Share

CHAPTER TWO

Author: Guiah Alconde
last update Last Updated: 2022-02-11 13:07:28

    ALAS TRES na nang madaling araw ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Sahara. She couldn't fall asleep because of what happened last night. She couldn't believe that her Dad will let her marry that kind of man! He's a womanizer for goodness' sake! At sasabihin nilang nais lang nilang mapabuti siya? Napatawa siya ng pagak. What can a womanizer do to an innocent girl like her? Ni hindi pa nga siya nagkakaroon ng boyfriend ni isa.

    Nanggigigil siyang tumayo saka lumabas ng kwarto. Napagpasyahan niyang magtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Parang napagod siya sa pag-iisip tungkol sa mga nangyayari. Ngunit bago pa man siya makababa ng hagdan ay napansin niyang hindi naisara ng maayos ang kuwarto ng Mommy at Daddy niya. Lumapit siya rito upang isara sana nang marinig niya ang boses ng Daddy niya. Sumilip siya sa siwang ng pinto at nakita niyang may kausap ito sa laptop. It was her Mom!

    Tila ba may nag-udyok sa kaniyang huwag muna umalis lalo na nang makita niya ang mukha ng Mommy niya. She missed her so damn much. Hindi man niya gustong makinig sa usapan ng mga magulang niya'y tila naitulos na siya sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang pangalan niya. They were talking about her!

    "Wala na bang ibang paraan? Samuel, that guy was no good for Sahara! Masasaktan lang ang anak natin sa kaniya!" Parang nais niyang maiyak sa tinuran ng ina. Natutuwa siya at hindi ito payag sa nais ng ama niya.

    "Wala na, Amelia. Ito lang ang tanging paraan para maisalba ang kumpanya..." Natigilan siya sa sinabi ng ama. Hindi ma-proseso ng utak niya ang mga katagang lumabas mula sa bibig nito.

    "Kailangan niyang pakasalan si Gabriel sa lalong madaling panahon. Amelia, si Sahara na lang ang pag-asa natin. Hindi ko rin ginusto ito ngunit wala na 'kong magagawa. Kapag hindi natin sinunod ang gusto nila, babagsak ang kumpanya. Si Gabriel na mismo ang nagsabing nais niyang pakasalan si Sahara, kaya sigurado akong hindi niya sasaktan ang anak natin," mahabang paliwanag ng Daddy niya sa Mommy niya.

    So, her Dad came to his last resort; to make her a sacrificial lamb just to save the company. Great! Just great! Hindi niya aakalaing mas uunahin pa ng ama niyang isalba ang kumpanya kaysa sa kasiyahan niya.

    Umalis na siya roon at nanghihina ang mga tuhod na bumalik sa kaniyang silid. Napaupo siya sa gilid ng kaniyang kama at doon ay bumuhos na nang tuluyan mula sa kaniyang mga mata ang masaganang mga luha. Umiyak siya nang umiyak na para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Her heart was tearing apart and it was painful. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa ganoong ayos.

    MORNING CAME and she was awakened by a sudden knock on her door. Napakurap-kurap siya at napatingin sa kisame; umaga na. Bahagya niyang naramdaman ang pagsakit ng kaniyang katawan kaya tumagilid siya. That's when she realized that she fell asleep on the floor. Marahil ay labis siyang napagod sa pag-iyak kaya hindi niya na napansing sa sahig pala siya nakatulog. Buti na lamang at carpeted ang sahig niya, 'yon nga lang ay masakit talaga ang katawan niya.

    Muling kumatok ang kung sinuman sa pinto.

    "Ma'am Sahara, nakahanda na po ang agahan." Si Yaya Feli.

    "Opo, Yaya. I will there in a few. Maghihilamos lang ako."

    After she brush her teeth and wash her face, she immediately went downstairs. Nang makarating siya sa dining room ay nakita niya ang Daddy niyang prenteng nakaupo sa kabisera at sumisimsim ng kape.

    "Good morning, Dad," walang ganang aniya saka umupo sa gawing kanan nito.

    Nginitian naman siya nito ng tipid. "Maya-maya'y darating dito ang sundo mo. Pagkatapos mong kumain, magbihis ka na."

    Natigilan ma'y hindi na lamang siya umimik. May magagawa pa ba siya?

    SAHARA and Gabriel were in a meeting with their wedding organizer. Hindi niya nga lang alam kung kailangan pa siya rito dahil hindi naman nila siya pinapansin. Naiinis siya sa wedding organizer nila dahil parang si Gabriel lang ang kausap niya. Sa sobrang pagkairita ay tumayo na lamang siya upang pumunta sa kusina. Tubig. Kailangan niya ng tubig para ibuhos sa ulo ng malandot na babaeng 'yon. Bahagya siyang natawa sa iniisip. As if namang magagawa niya 'yon.

    "Where do you think you're going?" tanong ni Gab nang makailang hakbang na siya paalis.

