공유

Chapter 3

작가: Sweet Melody
last update 최신 업데이트: 2025-04-22 13:55:25

Ilang linggo na ang nakakalipas, pero patuloy pa ring hinahabol sa isang beses na pagkakamali na nagawa niya si Rina. Alam niyang mali ang nagawa niya at pinagsisihan na niya ito ng lubosan.

Gusto niya na rin itong kalimutan lalo na't tila walang naaalala ang boss niya sa nangyari. Siguro dahil sa sobrang kalasingan na nito at hindi rin siya naabutan nito kinaumagahan dahil agad niyang nilisan at iniwan ito na mahimbing na natutulog sa penthouse nito.

"Good afternoon, Ma'am Rina. Same order po ba?" Pagtatanong sa kaniya ng nasa counter.

Inutusan siya ni Elian na bumili ngayon ng lunch dahil nag-cancel si Ingrid ng lunch date. Kaya naman mainit ang ulo ni Elian.

Habang abala ang staff sa paghanda ng order niya ay hindi niya maiwasan na matakam habang tinitignan ang mga nakikitang pagkain na naka-display.  

"Here's your order po. Enjoy your meal po."  

Masigla nitong sabi sa kaniya kaya tipid na napangiti naman siya.

Pagkarating niya sa loob ng opisina ni Elian ay agad siyang lumapit sa isang may maliit na coffee table sa hindi kalayuan ng office table nito. Habang nilalabas niya ang mga pagkain na in-order mula sa paper bag ay hindi niya maiwasan na maamoy ang mga ito. Sumama agad ang mukha niya ng tila nabahoan siya at napatakip sa bibig ng maduwal siya dahil sa pandidiri.

Hindi naman nakatakas kay Elian ang ginawa ni Rina dahil kanina pa itong nakatingin sa ginagawa ng sekretarya nito.  

"What happen? Are you okay?" May bahid na pag-alala sa tinig na tanong ni Elian sa kaniya.

Ngunit sa isipan na baka pinaglalaruan lang si Rina sa kaniyang isipan ay hindi na lamang niya ito pinansin pa. Bahagya niya munang tinapik ang may bandang dibdib niya at umiling.  

"W-Wala po... Ayos lang po ako, Sir." Pilit siyang ngumiti at saka pinagpatuloy ang ginawa.

Nang tuluyan niyang nailabas ang lahat ng pagkain at inihanda sa ibabaw ng coffee table ay mas malakas na niyang naamoy ang mga ito kaya naramdaman niya na lamang ang bahagyang pagtaas ng kinain niya kanina.

Mariin na tinakpan niya ang bibig gamit ang kamay at kumaripas siya ng takbo papunta sa pribadong banyo sa loob ng office ni Elian at nagtungo sa isang inidoro. Pagkatapos ay doon hinayaan na ilabas ang mga kinain niya kaninang umaga.

Nanghihina siyang nakasalampak sa malamig na tiles at halos isubsob na lamang ang mukha sa inidoro. Nang tuluyang tumigil ang pagsusuka niya ay ini-flush na niya ang inidoro at napasandal na tila nalalanta na gulay sa malamig na dingding.

"What happened? Should I call an ambulance?" Mabilis siyang dinaluhan ni Elian.

"Hindi na, Sir." Umiling siya. "Mukhang... panis lang ata ang nakain ko kanina kaya sumama ang tiyan ko," aniya at maingat na itinayo ang sarili.

Agad siyang hinawakan nito sa may braso at inalalayan.  

"Are you sure?" Puno pa rin ng pag-aalala nitong tanong sa kaniya.  

Nanghihina na tumango siya. "Yes po."  

"How about you take an early leave today?" suhestiyon nito sa kaniya.

Umiling siya. "Marami pa po akong gagawin. Uuwi po ako agad pagkatapos." Umayos na siya sa pagtayo at inayos ang sarili. Lumapit siya sa sink at nagmumog ng bibig, samantalang tahimik na nakamasid si Elian sa kanya.

Hindi na nagpumilit pa si Elian at tinignan na lamang ang papalayong bulto ng sekretarya. Dahil pagdating pa naman sa katigasan ng ulong babae ay laging nanalo ito.

