Slow updte po. Buang ang nagsusulat...
Mariemar.. Nasa loob na kami ng mall pero parang ang katawan ko'y sing tigas ng yelo at singlamig dahil sa presensya ni Azul sa aking tabi. Kinakabahan ako na hindi ko mawari, parang nadudumi na naiihi ako. " Relax Ma ko! Masanay ka na dapat agad dahil we only have one week, para maging komportable sa isa't isa. Ako! mukhang hindi mahihirapan dahil magaan ang loob ko sayo. It's kinda weird nga kasi hindi ako naiilang sayo parang matagal na kitang kilala. So, sana maging palagay ka din sa akin. I know my boundaries Mariemar at sana ikaw din para walang maging problema. " Iyon ata ang nagpabalik sa akin sa ulirat. He's right lahat ito ay scripted at bayad kaya dapat gampanan ko ng tama. No feelings should be involved. " I know Hal ko! " Pinilit kong hindi mautal sa pagsagot. I need to get back to my senses. " Come on Mariemar, remember the no. 1 rule: Don't fall in love. That's includes to strengthen my guard para hindi ako magkamali sa dulang ito na simulan namin at para hindi ako
Naging magaan ang pagsasama namin ni Azul sa mall noong unang araw na magkasama kami. Naging kompurtable ako na kasama at nasa paligid ko siya magmula ng araw din na iyon. Hindi ko na nga alintana noon ang mga taong nakapaligid at nakatingin sa amin na kung minsa'y nagtataas pa ng kilay at parang sinasabi na bakit ang gaya ni Azul ay magtatyaga na ako ang kasama. But Azul didn't let go of my hands. He's holding my hands so tight but not to the extent na masasaktan ako. It sends different feelings and emotions. It's like an assurance that no matter what people think or say hindi niya ako pababayaan, iiwan at bibitawan. Ganun nga kabilis ang naging pagkapalagay ko ng loob sa lalaki. Sinong hindi makakadama ng ganun, kung lahat ng iyon ay first time mong maranasan at maramdaman. Ang lalaki nga ngayon ay halos itrato nga ako na literal na tunay na kasintahan n'ya parang meron ngang koneksyon at pag-ibig kung titignan. Masarap palang magmahal ang isang Hermoso na laging laman ng isip ko
Parang gusto kong lumubog na lang sa kinatatayuan ko sa mga oras na ito. Ano ba ang tamang sasabihin ko sa tanong ng Nanay ni Azul sa akin? Halatang-halata siguro ang pagka-tense ko dahil sa sitwasyon dahil panay ang tinginan ng mag asawa da akin. Mukhang mahahalata at mabibisto pa yata ako. Malilintikan ako nito kay Azul kapag nagkataon." Nay, you're scaring her!" Malumanay sabi ng Tatay ni Azul sa Ginang na ubod pa rin ng ganda sa kabila ng pagkakaroon na ng edad. Habang mabini na hinahaplos ang kamay nito. Sweet na sweet pa rin sila kahit may edad na. " Am I Tay!" Sagot naman ng Ina ni Azul. Tumango lang ang lalaki. They look so cute together at sa ganun na asta nila ay nagbago agad ang dating ng awra ng Ginang. Isang malambot at mapagmahal na Ina agad ang rumehistro na karakter nito. " I'm sorry Tay, naging harsh pala ako. Hija I'm sorry too, for making you feel uncomfortable. Hindi kasi ako makapaniwala na may babae sa condo ng anak ko. But this is a good sign. Ay siya mabalik