    'Finally, napansin rin ako!' bulong ng kaniyang isip.

    "Somewhere far, I guess? I don't think kailangan niyo pa 'ko rito so, why stay? Ciao!" puno ng sarkasmong sagot niya.

    Hahakbang na sana siya paalis nang may biglang humatak sa braso niya. May kalakasan iyon dahilan para mapaharap siya rito't mapatukod ang mga palad niya sa dibdib nito.

    That scent. Napapikit siya dahil sa amoy nito. Hindi niya inakalang malamyos ito sa ilong, hindi kagaya sa iba na matapang ang mga pabango. Ngayon niya lamang nabigyang pansin ito dahil hindi naman sila magkatabi ni Gab kanina, at halos isang dipa ang layo nila sa isa't isa.

    Pagtingala niya'y napasinghap siya. She was now staring at a pair of deep, blue orbs. Tila siya hinihila sa kaila-ilaliman ng karagatan. Pinaglandas niya ang kaniyang paningin hanggang sa matangos nitong ilong, pababa sa mapupula nitong mga labi. Saka lamang siya natauhan nang biglang ngumisi ang lalaki. Itinulak niya ito upang magkaroon ng agwat sa pagitan nila ngunit mahigpit palang nakapulupot sa baywang niya ang braso ng binata.

    "Tapos ka nang titigan ako kaya itutulak mo na lang ako bigla? I saw how you lick your lips while you're staring at my lips. Want to have a taste? I bet it's sweeter than honey," nang-aasar na anito.

    Napairap na lamang siya. "'Di ko alam na may paparating palang bagyo. And oh, it was named after you."

    "Eherm. Excuse me? Itutuloy pa ba natin ang meeting?" sabat naman ng wedding organizer.

    Doon na natauhan ang binata at binitiwan siya. Hindi niya alam ngunit sa sandaling magkadikit ang kanilang mga katawan, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. No! Hindi maaari! She will leash her heart if she has to.

    AFTER the preperation ay agad na idinaos ang kasal nina Sahara at Gabriel. At ngayon nga'y lilipad na sila patungong Palawan para doon mag-honeymoon. She cringed at the thought. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makikipagtalik siya sa lalaking hindi naman niya mahal. Mabuti na lamang at buo na ang plano niya bago pa man maganap ang kasal.

    When they finally arrived at their destination, she was in awe. It was a private resort, a small Island with a huge house. This place was a sight to behold! Simple pero elegante. Hindi niya inakalang maaaring magsama ang dalawang salitang 'yon. Napatawa siya nang pagak. Tulad sila ng mga salitang 'yon, hindi niya inakalang maaaring magsama ang mga taong hindi naman talaga nagmamahalan.

    Nang makapasok na sila sa bahay ay pinaglandas niya ang paningin sa kabuuan niyon. It was well-decorated. From the chandeliers down to the tiled floor;  everything around here screams expensive.

    Hindi na siya magtataka. Kaya nga sila ang napili ng ama para mag-ahon sa kumpanya nila mula sa napipintong pagkabagsak nito. Napahugot na lamang siya ng isang malalim na hininga.

    Iginiya siya ng mga katulong patungo sa kaniyang magiging silid. Nasa baba pa kasi si Gab at may kausap sa cellphone nito. Mukhang importante dahil kinailangan oa talaga nitong lumabas ng bahay.

    "Bakit ko naman iniisip ang lalaking 'yon? Argh! Erase! Erase!" kastigo niya sa sarili.

    The room she was in has an all white theme. Napakaaliwalas. Naglakad siya patungo sa isang pinto at namangha siya nang makitang isa iyong walk-in closet. She decided to put her things there.

    Pagkatapos ay ang pinto naman sa katabi nito ang binuksan niya. It's the bathroom. Pumasok siya sa loob nito at napanganga nang makita ang isang eleganteng bathtub. Malaki ang bathroom na ito. Halos kasinlaki na ito ng kuwarto niya sa bahay nila.

    Napagpasyahan niyang bukas na lang siya magbababad sa bathtub at magshower na lang muna. Masyado siyang napagod sa biyahe. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagitla niya nang mamataan ang isang pigura na nakaupo sa paanan ng kama niya.

    "W-what are you doing here?" she asked as if it wasn't obvious that he's here to make love to her. Make love? Tss!  Make love her ass! Ni wala nga siyang katiting na pagtingin rito at batid niyang gano'n rin ito sa kaniya.

    Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito na tila nanunuya. "Mag-asawa na tayo, Sahara. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng mga mag-asawa?"

    Her heart was beating wildly with what he said. Ngunit hindi niya ipinakita rito iyon. Umakto siyang hindi siya naapektuhan kahit na ang totoo'y gusto nang kumawala ng puso niya mula sa dibdib niya.

    "Is that so? Hmmm... Okay, then. Papayag ako..." Nakita niya kung paano lumawak ang pagkakangisi ng lalaki. Fear crept into her being but she managed to hide it. "In one condition," she added.

