Share

0095

Author: Eve Angeline
last update Last Updated: 2025-04-03 11:32:46
Nakaraang araw pa napapansin ni Jessa na hindi siya gustong kausap ni Bryce at hindi niya alam ang dahilan. Kahit sa kama ay ang lamig nito sa kaniya at parang tamang nagpaparaos lang.

Mula nang dumating ito sa kung saan ito pumunta kasama ni Jaxon ay pansin na niya ang pananamlay at panlalamig nito.

“Jax, baby…” tawag ni Jessa sa batang access niya sa lahat ng mga plano niya. “Come here, may itatanong lang si mommy.”

Iniwan ni Jaxon si Brody at lumapit kay Jessa.

“Bakit hindi niyo ako isinama ni daddy nakaraan?” Ngumuso siya. “Sad kami ni Brody… Iniwan niyo kasi kami.”

Jaxon pursed his lips in thin line. Hindi niya alam paano magpapaliwanag pero ang sabi ng daddy niya ay huwag niyang sasabihin sa Mommy Jessa niya kung saan sila pumunta kasi magagalit ito at baka iwan siya. Ayaw niyang magalit ang Mommy Jessa niya. Ayaw niyang iwan siya nitio.

“Namasyal po kami ni daddy...”

“Saan nga?” tanong ni Jessa at may pinakitang chocolate at tinawag si Brody para ibigay. “Bakit hindi niyo kami s
Eve Angeline

Thank you po again sa lahat ng reads, likes, comments, gems, gifts at iba pa. 1st for the day, sorry at natanghalian... may emergency lang kanina. Basta maya may kasunod pa ito.

| 14
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Lai
Nakakamatay pa naman ghurl yung maling akala at wag mo binabasta basta si Austin HAHA hmmp.. speaking Austin hahahaha baka halos ikamatay mo sa inggit Pag nakita ng dalawang mata mo na kasama ni Austin si Zylah baka gustuhin mo n lang mag pa lamon sa lupa. ANUU KA NA LANG NYAN GHURL... hahahah
goodnovel comment avatar
Aviana
Matutuloy kaya Reunion na mag kita kita sila bago umalis to sila Austin papunta ng California.HAHA nu kaya reaction ni jessa FORDA GULAT MALALA talaga ang person na si jessa Hahaha at kay Bryce & Jaxson kahit magalit, o habulin nyo si zylah it's too late. Nasa tabi nya na si Raffy and austin
goodnovel comment avatar
Eve Angeline
darating tayo dyan, promise. haha...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • No Longer His Submissive Wife   0096

    “Nandito ka pala…” sabi ni Bryce nang makita si Jessa sa kuwarto at bagong ligo. Nang dumating siya ay nasa swimming pool ang dalawang bata at walang kasama. Nang tanungin niya ang tatlong kasambahay nila ay sinabing nasa kuwarto si Jessa at hindi pa bumababa mula kanina. Hindi niya nagustuhan ang naabutan na walang kasama ang mga bata sa pool. Kumuha na nga siya ng mga kasambahay para wala ng ibang gagawin si Jessa kung hindi ang magbantay sa mga bata tapos aabutan niya ang dalawa na sila lang. Paano kung maaksidente ang mga ito? Paano kung may nadulas sa mga ito? Paano kung may malunod?Naisip ni Bryce si Zylah. Noong si Zylah ang kasama niya ay ni minsan hindi nito napabayaan si Jaxon na walang kasama maglaro sa swimming pool, maingat si Zylah, naninigurado lagi sa kaligtasan ng anak nila. Naiinis na tinawag niya ang isang kasambahay at binilinan na samahan ang dalawang bata. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kuwarto para makita kung ano ang pinagkakaabalahan ni Jessa at napabay