Nang matapos ang work shift ni Rina ay umuwi talaga siya agad. Napahikab siya nang makaramdam ng antok. Tamad na hinayaan niyang nakasandal ang kaniyang ulo sa backrest ng couch at aksidenteng napasulyap sa isang plastic bag na inilapag niya sa tabi. May logo ng drug pharmacy ang nakapaskil dito. Hindi niya maiwasan na kabahan sa kung anong binili niya.

**

Nanlalamig at namumutlang napatulala na lamang si Rina sa kawalan habang hawak sa nanginginig na kamay ang isang maliit na pregnancy test. Ito ang panghuli sa limang pirasong binili niya kanina, at maging ito ay iisa lang ang lumalabas na resulta... positibo.

Agad itong nahulog sa sahig nang nabitawan niya ito at napatakip na lamang siya sa kaniyang mukha habang patuloy na umaagos ang mga luha niya.

Hindi pa siya handa na maging ina, at mas lalo niyang hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin, lalo na’t sa sitwasyon na meron siya ngayon. Hindi nga alam ng boss niya na may nangyari sa kanilang dalawa, tapos heto’t nagbunga pa nga.

Ngunit isa lang ang nasa isip niya na pwedeng gawin—iyon ay huwag ipaalam sa boss niya ang tungkol sa pagbubuntis niya.

“Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin,” mahinang panalangin niya sa hangin.

Kinabukasan, mas pinili ni Rina na mag-file ng sick leave ng dalawang araw. Wala rin siyang lakas ng loob para harapin si Elian. Masyado pang sariwa sa kaniya ang nalaman kagabi, kaya mas mainam nang magpahinga muna siya. Mas nakakatulong rin na hindi niya makita ang lalaki kahit sa ilang araw lang.

Gulong-gulo na ang isipan niya. Hindi niya alam kung saan magsisimula o ano ba ang dapat niyang gawin, dahil alam niyang hindi niya maitatago habambuhay sa boss niya ang katotohanan.

Napahinto siya sa malalim na pag-iisip sa mga katok na kumakalmot sa katahimikan ng apartment.

“Sandali!” iritado niyang sigaw sa taong nasa labas.

Isinuot niya muna ang tsinelas at, lukot ang mukha, binuksan ang pinto.

Nakaamba na sana siyang tarayan kung sino man ito—

“W-What are you doing here, Sir?” gulat niyang tanong sa boss niyang si Elian.

“I’m here to visit you, Secretary Rina," kaswal nitong sagot. “You look so pale. Have you already taken your meds?” may halong pag-aalala sa tinig nito.

“T-Tapos na po... Tuloy ka po.” Hindi niya maiwasang mautal. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang taong iniiwasan niyang makita sa araw na ito.

Tumango ito at tahimik na pumasok sa loob. Abala itong tumitingin sa paligid ng apartment niya. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng hiya—mas maliit ito, at mas lalong walang-wala kumpara sa penthouse ng lalaki.

“Maupo ka po muna, Sir. Nga pala, ano po ang gusto niyo? Juice or coffee?” magalang niyang alok.

“A coffee will do.”

Agad siyang nagtimpla ng kape at maingat niyang inilapag sa maliit na coffee table ang tasa ng kape.

“Pasensya na po kung hindi fresh brewed. Wala pa po kasi akong coffee maker,” nahihiyang paliwanag niya.

Umiling si Elian. “No worries. It’s okay.”

Umupo siya sa tabi nito, pero may malaking distansya pa rin sa pagitan nila.

“Bakit... ka nga po pala naparito, Sir?” diretsahan niyang tanong.

Wala siyang maisip na rason kung bakit siya bibisitahin nito. Hindi ito gawain ng boss niya. Sa ilang taon ng pagtatrabaho niya rito, alam niyang imposibleng umabot ito sa apartment niya. Kaya laking gulat niya nang makita ito sa pinto.

“I’m here to visit you because this is the first time you filed a sick leave, kahit ilang taon ka nang nagtatrabaho sa’kin. And before I forget—here.”

Kinuha nito ang isang envelope mula sa loob ng suot nitong suit at iniabot sa kaniya.

“Ingrid wanted me to bring and send this to you after niyang malaman na hindi ka makakapasok dahil may sakit ka. Gusto rin sana niyang sumama, but she still has a shooting. And these... fruits and meds.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rina. Parang may nanlamig sa buong katawan niya.

