"She's fine, the baby is also fine. Do you need something, Mr. Santford?" rinig kong tanong ng butler ni Vandeon sa kanya. Nanatili lamang nakapikit ang mga mata ko, gustuhin ko mang buksan ito ay hindi ko ginawa, ayokong makita ang mukha ni Vandeon, galit na galit ako sa ginawa niya sa akin. Siya ang may pakana ng lahat, he killed my mother, my father at may balak pa siyang patayin kami ng anak niya. How dare him, pero hindi niya alam na anak niya ito at wala rin naman akong balak na sabihin sa kanya ang totoo. Walang amang mamatay tao ang anak ko. Kinuyom ko nang mariin ang kamao ko. Pilit kong pinipigilan ang pag agos ng mga luha ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na mahina ako, na wala akong lakas na loob para lumaban. Ngunit, how can I fight back kung isang bilyonaryo ang kalaban ko? "Do I look like I need something? Just check her and the baby, don't let her escape or else I'll kill you." mariin na sagot ni Vandeon at ramdam ko ang matalim na tingin nito sa gawi ko. Bigla a
Almika Sheen Monteverdi's POV "Magandang umaga po, Ma'am Monteverdi, tinanggap na po ni Ma'am Ladeo ang resume niyo, bukas na bukas po ay pwede na kayong mag simula sa trabaho." paalala sa'kin ng isa sa mga empleyado ni Ma'am Ladeo. Tumango naman ako sa kanya at nagpa-salamat. Nilagay ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko 'saka ako sumakay sa kotse ko. Tinungo ko 'yung daan pauwi sa inuupahan naming bahay ng anak ko. Mahal kasi ang condo unit, kaya sa maliit na bahay kami tumitira ngayon at 'saka luma naman 'yung bahay pero kapag nilinisan mo? Magbabago ang anyo. Malapit na rin pala ang deadline ng bayarin, hays. Mayaman naman kami pero hindi ko pa pwede makuha 'yung iniwan sa akin hangga't hindi pa ako kasal. Wala parin naman akong balak mag-asawa dahil mas priority ko ang anak ko ngayon, titiisin ko muna ito ngayon, kapag mahanap ko na ang taong pwede sa akin magpapakasal na ako. Pinark ko ang kotse ko sa gilid ng maliit namin na bahay, hinubad ko ang sling bag ko 'saka pumasok n
"Mom, why are we hiding?" Kunot noong tanong ni Vandish habang nakatingala rin sa pintong sinisilipan ko. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. "Yes, baby, we're hiding. 'Wag kang maingay, okay?" paalala ko sa kanya at muling sumilip sa pintuan, ngunit nanlaki ang mata ko nang makitang nasa harapan ko na silang tatlo. Nakatalikod sila pero ramdam ko ang panlalamig. Tila napapaso ako kaya't agad kong kinalong ang anak ko, nag tago kami sa likuran ng pintuan. Shit! What I'm going to do now. "Mom, I'm scared," "I'm sorry baby. Please cooperate with me, okay?" Hinalikan ko ang kanyang noo kasabay nito ang pag bukas ng pintuan. Unang niluwa nito ay ang isang lalaking matangkad, naka suit ito, kasunod naman si Vandeon na ang angas parin ng porma. Seryoso ang kanyang mukha habang kausap ang lalaki sa likuran niya. Walang kaemosyon-emosyon ang mukha, may dala siyang malaking case. Argh, pinagpawisan ako. Paano na 'to, paano kung bigla na lang dumating si Riley at hanapin ako? Pero imposi
