Si Russel kako, pumunta rito ng
Part 7: Saved“Tama na po! 'Wag niyo na kaming idamay!” palahaw ko. Dahil hawak ng lalaki ang mga kamay ko ay malayang naglalandas sa pisngi ko ang dugo mula sa sugat. Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lang ang sariling ibinalibag sa sahig. Napasigaw ako sa sakit. Sinubukang magmakaawa ni Venus pero walang awang sinapak siya gamit ang baril! Nag-iwan iyon ng sugat!Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting itutok sa akin ang baril ng lalaking tumulak sa akin. “Wala naman pala kayong silbi! Mas mabuti pang—” “Hindi mo gagawin 'yan, Asero.”Biglang tumahimik ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabibigat na yabag sa sahig na tila nagmamadaling makalapit. Mula sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko kung paano rumehistro ang takot at gulat sa mukha nilang lahat. Takot na takot na para bang katapusan na nila. Animo'y mga batang inilapag nila ang kani-kanilang armas sa sahig. Hindi rin makapaniwala yung tinawag na Asero. Mukhang tama ako, siya ng
Part 15: Ice-cream “Stop mocking my compliments.”“Bolero ka kasi, e!” giit ko.“Tss. Iba yung pambobola sa pamumuri.”I didn't listen. Nasisiyahan ako sa pagpupunas ng buhok niya. His hair is so soft. Ano kayang shampoo ng lalaking ito...He's already staring at me when I met his eyes.Sinunod kong punasan ang balikat niya pababa sa dibdib. Bumagal ang kilos ko roon.Maya-maya'y hinuli niya ang palapulsuhan ko.“You're blushing,” he teased.Dahil sa hiya, agaran kong binawi ang kamay ko sa kaniya at inihagis ang pamunas sa dibdib niya. “Punasan mo kasi ang sarili mo!”He chuckled. “So I have this strong effect on you, huh.” “Sino ba namang hindi...” I murmured.Pinanood niya akong kumuha ng ice cream. “I forgot to tell you that you don't have to buy. Marami niyan si Madeley.”I shrugged. “Sa kaniya 'yon.”Pagkakuha ko, tumabi ako sa kaniya sa kama.“Tsaka... hindi ko 'to binili. Nilibre lang ako nung guy.”Pinuno ko ng ice cream ang kutsara at isinubo iyon.“Sino?” Gumalaw siya sa