Tumikhim siya. “Naku, nakakahiya naman kay Ma'am Ingrid. Nag-abala pa po kayo. Nga po pala, pakisabi po kay Ma'am Ingrid na thank you po sa mga ’to.” Tipid siyang ngumiti.

Umiling si Elian. “No, kami dapat ang magpasalamat sa’yo, Secretary Rina. Dahil sa dami ng naitulong mo sa amin. And by the way, one of the reasons I came here is to give this personally to you.”

Tinanggap niya ang envelope—pilit pinipigilan ang pangangatal ng kamay. Hindi pa man niya ito binubuksan, alam na niyang wedding invitation iyon.

Ngayon lang niya nalaman na may date na pala ang kasal ng boss niya.

Matagal na niyang inihanda ang sarili sa araw na ito. Pinangako niyang kapag dumating man ito, tatanggapin niya ng buong-buo ang katotohanan... na wala siyang pag-asa sa lalaki, at kailanman ay hindi magiging siya ang pipiliin nito.

Pero ngayong dumating na ang sandaling matagal niyang inihanda, tila iba na. May nagbago. Mas masakit. Mas mabigat. Dahil buntis siya. At ikakasal na ang ama ng dinadala niya. Ikakasal na ang boss niya... sa babaeng mahal nito.

“Are you okay, Secretary Rina?”

Napansin ni Elian ang bigla niyang pananahimik. Agad siyang natauhan at tarantang tumango.

“I'm fine, Sir. Masaya lang ako... para sa inyo ni Ma'am Ingrid. Congratulations po ulit," aniya kahit ramdam niya ang nanunuot na sakit sa kalooban. Kumalat pa ang pait sa bibig niya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

관련 챕터

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 4

    "Resignation letter...?" Gulat na gulat ang reaksyon ni Elin. "Sabihin mo muna sa’kin ang totoong rason mo para tanggapin ko ang pag-resign mo, Secretary Rina?"Sa hindi malaman na dahilan ay biglang kumabog ng malakas ang puso ni Rina. Masama rin ang kutob niya at tila may bumubulong sa kaniyang isipan na tila may alam si Elian na hindi dapat nito malaman.Kasalukuyan siyang nasa harapan nito at lakas-loob na inabot ang resignation letter niya. Napagpasyahan niyang tumigil sa pagtatrabaho, lalo na’t unti-unting lumalabas na ang pagbabago ng katawan niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili."Hindi ko bubuksan ang resignation letter mo at i-aapprove, Secretary Rina, hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin ang totoo," seryoso nitong sabi"Ano ba ang ibig mong sabihin, Sir? Kung hindi mo bubuksan ang letter na iyan, edi mas lalong hindi mo malalaman ang rason ko. Basahin mo muna kaya iyan." Hindi niya maiwasan na makaramdam ng iritasyon."Alam kong kasinungalingan lang naman an

    최신 업데이트 : 2025-04-22
  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 1

    "Sir, congratulations po sa successful na surprise proposal niyo. Sobra talagang natuwa si Ma'am Ingrid. Napaiyak pa nga sa tuwa," nakangiting bati ni Rina sa kanyang boss. "Nagustuhan niya rin po ang malaking diamond singsing na binili natin."Napangiti naman ang CEO na si Elian Mercado sa tinuran ng kaniyang sekretarya. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa sinasabi nilang tamang oras at panahon. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat.Tumulong kasi ang dalaga sa pag-ayos ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya. Mula sa pag-contact nito sa mga tao na importante sa kaniyang nobya, hanggang sa matapos matagumpayan, nakuha niya ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya—na ngayon ay mapapangasawa na."Don't forget my bonus, Sir! Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you!"Mahinang natawa si Elian at napailing na lang. "Oo na. I get it, Secretary Rina. I'll wire som