    "Condition? I don't know what was that for but fine, spill it."

    "Let's make a contract."

Related chapters

  • BREAKING THE RULES   CHAPTER THREE

    "CONTRACT? Hahahaha... Why? And what kind of contract is that?" napapantastikuhang tanong ni Gabriel kay Sahara. Imbis na sumagot ay pumunta siya sa walk-in closet niya upang kunin ang isang papel—the contract that she made before the wedding preparation. "Here. Basahin mo lahat ng nakasaad diyan, then let me know if you have other suggestions and clarifications. Sign it if you agree." "What if I don't? What would you do?" nakangising tanong nito sa kaniya. "Kaya nga basahin mo muna para malaman mo." Napairap siya sa kawalan. "Pa'no mo malalaman kung may kailangan tayong palitan, or ayusin diyan? Tsk!" "Suplada," mahina nitong sambit ngunit sapat pa rin ang lakas upang marinig ito ni Sahara. "And so?"

    Last Updated : 2022-02-11
  • BREAKING THE RULES   CHAPTER FOUR

    WALA sa isip na napahawak siya sa kaniyang dibdib. It was beating rapidly and it's making her sick. "Don't look at me like that. Alam kong guwapo ako," he chuckled. Nagpanting ang tainga niya dahil doon. Ang kanina'y naghuhuramentado niyang puso ay napalitan ng pagkayamot. Hindi na lamang siya sumagot dahil ayaw niyang sayangin ang enerhiya niya para lang makipagbangayan dito. Kahit na mapait ay ininom niya pa rin ang beer, at sa tuwing mapapangiwi siya ay matatawa naman ang lalaki. "Bakit mo ba 'ko tinitignan, ha? Kanina ka pa! Nakakatawa ba 'ko? Tuwang-tuwa ka, eh." "Nope. I just find it cute when you cringe at the bitter taste of the beer. Bakit mo pa kasi pinipilit na inumin 'yan? Halata namang hindi ka sanay." Bahagya itong umiling saka tumungga sa sariling beer habang nak

    Last Updated : 2022-02-11
  • BREAKING THE RULES   CHAPTER ONE

    "DAD? Yaya Feli said you wanted to talk to me," wika ni Sahara pagkatapos maisara ang pinto ng opisina ng ama niya. Marahan siyang naglakad patungo sa upuang yari sa kahoy na nasa harap ng mesa nito saka naghintay sa anumang sasabihin nito. Nakita niyang napabuntong hininga ang ama bago magsalita. "You know that I only want what's best for you, right?" tanong nito sa kaniya. "Of course, Dad. Why? I-is there something wrong? W-why do I feel like s-something bad will happen?" she curiously asked. Muli itong humugot ng malalim na hininga. She don't know what's happening to her dad. Panay ang pagbuntong hininga nito na ginagawa lamang nito kapag nahihirapan itong gumawa ng isang desisyon, o may bagay na bumabagabag rito. "We're having a dinner tonight—"

    Last Updated : 2022-02-11

Latest chapter

  • BREAKING THE RULES   CHAPTER TWO

    ALAS TRES na nang madaling araw ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Sahara. She couldn't fall asleep because of what happened last night. She couldn't believe that her Dad will let her marry that kind of man! He's a womanizer for goodness' sake! At sasabihin nilang nais lang nilang mapabuti siya? Napatawa siya ng pagak. What can a womanizer do to an innocent girl like her? Ni hindi pa nga siya nagkakaroon ng boyfriend ni isa. Nanggigigil siyang tumayo saka lumabas ng kwarto. Napagpasyahan niyang magtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Parang napagod siya sa pag-iisip tungkol sa mga nangyayari. Ngunit bago pa man siya makababa ng hagdan ay napansin niyang hindi naisara ng maayos ang kuwarto ng Mommy at Daddy niya. Lumapit siya rito upang isara sana nang marinig niya ang boses ng Daddy niya. Sumilip siya sa siwang ng pinto at nakita niyang may kausap ito sa laptop. It was her Mom!

  • BREAKING THE RULES   CHAPTER ONE

    "DAD? Yaya Feli said you wanted to talk to me," wika ni Sahara pagkatapos maisara ang pinto ng opisina ng ama niya. Marahan siyang naglakad patungo sa upuang yari sa kahoy na nasa harap ng mesa nito saka naghintay sa anumang sasabihin nito. Nakita niyang napabuntong hininga ang ama bago magsalita. "You know that I only want what's best for you, right?" tanong nito sa kaniya. "Of course, Dad. Why? I-is there something wrong? W-why do I feel like s-something bad will happen?" she curiously asked. Muli itong humugot ng malalim na hininga. She don't know what's happening to her dad. Panay ang pagbuntong hininga nito na ginagawa lamang nito kapag nahihirapan itong gumawa ng isang desisyon, o may bagay na bumabagabag rito. "We're having a dinner tonight—"

DMCA.com Protection Status