"Sir, congratulations po sa successful na surprise proposal niyo. Sobra talagang natuwa si Ma'am Ingrid. Napaiyak pa nga sa tuwa," nakangiting bati ni Rina sa kanyang boss. "Nagustuhan niya rin po ang malaking diamond singsing na binili natin."
Napangiti naman ang CEO na si Elian Mercado sa tinuran ng kaniyang sekretarya. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa sinasabi nilang tamang oras at panahon. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat.
Tumulong kasi ang dalaga sa pag-ayos ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya. Mula sa pag-contact nito sa mga tao na importante sa kaniyang nobya, hanggang sa matapos matagumpayan, nakuha niya ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya—na ngayon ay mapapangasawa na.
"Don't forget my bonus, Sir! Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you!"
Mahinang natawa si Elian at napailing na lang. "Oo na. I get it, Secretary Rina. I'll wire some money to your bank account. And as one of my thanks, you can go home early and take a rest."
Malaki naman ang pumaskil sa mga labi ni Rina. "Talaga, Sir? Walang bawian na iyan! Binitiwan mo na kaya hindi mo na pwedeng bawiin pa!"
Mabilis na isinukbit ni Rina ang kaniyang sling bag sa kaniyang balikat. Inayos niya rin muna ang gamit na nasa ibabaw ng mesa niya.
"Kung may kailangan po kayo, Sir, tawagan niyo lang po ako. Mauna na po ako." Pagpapaalam niya sa lalaki.
Hindi na nagawang tapunan siya ng tingin ni Elian at tumango lang ito habang nakatuon ang buong atensyon sa hawak na mamahaling cellphone.
Pagkalabas ni Rina sa opisina ng kaniyang boss ay agad na unti-unting napapawi ang kanina pang nakapaskil na ngiti sa mga labi niya. Ang kaninang puno ng kasiyahan at punong buhay na mga mata ay unti-unting nawawalan ng buhay.
Ramdam niya rin ang nanunuot na sakit sa kalooban niya. Tila may mga punyal na paulit-ulit na tumatarak sa puso niya. May bumabara rin sa kaniyang lalamunan kaya tumikhim siya para alisin ito.
Sa magaan na kamay at marahan ay tinapik niya ang bandang dibdib kung nasa’n ang puso niya.
"Ayos lang iyan, Rina. Ang mahalaga ay makitang masaya si Sir Elian. Iyon naman talaga ang importante, diba?" Pag-aalo niya sa sarili.
Matagal na kasi siyang may lihim na pagtingin sa kanyang Boss. At matatawag na siguro siyang napaka-sadista sa sarili dahil nagawa niya pa talagang tulungan ang lalaki na maghanda para sa taong mahal nito.
Ano ba naman ang laban niya kung isa sa sikat na modelo ang fiancée na ngayon ng boss niya, habang siya ay isang hamak na sekretarya lang?
Doon pa lang sa estado ng buhay ay talo na agad siya, mas lalo na’t mahal ito ng lalaki at nakikita ang sarili na magiging ama sa mga anak nito, habang siya ay isang ka-trabaho lang ang turing sa kaniya ng lalaki.
Nakakausap at nakakasama niya nga lang ito dahil sa trabaho. At mabait ito sa kanya dahil naaasahan siya nito sa lahat ng bagay.
Siguro nga ay panahon pa para unti-unti niyang alisin ang nararamdaman para sa Boss niya.
Pagdating niya sa kanyang apartment ay naligo lang siya, pagkatapos ay natulog na rin. Hindi niya alam kung pagod lang ba siya o dahil broken hearted siya kaya wala siyang gana kumain ng dinner.
Bandang alas dose ng hating gabi ay naalimpungatan siya sa tawag mula kay Elian. Sa inakalang urgent ito at kailangan sa kompanya ay sinagot niya agad ito.
"Good evening, Sir." Mahinahon sa tinig niyang bati nito.