Habang naghahanda ako ng hapunan namin ay hindi talaga mawala ang ngiti ko at ang magaan na pakiramdam. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na gano'n kabuti ang magulang ni Azul kahit inamin ko na ang lahat sa kanila. Na kahit sa unang pagkikita palang namin at pag-uusap ay nagka-palagayan at nag-kagustuhan kaagad ang bawat isa samin, ayun bang tipong parang noon pa ay magkakilala na at bahagi ng pamilya ng bawat isa. Pakiwari ko'y ilang pinto ng magandang simula ang nagbukas para sa akin dahil sa mag asawang Hermoso. Inilabas ko ang lahat ng sangkap para sa lulutuin ko para sa hapunan. Sa amin ay sanay na sanay kami na isang ulam lang dahil payak nga ang aming pamumuhay. Mahalaga ay may pagkain sa hapag na mapagsasaluhan at may mailalaan pa para sa kinabukasan. Nga lang kung minsan kung printo na isda ang ulam ay paniguradong may partner na gulay—ginisa man yan o ginataan. Pero ngayon lulutuin ko ay 'yung isa sa paborito ni Azul na binanggit ni Nay Sharina. Mabuti na lang marunong a
Mariemar Pov. Habang tumatagal ang pagsasama namin ay lmas nakikilala ko si Azul ng lubusan. May mga pagkakataon na kasama niya ako sa mga lakaran ng barkada nila kaya na meet ko na halos sila. Hindi naman ako only girl doon lagi dahil ang Besh ko naman na si She, ay kasama din lagi ng nobyo nito hindi na mapaghiwalay dinaig pa ang belekoy sa kapit . Makailang ulit nga nito akong tinanong ni She about the real status or real score sa namin ni Azul. Naging honest naman ako sa mga sagot ko sa kanya dahil walang sense para ideny pa dahil kilala ako nito. Ayoko rin naman na magkubli sa lahat. What I mean is pagpapanggap na nga ito sa lahat kahit man lang sana kay She maging totoo ako mailabas ko nag totoo sa puso ko. I know that my secret is safe with her. Siya ang nag iisang kakampi ko sa ngayon ko na sitwasyon. Napakahirap naman kasing pigilin na pahalagahan at mahalin ang isang Azul. Nasa kanya na ang lahat lahat na magagandang katangian na hahanapin sa isang lalaki ng babae. Pl
MariemarAlmost two days na rin mula ng makausap ko sila Tatay at Paula about na rin sa pagpunta namin sa kanila sa weekend. Hindi na rin ito mga nangulit sa akin dahil mukhang na satisfied sa sagot ni Azul sa kanila na bibisita kami. Pero iyon lang pala ang akala ko pero ang kinagulat ko at halos nagpawindang sa akin ay ang chat messages na nareceive ko mula kay Paula. Paula:Ate may chika ako sayo. May chatmate na si Tatay!... Napamulagat ako at paulit-ulit binasa ang chat mula sa kapatid ko. But still 'yun ang unawa ko sa message niya na si Tatay daw ay may ka chat na. Sabagay ok lang naman para may aliwan siya. Pero aba naman talaga dahil bago iyon sa aking pandinig dahil nga ayaw na ayaw naman ni Tatay ang mag kulikot ng cp noon ay maging recently. Oo nga't may cp ito para magamit niya ang kaso lang ay sa games lang niya lang naman yun ginagamit noon at deadma ito sa mga tawag or chat. Katwiran kasi ni Tatay ay kung mahalaga ang pakay puntahan at kausapin ng personal masyadon
12 am, 1 am, 2 am hanggang umabot na sa 6 am ay gising na gising pa rin ako maging ang diwa ko at sistema ko.Ako lang ba ang ganito? Si Azul kaya kamusta? Okay lang naman siguro ang lalaki na 'yun sa loob baka nga sawang sawa na'yon sa tulog. Kahit naman kulang ako sa tulog o sabihin ng wala talaga akong naitulog ay pilit pa rin ako na bumangon. Mabilisang naghilamos lang at nagsisipilyo muna ako bago lumabas para naman kung sakali ay hindi nakakahiyang makipagmangharan. Hindi na ako nag abala pang magsuklay ng aking mahabang buhok. Hinayaan ko na lang ang itsura ko sabi naman ni She maganda ako kahit walang ligo at suklay mahalag daw mabango hininga para ready sa kissing scene. Dyeske talaga! iyang ngang kissing scene ang hindi ako nilubayan kaya ako walang tulog daig ko pa naka drugs. Alam ko naman na baka wala pa ang kasama ko sa bahay sa labas at siguro ay baka tulog pa iyon ng mahimbing. Pagod din kasi si Azul lagi sa trabaho niya. Sana all na lang talaga kuna ako. Sana all