    Last Updated : 2025-04-03
  • No Longer His Submissive Wife   0097

    Inayos ni Zylah ang damit bago bumaba ng kotse. Nagpasalamat siya sa driver na naghatid sa kaniya at lumakad na papasok ng Hotel Tranquil. May usapan sila nina Melissa at Belinda na mag-lunch sa Saffron—ang restaurant sa hotel mismo ni Austin.Noong isang araw pa siya nakabalik ng Manila at sa mansion ni Austin siya tumuloy. Kulang-kulang two weeks na lang ay pupunta na sila sa California kaya hindi na siya nag-inarte pa na kay Belinda makikitira pansamantala. Ayaw na niyang makaabala pa kay Austin kung araw-araw siya hatid-sundo para lang makasama niya si Raffy. Sa labas ng restaurant ay nakita niya agad ang mga kaibigan. Nag-uusap at may tinitingnan sa phone. Napangiti si Zylah, mukhang may bagong viral na naman sa internet na nakita si Melissa at ibinibida na naman kay Belinda. Meanwhile, sa loob ng restaurant ay busy nga ang dalawa sa topic tungkol sa dati nilang kaklase… “You know about it, right?” tanong ni Melissa kay Belinda. “Ikaw pa nga ang kasama sa unang tinawagan ng PNP

    Last Updated : 2025-04-04
  • No Longer His Submissive Wife   0098

    “Sir…” Inangat ni Austin ang tingin kay Daniel. “Ano ‘yon?” Isinuksok niya ulit ang phone sa bulsa. Katatapos lang niya ipadala ang message kay Zylah na pupuntahan niya ito sa Saffron. May tatapusin lang siya.“May konting kaguluhang nangyari sa Saffron, sir…” malumanay na imporma ni Daniel sa boss niya. Kailangan niyang i-deliver ang impormasyon ng kalmado kung hindi ay baka pati siya ay mapagalitan nito. “Kaguluhan?”Huminga ng malalim si Daniel bago muling nagsalita, “Si Miss Zylah po, sir…”Nahinto si Austin sa ginagawang pagpirma. “Anong si Zylah?”“Katatawag ng manager ng restaurant… nawalan ng malay si Miss Zylah, sir.”Natigilan si Austin. Napatayo at binitiwan ang sign pen na hawak. “Nasaan siya?”“Ang sabi po ng mga kaibigan niya ay tawagan kayo at ipaalam na dadalhin nila si Miss Zylah kay Dr. Bianca.”Nag-aalalang kinuha ni Austin ang phone. Hindi pa nababasa ang message niya ni Zylah. “Kaya pala…” bulong niya. “Ano po ‘yon, sir?” magalang na tanong ni Daniel dahil akala

    Last Updated : 2025-04-04
  • No Longer His Submissive Wife   0099

    “What happened?” tanong ni Austin kay Bianca pagpasok pa lang niya ng clinic nito. Hindi na naabutan ni Austin si Zylah sa clinic ni Bianca, nasa bahay na raw ni Melissa ayon kay Belinda. Nakikipagkita rin si Belinda kay Austin, may importante raw silang dapat pag-usapan. “She’s fine,” sabi ni Bianca na ang tinutukoy ay si Zylah. “Maayos naman ang lahat. Nawalan siya ng malay pero hindi iyon dahil sa Carlo na sabi nina Belinda ay kausap ni Zylah doon sa restaurant.”“Carlo?” “Carlo Donnell Reyes,” sabi ni Bianca. “We know him, sa gala night ng Almendras Pharma, nando’n siya at ang asawa niya. Iyong dating sexy star na sabi mo nagpapansin din sa ‘yo noong araw.”Tumango si Austin. “Anong dahilan at nawalan ng malay si Zylah?” tanong niya. Ang importante ay malaman niya kung ano ang kalagayan ni Zylah. Kung ano man ang ginawa ng Carlo Donnell Reyes na ‘yon ay madali niyang malalaman.“Nawalan siya ng malay kasi…” Tinitigan ni Bianca si Austin. Tinatantya kung ano ang magiging reaksy