Inaasahan niya ang maririnig niya sa kabilang linya ay ang boses ng Boss niya. Ngunit isang hindi pamilyar na boses ang tumambad sa kaniya.
"Hello? Is this Rina Alonzo?"
Tiningnan niya ulit ang caller ID para siguraduhin na hindi lamang siya namalikmata kanina. Nakita niya naman na numero talaga ng boss niya.
"Yes, speaking. I am Rina Alonzo, the secretary of Mr. Elian Mercado —the owner of the cellphone that you're using right now. So, who is this at bakit nasa’yo ang cellphone ng boss ko?Nasaan siya?"
"This is Edward po, bartender ako ng CLUB 69. Kasalukuyan pong walang malay si Mr. Mercado at nakita ko po na ikaw ang nasa emergency contact niya."
Hindi maiwasan na sumikdo ng mabilis ang puso ni Rina sa narinig. Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili.
"Ayos lang po ba siya? Wala namang... nangyaring, alam mo na... hindi maganda."
"Ayos lang si Mr. Mercado, Ma'am. Maliban nga lang po na lasing at walang malay at nakasubsob ngayon sa bar counter." Sagot naman ng bartender na nasa kabilang linya.
Pagkatapos maputol iyong tawag ay wala nang oras pang inaksaya si Rina. Mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng boss niya para sunduin ito.
Pagkarating ay agad niya roon ay agad niya itong nakita att nilapitan.
"Sir, Elian," paggigising niya rito at mahinang tinapik ang likuran. "Sir, gising. Ano bang ginagawa mo rito na mag-isa."
Hindi ito nagising kay kinuha ni Rina ng cellphone nito at tinawagan ang fiancée nitong si Ingrid.
"Please, pick up your phone, Ma'am Ingrid!" Mahina niyang usal.
Ngunit laging voice message lang ang naririnig niya sa huli. Wala na siyang magawa kundi tumigil at asikasuhin ang lalaking walang malay.
"Sir, uuwi na po tayo. Ihahatid na po kita sa inyo," aniya at ang pisngi naman nito ang tinatapik-tapik.
Unti-unting nagigising naman si Elian at pagkatapos ay lasing na umayos sa pag-upo. Muntikan pa itong mahulog sa kinauupuan kung hindi niya lang agad nahawakan.
"Ayos ka lang, Sir? Kaya mo na ba? Ihahatid na kita sa penthouse mo. Hindi kasi sumasagot si Ma'am Ingrid. Bakit ka ba nandito? Hindi ba't magkasama lang kayo kanina?"
"Stop... calling her. She won't pick up anyway. She was too busy... and to be bothered from her shooting." Nahihimigan na may pagtatampo sa boses ni Elian.
Napabuntong-hininga naman si Rina. Mukhang hindi okay ang Boss niya at sa fiancée nito. Kakaayos lang ng mga ito kahapon, tapos ngayon ay nagkakatampuhan na naman.
"Ihahatid na kita sa inyo, Sir. Para makapaghinga ka na. Mag-uumaga na, may meeting pa tayo bukas."
Sa tulong ng ilang tauhan sa bar ay hindi naman siya nahirapan na pasakayin sa sasakyan si Elian. Masyado nang lumalalim ang gabi at maluwag na ang daan dahil sa walang traffic, kaya mabilis niyang narating ang penthouse ng lalaki.
Halos maubusan si Rina ng lakas nang tuluyang makapasok sila sa penthouse nito.
"Maraming salamat, Manong Bort." Pagsasalamat niya sa security guard nang tuluyang maihiga sa couch ang boss niya. Laking pasasalamat niya sa may edad na lalaking security guard, dahil kung wala ito ay baka kanina pa sila nagkanda-subsob sa sahig ng lalaki. May kabigatan pa naman ang boss niya at malaki ang agwat ng pangangatawan nilang dalawa.
"Walang anuman, Ma'am Rina," tugon ng matanda at ito na rin ang nagsara ng pintuan.