MariemarNapakaganda ng aking panaginip parang totoong totoo talaga ito para sa akin. Hinahaplos ng lalaki na mahal ko at pangarap ko ang aking mukha ng mabini. Tila ba isang mamahaling porselana ang kanyang hinihimas at dinadama. Titig na titig rin ito sa akin na para bang may maganda ito na nakikita sa aking mukha habang ginagawa niya iyon, sa akin ay parang may mga emosyon na sadyang nagkukubli sa kanyang mga mata na hindi maisatinig. Kusang gumuhit ang tunay at puno ng pagmamahal na ngiti sa aking labi dahil sa aking panaginip. Na kahit man lang sa panaginip ay kaya kong maranasan ang tunay na pag-aalaga mula kay Azul. Pero matapos iyon muli akong kinain ng kadiliman—panibagong dilim patungo sa pagtulog kahit pa nga dilim ay may baon akong tatag at ngiti. AzulNagising ako na may parang nakadagan sa aking dibdib. Nang magising ako at tulyang imulat ang aking mata ay mukha ng babae na ngayon ay tuluyang gumugulo na sa utak ko ang nakita ko at nagisnan. Simpleng simple lang ang
Halo-halong kaba, tensyon at excitement ang aking nararamdaman. Ito na 'yung araw na matutupad ko na ang mga pangako ko sa babaeng mahal ko. Kagabi hindi na halos ako nakatulog mula ng sunduin ko siya mula sa kalokohan na bridal shower ni Nanay at mga Ninang. Mukhang sila lang naman ang nag-benifits ng ginawa nila na pakulo. Nababago lang ang usad ng panahon but their bubbliness and playful schemes never changed. Oo hindi nagbago para mabawasan kundi mas nadagdagan pa. The original plan ay kina Ninong Isko kami magmumula pero dahil na nangyari kagabi ay na iba na. Sa bahay na ni Nanay at Tatay ako tumuloy pagkatapos ko ihatid si Mariemar sa bahay namin. Si Kuya Nuke na ang nagdala ng damit ko na susuotin sa importanteng araw na ito. I can't hide my overflowing happiness right now. " Congratulations! Noon pa alam ko na siya na talaga ang para sayo!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig na may nagsalita. Si Dragen 'yun mula ng mangyari ang gulo noon sa amin ay hindi niya na ako kin
Noong sabihin ni na Ninang Romary na kailangan ng bridal shower ay kinabahan ako. Sa totoo lang ayaw ko ng mga ganun sana dahil alam ko ang kalakaran nila. Pero wala naman akong nagawa dahil sa lahat ng tulong, pag-alalay, pagmamalasakit at pagmamahal nila sa amin ay hindi ko yata maatim na mahindian ko pa sila. Dahil pumayag ako magaganap ang bridal shower sa bisperas ng aming wedding. In 2 week time na lang naman ikakasal na kami ni Azul, hindi na ako nagulat o nabibilisan sa totoo lang. Dahil ang totoo ay naiinip nga ako. Gusto ko na nga na agad-agad na. Okay lang naman kasi talaga sa akin kahit simple lang ang lahat sa kasal namin ni Azul. Dahil para sa akin ang tunay na mahalaga naman ay lahat sila kasama namin sa importante na araw para sa amin ni Azul. Gusto ko kasama ko sila sa araw na haharap kami sa panginoon at mangangako na magiging magkatuwang sa hirap o sarap. Sabi ko kay Azul pwede rin silang mag stag party pero mariin niyang inilingan at tinutulan 'yun. Ayaw na daw ni
