Hayst I made it again, bukas po ulit. Pa comment naman pampagana lang..
Hapon na pala. Siguro mga alas kwatro na siguro ngayon. Nakatulog naman ata ako?. Oo hindi ako sigurado dahil pakiwari ko'y gising na gising ang diwa ko mag mula kagabi pa. Paulit-ulit na binabalikan ang bawat eksena at maging ang pag-ilusyon ko sa lalaking nagbibigay ng matinding gulo at epekto sa buong sistema ko. Bakit ba pakiwari ko rin ay sarili ko lang ang iniisip ko sa ngayon?, Hindi ko na nga nagunita pa si She muli dahil okupado ni Azul. Mukha rin naman "nag-enjoy yarn" ang peg ng bruhilda kong kaibigan. Mukhang nilulubos pa talaga. Kamu-kamukat niyo ba naman na hanggang ngayon ay wala pa rin. Hindi tuloy mawaglit sa utak ko ang iba't ibang senaryo na baka nagkineme na ang loka at nagpaka-porn star na. Sa true lang kasi sa aming dalawa kasi ay mas very vocal siya sa mga kuryosidad at mga kinky things. Like anong feeling ng unang sex?. Kung nakakabaliw daw ba sa sarap o nakakalumpo talaga?. Hindi naman ako santa kaso mas ukopado ang utak ko paano kikita at makakapag-provid
Sheryl.. Naawa ako sa kaibigan kong si Mariemar. Gustong gusto ko siyang tulungan pero, paano ko gagawin iyon?. Nasa isang sulok kami ni Dragen ngayon, samantakang si Mariemar naman ay kasalukuyang nakikipag-usap sa mga doktor upang malaman ang tunay lagay ng kanyang ama at lola. Hangang-hanga ako sa babaeng ito dahil sobrang tatag niya sa lahat ng hamon ng buhay. Mula ng maging kaibigan ko ito ang tingin ko dito ay independent woman iyon bang mala wonder woman na sa galing dumiskarte at mag pasan ng responsibilidad maging problema. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko kung ako ang nasa lugar niya. Kung kakayanin ko ba o baka matagal ng sumuko. Hindi ko man gusto isipin ang mga alaala ko noon biglang bumalik kagaya ni Mariemar parang hindi rin ako buo parang may kulang sa pagkatao ko. Siguro nga'y may dahilan bawat ganap at bakit lahat ay sinusubok, baka ginawa ito para mahinog ang bawat katangian ng mga tao. Nagulat ako ng may palad na gumagap sa aking palad na nasa aking kan
MariemarAng laki talaga ng pasasalamat ko na hindi ako iniwan nina She at nobyo nitong si Dragen. Minsan naisip ko na sana makatagpo rin ako ng lalaking magiging karamay ko at mauunawaan ang lagay o estado ko sa buhay. Kaninang umaga nga'y bumalik na ang kapatid kong si Paula alam kong kinyi lang din ang naitulog nito. Noong dumating kami ng madaling araw ay pilit ko siyang pinasama pauwi sa mga tiyahin ko upang makapag pahinga muna. Inaasahan ko naman na medyo matagal ang magiging proseso ng pag-transfer kina lola at tatay dahil nga kulang ang pera ko. Hindi naman papayag ang hospital na umalis kami na walang full payments sa bills at talagang nakakalula ang bills nila. Halos sampung oras lang ang binilang ng pamamalagi nina lola at tatay ay talagang lumalagapak na 60k na agad ang bills namin. Hindi ko alam kung saang kamay ng diyos ako kukuha ng pambayad sa bill dito sa hospital. Alam ko naman na for sure ang kay lola ay pagtatapon-tapunan nila Tita at Tito pero ang sa tatay kula