Nang tuluyang maiwan silang dalawa ng boss niya sa tahimik na penthouse nito ay pagod niya itong tiningnan. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsimulang hubarin ang suot nitong sapatos at pagkatapos ay kumuha ng basang bimpo para ipunas sa katawan nito.
"Alam mo namang mahina ka sa alak, talagang naglasing ka pa, Sir. Pero mukhang ito na rin ang huling beses na ako ang mag-aalaga sa’yo sa tuwing lasing ka," puno ng sakit niyang sabi habang maingat na pinupunasan ang mukha nito. "Sa susunod na malalasing ka ay iba na ang mag-aalaga sa’yo."
Isang butil na luha ang kumawala sa mga mata ni Rina. Mabilis niya itong pinunasan at pagkatapos ay tumayo. Tapos na ang role niya dito sa gabing ito kaya uuwi na siya.
"Mauna na ako, Sir. Kapag nagising ka ay lumipat ka na lamang sa kama. Masyadong maliit ang sofa sayo. Sasakit ang katawan mo rito." Yumuko siya para gawaran ng magaan na halik ang labi nito. Alam niyang mali ang gagawin niya ngunit sa huling pagkakataon ay gusto niyang maramdaman kung gaano kalambot ang mga labi nito. Hanggang sa panaginip niya na lamang kasi ito nagagawa.
Kabado niyang inilapit ang mukha niya sa pagmumukha nito. Ilang beses rin siyang nagdasal na sana ay huwag muna itong magising at mahuli siya. Habang papalapit ang mga labi niya ay nararamdaman niya ang mainit na binubuga na hininga nito. Naamoy niya ang alak na ininom nito.
Nang tuluyang magkalapat ang mga labi nila ay halos hindi na siya huminga. Ninamnam niya lang ang pagkalapat ng mga labi nila ng ilang sandali habang nakapikit ang mga mata.
"Mahal na mahal ko ang lalaking ito, Lord. Kaya sana ay dapat masaya ito palagi..." Piping dasal niya sa isipan niya.
Hindi niya maiwasan na mapaluha kaya natutuluan pa ang pisngi ng lalaki. Kusa niyang inilayo ang mga labi niya sa labi nito. Ngunit agad siyang nanigas nang magkasalubong ang mga mata nilang dalawa.
Sa mga sandaling iyon ay tila biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo at tumigil rin siya sa paghinga. Malakas na kumabog ang puso niya at natatakot siya dahil nahuli siya nito. Nang tuluyang makabawi ay mabilis siyang tumayo ng tuwid at aalis para tumakas sana nang nahawakan siya nito sa palapulsuhan niya.
At pagkatapos ay walang kahirap-hirap na bumangon at umupo ito habang hawak pa rin siya. Sa takot na baka kung ano’ng gawin nito sa kaniya ay mabilis siyang lumuhod sa harapan nito.
"S-Sorry po, Sir! Hindi... Hindi na po mauulit! You can fire me, Sir! Sorry po talaga!" Kabado at taranta niyang sabi.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at hinihintay ang galit na ibubuga nito sa kaniya. Subalit gulat siya nang iba ang naramdaman niya at agad na idilat ang mga mata. Sa malalaki ang mga mata ay sinalubong ang matiim na paningin sa Boss niya.
"You're such a bad girl, Secretary Rina," anito sa malalim at baritonong tinig—sabay kinabig ang likod ng ulo niya, at mas inilapit ang mukha nilang magkapantay at walang babala na sinunggaban siya ng mainit at mapusok na halik. "I didn't know you're fantasizing me."
