Share

JEWEL 04

RIVER:

"Whooooo! Mayaman na tayo!" Isang hiyaw sa labas ng bintana sa kanyang dalawang taong Nissan Frontier 2022 na kulay gray ang namumutawi habang tinatahak nilang ang expressway pabalik sa kanilang lugar. Si pau na nay pagkamapilyo ang sumisigaw dahil sa balita niyang nakakuha sila ng halos kalahating milyon. Agad niyang ibinigay sa kasamahang si Jake ang chips na nakoleta upang ipalit sa harap ng desk ng casino na iyon Nang makalabas sila pareho ni Pau sa lugar na iyon.

"Bibili ako ng bagong Iphone!-ARAY!" Hiyaw ulit nito sa sobrang saya ay nakalimutan kung saan nanggaling ang pera iyon. Binigla niya ang pag-apak sa break ng sasakyan niya upang mauntog ang ulo nito sa bintana ng kanyang sasakyan.

"Kuya naman mapuputol ulo ko eh," Reklamo pa ng mas batang kasamahan niya ng ipasok nito ang katawan sa loob ng sasakyan at itinaas ang bintana. Hindi siya kumibo at bahgya lang niya tinapunan ito ng tingin gamit ang rear view mirror.

"Di ka pa nahulog! Hmmmm! Hmm!" Hampasnaman ni Jake ng towel habang inaabot ang katawan ni Pau na iwas ng iwas na mahampas ng towel.

Napapikit siya ng mata sa sobrang pagkahilo at pagkabingi na nararamdaman dahil sa pagkakagulo ng mga ito. Isinampay nalang niya ang kanyang kanang siko sa bukas na bintana at bahagyang hinipo ang kumunot-niyang noo dahil sa kaingayan ng mga ito.

"B-bakit? Natutuwa lang naman ako eh, Saka di mo ba nakita yung nangyari kanina kuya Jake? May binugbog si Kuya River sa banyo-"

"Paulo, " Saway niya dito habang pinadilatan ito ng mata sa rear view mirror. Napailing na lang siya ng ulo dahil sa sobrang kadaldalan nito.

"May binugbog ka River?" Sagot naman ng mas matanda sa knya ng kaunti na si Jake. Hindi naman siya kumibo upang ipagmayabang iyon. "Huy sagot!" Hamaps nito sa kanyang balikat.

"Tauhan ni Guerro, Napikon nang layasan ko sa lamesa." Maiksing sagot niya habang nakatuon pa rin ang mga mata sa daan.

"Lintik na! Ano ka ba?! Mapapahamak ka pa ng hindi oras!" Inis na sabi nito at waring pinapagalitan pa siya dahil nakipagbasagan siya ng ulo na bihira lamang niyang gawin kahit pa skilled siyang tao dahil na rin sa ikas na karanasan.

"Ako yung sinugod," Pagtatama pa niya.

"Oo nga kuya, ba't mo pinapagalitan si kuya River eh kung hindi siya lumaban baka nasaksak-" Singit naman ng makulit na si Pau.

"Pau!" Saway niya ulit dito habang nilksan ang boses. " Isa pang buka ng bibig mo ibaba kita rito," Pananakot niya.

"Patalim? Hay nako River! Ayan na nga sinasabi ko, Habang tumatagal tayo sa ganitong trabaho ay lalo ka lang mapapahamak! Anong sasabihin sakin ng nanay mo kapag nalaman ito?" Galit na sabi nito. Si jake ay pamangkin ng kanyang ina kung kaya't ganoon nalang ito protektahan ng tiyuhin niya. Hindi masyadong malayo ang edad nito sa kanya kung kaya't hindi niya ito tintawag bilang tito o kuya man lang. At saka isa pa hindi siya sinanay nito natawagin dahil ayaw nito ang pakiramdama na mas matanda ito.

"Edi babangon sa hukay 'yon at mumultuhin ka," Pilosopong sabi pa niya dito. Lalo namang nangigil ito sa sagot niya.

"Isa ka pa!" Hampas nito ng mahina sa kanya gamit ang towel nito. Napangit naman siya sa inasal nito. Normal na sa kanilang tatlo ang ganitong klaseng pag-uusap.

"B-bakit ba kasi bigla-biglaan tong modus natin? Alam mo namang mainit pa tayo sa mata ng ibang mga nabiktima natin." Inis na sabi nito na siyang numero unong hadlang na isagawa itong plano na ito dahil nga hindi pa oras para gumawa ng isa pang modus.

"Para kay Ate bing," Sagot naman niya habang nagmamaneho parin. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na natigilan ito sa pagsesermon sa kaniya ng marinig na ang ginawa niyang desisyong ito ay para sa asawa nitong si ate Bing.

"Kay Bing?" Kunware ay indi pa na-touched si Jake sa mga narinig niya.

"Pambayad sa bills sa hospital, nang makalabas na si Ate at yung iba para kay Pau sa pagaaral niya, Enrollment na sa isang linggo. " Sagot naman niya. Naramdaman niya ang pagsinghot ng ilong ni Jake dahil sa narinig sa kanya.