Nuke.. " Ms. Martinez, we accepted your two patients here because of the recommendation from your previous hospital and also because of Dr, Tanyag." Panimula ko na bungad sa babae, hindi ko sinabi na dahil sa connection ng dalawang mokong na kaibigan ko kaya mas mala VIP ang turing sa kanila. Dragen told me about the Azul plan but both me and Dragen made a deal about another plan for Azul sake. Flashback.. " Hello there! Dr. Nuther kleus Marcelo." Bati ng lalaking bigla na lang pumasok mula sa loob ng aking opisina. Halos kakatapos ko lang rin kausapin si Azul. At ang lalaking iyon walang iba kundi ang anak ni Ninong Darius at Ninang Em Em na si Dragen one of the eldest among our group. " Hello to you too Fucker! Mukhang walang pinto sa inyo co'z you didn't know how to knock before you enter a room." Medyo sarkastiko ang pagkakasabi ko. Well ganito kami sa isa't isa kaya ang sunod na nangyari ay tawanan na. Biruan na iyon sa amin at ginagawa namin iyon everytime na kami-kami lang
" Ano!?" Mataas agad ang boses ng babae ng marinig ang sinabi ng lalaki na nobyo niya. " Pakiulit nga Dragen… Ahh wait I get it.. So, one of your friend needs help and that help ay manggagaling sa kaibigan ko. Kay Mariemar right! Oo andon na tayo sa babayaran niya naman ng tama o sobra pa si Mariemar. Malaking pera, Malaking tulong iyon pero hindi mo/n'yo ba naisip na babae ang kaibigan ko? Malaki ang possible impact sa kanya ng mga pwedeng maganap sa buong durasyon na magkasama sila. Hindi bato ang kaibigan ko at hindi santo ang kaibigan mo. Ayokong magunaw ng tuluyan ang mundo ng kaibigan ko. What if lang Dragen ma-fall si Mariemar sa kanay? Diba walang assurance na sasaluhin siya ng kaibigan mo. Buong buhay ni Mariemar puno ng sakit, pero salat na salat sa pagmamahal. What if madala siya sa mga galawan ng kaibigan mo? Paano kung biglang may mabuo, Edi talo ang kaibigan ko. Pano na yun Dargen ganun na lang tutal binayaran! Tapos pagtapos na ang kontrata kaib
Mariemar.. Naguguluhan ako sa mga narinig ko mula sa proposal, maging sa mga Do's and Don't. At kung ilan nga ba ang mga rules. Pero naisip ko nabibigyan naman ako ng kopya noon. Sa totoo lang napaka tempting ng offer sa akin na inaalok nila. Sobrang tama nga si She sa mga sinabi sa akin. Dahil solve na solve nga talaga lahat ng mga problema at alalahanin ko dahil sa perang inaalok na 'yon kapalit ng pakikipagkasundo ko. Maging ang mga check ups at gamot nila walang aalalahanin pa. Maging sa supply ng pagkain nila wala magiging problema kahit malayo ako sa kanila. Pero hindi ko tuwirang mabatid ang aking damdamin. Kakaiba ang kabog ng aking dibdib lalo na't sa tuwing nag-tatama ang mga mata at nagakakahulihan ng tingin namin ni Azul. Tila ba parang gusto ko umoo na parang ayoko. Hindi ba't ang gulo ng pakiramdam ko. Gusto ko sana na tanggapin agad dahil solve na lahat ng issues ko pag
Naguguluhan man ako dahil sa mga mabilisan na kaganapan ay ayos na rin. Dahil ml akita ko ang bilis ng mga aksyon ng mga doctor dito animo'y vip kami. Bigla kong naisip na iba talaga kapag may pera ka. Lahat ay umiikot sa pera. Alam ko na masyadong delikado ang pinapasok ko na ito pero para sa kanila gagawin ko lahat. Before ng operation ay pinagpa-alam ako ni Azul sa aking Lola at Tatay. Pero sa ibang paraan na kahit ako hindi ko na paghandaan. FLASHBACK" Kamusta po ang pakiramdam niyo?" Narinig kong tanong ng kung sino pero pamilyar na ang boses. Agad kong hinanap iyon dahil nga galing ako sa Cr, at nag-lamas ng bimpo na ipapamunas kay Tatay. Halos mapamulagat ako at laking gulat ko ng makita si Azul. Mukhang tinototoo nga niya ang sinabi na ipag-paalam ako sa pamilya ko. Sana lang maayos ang pag-approach nito sa kanila. " Sino ka Hijo?" Tanong ni Tatay sa lalaki. " Ako po si Arthes Azul Hermoso. Alam ko pong masyadong mali ang timing ko para ipakilala ang sarili ko sa inyo. Pe
