Share

Chapter 4

Author: Sweet Melody
last update Last Updated: 2025-04-22 14:15:46

"Resignation letter...?" Gulat na gulat ang reaksyon ni Elin. "Sabihin mo muna sa’kin ang totoong rason mo para tanggapin ko ang pag-resign mo, Secretary Rina?"

Sa hindi malaman na dahilan ay biglang kumabog ng malakas ang puso ni Rina. Masama rin ang kutob niya at tila may bumubulong sa kaniyang isipan na tila may alam si Elian na hindi dapat nito malaman.

Kasalukuyan siyang nasa harapan nito at lakas-loob na inabot ang resignation letter niya. Napagpasyahan niyang tumigil sa pagtatrabaho, lalo na’t unti-unting lumalabas na ang pagbabago ng katawan niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Hindi ko bubuksan ang resignation letter mo at i-aapprove, Secretary Rina, hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin ang totoo," seryoso nitong sabi

"Ano ba ang ibig mong sabihin, Sir? Kung hindi mo bubuksan ang letter na iyan, edi mas lalong hindi mo malalaman ang rason ko. Basahin mo muna kaya iyan." Hindi niya maiwasan na makaramdam ng iritasyon.

"Alam kong kasinungalingan lang naman ang nakasulat dito," anito at walang pag-aatubiling pinunit ang resignation letter sa harapan niya mismo, ng walang kakurap-kurap.

Napanganga siya sa gulat at pagkatapos ay binigyan niya ng hindi makapaniwala na tingin sa boss niya.

"B-Bakit... mo pinunit, Sir? At isa pa, ano ba ang pinupunto mo? Ano iyong kasinungalingan na pinagsasabi mo? Alam mo ba kung ilang lakas na loob ang inipon ko para maisulat at maibigay iyan sa’yo, tapos pupunitin mo lang na hindi man lang binabasa?!" Malakas ang boses niyang bulyaw sa boss.

Halos pumiyok rin siya dahil sa isang hikbi na kumawala sa bibig niya. Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya sa harapan nito.

"Kung hindi mo tatanggapin ang resignation letter ko, puwes mas mabuting aalis na lang ako dito na hindi nagpapaalam. Gusto niyo po palang bastusan, edi sana sinabihan niyo man lang sana ako para hindi na ako mag-aksaya pa ng panahon at oras na harapin ka." Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay masama ang loob niyang tinalikuran ito.

Lalabas na sana siya ng opisina ni Elian nang mapatigil siya dahil sa salitang binitawan nito.

"I know that you're pregnant with my child." Malamig sa boses na sabi nito.

Agad na nanigas sa kinatatayuan si Rina at nanlalaki ang mga mata na hinarap muli ang lalaki. Nakita niyang nakatayo na ang lalaki sa kinauupuan nito at naglalakad papalapit sa may gawi niya.

"A-Ano’ng ibig mong sabihin?" Utal niyang tanong. Mabilis rin ang tahip ng puso niya.

"Alam kong buntis ka at ako ang ama ng dinadala mo, Secretary Rina." Pag-uulit nito.

"A-Ano... Pa-paano mo na—" Naramdaman niya ang pagka-upos ng lakas niya. Wala rin siya sa sariling napaatras, papalayo kay Elian nang ilang dangkal na lamang ang layo nito sa kaniya.

"I remember it. Hindi iyon panaginip. May kalabuan man... pero sigurado akong may nangyari sa ating dalawa. Nakita ko rin sa ilalim ng lamesa mo ang ilang pregnancy test. So tell me now the truth." Halos napapikit siya sa may kagaspangan na pagsasalita nito.

"Oo, buntis ako at ikaw ang ama, Sir! Are you happy now?!" Mapait siyang ngumiti habang patuloy na bumubuhos ang mga luha niya.

Nakita niyang bahagyang itinaas ni Elian ang kamay nito at sa takot na baka sampalin siya nito ay hindi na niya hinintay na dumampi pa ang palad nito sa pisngi niya. Lumuhod agad siya sa harapan nito at humingi ng tawad.

"Hindi ko po sinasadya. Pinagsisihan ko na ang ginawa ko lalo na’t kasalanan ko po ang lahat. At kung sasabihin mong... ipapalaglag iyong bata, pasensya na... pero hindi ko magagawa ang gusto niyo. Hindi ko ipapalaglag ang bata. May konsensya po ako at hindi ko kayang kumitil ng inosenteng buhay. Wala pong kasalanan ang bata na nasa sinapupunan ko po. Alam kong hindi niyo po ako mapapatawad sa ginawa ko, pero sana po ay hayaan niyo po akong buhayin ang bata ng mag-isa. Ipinapangako ko pong... habambuhay kaming maglalaho sa buhay niyo na tila hindi nag-e-exist at hinding-hindi manggugulo sa buhay niyo ni Ma'am Ingrid." Basag na ang kaniyang boses at hilam ng luha ang mukha niya.

