Unang araw ng session, simple lang ang get-up ko. Suot ang plain white tshirt, harem pants, at bakya sa paa, pumasok ako sa art room. Nagsitinginan sa akin ang mga taong naroon. Some of them are my co-artists and some are the art muses. May sapat na espasyo ang bawat canvas, mga katabi kong narito rin para sa annual program.
Nakapuwesto na si Theo nang lapitan ko siya, tanging manipis na tela lang ang bumabalot sa pang-ibabang katawan. Napag-alaman kong dati siyang modelo ng underwears, not to mention that he was seen in different magazines and brochures too. He has built his new career last year as one of the media members. Ang istasyong hinahawakan nila ay ang parehong istasyong nabanggit sa akin ni Eiser noon na mainly aired for students. Ngayon ko lang nalamang parte si Theo sa management team.“Good morning, Miss!”“Good morning, Miss Martinez!”Nginitian ko sila't binati pabalik. May mga nagkakaedad na dalawampu pababa base sa obserbasyon ko“Thanks.” I fakingly smiled after Theo handed me the magazines. Nagkabanggaan kasi kami dahilan kaya nalaglag ang mga ito sa sahig. May dala akong canvas kaya hirap akong kumilos.“Ako na,” he insisted. Ipinaubaya ko na lang sa kaniya ang pagdadala ng mga gamit ko sa suite na tinutuluyan ko.Katatapos lang ng 2nd session namin. Mabilis natapos dahil gamay ko naman ang ginagawa ko. Yung mga baguhan lang ang naiwan sa studio para remedyuhan ang output nila. As usual, Theo is consistent. Mula sa studio ay hindi siya nawawalan ng sasabihin. Idinadaan ko na nga lang sa pagbuntong-hininga ang iritasyon ko. Pakiramdam ko'y mas plastik siya kumpara sa akin. I'm holding a grudge against him while he's trying to play nice when in fact, he looks unbelievably stupid. Sinong mag-aakalang si Martineo Lewisham na siyang founder ng bagong business nila ngayon ay naghahabol sa akin? This is such an unbelievable situation.If it's not only because of my son, I won't take th
As the days passed by, mas lumalakas ang confidence ni Theo. Sa kabilang banda, mas nakokontrol ko na ang emosyon ko. Isinama ko na sa taktika ang pagpapakitang-tao sa kaniya. Sa ganyang paraan ay mas mapapadali ang plano ko. I am focusing on the canvas while Theo keeps on talking. Included rin yata sa pagiging team leader niya ang pagiging maingay. Sya lang yung nagsasalita ng walang katuturan dito. May mga nakikitsismis na tuloy.“Nanliligaw po pala kayo, Sir?” May kakaibang ningning sa mga mata ng nagsalita.“Uhm... Gusto ko nga sana,” ani Theo sabay sulyap sa akin. Gusto kong matawa sa pilit na pagpapagwapo niya.Well, gwapo naman siya at hindi ko itatanggi iyon. Ang mali lang ay... nagkamali siya ng babaeng natripan. Kahit pa walang Russel sa buhay ko ngayon, hindi ako papatol sa kaniya. Hindi sya yung tipo na gugustuhin kong pagkatiwalaan. Just by the looks of him, parang sya yung tipo na idadaan ako sa materyal na bagay. Maboka siyang tao
“What did you notice?” Russel asked.“They're a bit distant to me. I didn't bother talking to them too.”“How about Theo? What did he do?” Nakapukol sa akin ang mga mata niya. There's something building up inside me whenever he does this. Those dark eyes and serious face are telling me to listen to him carefully. They're persuasive enough to catch my full attention. Added to the fact that our topic is such a serious matter, it made us both tensed. Tamad akong sumalampak sa couch, sa tabi niya at ipinaubaya sa sandalan ang likod ko. “Dikit nang dikit. I don't know if he's serious about courting me but... he even announced that to his comrades.” Gumuhit na naman ang iritasyon sa mukha niya. “Two weeks, right? After two weeks, uuwi ka na rito. I can't wait for you to come back home and finally eliminate that jerk from my list.”“Do you think he's serious?” “I don't know. I can't tell that unless I check it using my very own eyes.