Third Person's POV"I forgot to bring them." malamig at walang emosyong sabi ni Vandeon sa harapan nina Riley at Almika. Nanlaki ang mata ni Almika. Nagsimula na ring manginig ang kanyang mga binti, tila kakapusin din siya ng hininga. Pilit niyang sinasabi sa sarili niya na lalaban siya, magkamatayan man silang dalawa ni Vandeon ipaglalaban niya ang anak niya. Bata pa lang siya'y tinuruan na siya ng magulang niya kung papaano makipaglaban, sa tingin niya ito na ang pagkakataon para gamitin niya ang natutunan niya. Nagda-dalawang isip siya, nag-aalala siya sa anak niya na baka matakot ito sa kanya. Maaring makapatay siya ng tao at ayaw niyang saksihan iyon ni Vandish. Ika nga bata pa ito at wala pa sa tamang edad. Pinunasan ni Almika ang kanyang luha, mahigpit niyang hinawakan sa kamay ang anak. Magwawala talaga siya kapag mawalay sa kanya ang bata. Mahal niya si Vandish lalo na't ang anak niya na lamang ang karamay niya sa buhay, bahala na kung maghirap siya basta't kasama niya ang
Almika's POV"You'll regret this day Santford, I swear!" nag tagis ang mga ngipin ko habang mariin kong tinitigan si Vandeon na ngayong walang emosyon ang mukha pero may ngisi naman sa labi. Hawak niya ang anak ko sa braso at nakatutok ang nguso ng baril sa ulo ng anak ko. Sobrang sama niyang tao! Hindi ko mapapatawad ang demonyong Vandeon na 'to. Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Tapos na akong lumuha, pagod na pagod na ako, hindi na ako magtataka kung sa isang iglap babagsak na ako sa sahig."I'm asking you, any last words for your son?" tanong niyang muli. Tiningnan ko lamang siya bago ko tinapunan nang tingin ang anak ko na ngayong namumula na ang mga mata, he's about to cry now, but he didn't let himself. I'm sorry, baby, I'm really sorry. Inangat ko muli ang tingin. This time I'm desperate, gagawin ko ang lahat kahit na kapalit nito ang buhay ko. The most important thing in this world is my son, I don't care what will happen to me, I need to fight back for my son's life. I a
Almika's POVMahigpit kong hinawakan ang folder at bag ko. Hindi ako humarap kay Vandeon ngunit alam kong nagtitimpi na siya ngayon ng galit niya. Pakialam ko naman sa kanya. Bahala siya sa buhay niyang manigas diyan. Hindi ko siya sinagot sa halip ay mabilis ang mga kilos kong lumabas ng opisina ni Ma'am, nakalimutan ko pang mag-advance ng sweldo sa kanya. Saan na kami titira ngayon? Baka may taong maniningil na naman at 'di na kami pwedeng bumalik doon baka may mga tauhan ni Vandeon ang pumunta duon. "The fvck! Almika. Come back here! Damn it! Let me go, Roswell, papatayin ko kayo!" Pilit kong iniiwasan na marinig ang malakas na sigaw ni Vandeon. Ngayong may ideya na siya kung ano niya si Vandish, ay hindi ko siya hahayaang makalapit sa anak ko. Nang makalayo-layo na ako sa opisina ni Ma'am Ladeo. Ramdam ko parin ang kaba sa dibdib ko, mataas ang lalaking 'yun, ilang hakbang lang ay paniguradong mahuhuli niya na kami. "Ma'am Almika! Buti nakita niyo si Vandish. Anong nangyayari,
Nalaglag ang cellphone mula sa kamay ko at kusa nang namatay ang tawag. Nakatulala ako sa kawalan, hindi alam ang gagawin, hawak na ni Vandeon ang mga kaibigan ko ngayon, paano ko sila ililigtas kung pati sarili namin ay hindi ko maliligtas? How can I fight back? Paano ako lalaban na ako lang? Tiningnan ko ang anak ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Kung sakaling magpapakita ako kay Vandeon, hindi ko pwedeng isama ang anak ko, mapapahamak siya nang dahil sa akin. Itataya ko na lamang ang sarili ko kaysa masangkot pa ang anak ko. Bumuntonghininga ako kasabay nito ang pag tunog ng cellphone ko. Agad kong pinulot ang cellphone 'saka walang lingon-lingong tiningnan ang caller. "Don't you dare try to escape again, Almika, marami akong mata kahit saan. Kung ayaw mong mamatay itong mga kaibigan mo sabihin mo sa'kin kung nasaan kayo." "Kapal din ng mukha mo 'noh? Ako lang ang harapin mo 'wag mong idamay ang anak ko!" galit na sagot ko sa kanya. "Show yourself then! Don't make me wait!" g