    Last Updated : 2025-04-05
  • No Longer His Submissive Wife   0100

    Umiling si Austin. Tama si Belinda, hindi siya papayag buhayin ang kaso kung ganito na buntis si Zylah. Ang pinagbubuntis ni Zylah at ito mismo ang priority niya. “Let us look for alternatives, Belinda,” ani Austin. “Sa ngayon ay si Zylah at ang kalagayan niya ang priority ko. Dadalhin ko siya ng California kagaya ng plano at doon siya manganganak. I need to tell her the truth that it was me that night in the motel. That the child she was carrying is mine.”“At si Carlo?” tanong ni Belinda. “Anong plano sa isa?” “Kaya pa rin siyang kasuhan oras na gustuhin ni Zylah, pero sa areglong usapan nila ni Bryce para sa legal separation at annulment ay mukhang magkaka-problema. Siguro—”Hindi natapos ni Austin ang sasabihin dahil sa tawag sa phone na umagaw ng atensyon niya. Napakunot-noo siya at tinitigan ang pangalan ng tumatawag. Mukhang ito na ang sagot sa problema niya.“I need to take the call, Bel,” paalam niya sa isa.“Okay,” tugon ni Belinda at tumayo para umorder ng kape para sa ka

    Last Updated : 2025-04-05
  • No Longer His Submissive Wife   0101

    -Pasadena, California-Two months later…“Mommy,” sigaw ni Raffy na kinawayan si Zylah.Nakangiting ngumiti si Zylah sa kapitbahay nilang si Mrs. Catarina McIntyre na hawak ang kamay ni Raffy habang palapit ang mga ito. Nakagiliwan ng ginang si Raffy at hinahayaan lang nila ni Austin dahil kasundo rin ni Raffy ito.Si Catarina ay Pilipina na nakapag-asawa ng American na si Jonas. Ang mga ito ay noon pa nanirahan sa California at doon na rin nagdalaga ang mga anak.Ang alam ng mga McIntyre ay anak niya si Raffy at asawa siya ni Austin. Okay na rin ‘yon sa kaniya para hindi na siya magpaliwanag pa. Iyon ang pakilala ni Austin sa kaniya sa mga ito na ikinatuwa niya kahit paano. Napanatag kasi siya na hindi na niya kailangan sabihin na hindi siya asawa si Austin. At higit sa lahat, hindi na niya kailangan ipaalam na anak niya mula sa hindi kilalang lalaki ang pinagbubuntis niya.“Chloe at least smiles talking to Raffy…” kuwento ni Catarina kay Zylah nang makalapit na sila ni Raffy dito.M

    Last Updated : 2025-04-06
  • No Longer His Submissive Wife   0102

    “Mommy,” ani Raffy kay Zylah nang nasa terrace sila ng bahay at nakatanaw sa bahay sa tapat nila. “Ang ganda-ganda po ni Tita Chloe at ang bait-bait pa.”Napangiti si Zylah. Raffy started to socialize and that’s good for her. Mamaya ay ikukuwento niya kay Austin ang tungkol sa laging pakikipag-usap ni Raffy kay Chloe.“You call her tita?” tanong ni Zylah. “Is that fine with Chloe?”“Opo!” nakangiting wika nito. “Iyon din po sabi ni Lola Cathy at Lolo Jonas. Parang anak na rin daw po kasi nila si Daddy kaya pwede ko na tawagin sila ng lolo at lola, then tita kay Tita Chloe.”“Oh… okay,” nakangiting sabi ni Zylah. Muling napangiti sa kadaldalan ni Raffy. “Sabi ni Tita Chloe ay magkaka-baby na siya,” kuwento ni Raffy. “At sana raw kung babae ay maging pretty pareho ko.” Ngumisi si Raffy. “Mommy, nakakatawa po si Tita Chloe magsalita.”“What do you mean?” tanong ni Zylah. Ang curiosity niya kay Chloe ay lalong lumala ngayon nadagdagan pa ng nalaman na buntis si Chloe. Hindi naman siya tsi

