Ilang beses ko pang sinubukang kumbinsihin si Russel hinggil sa pag-asikaso ko ng art gallery pero bigo ako. I didn't manage to change his mind, especially when he's already decided. He won't allow me to go outside without him and so I did nothing that day aside from browsing on the internet to fish for some news. But before that, I started previewing different art galleries according to their style. There are local and international engineers and architects featured on the site I am currently visiting.Ilan sa mga nakita ko ay ang naglalakihang art galleries sa parteng Luzon. Dito naman sa probinsiyang tinitirhan ko'y tanging si Eiser lang ang mayroon. Now I realized the importance of marketing he told me before. Pinili niyang dito magpatayo kahit hindi masyadong dinarayo kaysa makipagsapalaran siya sa Maynila kung saan maraming kakumpetensya. Wala namang kaso roon. Ang importanteng function ng art gallery ay nagsisilbing physical platform na nakatutulong sa mga artist upang mas mapa
Everything happened flashbacks in my mind as I stared on the computer screen where the live auction is playing. Walang pataw sa mabilis na pagtibok ang puso ko sa mga sandaling ito sa kaalamang nasa event ngayon sina Arcel upang magmanman. Wala akong alam sa mga plano nila.Russel chose not to tell me because it's out of my range. Isa pa'y ipinaglalaban niyang mas maiging manatili na lang ako sa bahay at maging mas mapagprotekta sa sarili ko at sa aming anak kaysa makigulo sa mga nangyayari sa labas. Nangako naman si Arcel na pagtatagumpayan nila ang patuloy na kaso. Lingid sa kaalaman ng lahat, tunay ngang muling nag-umpisa ang maruming laro sa pagitan ng mga Clausen at Lewisham at hindi gaya ng dati'y masyado itong misteryoso. Tanging matatalino lamang ang maaaring makatunog sa totoo at kasalukuyang nangyayari. At kung patalinuhan din lang naman ang pag-uusapan, panalo na kami. Mahinang tumunog ang kama nang dumaan sa gilid ko si Russel, buhat si Alias na nakatulog na sa bisig niya.
I woke up earlier than usual kaya naman mabilis ko ring naihanda ang mga susuotin ni Russel sa pagpasok sa trabaho. Yes, he's still working despite of his wealth because that's what a businessman should do. He has a choice of his own. Puwede siyang hindi magtrabaho nang ilang taon at manatiling mayaman habang binubuhay kami ng anak niya pero hindi niya iyon gagawin at hindi rin naman ako papayag at the same time. Russel Clausen is still too young to complete his purpose in the business industry, as they say, the very reason why there are so many people out there who are aching to defeat him. They're not even qualified to face him, matatalo pa kaya nila? Russel is both a risky man to deal with and a blessing in disguise. Ang mga natatalo niya sa negosyo, from first or second class man ay may nakukuha pa ring benepisyo. That's how he rules them. Kumbaga, iyong mga sumusubok at natatalo sa huli ay hindi naman matatawag na traumatized dahil tinuturuan sila ng leksyon ni Russel. Palagi sil
“Where have you been?” kunot-noong tanong niya. “We've been looking for you!”“I went to my friend.”“Next time, please, magsabi ka kung aalis ka.”Tipid ko siyang nginitian. I excused myself after. Sumunod naman sa akin si Theo hanggang sa floor ko. Naroon pa rin ang problemadong mukh niya.“I am fine, Theo. That was a surprise visit to my friend.”“I don't mind if you want to go outside but please, tell us. Alam mo namang nasa pangangalaga kita. It's your responsibility.”“I know. Hindi na mauulit. Bukas na lang tayo mag-usap. I'm tired.”He sighed and gave way to me.Nagbuntong-hininga ako. Looking at Theo right now, bumabalik ang lahat sa isip ko nang malinaw na malinaw, wala akong nakakalimutang detalye. Ang Theo na nakikita ko ngayon sa event ay malayo sa nagpakilala sa akin, sa nagpakitang-tao. Mapapansin ang galing niya sa pakikipagtalastasan na sa aking palagay ay pang-uuto din lamang kagaya ng ginawa niya sa akin.“I hope you'll forgive me... I'm serious when I said I want t