Mariemar.. Nasa loob na kami ng mall pero parang ang katawan ko'y sing tigas ng yelo at singlamig dahil sa presensya ni Azul sa aking tabi. Kinakabahan ako na hindi ko mawari, parang nadudumi na naiihi ako. " Relax Ma ko! Masanay ka na dapat agad dahil we only have one week, para maging komportable sa isa't isa. Ako! mukhang hindi mahihirapan dahil magaan ang loob ko sayo. It's kinda weird nga kasi hindi ako naiilang sayo parang matagal na kitang kilala. So, sana maging palagay ka din sa akin. I know my boundaries Mariemar at sana ikaw din para walang maging problema. " Iyon ata ang nagpabalik sa akin sa ulirat. He's right lahat ito ay scripted at bayad kaya dapat gampanan ko ng tama. No feelings should be involved. " I know Hal ko! " Pinilit kong hindi mautal sa pagsagot. I need to get back to my senses. " Come on Mariemar, remember the no. 1 rule: Don't fall in love. That's includes to strengthen my guard para hindi ako magkamali sa dulang ito na simulan namin at para hindi ako
Halo-halong kaba, tensyon at excitement ang aking nararamdaman. Ito na 'yung araw na matutupad ko na ang mga pangako ko sa babaeng mahal ko. Kagabi hindi na halos ako nakatulog mula ng sunduin ko siya mula sa kalokohan na bridal shower ni Nanay at mga Ninang. Mukhang sila lang naman ang nag-benifits ng ginawa nila na pakulo. Nababago lang ang usad ng panahon but their bubbliness and playful schemes never changed. Oo hindi nagbago para mabawasan kundi mas nadagdagan pa. The original plan ay kina Ninong Isko kami magmumula pero dahil na nangyari kagabi ay na iba na. Sa bahay na ni Nanay at Tatay ako tumuloy pagkatapos ko ihatid si Mariemar sa bahay namin. Si Kuya Nuke na ang nagdala ng damit ko na susuotin sa importanteng araw na ito. I can't hide my overflowing happiness right now. " Congratulations! Noon pa alam ko na siya na talaga ang para sayo!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig na may nagsalita. Si Dragen 'yun mula ng mangyari ang gulo noon sa amin ay hindi niya na ako kin
Noong sabihin ni na Ninang Romary na kailangan ng bridal shower ay kinabahan ako. Sa totoo lang ayaw ko ng mga ganun sana dahil alam ko ang kalakaran nila. Pero wala naman akong nagawa dahil sa lahat ng tulong, pag-alalay, pagmamalasakit at pagmamahal nila sa amin ay hindi ko yata maatim na mahindian ko pa sila. Dahil pumayag ako magaganap ang bridal shower sa bisperas ng aming wedding. In 2 week time na lang naman ikakasal na kami ni Azul, hindi na ako nagulat o nabibilisan sa totoo lang. Dahil ang totoo ay naiinip nga ako. Gusto ko na nga na agad-agad na. Okay lang naman kasi talaga sa akin kahit simple lang ang lahat sa kasal namin ni Azul. Dahil para sa akin ang tunay na mahalaga naman ay lahat sila kasama namin sa importante na araw para sa amin ni Azul. Gusto ko kasama ko sila sa araw na haharap kami sa panginoon at mangangako na magiging magkatuwang sa hirap o sarap. Sabi ko kay Azul pwede rin silang mag stag party pero mariin niyang inilingan at tinutulan 'yun. Ayaw na daw ni