Third Person's POV"Will you stop doing this, Vandeon. Tinatakot mo ang mag-ina!" galit na sigaw ni Kace sa harap mismo ni Vandeon na ngayong duguan na ang ilang parte ng kanyang katawan. Pinalilibutan siya ng mga kaibigan niya ganu'n din ng mga tauhan ni Riley. Pinipigilan sya ng mga kaibigan niya na sumulong kay Almika, dahil kapag ito makalapit sa mag inang 'yon paniguradong wala na silang bukas pareho. May tiwala pa naman si Kace na hindi iyon magagawa ng kaibigan niya, pero sa nakikita niya ngayon, hindi ito ang kilala niyang si Vandeon Brix Santford. Mabait ang kaibigan niya, mailap nga lang ito sa mga tao at napaka-seryoso pero mabait ito. Wala siyang ideya sa kung ano talaga ang totoong nangyari, tinakas niya lang naman si Almika noon dahil nakita niyang kinuha siya ni Vandeon, ibang-iba ang kanyang mukha noon. At nakikita niya ito ngayon. Alam niyang buntis si Almika dahil malaki na ang tiyan nito noong nakita niya ang dalawa. Isa sa rason niya kung bakit niya tinulungan si
Almika Sheen Monteverdi"I'm so happy right now, Almika. Finally ikakasal kana." ngiting bungad sa akin ni Riley. Kasama niya sina Freena at Yeena na nasa likod niya, kapwa silang nakangiti din sa akin. Sobrang gaganda nila ngayon. Nanliit tuloy ako sa sarili. Charot! Ang totoo palang pangalan ni Freena ay Freena Lohr Santford, siya ang bunsong kapatid nina Skie at Vandeon. Hindi niya inamin sa akin noon na magkapatid sila dahil ayaw niya akong saktan, hindi naman siya kampi sa kuya niya noon, sa katunayan nga daw? Gusto niya ring pigilan ang kapatid sa masamang plano nito. I'm not mad at her. Nagpapasalamat pa nga ako dahil nakilala ko siya. "You looked gorgeous today!" aliw na sigaw naman ni Penelope mula sa labas. Inismiran ko siya. Ngayon lang ba talaga ako maganda? Pambihira talaga itong si Penelope eh. Kasama naman niya sina Alexandra, Hanna, Carmela at Calli, sabay silang kumaway sa akin kayat kumaway din ako pabalik. Nga pala nagbati na kaming dalawa ni Penelope. Sinabi niy
Aria's POV "Keep your eyes open!" sigaw ni Triton. Sabay-sabay naman kaming tumango at sinundan siya papasok sa isang malaking bodega na sa tingin ko ay pagmamayari ni Kelton. Nu'ng nalaman nila ang location ni Kelton, hindi na sila nagdadalawang-isip pa, miski si Triton ay parang kating-kati niya nang patayin ang taong iyon. He's really mad. Siguro may malaking kasalanan ang taong 'yon sa kanya at gusto kong malaman kung ano 'yun. Napansin kong ngumisi si Vena sa tabi ko. Inirapan ko naman siya at tiningnan ang mga pasa niyang natamo kanina sa laban, mabuti na lang hindi namatay 'tong gagang 'to. Kung namatay siguro 'to baka kanina pa nagpakamatay si Skie, chos! Hindi pwedeng gawin ni Skie iyon, lalo na't may dalawa siyang anak. Siniswerte naman si kamatayan kung magpakamatay din si Vena 'noh? "He's inlove with you," bulong niya sa tabi ko. Napansin naman ni Yeena 'yon at mukhang narinig niya pa kaya't sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Fvck! Wala talagang magandang idu