“What are we going to do with these?” Nakapamaywang ako sa hilera ng paintings na nakasandal sa pader, mga painting na ginawa ko. I had enough grievances that led me to care less at this point.These paintings were taken back by Arcel's team. Hindi ko alam kung paano nila ginawa iyon. Natinag na lamang ako sa sunod-sunod na katok. Sa totoo lang, wala na itong halaga sa akin. Magmula nang babuyin ni Theo ang karapatan ko, nawalan na ako ng ganang habulin ang mga ito. Kung mayroon man akong gustong gawin, iyon ay ang tapusin na ang koneksyon sa kaniya. The moment he took these was also the moment he took away my rights. Hindi naman sa dahil wala akong pagmamahal sa talento ko, kung hindi dahil nakakapagod nang makipagsagupaan sa kanila. Halata namang wala silang balak tumigil. “What you just need to do is put your signature on each painting,” Arcel answered.Pinasadahan ko ng tingin isa-isa ang aking mga ipininta. Hindi ko na papansinin ang subject dahil iinit lang ang ulo ko.Sa tabi
Nawala ang antok ko sa nauulinigan kong ingay sa baba. Naidlip ako nang ilang minuto at nagising sa mga boses. Tumayo ako't nag-unat sa harap ng malaking salamin. I started massaging my nape in a slow way as I shut my eyes. Nangalay ako sa sandaling pagtulog. My eyes were so heavy that I didn't even manage to find a comfortable sleeping position. Hindi ko na namalayang hinihila na ako ng antok. It was quick, though. Mabilis din akong nagising at heto nga, naghahanda na ako sa pagbaba.Nang makuntento sa pagmasahe ng aking batok, sinimulan ko nang suklayin ang nagulong buhok. My hair grew longer. Magmula noong nagkabalikan kami ni Russel, hindi ko na ulit ito pinakealamanan. Bukod sa alam kong mas gusto niyang mahaba ang buhok ko, hindi na kasing-taas ng enerhiya ko noon ang pag-aayos ng sarili at paggawa ng kung ano-anong kaartehan sa katawan. Well, aside from that, we're in the middle of a chaotic situation. I couldn't just act like nothing bad is happening around me.Pagbaba ko'y ag
I've been around my husband for hours now. He's doing the designs of the gallery. Ako, nakatunganga lang sa kaniya at nanonood, namamangha sa bawat galaw ng mga daliri niya at sa mga ideya niya mismo. Nakakamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng live drafting. Halos nakalimutan ko nang nag-aral nga pala siya ng architecture. Saka lang nagsink-in nang lubusan nang maglabas siya ng art materials at napakalaking board. Watching him do this in a serious and professional manner makes me blush from time to time.Nakalatag sa drafting table ang malapad na board. Pinalilibutan ito ng mga materyales na halinhinan niyang ginagamit. Hawig ng mga ito ang ilan sa art materials na ginagamit ko kaya pamilyar ako sa uses.I crossed my arms beside him as I focused on what he's doing. Nakatukod sa gilid ng mesa ang isa niyang kamay na nagdulot ng paglitaw ng mga muscle niya roon habang ang isang kamay ay nakapatong sa board, hawak ang isang mechanical pencil. He looks serious and professional, things
Binulabog kami ng sunod-sunod na balita nang sumunod na araw. Kasalukuyan akong nagpipinta sa labas ng bahay nang magkakasunod na sasakyan ang dumating. Napatayo ako kasabay ng pagkakaalerto ng mga gwardya. Dalawa ang lumapit doon, inalam kung sino-sino sila bago nila binuksan ang main gate at mabilis namang nakapasok ang mga sasakyan.“Sina Sir Daimler po, Ma'am Alliyah,” pagbabalita sa akin ng isang gwardya.Tumango ako't kinuha ang malinis na telang nakapatong sa cofee table, nakapwesto din lang sa gilid ng canvas. Nagmantsa sa puting tela ang paints sa aking kamay. Inayos ko ang brushes at tinakpan ang mga lata ng pintura. Nang matapos ay nagpasya na akong harapin ang mga dumating.Sinalubong ako ni Venus pagkababa ng sasakyan. Ginawaran ko siya ng yakap. Daimler looked at me like he has something urgent to say. Ngunit hindi ko kaagad sila naigiya sa loob ng bahay dahil hinintay ko pang bumaba ang dalawa pang panauhin.And I was surprised when I saw not just two persons from the th