Share

JEWEL 05

RIVER:

"Amoy p-pawis ako Jessa, teka lang, teka lang pwede?" Pagpapakalma niya dito habang iginiya ito sa isang tabi bago niya muling binuksan ang gate.

"Anong amoy pawis? saang parte? Hmmm amoy baby ka nga oh," Sumunod ito sa likuran niya habang hinawakan muli ang kanyang bewang ng buksan niya ang kalawang na itim na gate ng kanyang bahay na tinutuluyan.

"Jessa Umuwi ka na, bukas na lang tayo mag-usap," Magalang na pagtaboy niya dito ng sumunod ito sa kanya hanggang sa loob ng pintuan ng bahay niya. Hindi pa rin niya ito nililingon at kinuha mula sa likod na bulsa ng kanyang pantalon ang susi ng kanyang bahay.

"River," Sabi nito ng bigla siya nitong pihitin papaharap sa sexy na dalaga. Nang makapasok pa lang sila sa bukana ng kaniyang pinto. Itinulak siya nito sa nag-iisang couch na nasa kanyang sala.

Wala siyang masyadong gamit, kung tutuusin ay parang lumang bahay lang ito at mukhang walang nakatira dahil wala naman siyang planong ayusin talaga ay tinutuluyan. Malinis ang paligid naman nito at mukhang hindi palagi nagagamit ang nag-iisang sofa.

Wala siyang kutson, wala rin siyang iba pang kagamitan. Tanging sa sofa na iyon lang siya natutulog sa harap nito ay may lamesitang maliit na minsan ay doon na rin siya kumakain.

May second floor ang bahay na kanyang nirerentahan ngunit hindi na niya inabalang lagyan ng gamit dahil mas madali para sa kanya ang kumilos kung nasa baba lang siya lagi.

"Alam mo namang araw-araw kitang namimiss eh, tapos papaalisin mo na ako? Hindi mo ba alam hanggang anong oras kita inabangan na makauwi?" Malanding sabi nito sa kanya habang marahang yumuko at itinukod ang mga kamay sa kanya dahilan halos makita na niya ang malulusog na dibdib nito. Halos kita na ang cleavage nito sa suot na tube na hapit na hapit sa katawan nito. Iniiwas niya ang kanyang mukha habang napapikit habang hinawakan ang mga balikat nito upang hindi matuluyang madikit ang malulusog na dibdib nito.

“Jessa, pagod ako…” Pinilit niyang h’wag kagatin ang pang-aakit nito dahil bilang isang lalaki ay sino ba naman ang makakaiwas kung ito na mismo ang lumalapit. “Katatapos lang natin- “

Bago pa man niya naituloy ang sasabihin ay hinawakan ni Jessa ang magkabilang pisngi niya. 

“Ay! Hindi! gusto ko ng maraming rounds.”  Hinalikan siya nito sa kanyang mga labi habang pilit na tinikom niya ang kanyang bibig upang hindi madala sa paghalik nito.

Magaling humalik si Jessa at garantisadong madadala ka nito sa langit ngunit hindi talaga iyon umuubra ngayong gabi. Siguro dahil nagsasawa na siya. Kumbaga sa putahe ay paulit-ulit na nakahain sa kanyang lamesa.

Napatayo siya ng walang sabi-sabi sa kanyang nag-iisang couch dahilan upang mahulog sa kanyang ibabaw ang dalagang pilit na itinatpon ang sarili sa kanya. “Aa-ray…” Bulong nito na mukhang natahimik nang biglaan siyang tumayo.

Nagkunwari pa siyang nag-unat ng mga baraso na parang nangalay at pinilipit ang torso. “Haays…” Buga niya ng hangin. “Ang init.” Tinanggal niya ang kanyang maong na jacket. Tanging ang itim na sando ang kanyang suot habang minasahe ang kunawaring nanlalambot ng mga muscles.

“Alam mo Jessa pagod ako eh, oo pagod ako. Bumalik ka na lang bukas ha?” Nagmamadaling itinayo niya ito.

“River?!” Pilit pa itong nagpapabigat upang hindi nito maitulak ang dalaga. Humawak ito sa magkabilang door jamb ng kanyang pintuan. “Teka nga!” Sigaw nito. Inilayo niya ang sarilii bago pa ito magalit at magsisigaw sa dis -oras na gabi.

“Ano ka ba?! Bakit mo ba ako nilalayuan?!” Pagmamaktol nito ng magpameywang pa ito sa bewang nito.

“Hindi sa ganon Jessa, pago nga ako…” Pagulit niya, Sa tindi nang nangyari bakbakan kanina sa banyo ng bugbugin niya ang matanda lalaki ay ngayon lang niya naramdaman ang panankit ng likuran niya.