Si Ate bing ang asawa nito ay naaksidente sa isang pabrika habang nagtatrabaho, nang mahulugan ito ng bakal at kasamaang palad at nadaganan ang ibabang parte ng katawan nito dahilan upang maging permanenteng lumpo ito. Hindi ito mailabas hospital dahil sa ilang beses itong inoerahan upang maiayos ang nadurog nitong mga buto sa tuhod. Kaya ganon nalang kalaki angbayarin sa hispital ng pamilya nito.

Ang pabrika naman ay napilitan lamang na sagutin ang bills ng asawa ngunit sa kondisyon na kahalati lamang sa 10 surgery ang babayaran ng mga ito. Wala namang labanf ang pamilya nito dahil nga pumasok sa pabrika ang asawa nito na walam lang insurance at maayos napapeles upang suportahan ng gobyerno.

Si Pau naman ang batang dati ay nagnanakaw sa palengke ay kimukop nila ni Jake nang minsang iligtas nila ito sa nambugbog n mga tindero na siyang pinagnakawan nito ng pera. Upang maituwid ang buhay nito ay pinagaral nila ito. Ngayon ay nasa watong edad na ito ay ngayong palang ito magsisimulang pumasok sa kolehiyo. Sa kagustuhan din ni jake na pagaralin ito at hindi na rin iba para sa kanya si Jake ay gumawa siya ng paraan upang makapasok ito sa susunod na school year.

"Isa ka talaga anghel na bumaba sa lupa kuya River!" Kunwarti any nagiiyak-iyakan ito ng marinig na para sa kanilang dalawa ni Jake ang pera trinabaho nila.

"S-salamat River ah," Sabi nito na mukhang iiyak na talaga sa pagkatouched na nararamdaman. Tinapik naman niya ang balikat nito na parang sinsabing wag itong magdrama.

"Wala yon, Hindi na kayo iba ni ate Bing," Ngiti niya habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

"Pero River, Tanndaan mo, sa oras ng manganib ang buhay mo, H'wag ka ng lumabas , Alam kong mabilis ka rin sa takbuhan kaya please lang Tumakbo ka na lang OKay ba yon?!" Balik panenermon nito.

"Baka multuhin na talaga ako ng nanay mo nito." Natatwang sabi pa nito. Kung kaya't di nila mapigilang matawa sa pangit na joke nito.

Halos limang minuto rin ang tinagal pa nila sa kalsada bago marating ang brgy. Alisod sa dulo ng kamaynilaan kung saan sila nakatirang tatlo. Hindi sila magkakasama sa bahay ni Jake pero halos magktabi lang din namna. Si Pau naman ay kinukop naman na rin i Jake dahil wala silang anak ni Bing.

Nagsitaklaban naman ang mga pinto ng kanyang kotse ng nagsibabaan ang mga ito.

Ang bahay nila hindi naman kagandahan at hindi rin naman kaluwagan ngunit maayos at hindi nama nbarong-barong kung tutuusin. Mas pinili niya tumira sa tabi ng pamilya ni Jake upang makaiwas na rin na malocate sila ng mga taong masasamang pinagnakawan nila. Sa dami g tao dito tuwing gabi ay hindsila basta-bastang mapapasok.

Tuwing gabi na lang din ay halos mapunod ang maliit na eskinitang meron sila dahil sa mga nagiinuman at mga tambay kahit pa dis-oras ng gabi. Meron pa rin mga batang hamog na sa gabi lang din gising.

"Hoy, hoy! Maligo ka muna abago ka humiga ng ksama ah! Ang Asim mo Pau!" Pahabol pa ni Jake habang tinatawag ang nagmamadaling si Pau na makapasok sa bahay.

"Oh paano? gusto magpares?" Tanong pa ni jake sa kanya nang sila na lang naiwan sa harap ng sasakyan niya.

"H-hindi na" Itinaas niya ang kamay niya upang magpaalam dito bago tumalikod upang buksan ang maliit na gate ng tinutuluyan nitong bahay.

"Riveeeeeeeer," Isang matinis na hiyaw ang narinig niya mula sa kanyang likod habang binubuksan niya ang gate. Kung kaya napalingon siya ng muli.

"J-jessa," Sagot niya habang awtomatikong niyakap ng seksing babae ang kanyang bewang at pinugpog siya ng halik sa kanyang punong-tenga pababa hanggang sa leeg niya. "Saglit," Iniwas niya ang sarili sa magandang dalaga nasa harap niya at bahagyang inilayo sa kanya.

"Hoy Jessa! Tantanan mo yang pamangkin ko, PAGOD yan, parang linta na naman kung makadikit kay River!"

"Hmmm," Irap naman ni Jessa nang lingunin nito si Jake na pinagsasabihan siya na lubayan siya. "Babeeee," sabay yakap muli ito kung kaya't napapikit na naman siya dahil sa sobrang kulit nito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charie Ramos Garcia
san na karugtong????
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status