Share

Chapter 2

Author: Duchess GN
last update Huling Na-update: 2022-07-14 22:40:55

ANDREA

LAKING pasasalamat ko nang matanggap ako sa trabaho. Ako na ngayon ay mayroong source of income para sa pamilya ko at para na rin sa pag-aaral ng aking mga kapatid. Hinding hindi ko sasayangin ang oportunidad para maging isang successful woman para na rin sa aking kinabukasan.

So, nagsimula na nga ako kaagad sa work ko bilang isang babysitter at kahit medyo intimidating ang aking boss ay hindi ko na lang muna iyon pinansin pa. Wala akong ibang hangad kundi ang magkaroon ng trabaho, so hindi dapat ako magpapaapekto sa mga bagay na katulad nito.

Isinasama kami ni Sir Rafael sa kaniyang opisina kasama ng kaniyang anak na si Travis, dalawang taong gulang dahil umiiyakp rin ito kapag hindi niya nakikita ang kaniyang daddy, kaya kami narito ngayon.

MABILIS lumipas ang oras dahil sa tambak na trabaho na nai-atang sa aking mga balikat sa unang araw ko pa lang sa aking trabaho. Bago pa man mag-alas dose ng tanghali ay nag-iba ang pakiramdam ko.

Parang natupad nga ang hinala ko na ngayon ang magiging unang araw ng buwanang dalaw ko.

Kung kailan ako nag-first day sa work ko ay iyon din talaga ang first day ng menstruation ko.

Tumingin ako sa kalendaryo at tama nga, ngayong buong linggo ang dalaw ko. Nakabisado ko na ang regular menstruation ko kaya’t nagbaon na ako ng napkin just in-case.

Ang kaso ay nakadama ako ng kung ano. Napailing na lamang ako dahil sa aking naramdaman at napansin.

May tagos ako.

“Shocks! Kung minamalas ka nga naman talaga oh.” Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa banyo bitbit ang bag ko.

Sa likod lang naman ito ng opisina niya dahil designed na iyon para kay Sir Rafael.

Bago ako makarating ay nagtama ang aming paningin ni Sir Rafael Ignacio at nakita ko ang isang misteryosong pagkatao niya.

Titig na titig siya sa akin at kitang kita ko rin ang pagkunot ng noo niya nang mga sandaling makita niya akong mayroong itinatago sa aking likuran.

Mas lalo akong kinabahan nang ilapag niya sa mesa ang hawak niyang ballpen at huminto siya sa pagsusulat o kaya ay pagpirma ng kung ano sa kanyang mesa.

Mas lalo pa nga niyang itinuon ang pansin sa akin kaya’t biglang kumabog ang dibdib ko at nanlamig ang mga kamay ko sa nerbyos.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at saka ako nagpatuloy.

Hindi maaaring matagusan ako. Dirty white pa man din ang aking pencil cut skirt kaya’t halata ito kung sakali. Mauubos ang oras ko sa pagbyahe pauwi para lang magpalit dahil da traffic. Ang siste, wala akong pamalit kung mayroon nga akong tagos.

Bago ko pa man maisara ang pintuan ay agad itong bumukas at iniluwa nito ang taong hindi ko inaasahan na papasok.

Sobrang kumabog ang dibdib ko sa aking nasilayan dahil napaka-dominante ng taong pumasok mula roon. Parang leon na nangangain ng tao at hindi ko siya kayang hindi tingnan sa mga mata dahil napako na ako sa mga tingin niyang iyon.

“S-sir, ano pong ginagawa niyo dito?” Kinakabahan akong nagtanong sa kanya.

Panay ang psgkutkot ng mga daliri ko sa laylayan ng aking blusa at hindi ko alam kung paano ako gagalaw mula sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang napaka-dominanteng presensya.

Sa tantiya ko ay isang talampakan ang tangkad niya sa akin kaya’t medyo hirap akong tingalain siya sa aking harapan.

“Sir, would you mind to get out first, m-may gagawin lang po ako,” kabado ang boses ko at alam kong dinig niya iyon.

Ngunit hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin.

Hanggang sa bigla na lang niyang ini-lock ang pintuan ng kusina. Makipot lang ito at pasilyo deretso sa banyo. May malaki ring salamin sa gilid nito at kitang kita ko ang repleksyon naming dalawa habang nakatayo kami, halos isang metro lang ang agwat.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang nakatitig pa rin sa aking mga mata.