“Hindi naman pwedeng ganito na lang tayo palagi eh…” Naiiyak-iyakang sambit nito. Napakunot-noo siya sa tinuran nito. Hindi niya alam ang ibig sabihin nito. “G-gusto na kitang makasama palagi River. Gusto ko ng mag-asawa. “

“Asawa?” Natawang sabi niya, “Maghanap ka sa kanto ng mapapangasa Jessa, H’wag dito sa bahay ko.” Pabirogm turan niya rito na mas lalong ikinasimangot ng babaeng kaharap.

“Seryoso ako, Tignan mo nga ang itsura mo. Palagi ka nalang pagod. Tignan mo ang bahay mo. Bahay pa ba ng tao ito? Halos wala kang gamit. Kung hindi pa kita dadalhan ng pagkain ay hindi ka kakain. Ayaw mo bang may magasikaso sayo? “Lumapit ito ulit sa kanya at muling naglambitin sa kanyang leeg kkaya napaiwas siya at palihim na inirolyo ang mga mata dahil sa matinding kakulitan nito.

Hindi naman kasi totoong hindi siya kumakain, tamad lang siya magluto ng pagkain pero marunong siya dahil bata pa lang ay maaga na siyang tinuruan ng kanyang ina sa mga gawaing bahay kabilang na ang pagluluto. Kung paminsan naman ay dindalhan siya ng asawa ni Jake ng pagkain upang hindi na siya magluto. Total ay binibigyan niya ang mga ito ng budget sa pammalengke.

Masyad lang talaga o.a at patay na patay sa kanya ang babaeng ito. Pakiramdaman nito ay may relasyon sila kahit pa ginagamit niya ito paminsan kapag tawag ng kalikasan.

“Ako ang mag-aalaga sayo. Araw-atraw pagsisilbihan kita.” Bulong pa nito. Tinanggal niya paisa-isa ang dalawang kamay nitong nakalambitin sa kanya.

“Oo Jessa pero hindi ngayon okay? Matutulog na ako. Pagpipilit niya. Hindi ngayon. “Sagot niya.

“Eh kailan?” Ang kulit talaga nito.

“Kapag okay na ang lahat.” Sagot niya habang tinutulak ito pagawi ulit palabas ng kanyang pintuan.

"Seryoso ako River ha! Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Asawa ang kailangan mo." Pahabol pa nito habang inilalabas niya ang babae sa labas ng kanyang pintuan. 

Para siyang nakipag-agagawan ng baka sa isang mangpapastol ng ibagsak niya ang kanyang likuran muli sa couch. Hinagod niya ang kanyang mahaba ng buhok pallikod ng kanyang ulo habang ipinikit ang mata uapang makapagpahinga sandali.

Iniisip niya ang sinabi niya sa dalagang si Jessa.

[Kapag okay na ang lahat] … Ang malaking tanong ay kailan iyon?

Marahan niyang iniangat ang pwetan upang kunin ang wallet na nakasuksok sa kanyang likurang ulsa. Binuksan niya iyon at tinignan niya ang nagiisang litratong nakaipit doon.

Ang larawan nilang tatlo. Noong nabubuhay pa ang ama at ina niya. Sa litratong iyon ay makikita ng ang masayang larawan nilang pamilya na pawang mga nakangiti. Ito ay replica ng kanilang family picture na kasabay na nasunog sa malaking bahay nila noong bata pa lamang siya.

Wala siyang halos maalala sa kanyang Kabataan ngunit itong naglalaro sa kanyang isipan ang huling eksena na kumpleto silang ng kanyang ama’t ina. Noong nabubuhay pa ang kanyang ama.

Bago sila tuluyang maghirap. Lumaki at nagkaisip na siya ng tuluyan na tanging naalala niya ay pinalalaki siya at pinaghirapan nsiyang itaguyod ng ina niyang may sakit. Ngunit hindi ito kasing lakas ng iba kung kaya’t maaga din siya nitong iniwan.

Inilabas niya ang nasa kasuluksulukan ng kanyang wallet ang isang gintong kwintas na may maliit na bato ng kasing liit lang ng butil ng mais. Isang kakaibang baton a kulay berde ang nasa loob na salaaming pendant na iyon.

(“H’wag mo iwawala ito , Thorne. Ito ang tunay mong pagkatao. Hanapin mo ang pumatay sa ama mo. “Ito ang huling habilin ng kanyang ina bago ito malagutan ng hininga sa luma at nawawasak ng higaan nito noong bata pa siya…)

Kailangan niya munang alamin ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama at ang pagkawala ng kanilang- ari-arian.

Kailangan niyang mabawi ang pangalang RIVERA…

Hindi niya alam kung saan magsisimula pero alam niyang malapit na niyang matuklasan iyon gamit ang kwintas na ito.

Ibinitin niya sa ere ang kwintas na iyon na kapag tinatamaan ng ilaw mula sa kanyang bumbilya ay labis-labis ang kinang na inilalabas nito.

Kailangan niyang malaman kung sino ang pumatay sa kanyang ama at anong dahilan ng kwintas na ito.  

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abegail Martinez
Parang ganda ng story ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status