Almika's POV We ate together. Kinalimutan ang mainit na titigan kanina. Kung hindi umalis si Vandeon, baka kanina pa ako natumba sa panginginig ng katawan. I don't understand why I am feeling this way. Hindi ko naman crush si Vandeon or what but every time he's close naduduwag ako. Nawawala ang tapang ko. We're best friends nasisiguro ko iyon but damn it! Hindi ko matapos-tapos ang pagkain ko dahil sa kakaisip. And he wants to sleep with me! Sinong hindi mababaliw duon? Tatabi siya sa akin, kakaloka. I can't believe this is happening. "Are you full?" mahinang tanong niya kayat nabaling sa kanya ang tingin ko. Kakatapos niya lang kumain at ngayon ay nagpupunas na siya ng kanyang labi. Napalunok ako. Unti-unting yumuko upang hindi makita ang kanyang labing sobrang pula, tila nang-aakit. Fvck! Ano na ang nangyayari sa akin... "Almika, are you alright?""Ah, hindi naman sa ganun, Vandeon..." "Napapansin kong kanina ka pa tahimik. Did I make you uncomfortable? I'm sorry," halos pabulo
Almika's POV "Is this your house?" manghang tanong ko sa kanya habang nasa malaking bahay ang aking atensyon. Napapaligiran ng mga kahoy ang malaking bahay ni Vandeon. Sobrang laki at halos transparent lahat ang mga bintana. Kitang-kita mula rito ang magandang view sa labas na may maliit na sapa. Hindi pa gaanong detalyado talaga ang bahay pero sobrang ganda niya na. Wala pang pintura. Plain palang ito ngayon pero halatang matagal nang pinagplanuhan ang bahay. Well, para naman ito sa magiging pamilya niya. How did he build this house? Nag-aaral pa naman siya. Ganun ba talaga kayaman ang pamilya nila? Sa pagkakaalam ko ay student parin siya at walang trabaho. "Do you like it?" "Wow! Ang ganda ng bahay, Vandeon! Ang ganda ng view sa labas! Kitang-kita sa itaas ang pagbagsak ng ulan dahil sa glass window!" hindi maitago ang pagkamangha. Ngumiti lamang siya at tumango. Lumapit siya sa malaking pintuan ng bahay ay unti-unting binuksan iyon. Bumungad sa amin ang malaking chandelier sa
"Hindi ito ang gusto ko para sa anak natin!" "Anong gusto mong gawin ko ha? Hayaan ang mga iyon na pabagsakin tayo?! Mag isip ka nga!" Heto na naman silang dalawa, nagsimula na naman. Mabuti na lang talaga nasanay na akong ganito lagi ang eksesna sa umaga. Hindi na ako naririndi, ginawa ko na lamang na alarm clock sa umaga ang boses nila. Inayos ko ang aking sarili. Naglagay ako ng kaonting kolorete sa mukha, ayos ng kaonti sa buhok. Since walang pasok ngayon, sasama ako kung saan man ako dadalhin ni Vandeon. Ayaw ko namang tumalikod sa usapan namin ano, I said yes to him yesterday so. And isa na rin sa rason ay ayaw kong marinig sina mommy at daddy. Ang ingay ingay kasi nilang dalawa. Tungkol na naman 'yon sa negosyo panigurado. Gosh! Kinuha ko ang aking maliit na bag sa kama at napagpasyahan na lumabas. Nadatnan ko sina mommy at daddy na problemado ang mga mukha. Hindi ko na lamang pinansin baka madamay pa ako. Baka hindi rin ako payagan lumabas, no way! Lumabas ako ng bahay ha
Almika's POV "Nakita ka raw nina Lily kahapon kasama si Vandeon, Almika?" bungad ni Entice sa akin. Binaba ko ang aking bag at umupo sa kanyang tabi. "Anong meron?" kunot noo kong tanong tsaka hinarap ang blackboard namin na may sulat. Assignment iyon at bukas ipapasa. Wala raw kasi si Sir ngayon, may meeting daw na pupuntahan. Kakapasok ko pa nga lang eh, nawala kaagad siya. Medyo na-late pa nga ako dahil kina Mommy at Daddy na bukambibig lagi ang negosyo, wala na silang ibang inatupag kundi ang trabaho nila. Pagkagising ko ay bangayan nila ang umingay sa loob ng bahay. Ewan ko kung ano na naman 'yung pinag-aawayan nila, lagi naman silang ganyan. Ni walang pakialam sa kung anuman ang mararamdaman ko sa tuwing naririnig sila. Lagi rin nilang sinasabi na ako ang mamana ng lahat, ng ari-arian namin. Makukuha ko lamang iyon kapag nagkaasawa ako. Matagal pa naman iyon kaya susulutin ko muna ang college life ko ngayon. Nilabas ko ang aking notebook. "Kalat na kalat na 'yon sa buong cam