Ang kaninang tahimik na opisina nito ay tuluyang naistorbo sa malakas niyang paghagulgol.

Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya. At natatakot siya sa magiging hatol ni Elian sa kanya.

Malakas na napabuntong-hininga si Elian habang tinitignan ang sekretarya nito na patuloy pa rin sa pag-iyak at nakasalampak sa sahig.

He squatted in front of her.  

"Secretary Rina..." Pagtatawag nito sa pangalan niya. "Get up. Look at me."

Nang hindi niya ginawa ang gustong gawin ng lalaki sa kaniya ay na-estatwa na lamang siyang maramdaman ang mainit na kamay na marahang humaplos sa pisngi niya at saka maingat na inangat ang ulo niya para matingnan niya ito. Agad naman niyang iniwas ang mukha niya sa kamay nito at umiwas ng tingin.

"Makinig ka sa sasabihin ko," mahinahon sa boses nitong sabi sa kaniya.

Nagaalinlangan man ay wala siyang magawa kundi gawin ang sinabi nito baka mas lalong madagdagan lang ang galit nito sa kaniya. Bahagya siyang napailag nang walang babala na marahan nitong inabot ang pisngi niya at pinunasan gamit ang handkerchief nito.

"It's not you who's only need to blame. May kasalanan rin ako... at kahit kailanman ay hindi ko ipaguutos sayo na ipapalaglag ang bata... dahil anak ko rin yan."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 1

    "Sir, congratulations po sa successful na surprise proposal niyo. Sobra talagang natuwa si Ma'am Ingrid. Napaiyak pa nga sa tuwa," nakangiting bati ni Rina sa kanyang boss. "Nagustuhan niya rin po ang malaking diamond singsing na binili natin."Napangiti naman ang CEO na si Elian Mercado sa tinuran ng kaniyang sekretarya. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa sinasabi nilang tamang oras at panahon. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat.Tumulong kasi ang dalaga sa pag-ayos ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya. Mula sa pag-contact nito sa mga tao na importante sa kaniyang nobya, hanggang sa matapos matagumpayan, nakuha niya ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya—na ngayon ay mapapangasawa na."Don't forget my bonus, Sir! Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you!"Mahinang natawa si Elian at napailing na lang. "Oo na. I get it, Secretary Rina. I'll wire som

    Last Updated : 2025-04-22
  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 2

    "Shit! Shit! Shit!" sunod-sunod na mura ni Rina sa isip niya.Nanatiling siyang naka-estatwa habang hindi pa masyadong napo-proseso sa kaniyang isipan ang ginagawa ng kanyang boss. Nang makabawi ay agad niyang inilapat ang nanginginig na mga kamay sa balikat nito at nanghihina na bahagyang itinulak ito. "Sir—uhmp! Teka lang—hmm..." Ipinapaling-paling niya ang kaniyang mukha para makatakas sa halik nito. "Sir Elian!" Ngunit mas kinabig lang lalo ni Elian ang ulo niya at mas idiniin pa sa pagmumukha nito ang mukha niya.Unti-unti na siyang nadadala sa mga halik nito. Ramdam niya ang lumiliyab na sensasyon sa buong sistema niya. Nagigising rin ang kaninang natutulog lang niyang katawang lupa. Nang maramdaman na nawawalan na siya ng hininga ay halos taranta at malakas niyang itinulak ni Elian.Malakas siyang suminghap ng hangin at halos maubo-ubo pa sa paghahabol ng hininga. Nanigas siya ng ibinaon ni Elian ang pagmumukha nito sa may bandang leeg niya kaya naramdaman niya ang bahagyang

    Last Updated : 2025-04-22
  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 3

    Ilang linggo na ang nakakalipas, pero patuloy pa ring hinahabol sa isang beses na pagkakamali na nagawa niya si Rina. Alam niyang mali ang nagawa niya at pinagsisihan na niya ito ng lubosan.Gusto niya na rin itong kalimutan lalo na't tila walang naaalala ang boss niya sa nangyari. Siguro dahil sa sobrang kalasingan na nito at hindi rin siya naabutan nito kinaumagahan dahil agad niyang nilisan at iniwan ito na mahimbing na natutulog sa penthouse nito."Good afternoon, Ma'am Rina. Same order po ba?" Pagtatanong sa kaniya ng nasa counter.Inutusan siya ni Elian na bumili ngayon ng lunch dahil nag-cancel si Ingrid ng lunch date. Kaya naman mainit ang ulo ni Elian.Habang abala ang staff sa paghanda ng order niya ay hindi niya maiwasan na matakam habang tinitignan ang mga nakikitang pagkain na naka-display. "Here's your order po. Enjoy your meal po." Masigla nitong sabi sa kaniya kaya tipid na napangiti naman siya.Pagkarating niya sa loob ng opisina ni Elian ay agad siyang lumapit sa