Mas lalo pa akong kinabahan at hindi makakilos sa aking kinatatayuan nang magkalapit na magkalapit na kami. Napalunok ako nang hindi siya natitinag.

Dios ko. Ano ang gagawin niya sa akin?

 “Sir, b-bakit po?” Nag-aalala na ako habang mahigpit na ang pagkakahawak ko sa laylayan ng aking damit. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko sa sobrang takot.

Hanggang sa na-corner niya na nga ako at tila ba wala na akong ibang paraan para makatakas sa kanyang presensya.

Habang nakatitig siya sa akin ay tinatanggal niya ang butones ng kanyang longsleeves na dark blue.

Bakit siya naghuhubad? Gagahasain niya ba ako? Hindi pwede.

Naalala ko kaagad ang tanong niya sa akin nang ako ay ma-interview.

“Are you really a virgin?”

That’s the very moment na bigla akong nakaramdam ng sobrang takot sa kanya. Hindi ko man kayang ipaliwanag ngunit sa totoo lang ay sobrang takot ako sa kanya.

“Ano pong ginagawa ninyo sir?” pilit pa rin akong nagpapakita ng pagiging kalmado kahit na sa totoo lang ay mawawalan na ako ng hininga sa sobrang kaba.

Hindi siya sumasagot. Hindi rin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Diretso lang ang titig niya na parang hinahalukay ang buong pagkatao ko.

Nahubad na niya ng deretso ang kanyang pang-itaas kaya’t tumambad sa akin ang kagandahan ng kanyang pangangatawan.

Totoong nasa mga edad 30s na siya at sa tingin ko nga ay nasa halos 10 years ang tanda niya sa akin. Para na siyang ama ko kung tutuusin pero sa hubog at tikas niya ay marami pa ring magkakamali at maaakit sa napakagandang hubog ng kanyang pangangatawan.

Sa tantiya ko ay alaga sa gym at ehersisyo ang katawan na ito kaya’t gano’n na lamang ang hulma nito na parang inukit ng isang magaling na iskultor.

Saglit na nadikit sa batak na abs niya ang aking mga mata bago iyon unti-unting umakyat sa kanyang mukha.

Balbas sarado siya, alam kokahit n bagong ahit lang siya at bagay na bagay iyon sa kanya. Nakakunot pa rin ang noo niya at seryosong seryoso ang kanyang mga mata.

Lumapit pa siya ng husto sa akin at agad akong nagkrus ng mga braso ko sa aking dibdib.

Ilang pulgada na lamang ang lapit ng katawan niya sa katawan ko. Amoy na amoy ko siya at nakakalasing ang kabanguhan ng katawan niya.

Nagbabaga ang kanyang matipunong katawan at hindi ko maiwasan na hindi siya hangaan. Tumatagos sa aking katawan ang init na hatid ng kanyang pagiging hunk at tila ba hinahalina ako ng matapang niyang amoy na lalaking lalaki.

Hindi ko alam kung bakit sa mga sandaling ito ay tamadong tamado ako sa isang lalaking halos kalahati na ang agwat ng edad sa akin.

Yumuko siya at tiningnan ako sa mga mata ko. Para akong isang kuting na takut na takot sa kanya.

Nagulat ako nang inilapat niya ako sa kanyang katawan na dahilan upang mapahilig ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib. Napakainit niyon at napakabango.

Nalalanghap ko ang natural niyang amoy at nadarama ko ang nakadadarang niyang init na tumatagos hanggang sa aking kalamnan at buto.

 “S-sir,” wala akong kalaban-laban sa kanya kung tutuusin dahil sa laki niya at ako ay para lamang pusa na nakaharap sa tigre.

Nagulat na lamang ako nang balutin niya ang ibabang bahagi ko nga kanyang longsleeves shirt at saka siya nagsalita.

 “You have a blood stained on your back, woman. Maging responsible ka,” bulong niya sa akin.

Ang bango bango ng hininga niya at sobrang nalanghap ko ang init niyon. Nahalplos pa nga ng init niyon ang aking pisngi at tila ba gumapang sa iba’t ibang parte ng katawan ko ang bolta-boltaheng init at koryente na hatid ng kiliti na galing sa kanyang boses.

