Continue."What the hell?" Nagulat siya nang makitang nakatayo si Vandeon. Nakatayo sa kanyang harapan ang katawan ni Vandeon, ayos at tuwid pa ito, parang hindi man lang tinablan ng suntok sa mukha at katawan. May hawak itong baril sa kaliwang kamay habang ang dugong nanggaling sa kanyang braso ay patuloy na umaagos pababa sa baril na hawak niya. Hindi kumibo si Kace, wala siyang pinakitang emosyon sa kaibigan. Natatakot siya kay Vandeon pero hindi niya lamang pinapakita, kung tutuluyan man siya ni Vandeon ngayon, lalaban parin siya ng patas. Tumikhim si Kace bago sinalubong ang tingin ni Vandeon. Hindi niya rin naman inaasahan na iisipin iyon ni Vandeon, magkaibigan lamang ang turingan nilang dalawa ni Almika sa isa't-isa, at wala siyang balak magtaksil sa dati nitong minamahal kahit na wala na ito sa tabi niya. May asawa na siya ngayon, kahit na hindi buo ay mahal niya iyon. But his first love is still in his heart."Kahit anong pilit mong habol sa kanila Vandeon, You can't stil
Freena's POVThis is my first time having a POV here. This isn't my story, but please don't hate me. By the way, I am Freena Lohr Santford, the younger sister of Vandeon Brix Santford. We're not close to each other because he's a demon and I'm not.So we're here at the St. Hospital together with my brother and also Kace. I don't really know this guy, but my cousin kept mentioning his name, kilala ko na daw siya, matagal na, kaya't nang makauwi ako dito sa Pinas dinalaw ko ang iilang negosyo namin ganu'n din si Kuya Vandeon dinalaw ko at nalaman ko ngang may kabalastugan siyang ginagawa kaya I didn't think twice. Pinuntahan ko siya sa mansyon ni Riley. Hindi ko rin kilala ang babaeng 'yon we're not close din kasi to each other, but I heard na asawa daw ng isa sa mga kakompetensya namin ni Kuya sa negosyo ang babaeng 'yon. He's Kiefer Stan Montefalco one of my famous competitors. He's a cruel person too, when it comes sa nesgosyo wala talaga siyang sinasanto. Akala ko nga gagaya kapatid
Hindi ko na po sinali dito 'yung laban nina Almika at Riley sa maze, dahil iniba ko ang kwento ni Almika kayat Huwag po kayong mag taka hehe. Enjoy reading. *** Almika's POV Umatras 'yung lalaki nang marinig ang malamig na boses ni Vandeon. Bumakas sa mukha nito ang takot dahil sa pinakitang tingin ni Vandeon ngunit hindi na uubra sa amin ang tinging 'yon. Kinuha ko ang kamay ni Vandish 'saka ko ito hinawakan nang mahigpit habang nakatingin kay Vandeon na ngayon ay nasa amin na ang atensyon."There's no turning back now, Almika." malamig na simula niya at humakbang papalapit sa amin. Pinagmasdan ko lamang siyang lumalapit. Wala na naman akong matatakbuhan ngayon, huling-huli niya na kami. Kung sakaling gagana man ang plano namin ni Vandish ay malaking pakinabang iyon pero papaano ko pakisamahan ang demonyong 'to? Makita ko lang mukha niya natatakot na ako at nagagalit bigla sa kanya. Wala man lang kapaguran ang mukha niya, nagkakalat din ang mga dugo sa buong damit niya, hindi ko