    Last Updated : 2025-04-22

Latest chapter

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 4

    "Resignation letter...?" Gulat na gulat ang reaksyon ni Elin. "Sabihin mo muna sa’kin ang totoong rason mo para tanggapin ko ang pag-resign mo, Secretary Rina?"Sa hindi malaman na dahilan ay biglang kumabog ng malakas ang puso ni Rina. Masama rin ang kutob niya at tila may bumubulong sa kaniyang isipan na tila may alam si Elian na hindi dapat nito malaman.Kasalukuyan siyang nasa harapan nito at lakas-loob na inabot ang resignation letter niya. Napagpasyahan niyang tumigil sa pagtatrabaho, lalo na’t unti-unting lumalabas na ang pagbabago ng katawan niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili."Hindi ko bubuksan ang resignation letter mo at i-aapprove, Secretary Rina, hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin ang totoo," seryoso nitong sabi"Ano ba ang ibig mong sabihin, Sir? Kung hindi mo bubuksan ang letter na iyan, edi mas lalong hindi mo malalaman ang rason ko. Basahin mo muna kaya iyan." Hindi niya maiwasan na makaramdam ng iritasyon."Alam kong kasinungalingan lang naman an

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 3

    Ilang linggo na ang nakakalipas, pero patuloy pa ring hinahabol sa isang beses na pagkakamali na nagawa niya si Rina. Alam niyang mali ang nagawa niya at pinagsisihan na niya ito ng lubosan.Gusto niya na rin itong kalimutan lalo na't tila walang naaalala ang boss niya sa nangyari. Siguro dahil sa sobrang kalasingan na nito at hindi rin siya naabutan nito kinaumagahan dahil agad niyang nilisan at iniwan ito na mahimbing na natutulog sa penthouse nito."Good afternoon, Ma'am Rina. Same order po ba?" Pagtatanong sa kaniya ng nasa counter.Inutusan siya ni Elian na bumili ngayon ng lunch dahil nag-cancel si Ingrid ng lunch date. Kaya naman mainit ang ulo ni Elian.Habang abala ang staff sa paghanda ng order niya ay hindi niya maiwasan na matakam habang tinitignan ang mga nakikitang pagkain na naka-display. "Here's your order po. Enjoy your meal po." Masigla nitong sabi sa kaniya kaya tipid na napangiti naman siya.Pagkarating niya sa loob ng opisina ni Elian ay agad siyang lumapit sa

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 2

    "Shit! Shit! Shit!" sunod-sunod na mura ni Rina sa isip niya.Nanatiling siyang naka-estatwa habang hindi pa masyadong napo-proseso sa kaniyang isipan ang ginagawa ng kanyang boss. Nang makabawi ay agad niyang inilapat ang nanginginig na mga kamay sa balikat nito at nanghihina na bahagyang itinulak ito. "Sir—uhmp! Teka lang—hmm..." Ipinapaling-paling niya ang kaniyang mukha para makatakas sa halik nito. "Sir Elian!" Ngunit mas kinabig lang lalo ni Elian ang ulo niya at mas idiniin pa sa pagmumukha nito ang mukha niya.Unti-unti na siyang nadadala sa mga halik nito. Ramdam niya ang lumiliyab na sensasyon sa buong sistema niya. Nagigising rin ang kaninang natutulog lang niyang katawang lupa. Nang maramdaman na nawawalan na siya ng hininga ay halos taranta at malakas niyang itinulak ni Elian.Malakas siyang suminghap ng hangin at halos maubo-ubo pa sa paghahabol ng hininga. Nanigas siya ng ibinaon ni Elian ang pagmumukha nito sa may bandang leeg niya kaya naramdaman niya ang bahagyang

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 1

    "Sir, congratulations po sa successful na surprise proposal niyo. Sobra talagang natuwa si Ma'am Ingrid. Napaiyak pa nga sa tuwa," nakangiting bati ni Rina sa kanyang boss. "Nagustuhan niya rin po ang malaking diamond singsing na binili natin."Napangiti naman ang CEO na si Elian Mercado sa tinuran ng kaniyang sekretarya. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa sinasabi nilang tamang oras at panahon. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat.Tumulong kasi ang dalaga sa pag-ayos ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya. Mula sa pag-contact nito sa mga tao na importante sa kaniyang nobya, hanggang sa matapos matagumpayan, nakuha niya ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya—na ngayon ay mapapangasawa na."Don't forget my bonus, Sir! Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you!"Mahinang natawa si Elian at napailing na lang. "Oo na. I get it, Secretary Rina. I'll wire som

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status