    Last Updated : 2025-04-15
  • No Longer His Submissive Wife   0103

    “Are you nervous?” natawang tanong ni Mathias—ang nakatatandang kapatid ni Nikias—kay Austin, na kanina pa hindi mapakali sa pabalik-balik na paglalakad. “This is not your first time to propose marriage, bud…” nailing nitong dagdag. Bahagyang natawa si Austin sa sinabi ng kaibigan. “Ilang taon na tayong hindi nagkita Mathias?” “I don’t count. I’m not a fan of it, but I’m always here for a friend.”Napatango si Austin. Alam niya iyon. Si Nikias ang may kailangan sa kaniya nakaraan pero dahil lang nabanggit niya ang hihilingin kapalit ng kung anong pabor na kailangan ng mga ito ay nagparamdam na sa kaniya itong si Mathias. At nakaraan pa nga inaalam kung sino ang ex-husband ng babaeng gusto niyang pakasalan. Pwede naman daw mabalo si Zylah kay Bryce kung gusto niya.But Austin said ‘no.’ Sinabi niyang siya ang bahala kay Bryce at kung ano man ang pabor na kailangan kapalit ng pagkabura ng kasal nina Bryce at Zylah sa kahit anong registry sa Pilipinas ay gagawin niya para sa mga ito bil

    Last Updated : 2025-04-17

Latest chapter

  • No Longer His Submissive Wife   0113

    –Pilipinas–Inis na inihagis ni Jessa ang phone na hawak sa ibabaw ng kama at pabagsak na naupo. Two months na. In fact malapit na mag-three months mula nang wala siyang masagap na balita patungkol kay Austin Mulliez. Pagkatapos nito maibigay ang investment na fifty million kay Bryce ay nawala na itong parang bula. Nasa ibang bansa si Austin ayon kay Bianca nang minsan ay sadyain niya ito sa clinic nito. With the pretext na inutusan siya ni Bryce para magtanong kung nasaan si Austin ay nabigay naman ang impormasyon na iyon sa kaniya ni Bianca. Huminga ng malalim si Jessa. Inis na tiningnan ang sarili sa salamin. Tunog mula sa phone ang umagaw ng atensyon niya. Kinuha niya iyon at napasimangot nang makita ang pangalan ni Carlo. “At sa wakas sumagot ka rin…” ani Carlo. Alam niyang iniiwasan siya nito at iyon ang pinagtatakhan niya. Wala naman siyang atraso kay Jessa at lagi pa rin pinagbibigyan ang paglalambing nito kaya hindi niya maunawaan kung bakit ito biglang nanlamig sa kaniya.

  • No Longer His Submissive Wife   0112

    “And where did you get that idea?” Nakatitig at nagtatakang tanong ni Austin kay Zylah. Sa isip ay baka may sinabi ang ina tungkol sa posibleng pagbago ng isip niyang pakasalan ito. Pabugang huminga si Austin. Mula New York ay nag-aalala siya kay Zylah, na baka kung ano ang sinabi ng ina rito. Mula New York ay ito ang laman ng isip niya. At ang tinatanong nito ngayon ay patunay na may nasabi ang mama niya rito.“May sinabi si Mama kaya mo natanong ‘yan, ‘di ba?” muli ay ungkat ni Austin kay Zylah. Umiling si Zylah at pinong ngumiti. “I told you already… wala siyang sinabi sa akin na dapat mong ika-worry. It’s just that—”“Then why are you asking that?” tanong niya rito. “I mean… who told you that my mother’s opinion could change my mind?” Muli ay isang ngiti ang pinakawalan ni Zylah. Ngiti na puno ng pag-aalala. “It’s you, Austin…” tugon ni Zylah at tinitigan si Austin. “Actually, the idea is from you.”“From me?!” kunot-noong balik-tanong ni Austin. “Yes, Austin. I got the idea fr

  • No Longer His Submissive Wife   0111

    Napangiti si Zylah sa larawan ni Austin na tinitingnan. Ang larawan ay kuha noong ten years old pa lang si Austin base sa petsa na nasa ibaba ng larawan. At sa larawan ay kasama ni Austin ang mag-asawang McIntyre. Pagbuklat ni Zylah nang panibagong pahina ng photo album ay lalong lumapad ang ngiti niya dahil ang parents naman ni Austin ang kasama nito sa larawan. Napatitig si Zylah sa magandang mukha ni Reina noong kabataan pa nito. Kamukha ni Austin ang ina at napamana nito ang itsura sa anak na si Raffy. Napahawak si Zylah sa tiyan. “Sana kamukha ka rin ni daddy, Baby Raegan…” usal niya at nang gumalaw ang baby niya ay napangiti si Zylah. “I love you, baby…” “I love you, Mommy…” Napalingon si Zylah at napangiti nang makita si Austin na nakasandal patagilid sa hamba ng pinto. Tumayo siya at niyakap ang photo album na hawak. “Kanina ka pa?” tanong niya. Humakbang si Austin palapit kay Zylah at kinuha ang album mula rito. “Kararating lang. Saktong doon lang sa sabi mo sana kamukh