    최신 업데이트 : 2025-04-22
  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 2

    "Shit! Shit! Shit!" sunod-sunod na mura ni Rina sa isip niya.Nanatiling siyang naka-estatwa habang hindi pa masyadong napo-proseso sa kaniyang isipan ang ginagawa ng kanyang boss. Nang makabawi ay agad niyang inilapat ang nanginginig na mga kamay sa balikat nito at nanghihina na bahagyang itinulak ito. "Sir—uhmp! Teka lang—hmm..." Ipinapaling-paling niya ang kaniyang mukha para makatakas sa halik nito. "Sir Elian!" Ngunit mas kinabig lang lalo ni Elian ang ulo niya at mas idiniin pa sa pagmumukha nito ang mukha niya.Unti-unti na siyang nadadala sa mga halik nito. Ramdam niya ang lumiliyab na sensasyon sa buong sistema niya. Nagigising rin ang kaninang natutulog lang niyang katawang lupa. Nang maramdaman na nawawalan na siya ng hininga ay halos taranta at malakas niyang itinulak ni Elian.Malakas siyang suminghap ng hangin at halos maubo-ubo pa sa paghahabol ng hininga. Nanigas siya ng ibinaon ni Elian ang pagmumukha nito sa may bandang leeg niya kaya naramdaman niya ang bahagyang

    최신 업데이트 : 2025-04-22

최신 챕터

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 3

    Ilang linggo na ang nakakalipas, pero patuloy pa ring hinahabol sa isang beses na pagkakamali na nagawa niya si Rina. Alam niyang mali ang nagawa niya at pinagsisihan na niya ito ng lubosan.Gusto niya na rin itong kalimutan lalo na't tila walang naaalala ang boss niya sa nangyari. Siguro dahil sa sobrang kalasingan na nito at hindi rin siya naabutan nito kinaumagahan dahil agad niyang nilisan at iniwan ito na mahimbing na natutulog sa penthouse nito."Good afternoon, Ma'am Rina. Same order po ba?" Pagtatanong sa kaniya ng nasa counter.Inutusan siya ni Elian na bumili ngayon ng lunch dahil nag-cancel si Ingrid ng lunch date. Kaya naman mainit ang ulo ni Elian.Habang abala ang staff sa paghanda ng order niya ay hindi niya maiwasan na matakam habang tinitignan ang mga nakikitang pagkain na naka-display. "Here's your order po. Enjoy your meal po." Masigla nitong sabi sa kaniya kaya tipid na napangiti naman siya.Pagkarating niya sa loob ng opisina ni Elian ay agad siyang lumapit sa

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 2

    "Shit! Shit! Shit!" sunod-sunod na mura ni Rina sa isip niya.Nanatiling siyang naka-estatwa habang hindi pa masyadong napo-proseso sa kaniyang isipan ang ginagawa ng kanyang boss. Nang makabawi ay agad niyang inilapat ang nanginginig na mga kamay sa balikat nito at nanghihina na bahagyang itinulak ito. "Sir—uhmp! Teka lang—hmm..." Ipinapaling-paling niya ang kaniyang mukha para makatakas sa halik nito. "Sir Elian!" Ngunit mas kinabig lang lalo ni Elian ang ulo niya at mas idiniin pa sa pagmumukha nito ang mukha niya.Unti-unti na siyang nadadala sa mga halik nito. Ramdam niya ang lumiliyab na sensasyon sa buong sistema niya. Nagigising rin ang kaninang natutulog lang niyang katawang lupa. Nang maramdaman na nawawalan na siya ng hininga ay halos taranta at malakas niyang itinulak ni Elian.Malakas siyang suminghap ng hangin at halos maubo-ubo pa sa paghahabol ng hininga. Nanigas siya ng ibinaon ni Elian ang pagmumukha nito sa may bandang leeg niya kaya naramdaman niya ang bahagyang

  • BOSS BABY: Pregnant With My Boss   Chapter 1

    "Sir, congratulations po sa successful na surprise proposal niyo. Sobra talagang natuwa si Ma'am Ingrid. Napaiyak pa nga sa tuwa," nakangiting bati ni Rina sa kanyang boss. "Nagustuhan niya rin po ang malaking diamond singsing na binili natin."Napangiti naman ang CEO na si Elian Mercado sa tinuran ng kaniyang sekretarya. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa sinasabi nilang tamang oras at panahon. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat.Tumulong kasi ang dalaga sa pag-ayos ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya. Mula sa pag-contact nito sa mga tao na importante sa kaniyang nobya, hanggang sa matapos matagumpayan, nakuha niya ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya—na ngayon ay mapapangasawa na."Don't forget my bonus, Sir! Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you!"Mahinang natawa si Elian at napailing na lang. "Oo na. I get it, Secretary Rina. I'll wire som

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status