Napayuko ako at tiningnan ang kabuuan ko at saka ako naglipat ng tingin sa kanya.

Mala Adonis ang pangangatawan niyang nakatayo lang sa harapan ko. Hindi ko kayang ikumpara sa kahit na sinong artista o modelo ang kanyang hitsura kaya naman natatangi siya para sa akin. Kaiba siya sa kahit na sinong lalaki na nakilala ko o nakita ko sa mga magazine at television.

“May I just remind you of my rule, Adrea. Never use skirt in going to work. Don’t try to disobey me. Hindi ko gusto,” napakababa ng boses niya na punung-puno ng pagbabanta sa akin.

Hindi ko man maunawaan kung bakit ayaw niya akong pagsuotin ng skirt o ng maikli ngunit isa lamang ang dapat----dapat ko siyang sundin dahil siya ang boss ko.

 “S-sige po,” napayuko ako at kabadong pumikit.

“Bueno, kunin mo ang t-shirt sa kotse ko. Heto ang susi, hihintayin kita dito, bilisan mo.” At saka niya iniabot ang susi sa akin.

Umatras siya upang sa ganoon ay mayroon akong daraanan palabas. Nag-iba na rin ang atmosphere sa loob kaya’t nakahinga na rin naman ako ng maluwag. Hindi na rin ganoon kadominante ang tingin niya kaya’t nabawasan na rin ang takot ko sa kanyang presensya.

Kaya naman nang abutin ko ang susi mula sa kanyang kamay ay kahit pa hindi ko alam ang gagawin ko ay agad na akong tumakbo palabas ng kanyang opisina para lang makatakas sa mga tingin niya.

Sobra akong kinabahan sa sitwasyon na iyon.

 Akala ko ay kung ano na. Akala ko rin ay mapapahamak na ako kanina.

Ngunit isa lang ang masasabi ko sa mga sandaling ito.

Sana lang talaga ay kung mayroong tukso, layuan ako ng bagay na ito.

Kaugnay na kabanata

  • Babysitting the Billionaire's Baby   Prologue

    “KUNG nangangati ka, huwag mong gamiting pangkamot ang fiance ko!”Pagkasabi nito ni Georgina ay dumapo ang kanyang kanang palad sa aking kaliwang pisngi dahilan upang masapo ko iyon dahil sa sobrang sakit.Nasa loob na ako ng opisina at wala pa ang asawa niya na siyang boss ko.“Kaya ka siguro kumakapit sa patalim dahil mahirap lang kayo at sa squatter ka lang nakatira kasama ng pamilya mo. Ito, ang tatandaan mong babae ka, hindi ka mahal ni Rafael, he’s just using you because he is a damn bastard.” Idinuro-duro niya ako habang nananatili lang akong tahimik sa aking kinatatayuan.I want to cry because idinadamay na niya ang pamilya ko sa kanyang matinding galit. I am no longer afraid to fight her but I always remember Rafael na siyang laging nagsasabi na huwag akong papatol sa kanyang fiance kapag sumugod ito sa akin pagdating nito galing ibang bansa.“Where is Rafael Ignacio? Ilabas mo siya!”Patuloy lang siya sa pagiging histerical and I am afraid na baka magwala siya dito sa opisi

    Huling Na-update : 2022-07-14
  • Babysitting the Billionaire's Baby   Chapter 1

    ANDREA“ATE, galingan mo sa interview ha? Dapat makuha ka na sa trabaho para mayroon na akong pambili ng laptop.”“Ate, ako rin ha? Kailangan namin sa school iyon.”Ito ang magkasunod na wika nina Mike at Myra, ang mga nakababatang kapatid ko.“Naku, tigilan niyo iyang ate ninyo. Hindi pa nga siya nakakapasok sa trabaho ay inoobliga niyo na siya kaagad sa mga kailangan ninyo.” Saway ni nanay sa aking mga kapatid na ngayon ay kasali namin sa hapag-kainan.“Hayaan ninyo, kapag makaluwag-luwag tayo ay si tatay ang bibili ng gamit ninyo,” ito naman ang sabad ni tatay na isang trabahador sa isang hardware sa bayan.“Naku Tay, huwag na. Kapag ako ay nakakuha ng maayos na trabaho, pati ikaw ay hihinto na rin sa trabaho. Hindi ko hahayaan na mapapagod ka pa sa tanda mo nang iyan,” sabad ko naman na ngayon ay kumakain din.“Pagpasensyahan ninyo na kami mga anak at ito lang ang buhay na mayroon tayo. Pero ang pagtatapos ninyo lang ang kaya naming ibigay sa ngayon. Hangga’t kaya namin ng inyong