Almika's POV"You're not fooling me, are you?" I asked him. He quickly shook his head and opened the somewhat old-fashioned door in front of us. "This house is a bit old. Nina doesn't go here anymore, they have a new house in Cebu."Luma na nga ang labas ng bahay pero nakakamangha ang loob nito. Ang gagara ng mga kagamitan, mukhang mamahalin. Hindi naman siguro ito pundo ng mga kayamanan nila ano? Tsaka ang daming mga armas. Baril, mga patalim, pana, latigo at marami pa."Hindi ito basta-bastang bahay lamang, Almika. Dito namin nilalagay ang mga armas na kakailanganin,""What are you?""If you have so many weapons, why can't you fight Vandeon?" I asked with a frown. Why can't he even knock out Vandeon's men, in fact he can handle them. Ang hina hina ng isang ito. Malalaki lang naman ang katawan ng mga iyon eh. "Vandeon is weak, Almika. He only looks strong because of his face and his role in the business." sagot niya."Kaya ko naman siyang labanan kaso may misyon ako, hindi ko pweden
"Oh! You did great!" masayang tili ni Aisha nang makitang nagawa ko ng maayos ang pinagawa niya sa akin. She ordered me to shoot those human things in front of me. Hindi ako nahirapan dahil napakadali lang para sa akin. Halos headshot nga lahat. Ngumiti ako at kumaway kay Austin na nasa malayo, ang sarap naman ng buhay niya. Paupo-upo lang sa gilid habang may hawak na wine glass, mukhang nag-eenjoy sa nakikita. Ang sarap niya tuloy tamaan sa mukha. "You are amazing, Almika!" Umirap ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Isang linggo na namin itong ginagawa, It was tiring but I'm starting to love this routine of mine. Minsan ay nakakapagod at nakakatamad pero wala akong pakialam. This is for my son, gagawin ko ang lahat para makuha ang anak ko mula kay Vandeon. Sa linggong iyon ay nalaman ko na mas magaling akong humawak ng baril kaysa sa mga bagay na patalim. Kahit anong gawin ko ay palpak lahat at nauwi lamang sa sugat ang lahat. Huminto ako sa paggamit ng mga ganu'n weapons at mas tinu
Third Person's POVTatlong linggo na ang lumipas hindi parin gumigising si Almika. Ang nagba-bantay lamang sa kanya sa loob ng hospital ay si Freena at Riley na kapwa nag-aalala sa kalagayan niya. Saglit na tumayo si Riley para tingnan kung magigising na ba si Almika, habang si Freena naman nag-iisip kung nasaan ang kanyang Kuya pumunta. Nadatnan na lamang nilang dalawa si Almika na nakahandusay sa labas ng kompanya ni Riley, pasa ang pisnge nito na tila sumabak sa matinding laban. Nagtaka silang dalawa bakit may mga pasa ito at bakit hindi niya kasama ang anak. Pati ang pinadalang tauhan ni Riley ay wala roon sa pinaggalingan ni Almika. Hindi niya alam kung nasaan ang taong iyon at kung anong nangyari sa kanya. Hindi naman siguro siya lolokohin ng lalaki dahil malaki ang kanyang binayad roon. Hindi niya na kinontak pa ang lalaki dahil tapos na ang trabaho nito. Hindi nagtagumpay si Almika. "Where is your brother, Freena? Wala ka ba talagang alam or you're just hiding him." seryoson
Third Person's POV "Anong gagawin mo kay Almika?" takang tanong ni Aisha kay Austin na ngayong buhat na si Almika. Walang kamalay-malay si Almika sa mga nangyayari dahil sa droga na pinainom nila dito. Since tapos na ang training ni Almika ay pwede na itong umalis. Ayaw ni Austin magkaroon ng anumang koneksyon sa pagitan nila dahil kalaban niya rin si Almika. Darating ang panahon na muli silang magkikita ngunit isa ng magkaaway. "Iiiwan ko siya sa labas ng kompanya ni Riley. Sigurado akong makikita agad nila si Almika at tutulungan kaysa naman na si Vandeon ang unang makakita sa kanya. Kahit na demonyo iyon sa paningin ni Almika, malambot parin iyon pagdating naman kay Almika." "Maling tao ang binabangga mo, Austin. Alam kong may alam ka sa lahat, huwag naman sanang dumating sa punto na tra-traydor ka sa clan natin," Ngumiti si Austin at nilapag ang walang malay na katawan ni Almika sa labas ng kompanya. Wala ng mga tao sa mga oras na ito dahil hating gabi na at tulog na ang mga t