Almost 30 minutes lang na naghanda kami ng mga gamit ni Mhina at good to go na sila ni Mama Marikit. Hindi na sila nagtagal pero bago tuluyang umalis si Mama Marikit ay nag-iwan ito ng mga salita na tumagos sa puso ko. Dahil sa kabila ng ginawa ko o nagawa ko sa anak nila ay ganitong tiwala at pagtanggap pa rin ang nakuha ko mula sa kanila." Azul, anak! Salamat ha! Salamat sa mga panahon na iparanas mo sa anak ko ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon. Azul sa totoo lang nasaktan ako ng malaman ko ang mga dinaanan ng bunso kong anak. Sobrang sakit sa akin lalot may pagkukulang din kami. Ngunit sa totoo lang bay hindi ko na kailanman mababago pa ang nakaraan kaya babawi kami sa kanya at sa inyo ngayon. Salamat na dahil sayo nalaman ng anak ko na may halaga siya at karapat dapat din siyang mahalin at alagaan. Noon iniisip ko na kalimutan ang lahat dahil sa ginawa mo sa kanya, 'yun bang tablahin kayo pero ng malaman ko ang dahilan mo— ay na kumpirma ko lang na mahal na mahal mo lang
Azul..HINDI naging madali ang mga lumipas na araw, linggo at buwan magmula ng nanggaling kami sa kulungan at nakausap si Erra. Napaisip din ako na all along biktima rin siya at tama si Marie na dapat namin siyang tulungan at bigyan ng second chance, lalo't may naghihintay rin sa kanya. Tsaka ilang buwan naman siya na nagdusa sa loob ng bilangguan. We made a fair decision in that matter. Pero nang simulan namin na ibahagi sa aming mga magulang ay talagang nahirapan kami, na ipaunawa sa kanila. Bilang bagong panganak palang si Marie noon ay na stress siya na feeling niya kasi hindi siya nauunawaan ng parents namin. Alam ko naman na kabutihan at safety namin ang lubos na inaalala nila kaya ayaw nilang basta pagbigyan ang hiling namin. Naging tahimik si Marie dahil doon kaya naman naging worried ako sa kanya o sa pinagdadaanan niya.Lagi ko siyang kinakausap at ang pag-uusap na 'yun ay palaging nauuwi sa pag-iyak niya dahil sa awa kay Erra. Napakalambot ng puso niya para sa lahat.Napaka
Ang bilis na nagbago ang pangyayari o kaganapan sa buhay namin ni Mhina ng magising si Azul. Parang biglang nagkaroon ng mas makulay na buhay ang buhay naming mag Ina at para bang biglang dumami na rin ang mga tao na tunay na nagmamahal sa amin. Ilang araw pa kaming nanatili sa hospital upang masiguro na ligtas na si Azul sa kahit na anong komplikasyon. Maging ako man ay siniguro nila na hindi nagkaroon ng binat sa panganganak dahil sa mga stress at reyalisasyon na sumambulat sa akin.Naging magaan naman ang mga araw na lumipas sa akin dahil maraming nag boluntaryo na mag alaga kay Mhina. Ang baby Mhina namin parang instant celebrity dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga Mommy La , Mama la, Papa Lo at Daddy Lo niyo. Grabe ang giliw nila kay Mhina kaya happy na happy din ako. Dahil alam ko na never matutulad si Mhina sa pagiging malungkot ko na bata noon. Kung ano man ako noon ay ang laking bagay o parte niya ngayon sa akin kung ano at sino ako bilang tao. Sa loob ng ilang ara
MariemarNaalimpungatan ako na parang may nakatitig sa aking mukha at may tila banayad rin na humahaplos ng aking pisngi at labi. Para ngang hagya na lang na dumapo ang kanyang kamay o daliri sa mukha ko dahil parang iniiwasan din ng kung sino na maistorbo ako sa aking pagpapahinga. Hanggang sa may lumapat na sa labi ko na isang malambot na labi rin. Labi na pamilyar sa akin at pinanabikan ko na muling matikman at malasap. Napadilat ako nga aking mga mata at ganun na lang ang gulat ko dahil si Azul ang bumungad sa akin. Isang gwapo at nakangiting Azul na kay tagal kong inasam na masulyapan muli ang mukha. Halos maiyak pa ako ng biglang nagsalimbayan sa utak ko ang naganap na komosyon kanina sa aming dalawa kasama ang mga taong mahal namin at nagmamahal din sa amin. Nang magising kasi si Azul kanina ay ang daming naging rebelasyon na sumambulat sa amin. Kay hiwaga talaga ng buhay ng tao. Hinaplos ng huli muli ang aking mukha upang alisin ang mga takas na buhok at maging ang aking mga l
