"Ngayong gabi pag-uusapan ang kanilang kasal!" Ito ang mga salitang parang sirang plakang paulit-ulit na sumisigaw sa utak ni Elyssa magmula nang marinig niya ito kay Minho. Pinilit niya ang sariling matulog ngunit pabiling-biling lang siya sa higaan at hindi pa rin dinadalaw ng antok. Niyakap niya ang stuffed toy na nasa kanya na magmula noong bata pa siya at pinangalanan niya iyong Xiaoxiao, ibig sabihin ay maliit, pero sa kabaligtaran ay malaking teddy bear iyon.Pinakuha niya ito kay Marra noong umuwi ito ng Antique."Haist! Xiaoxiao, bakit kay Louie pa ako na-inlove? Bakit sa kanya pa samantalang may iba na siya at wala na akong pag-asa? Paano na ang puso ko, Xiaoxiao?" Tumihaya siya at tumitig sa kisame pero nakangiting mukha ni Louie ang bumungad sa kanya.Mag-isa lang siya sa tinitirhan dahil naglakwatsa na naman ang dalawang kasama niya pagka't offday ng mga ito kinabukasan sa trabaho.She pouted her lips as she blew an irritated breath. Napagpasyahan niyang bumangon upang lum
"Nakakaistorbo yata ako, Miss Castillo?" mababa ang boses na salubong ni Louie kay Elyssa nang makalapit ito sa kinaroroonan nila ni Jevy. May inabot sa kanya ang boss niya na isang bagay na alam niyang pagmamay-ari niya. My sweatshirt? Paano nito nalaman na akin ‘to? If I remember correctly, I left this in Tagaytay and Tracy gave it to him. Nalaman na kaya niyang may nangyari sa ‘min? Nanlalamig ang pakiramdam na bulong niya sa sarili at nangangatal ang kamay na inabot ang sweatshirt. "I just want to give you back that thinking it was mine. My mistake in claiming it. Magkaparehas lang pala tayo," wika muli nito at nagkibit-balikat na ipinakita ang suot nito. Saka lang lang napansin ni Elyssa ang sweatshirt na suot nito pero hindi niya iyon matitigan ng ayos dahil umalis na ito at tinalikuran siya. Bumalik ito sa nakaparadang kotse nito. Is it a coincidence that we have the same sweatshirt? Naguguluhan na siya sa iniisip. Sa pagkakatanda niya couple daw yung sweatshirt na hawak niy
The love that is worth waiting for will last for a lifetime. *** Nanatiling magkatitig sa loob ng sasakyan sina Elyssa at Louie matapos ang kanilang unang halikan bilang magkasintahan. Tanging mga mahihinang hininga nila ang naririnig. Para bang ngayon lang pinagtagpo ang dalawang pusong nagmamahalan. The atmosphere around them was filled with pink bubbles floating with love from their synchronized heartbeat. Maya-maya’y si Louie ang bumasag ng katahimikan. "Magtititigan na lang ba tayo?" Nangingiti nitong tanong at marahang pinisil ang palad niyang gagap nito. "Well, kung isang guwapong katulad mo ang titigan ko buong gabi ay ayos na sa ‘kin. Busog na busog na ang mga mata ko." Abot hanggang tainga ang mga ngiting sagot naman ni Elyssa. She had this foolish smile on her lips, showing how in love she could be. Bahagyang napatawa si Louie sa sagot at mahinang kinurot ang pisngi niya. "Don’t tease me like that, honey. Baka kung ano pang magawa ko sa ‘yo sa loob ng sasakya
Habang nagbabiyahe ay panay ang lingon at ngiti ni Louie kay Elyssa na lalo namang ikinalaglag ng puso ng dalaga. Hindi niya mapigilan na ngumiti at kiligin sa bawat simpleng sulyap ng kasintahan dahil puno iyon ng pagmamahal. Maya-maya'y nagtaka siya nang bigla nitong hininto sa tabi ng kalsada ang sasakyan at tinanggal ang suot nitong seatbelt. "Oh, bakit? May problema ba?" Nagtataka ang mukhang tanong niya. "Naubusan ba ng gas? Flat tire ba?" natutulirong dugtong pa niya. Pilyong ngiti ang isinagot ni Louie habang bahagyang nakadukwang sa kinauupuan niya. "Oh, nothing, honey. Gusto lang kitang halikan!" Mabilis nitong sinarado ang pagitan nilang dalawa at hinawakan siya sa batok upang nakawan siya ng halik sa labi na labis niyang ikinagulat kaya hindi siya nakahuma. Kinindatan pa siya nito matapos ang ginawang panghahalik. "Louie!" Marahang hinampas niya ni Elyssa si Louie sa balikat. Pero lihim siyang napangiti at parang nasa alapaap dahil sa kilig. "I like you so much,