Almika's POVKakatapos ko lang pawisan ang buo kong katawan. Habang wala kasi akong ginagawa ay nilaan ko ang buong oras ko sa tamang paghawak ng mga patalim. I'm good with guns, but medyo nahirapan pa ako sa mga patalim. I might kill or hurt myself kapag hindi ko nagawa iyon ng tama. Nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang dagger. Nakita naman iyon ni Freena, sumilay ang malaking ngisi niya. Hindi nila alam na marunong na akong lumaban. Akala nila ay nag-eensayo pa lamang ako para gumaling. Well, kahit naman na alam na nila ay wala akong pakialam. Mas mabuti nga iyon. Lumapit siya sa pwesto naming dalawa ni Riley. Si Riley din ay nag-eensayo ngunit hindi masyado. Parang ang ginagawa niya lang ay pangdepensa. Marunong naman siyang lumaban, gusto niya pa sigurong mas gumaling pa."Too much for today! Magpahinga muna kayong dalawa ni Riley." sabi ni Freena at binigyan niya kami ng dalawang basong tubig, tinanggap ko ang nilahad niya at agad na nilagok. Apat na araw na ngayon at hindi ko map
Almika Sheen Monteverdi"I'm so happy right now, Almika. Finally ikakasal kana." ngiting bungad sa akin ni Riley. Kasama niya sina Freena at Yeena na nasa likod niya, kapwa silang nakangiti din sa akin. Sobrang gaganda nila ngayon. Nanliit tuloy ako sa sarili. Charot! Ang totoo palang pangalan ni Freena ay Freena Lohr Santford, siya ang bunsong kapatid nina Skie at Vandeon. Hindi niya inamin sa akin noon na magkapatid sila dahil ayaw niya akong saktan, hindi naman siya kampi sa kuya niya noon, sa katunayan nga daw? Gusto niya ring pigilan ang kapatid sa masamang plano nito. I'm not mad at her. Nagpapasalamat pa nga ako dahil nakilala ko siya. "You looked gorgeous today!" aliw na sigaw naman ni Penelope mula sa labas. Inismiran ko siya. Ngayon lang ba talaga ako maganda? Pambihira talaga itong si Penelope eh. Kasama naman niya sina Alexandra, Hanna, Carmela at Calli, sabay silang kumaway sa akin kayat kumaway din ako pabalik. Nga pala nagbati na kaming dalawa ni Penelope. Sinabi niy
Aria's POV "Keep your eyes open!" sigaw ni Triton. Sabay-sabay naman kaming tumango at sinundan siya papasok sa isang malaking bodega na sa tingin ko ay pagmamayari ni Kelton. Nu'ng nalaman nila ang location ni Kelton, hindi na sila nagdadalawang-isip pa, miski si Triton ay parang kating-kati niya nang patayin ang taong iyon. He's really mad. Siguro may malaking kasalanan ang taong 'yon sa kanya at gusto kong malaman kung ano 'yun. Napansin kong ngumisi si Vena sa tabi ko. Inirapan ko naman siya at tiningnan ang mga pasa niyang natamo kanina sa laban, mabuti na lang hindi namatay 'tong gagang 'to. Kung namatay siguro 'to baka kanina pa nagpakamatay si Skie, chos! Hindi pwedeng gawin ni Skie iyon, lalo na't may dalawa siyang anak. Siniswerte naman si kamatayan kung magpakamatay din si Vena 'noh? "He's inlove with you," bulong niya sa tabi ko. Napansin naman ni Yeena 'yon at mukhang narinig niya pa kaya't sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Fvck! Wala talagang magandang idu