    Huling Na-update : 2022-07-14

Pinakabagong kabanata

  • Babysitting the Billionaire's Baby   Chapter 2

    ANDREALAKING pasasalamat ko nang matanggap ako sa trabaho. Ako na ngayon ay mayroong source of income para sa pamilya ko at para na rin sa pag-aaral ng aking mga kapatid. Hinding hindi ko sasayangin ang oportunidad para maging isang successful woman para na rin sa aking kinabukasan.So, nagsimula na nga ako kaagad sa work ko bilang isang babysitter at kahit medyo intimidating ang aking boss ay hindi ko na lang muna iyon pinansin pa. Wala akong ibang hangad kundi ang magkaroon ng trabaho, so hindi dapat ako magpapaapekto sa mga bagay na katulad nito.Isinasama kami ni Sir Rafael sa kaniyang opisina kasama ng kaniyang anak na si Travis, dalawang taong gulang dahil umiiyakp rin ito kapag hindi niya nakikita ang kaniyang daddy, kaya kami narito ngayon.MABILIS lumipas ang oras dahil sa tambak na trabaho na nai-atang sa aking mga balikat sa unang araw ko pa lang sa aking trabaho. Bago pa man mag-alas dose ng tanghali ay nag-iba ang pakiramdam ko.Parang natupad nga ang hinala ko na ngayon

  • Babysitting the Billionaire's Baby   Chapter 1

    ANDREA“ATE, galingan mo sa interview ha? Dapat makuha ka na sa trabaho para mayroon na akong pambili ng laptop.”“Ate, ako rin ha? Kailangan namin sa school iyon.”Ito ang magkasunod na wika nina Mike at Myra, ang mga nakababatang kapatid ko.“Naku, tigilan niyo iyang ate ninyo. Hindi pa nga siya nakakapasok sa trabaho ay inoobliga niyo na siya kaagad sa mga kailangan ninyo.” Saway ni nanay sa aking mga kapatid na ngayon ay kasali namin sa hapag-kainan.“Hayaan ninyo, kapag makaluwag-luwag tayo ay si tatay ang bibili ng gamit ninyo,” ito naman ang sabad ni tatay na isang trabahador sa isang hardware sa bayan.“Naku Tay, huwag na. Kapag ako ay nakakuha ng maayos na trabaho, pati ikaw ay hihinto na rin sa trabaho. Hindi ko hahayaan na mapapagod ka pa sa tanda mo nang iyan,” sabad ko naman na ngayon ay kumakain din.“Pagpasensyahan ninyo na kami mga anak at ito lang ang buhay na mayroon tayo. Pero ang pagtatapos ninyo lang ang kaya naming ibigay sa ngayon. Hangga’t kaya namin ng inyong

  • Babysitting the Billionaire's Baby   Prologue

    “KUNG nangangati ka, huwag mong gamiting pangkamot ang fiance ko!”Pagkasabi nito ni Georgina ay dumapo ang kanyang kanang palad sa aking kaliwang pisngi dahilan upang masapo ko iyon dahil sa sobrang sakit.Nasa loob na ako ng opisina at wala pa ang asawa niya na siyang boss ko.“Kaya ka siguro kumakapit sa patalim dahil mahirap lang kayo at sa squatter ka lang nakatira kasama ng pamilya mo. Ito, ang tatandaan mong babae ka, hindi ka mahal ni Rafael, he’s just using you because he is a damn bastard.” Idinuro-duro niya ako habang nananatili lang akong tahimik sa aking kinatatayuan.I want to cry because idinadamay na niya ang pamilya ko sa kanyang matinding galit. I am no longer afraid to fight her but I always remember Rafael na siyang laging nagsasabi na huwag akong papatol sa kanyang fiance kapag sumugod ito sa akin pagdating nito galing ibang bansa.“Where is Rafael Ignacio? Ilabas mo siya!”Patuloy lang siya sa pagiging histerical and I am afraid na baka magwala siya dito sa opisi

DMCA.com Protection Status