Matiwasay kong natapos ang 3rd at 4th session sa kabila ng pangungulit ni Theo. Namomroblema rin ako dahil hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang impormasyon sa kaniya. Yun ay dahil hindi pa ako nagsisimulang magtanong. Pinagninilayan ko pa ang mga naging tagpo namin ni Denise mula nang dumating ako rito. Ngayong araw, nang matapos ang 4th session ay napagtanto kong marami na akong sinayang na panahon. Kailangan ko nang kumilos. Kaya naman nang muling magyaya ng dinner si Theo ay pinaunlakan ko na. Malapad ang ngisi ng kumag nang makita ang paglabas ko ng elevator. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Kakaiba pala ma-excite ang isang 'to. Pormadong-pormado kahit dito lang naman kami sa vicinity magdidinner. Ganoon na yata talaga ako ka-big deal sa kanya at pinaghandaan niya ako nang husto.“Wala yata si Denise?” pansin ko. Palihim akong nagmamasid sa paligid, nagbabaka-sakaling mamataan ko siya. Pero sa mga taong dumaraan at sa mga nasa kalapit na table ay wa
Sinadya kong magpaiwan sa baba nang magyaya nang umakyat si Theo. Idinahilan ko na lang na gusto ko pang magpahangin. Mabuti na lang at may trabaho pa siyang aasikasuhin, hindi siya nangulit na sasamahan ako. Pinanood ko pa ang pag-alis niya at nanatili akong nakaupo kung saan niya ako iniwan.Hindi ako umalis o gumalaw man lang sa kinauupuan ko hanggang sa bumalik si Arcel para ayusin ang mesa at ligpitin ang mga pinagkainan. He's a bit stunned when he saw me. Suot pa rin ang itim na cap na sadyang sinusuot ng mga waiter dito, naka-uniporme rin siya.“Bakit nandito ka pa? You should go back to your suite,” aniya nang magsimula nang magligpit. Hindi siya tumitingin sa akin kaya ang sino mang makakakita sa amin ay hindi maiisip na nag-uusap kaming dalawa. This man is indeed smart. Magaling magtago. “Bakit ka nandito?” I acted like I'm busy on my phone while talking to him. Siya naman ay patuloy din sa pagsasalansan ng mga dapat ligpitin. “And...
Before I could even respond to my instinct, someone grabbed my arm. Theo's worried face filled my eyes.“Are you okay?”“I'm fine,” kunot-noong sagot ko. Dahan-dahan kong binawi sa kaniya ang braso ko.He sighed. “Alright. I was looking for you. Pinuntahan kita sa suite mo pero wala ka na kaya hinanap kita sa buong building.”“Hindi mo naisip na baka lumabas ako?”Napakamot siya sa ulo. “I panicked. Baka kasi nasa loob ka at maiwan ka ng lahat.”“Well, I'm here...”My frustration just worsened. Gusto kong puntahan si Russel pero dahil narito si Theo, hindi ko na iyon magagawa. Sobrang hirap pang umaktong normal sa kabila ng init ng ulo ko. Halata siguro ni Theo na wala ako sa maayos na wisyo ngayon dahil sa magkasalubong kong kilay.“Anyway, habang chinecheck pa yung pinagmumulan ng sunog, itatransfer ang lahat sa kabilang building.”I glanced at the building next to where we're staying. No wonder, kung
I narrowed a brow. Russel stayed in that straight position, he's towering me.“Paano mo nalamang nandito ako?”Bumaba ang tingin niya sa braso ko. He got his hand out of his pocket. Sinundan ko iyon ng tingin. Hinawakan niya ang manggas ng suot kong pantulog at parang may kung anong kinuha roon.I saw a black thin pin. Iyon ang kinuha niya sa laylayan ng manggas. My brows furrowed.“Great.” I rolled my eyes. “Si Arcel talaga...”“Don't blame him. He's just doing his work and obeying my command.”“Alam ko. Pero bakit nandito ka? Iniwan mo si Denise? Tapos na kayong kumain? Buti, hindi ka niyaya sa taas? Kasama niya yung isang anak mo dun,” I bitterly said. Who won't feel bitter, anyway? Roshiel, who he once treated as his daughter, is here. Inilagay niya sa bulsa ng suot niyang leather jacket ang pin. Nagbuntong-hininga siya pagkatapos. Heto na naman ang reaksyon niyang hirap akong mawari kung natutuwa o ano.
I was exhausted the next day. Paano ba naman, maghapon kaming nasa studio. Ayaw kong isiping sinasadya nilang mag-extend nang mag-extend pero walang naitutulong ang pag-iisip ko nang kung ano-ano. Sila ang may hawak ng schedule ko kaya wala akong magagawa. It's making me helplessly tired that I want to go to my suite already. Samantala, tila enjoy na enjoy naman silang lahat at ako lang ang tinatamaan ng pagod. Ngalay na ang braso at likod ko na nagdudulot ng distraction. Si Theo na kahit kanina pa nakatayo ay mukhang hindi napapagod. Kung kahapon ay kakaiba ang katahimikan, ngayon naman ay kakaiba ang enerhiya nila, hindi ko mapantayan. I'm alway telling this to whoever is asking, I don't do whole day session. Kahit noong nasa international team ako, bihirang tumagal nang ganito ang trabaho. “Good job, team!” Pumalakpak ang head manager ng programa. Parang biglang nawala ang pasan-pasan ko sa aking likod. Napabuga pa ako nang mabunutan ng tinik.