  • No Longer His Submissive Wife   0110

    “And who are you?” tanong ni Reina Matsuda Mulliez—mama ni Austin—sa babaeng nasa harap niya. Mapanuri ang mga tingin niya at nang dumako ang tingin niya sa tiyan ni Zylah ay napakunot-noo siya dahil buntis ito. Papasok pa lang siya ng bahay ay narinig na niya ang tawag ng apo rito—Mommy—na ikinagulat niya. Gusto niyang matuwa na nakakapagsalita na ulit si Raffy pero dahil sa babaeng nasa harap niya ay hindi niya magawang ngumiti.“You are not mute…” Napaismid si Reina sa babaeng hindi sinagot ang tanong niya at nakatingin lang sa kaniya. “I heard you were talking earlier.”Si Zylah ay napalunok at napakurap para alisin ang kabang namuo sa dibdib dahil sa uri ng tingin sa kaniya ng mama ni Austin. Ngayon niya lang ito nakaharap ng personal pero dahil sa mga larawang nito na nasa mansion ni Austin sa Pilipinas ay nakilala niya ito agad. Nabigla siya sa pagdating nito at sa uri ng tingin na binibigay sa kaniya ay may mga alaala na naman na bumabalik sa isip niya. Meeting the mother of

  • No Longer His Submissive Wife   0109

    “Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi

  • No Longer His Submissive Wife   0108

    Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o

  • No Longer His Submissive Wife   0107

    “I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s

  • No Longer His Submissive Wife   0106

    “Your name?” Napakurap si Zylah. Wala siyang sinabihan kahit isa tungkol sa bagay na iyon. “It was my name you were calling that night, Zylah… You can’t deny that now.” Tinalikuran ni Austin si Zylah at lumapit sa tokador. Dinampot niya ang envelope na naroon at inabot kay Zylah. “Before you spoke again of your marriage with Bryce… and before you deny you love me… check this first.”“What’s that?” tanong ni Zylah na naguguluhan pa rin sa bagay na alam ni Austin na pangalan nito ang binibigkas niya noong gabing iyon. Napahawak siya sa tiyan dahil muling lumikot ang baby niya. “Please check first…” nakikiusap ang tono na utos ni Austin para hindi na magtanong pa si Zylah at tingnan na lang ang laman ng envelope na iniwan ni Mathias. “It’s one of my surprises for you.”“Is this a contract for our marriage in case I will agree?” Kinuha ni Zylah ang envelope. “Or perhaps a prenuptial agreement. Am I right?” “Better see it for yourself, Zylah…”Tumango si Zylah. Pakiramdam niya ay kahit

  • No Longer His Submissive Wife   0105

    “No?” nagtatakang tanong ni Austin. May ideya na siyang kung saan hinuhugot ni Zylah ang mga sagot pero gayunpaman ay hindi niya maiwasang magtaka at… masaktan.“Hindi ko na itatanong kung bakit ‘no’ ang sagot mo,” patuloy ni Austin. “Hindi ko na itatanong dahil may ideya na ako sa kung anong nasa isip mo. But please do consider, Zylah. Marry me.”Umiling si Zylah. “No, Austin…” pahikbing wika niya sa halo-halong nararamdaman. Umatras siya para mabitiwan nito mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Marrying you is wrong… I can’t…”“I love you…” amin ni Austin sa nararamdaman. “I love you and it’s true. Imposibleng hindi mo naramdaman. Imposibleng hindi mo naisip kahit minsan man lang na mahal kita. Imposibleng hindi mo nahalata man lang.” Umiling na naman si Zylah. Nanlalaki ang mga mata sa deklarasyon ni Austin. Oo at masasabi niyang naramdaman, naisip, at nahalata niya si Austin pero hindi iyon basta gano’n lang. Hindi dahil mahal na siya nito ay sasamăntalahin niya ang pagkakataon. Hind

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status