Almika's POV "Para kang santo na sinasamba ng mga kalalakihan. You are so beautiful, Almika Sheen Monteverdi but it seems like you didn't notice it. You keep turning them down, why? Do you like someone else?" Pang ilang beses na itong tanong ni Althea sa akin. Napaka-chismosa niya. Hindi naman sa tinu-turning down ko ang mga nanliligaw sa akin. Ang akin lang ay ayoko munang magpaligaw dahil ayaw ko. And duh! Anong santong pinagsasabi ng babaeng 'to? Nahihibang na ba siya? "Why are you asking?" "Uhm, kasi sayang 'yong mga poging nanliligaw sa'yo, ang yayaman pa pero ni isa ay wala kang pinili sa kanila. Are you inlove with someone? You can tell me, hindi ko sasabihin sa ibang tao," Halos tumirik ang mata ko sa iritasyon sa kanya. Unang-una pa lang talaga ay ayoko na talaga sa kanya. Maharot siya at walang tigil ang kanyang bibig. Ang ingay-ingay. Hindi ko naman kailangan ang mga opinyon niya, I just want to live a peaceful life. Can she give that to me? Oh God. Sa kanya pa yata ak
Almika's POV1 year later"Mamma, ho un brutto sogno!""What is it?" ngiting tanong ko sa anak ko. Habang tumatagal nagiging kamukha niya na talaga si Vandeon. Argh! I missed him already, sana ay masaya na siya ngayon kung nasaan naman siya. Hindi parin ako magsasawa na mahalin ka, Vandeon. Mahal na mahal kita. "Iiwan mo rin ako, mommy. Don't leave me, mommy." Tumango ako sa anak ko. Sumenyas ako na lumapit siya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ang kanyang buhok. "I won't leave you, baby, hindi kita iiwan kahit na mamatay man ako, Vandish. Panaginip lang 'yon anak." "But, mommy... what if, it will happen?" "It will never be," pag kumbinsi ko sa kanya. Hindi 'yon mangyayari dahil hindi ko hahayan na mangyari 'yun. Ako na lang ang natira ngayon, wala na si Vandeon, iniwan niya na kami but still? He's still in my heart. "Come on! Gusto mo bang dalawin si daddy?" masiglang tanong ko sa kanya. "Yes, mommy!" "Alright, little demon, lets go!" Sumakay kami ng sas
Third Person's POV"Ang lakas din naman pala ng loob mong magpakita ngayon sa gan'yang kalagayan. Sa tingin mo ba kaya mong labanan ang kaibigan mo?" mariin na tanong ng matanda kay Vandeon. Hindi siya umimik, nanatili lamang malamig ang kanyang mukha. Nasa malawak na field sila ngayon, teritoryo ito ng mga Alcazar. Sa harapan niya ay sina Mr. Alcazar at Yeena na nag-aalalang nakatingin sa kanya. Nakagapos ang mga kamay nito. At ang anak niya namang si Vandish ay nakayuko habang nakakadena ang mga paa at kamay nito. Sa pag kakataon na 'to, gusto niya nang sumugod, gusto niyang iligtas ang anak niya, pero? May kondisyon ang matanda. Hindi siya pwedeng basta-basta na lamang sumugod kundi patay talaga ang anak niya. "Naaawa ako sa kalagayan mo ngayon, Vandeon. Kung hindi mo sana ako tinakasan sa tingin mo ba mangyayari ang lahat ng 'to? Matalino ka hindi ba, Santford? Anong nangyari?" tumawa ng napakalakas ang matanda. Pati mga kaibigan niya ay nagtitimpi narin. Hindi sila pwedeng sumal