Continuation. “ Holiday ngayon anak kaya maluwag ang kalsada kaya medyo mabilis tayo.” Biglang sabi ni Papa kaya agad ko naman naunawaan kung bakit parang malapit na agad kami. Tahimik naman si Mhina habang karga ng kanyang Mama La. Ako naman ay biglang nakaramdam ng kakaibang saya at excitement na makita ang mga taong hindi ko nakita ng halos 7 months..Halos dalawang oras pa ang mabilis na lumipas, at nasa Manila na kami. Hindi kami malimit mag stop over dahil may baon kami na mga pagkain at may cr rin ang personal van na gamit namin. Tingin ko ay sa Cristobal Hospital kami pupunta, naroon kasi ang mga mahuhusay na doctor. Hindi ko mawari ang sarili ko pero parang umuurong ang pwet ko, para bang ayoko na makita si Azul sa ganun na estado. Tumunog ang cp ko. Bago ito bigay ni Kuya Ja sa akin. Tumunog pala ito para sa isang message na galing kay Paula.Paula:Nasa loob na kami Ate ng hospital.. Kayo ba? Kamusta na ang baby Mhina natin? Hindi ba siya umiiyak o umiyak sa biyahe?Basa
MariemarNang araw na malaman ko ang lahat tungkol sa mga nangyari sa loob ng halos 7 months na nagdaan ay parang hindi na ako mapalagay. Alam ko na makakasama ‘yun sa akin dahil baka mabinat pa ako pero hindi na talaga mawaglit sa isip ko ang kung ano ba talaga na ang tunay na lagay ni Azul sa ngayon. Syempre ang iba na mga detalye ay posibleng na nilaktawan na ni Mama para hindi ako ganun masyado mabahala. Habang magulo naman ang isip ko si Mhina naman ay parang nakikisama na mawisyong bata. Iingit lang ito kapag gutom na or basa na ang suot na diaper. Kaya naman naihandle ko ang sarili ko. Hindi na rin naman ako nanghihina pero kahit ganun parang ang utak ko naman ang napapagod sa kakaisip ng kung ano-ano. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabantay kay Mhina habang tulog siya habang ako naman ay nakahiga rin sa hospital bed. Pinilit ko na ipikit ang mata ko hanggang sa tangayin na rin nga ako ng antok. Naalimpungatan lang ako na parang may naglalaro kay Mhina at na bungaran ko ang ak
MariemarParang nasa kung saan ako na punta na malayong lugar. Pakiwari ko ay narating ko ang isang napaka-payapa at ganda na paraiso. Sa paraiso na ito, ay pihado na mai-ingganyo ka na manatili dito at piliin na huwag ng bumalik sa kung saan ka tunay na nanggaling o kabahagi na lugar. Ang bango rin ng lugar na ito para bang inanod ng hangin sa lugar ang mga isipin ko ng mga oras na ito. Pakiramdam ko malaya ako sa kahit na anong sakit, problema at alalahanin sa buhay sa lugar na ito.Habang nagtatagal ako sa lugar para bang may mga nakalimutan ako na sobrang importante na bagay o alaala na kahit pilit ko man ns sariwain sa utak ko ay hindi ko magawa. Nilabang ko na lang ang sarili ko at hinayaan na ang kung ano man ang nakalimutan ko. Hanggang sa may tinig na waring nagmamadali na kunin ang atensyon ko.“ Marie….Marie… Anak nandyan ka ba? Anak ako ito? Nasaan ka?” Sunod-sunod na tawag sa akin ng pamilyar na boses. Ilang taon na pero hindi ko pa rin nalilimutan ang boses at paraan kun