Almost 30 minutes lang na naghanda kami ng mga gamit ni Mhina at good to go na sila ni Mama Marikit. Hindi na sila nagtagal pero bago tuluyang umalis si Mama Marikit ay nag-iwan ito ng mga salita na tumagos sa puso ko. Dahil sa kabila ng ginawa ko o nagawa ko sa anak nila ay ganitong tiwala at pagtanggap pa rin ang nakuha ko mula sa kanila." Azul, anak! Salamat ha! Salamat sa mga panahon na iparanas mo sa anak ko ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon. Azul sa totoo lang nasaktan ako ng malaman ko ang mga dinaanan ng bunso kong anak. Sobrang sakit sa akin lalot may pagkukulang din kami. Ngunit sa totoo lang bay hindi ko na kailanman mababago pa ang nakaraan kaya babawi kami sa kanya at sa inyo ngayon. Salamat na dahil sayo nalaman ng anak ko na may halaga siya at karapat dapat din siyang mahalin at alagaan. Noon iniisip ko na kalimutan ang lahat dahil sa ginawa mo sa kanya, 'yun bang tablahin kayo pero ng malaman ko ang dahilan mo— ay na kumpirma ko lang na mahal na mahal mo lang
Azul..HINDI naging madali ang mga lumipas na araw, linggo at buwan magmula ng nanggaling kami sa kulungan at nakausap si Erra. Napaisip din ako na all along biktima rin siya at tama si Marie na dapat namin siyang tulungan at bigyan ng second chance, lalo't may naghihintay rin sa kanya. Tsaka ilang buwan naman siya na nagdusa sa loob ng bilangguan. We made a fair decision in that matter. Pero nang simulan namin na ibahagi sa aming mga magulang ay talagang nahirapan kami, na ipaunawa sa kanila. Bilang bagong panganak palang si Marie noon ay na stress siya na feeling niya kasi hindi siya nauunawaan ng parents namin. Alam ko naman na kabutihan at safety namin ang lubos na inaalala nila kaya ayaw nilang basta pagbigyan ang hiling namin. Naging tahimik si Marie dahil doon kaya naman naging worried ako sa kanya o sa pinagdadaanan niya.Lagi ko siyang kinakausap at ang pag-uusap na 'yun ay palaging nauuwi sa pag-iyak niya dahil sa awa kay Erra. Napakalambot ng puso niya para sa lahat.Napaka
Ang bilis na nagbago ang pangyayari o kaganapan sa buhay namin ni Mhina ng magising si Azul. Parang biglang nagkaroon ng mas makulay na buhay ang buhay naming mag Ina at para bang biglang dumami na rin ang mga tao na tunay na nagmamahal sa amin. Ilang araw pa kaming nanatili sa hospital upang masiguro na ligtas na si Azul sa kahit na anong komplikasyon. Maging ako man ay siniguro nila na hindi nagkaroon ng binat sa panganganak dahil sa mga stress at reyalisasyon na sumambulat sa akin.Naging magaan naman ang mga araw na lumipas sa akin dahil maraming nag boluntaryo na mag alaga kay Mhina. Ang baby Mhina namin parang instant celebrity dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga Mommy La , Mama la, Papa Lo at Daddy Lo niyo. Grabe ang giliw nila kay Mhina kaya happy na happy din ako. Dahil alam ko na never matutulad si Mhina sa pagiging malungkot ko na bata noon. Kung ano man ako noon ay ang laking bagay o parte niya ngayon sa akin kung ano at sino ako bilang tao. Sa loob ng ilang ara
MariemarNaalimpungatan ako na parang may nakatitig sa aking mukha at may tila banayad rin na humahaplos ng aking pisngi at labi. Para ngang hagya na lang na dumapo ang kanyang kamay o daliri sa mukha ko dahil parang iniiwasan din ng kung sino na maistorbo ako sa aking pagpapahinga. Hanggang sa may lumapat na sa labi ko na isang malambot na labi rin. Labi na pamilyar sa akin at pinanabikan ko na muling matikman at malasap. Napadilat ako nga aking mga mata at ganun na lang ang gulat ko dahil si Azul ang bumungad sa akin. Isang gwapo at nakangiting Azul na kay tagal kong inasam na masulyapan muli ang mukha. Halos maiyak pa ako ng biglang nagsalimbayan sa utak ko ang naganap na komosyon kanina sa aming dalawa kasama ang mga taong mahal namin at nagmamahal din sa amin. Nang magising kasi si Azul kanina ay ang daming naging rebelasyon na sumambulat sa amin. Kay hiwaga talaga ng buhay ng tao. Hinaplos ng huli muli ang aking mukha upang alisin ang mga takas na buhok at maging ang aking mga l