Dinala siya ni Louie sa kusina at lalong napamangha si Elyssa nang makita ang kabuuan niyon. May isang malaking aquarium na nakalagay sa pader na nasa gilid na ang taas ay mula floor to ceiling. Punong-puno iyon ng magaganda at makukulay na mga isda. Elyssa couldn’t even know what kind of fishes there were because they looked exotic and expensive. "Wow!" bulalas ng dalaga. Hindi niya mapigilan ang excitement na bumakas sa kanyang mukha. Naglakad siya palapit sa aquarium saka marahan iyon hinawakan. Lumapad ang pagkakangiti niya nang makita ang mga isda na naglanguyan palapit sa kanya. "Ang ganda… Mahilig ka talaga sa nature, ah." Nakatingala siya at naaliw na pinagmasdan ang naggagandahang mga isda kaya hindi niya napansin ang paglapit ni Louie sa kanyang tabi. Napatili si Elyssa nang pasimple nitong ibinuka ang labi sa leeg niya na animoy kakagat pero banayad siya nitong hinalikan. Nakiliti siya sa ginawa ng kasintahan kaya’t bahagya na napaatras dahilan upang maapakan niya ang pa
Pagkaraan ng ilang sandali ay pinagsaluhan nila ang niluto ni Louie sa terrace garden nito. Nagdala pa ito ng wine. "This is our first date so I want it to be perfect and memorable." Nagsalita ito habang nagsasalin ng alak sa kopita. "Thank you, Louie." "I like it when you call me honey. Is it okay with you if you call me that?” Louie placed the wine on a small table he also brought out. "Honey..." mahina ang boses na ulit niya. "Okay, I like that..." She took the glass of wine and took a sip. The bitter and sweet taste lingered in her throat, giving her a warm feeling. Her bucket was full of love now. Hindi niya alam kung paano iyon ibuhos para kay Louie. Ang alam niya lang ngayon ay masaya siya na naging magkasintahan na sila ni Louie. "That’s better.” Louie grinned. He took a fork full of pasta at sinubo sa kanya. Ibinuka naman ni Elyssa ang bunganga upang tanggapin ang pasta bago binigyan ng komplimenta si Louie. "Hmm…It tastes so good. Ikaw na. Ikaw na talaga, honey. Wal
The two were in the middle of their way back to Elyssa’s apartment when Louie suddenly asks about her life. "Honey, can I ask you something about yourself? I mean, I was just curious, why did you choose to finish your studies and work here in Manila? Sa pagkakaalam ko ang sabi ni Marra, may malapit daw na college university sa lugar ninyo? And she can help you with the expenses too." Hindi agad nakaimik si Elyssa sa tanong ni Louie. Paano ba niya ito sasagutin nang hindi ito naghihinala? Ramdam niya ang pagbilis ng pintig ng puso at hindi alam kung paano simulan ang isasagot. "Ahm… Ano kasi… I was about to take admission for my last year in college, but something happened to my papa. Kailangan niya ang pera pampaopera kaya imbes na ipang-enroll ay pinagamit ko na lang sa kanya," pagsisinungaling niya. Her head was lowered and couldn’t stare straight at Louie. I’m sorry for my lies. Sasabihin ko rin sa ‘yo ang totoo, but not today. "Kaya ayun, ‘di ako nakapag-enroll. But luckily, M
Sa mga araw na lumipas ay walang humpay na kasiyahan ang nadarama ni Elyssa magmula nang maging magkasintahan sila ni Louie. Kapag nagkakasalubong sila nito sa factory ay pasimple lang siyang nginingitian. Pero kapag walang tao ay hinihila siya nito sa isang tabi at ninanakawan ng halik. Masaya siya kahit patago ang relasyon nila ni Louie. Ang mahalaga sa kanya ay araw-araw sila nitong nagkikita at magkakasama kahit sa maikling oras. Lagi rin silang sabay pumasok sa unibersidad. At kapag sa Partas ito pumapasok ay sinusundo siya nito sa factory kapag oras na nang labasan sa trabaho. Kasalukuyang nasa canteen ng factory si Elyssa kasama ang pinsan niya nang biglang lumapit si Diego sa kanila. "Hi, Issay! Would you mind if I join you?" nakangiting bati nito. Bitbit nito ang tray ng pagkain nito habang nakatayo at naghihintay sa sagot niya. Elyssa hesitated at first, pero nagpumilit ang lalaki kaya wala na siyang nagawa kundi ang paupuin ito sa mesa nila. Nagkibit-balikat na lamang si
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba
“Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui