Na alarma si Caleb kay Nanay Josie na ngayon ay bumababa sa hagdan mula sa taas. May dala-dala itong bag at bukod doon ay ang napansin niyang pagmamadali nito."Nanay Josie? May nangyari po ba? Ano po iyan? Si Marco po?" sunod-sunod na tanong niya sa matandang kasambahay."Nasa hospital, ito nga at dadalhin ko itong mga doon," wika nito."Ho? Bakit po? What happened to Marco?""Na aksidente si Zamantha. Nahulog daw roon sa maliit na bangin hindi kalayuan doon sa ilog,""Ho?""Susme, naman kasing bata iyon, eh. Bakit ba mabilis at hindi nagdadahan-dahan sa pagbe-besikleta," wika nito na hindi malaman kung sino ang sisisihin. Bakas din sa mukha nito ang sobrang pag-aalala sa dalaga."Samahan ko na po kayo?" Siya na ang nagbuhat sa bag na dala nito. Makalipas ang nasa trenta minutos na byahe ay narating din nila ang nag-iisang hospital sa bayang iyon. "What happened to her?" tanong agad ni Caleb pagkapasok pa lang sa silid kung saan naroroon ang dalaga. Kasulukuyan itong nakahiga sa is
"NANAY JOSIE," ani ni Zam nang magising. Agad namang nagising ang matanda na nakadungo sa kanang bahagi nang kanyang hospital bed. "Kamusta ka na, hija?" Hinimas pa nito ang kamay niya. "I am fine. Medyo makirot lamang po itong balikat ko." nakangiting sagot niya. "May sugat ka kasi sa likod mo, pero hindi naman kalakihan. At saka 'yang sa noo mo." wika ni Nanay Josie. Kinapa niya ang noong may benda. "Si Marco po?" "Nakauwi na kanina pa. Naririto rin si Caleb. Aba'y alalang-alala kami sa iyo, ah. Ano ba kasi ang nangyari?" Zam signed. Sa sobrang sakit ng kalooban niya kanina ay hindi na niya namalayang masyado na pa lang mabilis ang pagbibesikleta niya. Kaya hindi rin niya agad na pansin ang mga batang naglalaro nang kung anong tali sa kalsada at napatid siya no'n at nawalan ng balanse at nag-dirediretso siyang nahulog sa bangin."Na off-balance lang po, hindi ko po kasi napansin iyong mga batang naglalaro." "Zam, ang sabi ng mga tauhan sa farm na nakakita, mabilis daw ang tak
I like you, Zammy...you are my sister that I never had. Parang pamilya na ang turing ko sa inyo ni Marco." "But I love you," tahasang sabi niya. Ikinagulat iyon ng binata. He looked straight on her eyes. Nababakas sa mukha niya ang kaseryosuhan. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "I'll go ahead. Naghihintay si Yssa sa ibaba," sa halip na saad nito. "I said I love you," naiiyak nang sabi niya. "I love you too. You know that," anitong halatang malapit nang maubusan ng pasensiya sa pangungulit niya."But you love me as a sister," nakisimangot na sabi niya."You're still young, Zam. Pag-edad mo ng kaunti, makikita mo, you will just laugh kapag naalala mo ang partikular na eksenang ito sa buhay mo," nakangiting saad nito."I am eighteen already. Ako ang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko. And i am telling you, what I feel about you is real."Caleb smiled bitterly. "I'll go ahead." Akmang tatalikod na ito nang tumayo siya.Dahil sa napasama ang paglapat sa sahigng paa niya ay na-off
Ilang araw na hindi nakikita ni Zam si Caleb. Alam niya na sadyang iniiwasan siya ng binata. Kapag tinatanong niya si Marco kung nasaan si Caleb ay sinasabi nitong kasama nito si Yssa. At nalaman niya rin sa kapatid na malapit na palang matapos ang bakasyon ng binata. Mukhang susunod din daw si Yssa sa America kung magiging magkasintahan ang dalawa. Sa loob ng mga araw na hindi niya nakikita ang binata ay halos hindi siya mapakali. Ang kaalamang maaring magsama ang dalawa sa America ay sobrang nagpapasakit sa kalooban niya.Minsan nga ay natawa na lamang siya bigla. Paano ba naman kasi, ilang ulit na nga siyang tinanggihan nito hindi ba? Pero heto pa rin siya. Hinahanap-hanap at nag-alala pa rin para sa binata. She's really crazy. Naisipan niyang magpahangin kaya lumabas siya at nagpasyang pumunta sa ilog. Sakay nang besikleta ay dahan-dahan niyang tinahak ang daan pa punta roon. Maingat siya sa pagpapatakbo dahil ayaw na niyang madisgrasya pang muli. Hanggang sa nakarating siya roo
Katok sa pinto ang nagpabalik kay Zam sa kasalukuyan. Pinunasan niya ang mga luhang nalaglag sa pisngi niya. Bahagyang inayos niya ang damit bago siya tumayo. "Hi!" Nakangiting bungad ni Caleb pagkabukas ng pinto. "What is it this time?" tanong niya."Ipinapatawag ka ng kuya mo, kanina ka pa namin hinihintay," anito."Hindi ba nagpunta si Marco sa farm?" "That was this afternoon, nakabalik na siya. Hinihintay ka nga namin for dinner. Inisip naming natutulog ka kaya hindi ka na muna namin inabala." saad ni Caleb. Nakapamulsa ito, ang ngiti ay hindi mawala-wala sa mga labi nito. "Tsked. Ano bang katawa-tawa ngayon? May pa ngiti-ngiti pang nalalaman 'tong mukong na ito." bulong ni Zam sa isipan. Napatingin siya sa sariling oras na nasa kaliwang palapulsuhan. At laking gulat niya nang makitang labin-limang minuto na lang at alas-otso na pala ng gabi. Hindi niya namalayan ang oras. "Marco is waiting for you downstairs," sabi ng binata. Tumango naman siya at isinara ang pinto. Ilang
Matapos ayusin ang mga gamit sa kusina ay umakyat na siya. He took his time to take a bath bago pa magising ang dalaga. Kailangan ay nandoon siya kapag magising ito, at para magawa ang pinaplano niyang pagpapansin dito. Nang makapasok ang binata sa silid na inuukopa ay siya namang paglabas ni Zamantha sa kanyang kwarto.Quarter to seven pa lamang ay gising na siya. Inaasahan niya kasing ngayon umaga ang dating ng matalik na kaibigan sa farm, si Maddy. Pero dahil daw sa sama ng panahon dulot ng isang low pressure sa Visayas ay na cancel ang lahat nang domestic flights pa Mindanao. Bukas pa raw uli ng umaga ang re-schedule nito.Dahan-dahan siyang naglalakad pababa habang nasa kaliwang taenga ang kanyang cellphone at hawak naman ng dalawang kamay niya ang laptop. "Hay, naku Zamantha. Kung hindi lang talaga kita kaibigan hindi ako magpapahirap nang ganito," saad ni Maddy na nasa kabilang linya ngayon kausap ni Zam."I'm really sorry, Mad. Hayaan mo, ako na bahala sa flights natin pabal
Zam is having a hard time focusing on what she was doing in front of her laptop. Hindi niya maiwang sulyapan si Caleb nang paulit-ulit. Mukhang totoo nga na marunong talaga ang binata sa kusina. Malaya at mabilis kasi itong kumikilos doon ngayon. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapangiti habang pa simple niya rin itong sinisilip. Geez! Even if he's holding a pancake tuner and a frying pan, he still looks great.Makalipas ang mahigit kalahating oras ay may naglapag ng tray sa harap niya."Breakfast ready for my Zammy." sabi nito. Nag-angat nang paningin si Zam. Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Caleb na nakatingin din pala sa kanya.Muli siyang kinabahan at tila natataranta pa. Kakaiba talaga ang impact ng mga tingin nito sa kanya. Hindi niya matagalan. Samantalang noon ay kayang-kaya naman niyang makipagtitigan dito. Pero bakit hindi na niya magawa ngayon?Nakagat ni Zam ang pang ibabang labi. Ginawa niya iyon para pakalmahin kahit papaano ang sarili. Ngunit dumako naman doon ang p
Gustong magpasalamat ni Zam nang makapasok na siya sa kanyang silid. Saglit siyang napasandal sa nakasaradong pinto at nagpakawala nang malalim na hininga. Mabuti na lamang at hindi na siya tinangka pang pigilan ni Caleb. Dahil kung sakali man, hindi na niya alam kung ano pang isasagot rito. She's out of words for some reason. Pinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa kanina sa loob ng kwarto niya. Inabala ang sarili sa pagsagot ng mga emails at sketching.She need to divert her attention to something else. Kung ano-ano na ang mga bagay na naaalala at nararamdaman niyang hindi tama this past few days. Kaya kailangan na talaga niyang pagbutihin ang pag-iwas kay Caleb. Kailangan kung umiwas sa lahat ng bagay na makakasakit sa akin. Bulong niya sa sarili. Lumipas ang mga oras. Abala pa rin siya sa ginagawa nang may kumatok sa pinto. "Brat," boses iyon ni Marco mula sa labas. Nilingon niya ang alarm clock na nasa kaliwang bahagi nang kanyang kama. Mag aala-syete na pala ng gabi kaya na