Almika's POV We ate together. Kinalimutan ang mainit na titigan kanina. Kung hindi umalis si Vandeon, baka kanina pa ako natumba sa panginginig ng katawan. I don't understand why I am feeling this way. Hindi ko naman crush si Vandeon or what but every time he's close naduduwag ako. Nawawala ang tapang ko. We're best friends nasisiguro ko iyon but damn it! Hindi ko matapos-tapos ang pagkain ko dahil sa kakaisip. And he wants to sleep with me! Sinong hindi mababaliw duon? Tatabi siya sa akin, kakaloka. I can't believe this is happening. "Are you full?" mahinang tanong niya kayat nabaling sa kanya ang tingin ko. Kakatapos niya lang kumain at ngayon ay nagpupunas na siya ng kanyang labi. Napalunok ako. Unti-unting yumuko upang hindi makita ang kanyang labing sobrang pula, tila nang-aakit. Fvck! Ano na ang nangyayari sa akin... "Almika, are you alright?""Ah, hindi naman sa ganun, Vandeon..." "Napapansin kong kanina ka pa tahimik. Did I make you uncomfortable? I'm sorry," halos pabulo
Almika's POV "Is this your house?" manghang tanong ko sa kanya habang nasa malaking bahay ang aking atensyon. Napapaligiran ng mga kahoy ang malaking bahay ni Vandeon. Sobrang laki at halos transparent lahat ang mga bintana. Kitang-kita mula rito ang magandang view sa labas na may maliit na sapa. Hindi pa gaanong detalyado talaga ang bahay pero sobrang ganda niya na. Wala pang pintura. Plain palang ito ngayon pero halatang matagal nang pinagplanuhan ang bahay. Well, para naman ito sa magiging pamilya niya. How did he build this house? Nag-aaral pa naman siya. Ganun ba talaga kayaman ang pamilya nila? Sa pagkakaalam ko ay student parin siya at walang trabaho. "Do you like it?" "Wow! Ang ganda ng bahay, Vandeon! Ang ganda ng view sa labas! Kitang-kita sa itaas ang pagbagsak ng ulan dahil sa glass window!" hindi maitago ang pagkamangha. Ngumiti lamang siya at tumango. Lumapit siya sa malaking pintuan ng bahay ay unti-unting binuksan iyon. Bumungad sa amin ang malaking chandelier sa
"Hindi ito ang gusto ko para sa anak natin!" "Anong gusto mong gawin ko ha? Hayaan ang mga iyon na pabagsakin tayo?! Mag isip ka nga!" Heto na naman silang dalawa, nagsimula na naman. Mabuti na lang talaga nasanay na akong ganito lagi ang eksesna sa umaga. Hindi na ako naririndi, ginawa ko na lamang na alarm clock sa umaga ang boses nila. Inayos ko ang aking sarili. Naglagay ako ng kaonting kolorete sa mukha, ayos ng kaonti sa buhok. Since walang pasok ngayon, sasama ako kung saan man ako dadalhin ni Vandeon. Ayaw ko namang tumalikod sa usapan namin ano, I said yes to him yesterday so. And isa na rin sa rason ay ayaw kong marinig sina mommy at daddy. Ang ingay ingay kasi nilang dalawa. Tungkol na naman 'yon sa negosyo panigurado. Gosh! Kinuha ko ang aking maliit na bag sa kama at napagpasyahan na lumabas. Nadatnan ko sina mommy at daddy na problemado ang mga mukha. Hindi ko na lamang pinansin baka madamay pa ako. Baka hindi rin ako payagan lumabas, no way! Lumabas ako ng bahay ha
Almika's POV "Nakita ka raw nina Lily kahapon kasama si Vandeon, Almika?" bungad ni Entice sa akin. Binaba ko ang aking bag at umupo sa kanyang tabi. "Anong meron?" kunot noo kong tanong tsaka hinarap ang blackboard namin na may sulat. Assignment iyon at bukas ipapasa. Wala raw kasi si Sir ngayon, may meeting daw na pupuntahan. Kakapasok ko pa nga lang eh, nawala kaagad siya. Medyo na-late pa nga ako dahil kina Mommy at Daddy na bukambibig lagi ang negosyo, wala na silang ibang inatupag kundi ang trabaho nila. Pagkagising ko ay bangayan nila ang umingay sa loob ng bahay. Ewan ko kung ano na naman 'yung pinag-aawayan nila, lagi naman silang ganyan. Ni walang pakialam sa kung anuman ang mararamdaman ko sa tuwing naririnig sila. Lagi rin nilang sinasabi na ako ang mamana ng lahat, ng ari-arian namin. Makukuha ko lamang iyon kapag nagkaasawa ako. Matagal pa naman iyon kaya susulutin ko muna ang college life ko ngayon. Nilabas ko ang aking notebook. "Kalat na kalat na 'yon sa buong cam