"Shit! Shit! Shit!" sunod-sunod na mura ni Rina sa isip niya.Nanatiling siyang naka-estatwa habang hindi pa masyadong napo-proseso sa kaniyang isipan ang ginagawa ng kanyang boss. Nang makabawi ay agad niyang inilapat ang nanginginig na mga kamay sa balikat nito at nanghihina na bahagyang itinulak ito. "Sir—uhmp! Teka lang—hmm..." Ipinapaling-paling niya ang kaniyang mukha para makatakas sa halik nito. "Sir Elian!" Ngunit mas kinabig lang lalo ni Elian ang ulo niya at mas idiniin pa sa pagmumukha nito ang mukha niya.Unti-unti na siyang nadadala sa mga halik nito. Ramdam niya ang lumiliyab na sensasyon sa buong sistema niya. Nagigising rin ang kaninang natutulog lang niyang katawang lupa. Nang maramdaman na nawawalan na siya ng hininga ay halos taranta at malakas niyang itinulak ni Elian.Malakas siyang suminghap ng hangin at halos maubo-ubo pa sa paghahabol ng hininga. Nanigas siya ng ibinaon ni Elian ang pagmumukha nito sa may bandang leeg niya kaya naramdaman niya ang bahagyang
Ilang linggo na ang nakakalipas, pero patuloy pa ring hinahabol sa isang beses na pagkakamali na nagawa niya si Rina. Alam niyang mali ang nagawa niya at pinagsisihan na niya ito ng lubosan.Gusto niya na rin itong kalimutan lalo na't tila walang naaalala ang boss niya sa nangyari. Siguro dahil sa sobrang kalasingan na nito at hindi rin siya naabutan nito kinaumagahan dahil agad niyang nilisan at iniwan ito na mahimbing na natutulog sa penthouse nito."Good afternoon, Ma'am Rina. Same order po ba?" Pagtatanong sa kaniya ng nasa counter.Inutusan siya ni Elian na bumili ngayon ng lunch dahil nag-cancel si Ingrid ng lunch date. Kaya naman mainit ang ulo ni Elian.Habang abala ang staff sa paghanda ng order niya ay hindi niya maiwasan na matakam habang tinitignan ang mga nakikitang pagkain na naka-display. "Here's your order po. Enjoy your meal po." Masigla nitong sabi sa kaniya kaya tipid na napangiti naman siya.Pagkarating niya sa loob ng opisina ni Elian ay agad siyang lumapit sa
"Resignation letter...?" Gulat na gulat ang reaksyon ni Elin. "Sabihin mo muna sa’kin ang totoong rason mo para tanggapin ko ang pag-resign mo, Secretary Rina?"Sa hindi malaman na dahilan ay biglang kumabog ng malakas ang puso ni Rina. Masama rin ang kutob niya at tila may bumubulong sa kaniyang isipan na tila may alam si Elian na hindi dapat nito malaman.Kasalukuyan siyang nasa harapan nito at lakas-loob na inabot ang resignation letter niya. Napagpasyahan niyang tumigil sa pagtatrabaho, lalo na’t unti-unting lumalabas na ang pagbabago ng katawan niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili."Hindi ko bubuksan ang resignation letter mo at i-aapprove, Secretary Rina, hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin ang totoo," seryoso nitong sabi"Ano ba ang ibig mong sabihin, Sir? Kung hindi mo bubuksan ang letter na iyan, edi mas lalong hindi mo malalaman ang rason ko. Basahin mo muna kaya iyan." Hindi niya maiwasan na makaramdam ng iritasyon."Alam kong kasinungalingan lang naman an

"Sir, congratulations po sa successful na surprise proposal niyo. Sobra talagang natuwa si Ma'am Ingrid. Napaiyak pa nga sa tuwa," nakangiting bati ni Rina sa kanyang boss. "Nagustuhan niya rin po ang malaking diamond singsing na binili natin."Napangiti naman ang CEO na si Elian Mercado sa tinuran ng kaniyang sekretarya. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa sinasabi nilang tamang oras at panahon. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat.Tumulong kasi ang dalaga sa pag-ayos ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya. Mula sa pag-contact nito sa mga tao na importante sa kaniyang nobya, hanggang sa matapos matagumpayan, nakuha niya ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya—na ngayon ay mapapangasawa na."Don't forget my bonus, Sir! Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you!"Mahinang natawa si Elian at napailing na lang. "Oo na. I get it, Secretary Rina. I'll wire som