Continuation. “ Holiday ngayon anak kaya maluwag ang kalsada kaya medyo mabilis tayo.” Biglang sabi ni Papa kaya agad ko naman naunawaan kung bakit parang malapit na agad kami. Tahimik naman si Mhina habang karga ng kanyang Mama La. Ako naman ay biglang nakaramdam ng kakaibang saya at excitement na makita ang mga taong hindi ko nakita ng halos 7 months..Halos dalawang oras pa ang mabilis na lumipas, at nasa Manila na kami. Hindi kami malimit mag stop over dahil may baon kami na mga pagkain at may cr rin ang personal van na gamit namin. Tingin ko ay sa Cristobal Hospital kami pupunta, naroon kasi ang mga mahuhusay na doctor. Hindi ko mawari ang sarili ko pero parang umuurong ang pwet ko, para bang ayoko na makita si Azul sa ganun na estado. Tumunog ang cp ko. Bago ito bigay ni Kuya Ja sa akin. Tumunog pala ito para sa isang message na galing kay Paula.Paula:Nasa loob na kami Ate ng hospital.. Kayo ba? Kamusta na ang baby Mhina natin? Hindi ba siya umiiyak o umiyak sa biyahe?Basa
MariemarNang araw na malaman ko ang lahat tungkol sa mga nangyari sa loob ng halos 7 months na nagdaan ay parang hindi na ako mapalagay. Alam ko na makakasama ‘yun sa akin dahil baka mabinat pa ako pero hindi na talaga mawaglit sa isip ko ang kung ano ba talaga na ang tunay na lagay ni Azul sa ngayon. Syempre ang iba na mga detalye ay posibleng na nilaktawan na ni Mama para hindi ako ganun masyado mabahala. Habang magulo naman ang isip ko si Mhina naman ay parang nakikisama na mawisyong bata. Iingit lang ito kapag gutom na or basa na ang suot na diaper. Kaya naman naihandle ko ang sarili ko. Hindi na rin naman ako nanghihina pero kahit ganun parang ang utak ko naman ang napapagod sa kakaisip ng kung ano-ano. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabantay kay Mhina habang tulog siya habang ako naman ay nakahiga rin sa hospital bed. Pinilit ko na ipikit ang mata ko hanggang sa tangayin na rin nga ako ng antok. Naalimpungatan lang ako na parang may naglalaro kay Mhina at na bungaran ko ang ak
MariemarParang nasa kung saan ako na punta na malayong lugar. Pakiwari ko ay narating ko ang isang napaka-payapa at ganda na paraiso. Sa paraiso na ito, ay pihado na mai-ingganyo ka na manatili dito at piliin na huwag ng bumalik sa kung saan ka tunay na nanggaling o kabahagi na lugar. Ang bango rin ng lugar na ito para bang inanod ng hangin sa lugar ang mga isipin ko ng mga oras na ito. Pakiramdam ko malaya ako sa kahit na anong sakit, problema at alalahanin sa buhay sa lugar na ito.Habang nagtatagal ako sa lugar para bang may mga nakalimutan ako na sobrang importante na bagay o alaala na kahit pilit ko man ns sariwain sa utak ko ay hindi ko magawa. Nilabang ko na lang ang sarili ko at hinayaan na ang kung ano man ang nakalimutan ko. Hanggang sa may tinig na waring nagmamadali na kunin ang atensyon ko.“ Marie….Marie… Anak nandyan ka ba? Anak ako ito? Nasaan ka?” Sunod-sunod na tawag sa akin ng pamilyar na boses. Ilang taon na pero hindi ko pa rin nalilimutan ang boses at paraan kun