Almika's POV "Para kang santo na sinasamba ng mga kalalakihan. You are so beautiful, Almika Sheen Monteverdi but it seems like you didn't notice it. You keep turning them down, why? Do you like someone else?" Pang ilang beses na itong tanong ni Althea sa akin. Napaka-chismosa niya. Hindi naman sa tinu-turning down ko ang mga nanliligaw sa akin. Ang akin lang ay ayoko munang magpaligaw dahil ayaw ko. And duh! Anong santong pinagsasabi ng babaeng 'to? Nahihibang na ba siya? "Why are you asking?" "Uhm, kasi sayang 'yong mga poging nanliligaw sa'yo, ang yayaman pa pero ni isa ay wala kang pinili sa kanila. Are you inlove with someone? You can tell me, hindi ko sasabihin sa ibang tao," Halos tumirik ang mata ko sa iritasyon sa kanya. Unang-una pa lang talaga ay ayoko na talaga sa kanya. Maharot siya at walang tigil ang kanyang bibig. Ang ingay-ingay. Hindi ko naman kailangan ang mga opinyon niya, I just want to live a peaceful life. Can she give that to me? Oh God. Sa kanya pa yata ak
Almika's POV1 year later"Mamma, ho un brutto sogno!""What is it?" ngiting tanong ko sa anak ko. Habang tumatagal nagiging kamukha niya na talaga si Vandeon. Argh! I missed him already, sana ay masaya na siya ngayon kung nasaan naman siya. Hindi parin ako magsasawa na mahalin ka, Vandeon. Mahal na mahal kita. "Iiwan mo rin ako, mommy. Don't leave me, mommy." Tumango ako sa anak ko. Sumenyas ako na lumapit siya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ang kanyang buhok. "I won't leave you, baby, hindi kita iiwan kahit na mamatay man ako, Vandish. Panaginip lang 'yon anak." "But, mommy... what if, it will happen?" "It will never be," pag kumbinsi ko sa kanya. Hindi 'yon mangyayari dahil hindi ko hahayan na mangyari 'yun. Ako na lang ang natira ngayon, wala na si Vandeon, iniwan niya na kami but still? He's still in my heart. "Come on! Gusto mo bang dalawin si daddy?" masiglang tanong ko sa kanya. "Yes, mommy!" "Alright, little demon, lets go!" Sumakay kami ng sas
Third Person's POV"Ang lakas din naman pala ng loob mong magpakita ngayon sa gan'yang kalagayan. Sa tingin mo ba kaya mong labanan ang kaibigan mo?" mariin na tanong ng matanda kay Vandeon. Hindi siya umimik, nanatili lamang malamig ang kanyang mukha. Nasa malawak na field sila ngayon, teritoryo ito ng mga Alcazar. Sa harapan niya ay sina Mr. Alcazar at Yeena na nag-aalalang nakatingin sa kanya. Nakagapos ang mga kamay nito. At ang anak niya namang si Vandish ay nakayuko habang nakakadena ang mga paa at kamay nito. Sa pag kakataon na 'to, gusto niya nang sumugod, gusto niyang iligtas ang anak niya, pero? May kondisyon ang matanda. Hindi siya pwedeng basta-basta na lamang sumugod kundi patay talaga ang anak niya. "Naaawa ako sa kalagayan mo ngayon, Vandeon. Kung hindi mo sana ako tinakasan sa tingin mo ba mangyayari ang lahat ng 'to? Matalino ka hindi ba, Santford? Anong nangyari?" tumawa ng napakalakas ang matanda. Pati mga kaibigan niya ay nagtitimpi narin. Hindi sila pwedeng sumal