Share

JEWEL 03

RIVER:

"40 SQUIDS," Iinilahad ni River ang natitirang casino chips niya sa bulsa sa loob ng kanyang leather jacket. Habang kinuha ang kalahating nakasinding sigarilyo at hitnithit iyon. Kinindatan pa niya ang nakatapat na kalaro sa kabilang sulok na lamesa iyon.

Maingay dala ng malakas na musika ang tanging maririnig mo sa malawak at madilim na espasyo na iyon. Ang mga usok nang mga sigarilyo ay nagmumukhang fog dahil sa pgkakapal-kapal na iyon.

Poker ang kanilang nilalaro na halos lahat ng nasa lamesa na iyon ay wala kang mababasang ekspresyon sa mukha kung hindi ang ninanais na matalo siya.

Si Thorne Jaime Rivera alyas River ay isa sa pinakakilalang magaling sa larong cards lalo na sa larong POKER. Walang sinuman ang nakakatalo sa kanya kpagdating sa laro ito.

Ibinuga niya ang usok ng sigarilyo habang sumandal sa upuan kasabay ng isang nakakalokong pag-ngisi upang asarin ang mga ito. River tapped his five fingers on the table to mimick the sound of a ticking clock.

"You know that you are losing River," Ngisi naman ng matandang lalaki na nasa katapat niya dahil parang natutuwa ito sa pinapakita tapang tapang nito. "This 40 squids of yours are the only money left. Let me just remind you, you're cards are betraying you." Sagot nito.

River widened his smirk and then hit the last smoke on his cigarette and then dropped the cigarette's butt on the floor in the possible coolest way. He just nodded to the man who he guessed was silently cursing him for disappearing right now.

Nakita niya na mas lalong nainis ang reaksyon nito dahil sa magpang-asar niyang pag-ngiti.

"All in," Sabi pa nito na kasabay ang pagngiti. Sa tingin niya ay effective ang kanyang ginagawang pang-aasar dito dahil ang goal naman niya talaga ay mag all-in ang matandang ito. Wala na siyang pakialam sa ibang pang naglalaro sa gillid ng kanilang table dahil ang habol lang niya ay mapa all-in ito.

The old man was very sure that he was just bluffing to save face dahil kanina pa niya sinasadya ang kanyang pagkatalo hanggang sa matira na lang ang natitirang chips niya.

Inilahad ng dealer ang lumabas na cards. Those cards could be a royal flush, Ang pinaka mataas na ranggo.

"Fold,"

"Fold,"

Halos sabay-sabay na binigkas ng ilang manlalaro sa kanilang paligid. Ibig sabihin ay hindi sila lalaban.

"Call" Matapang na sabi naman ng matandang kanina pa niya tinatarget na ilaan ang buong chips nito sa laro ng gabing iyon.

Ibinaba nito ang card na nabubuo ng Full house, buong confident ito sa kanilang buong round na ito ang mananalo dahil una palang ay mataas na pala ang nakuha nitong ranggo.

"Royal Flush," Mahinahong sabi niya habang ibinababa ang kanyang cards dahil nabuo niya ang pinakamataas na ranggo. Nakita niya ang unti-unting pagkawala ng ngiti ng matanda dahil nasagap agad ng utak nito ang pagkatalo.

Nang iminuwestra ng dealer ang palad nito sa kanyang direksyon ay hudyat na nanalo na siya at makukuha niya ang mga tinayang pera.

He stood up as fast as he could upang tapusin ang round na iyon ngunit mabilis na sumunod ang matanda sa kanyang likod at mabigat na isinampay ang kamay sa kanyang balikat.

"Are you playing tricks with me?" Mabigat ang tono nito nang tanungin siya tila hindi nito matanggap ang pagkatalo. Sino ba naman ang hindi mapipikon kung halos 500k na ang ipinatalo nito sa loob lamang ng isang oras.

"Ako? Hindi naman," Sagot niya na parang inosente ang mukha na wala naman siyang ginawa kundi ang asarin ito upang kuhanin ang buong taya nito sa oras na iyon.

"Get back to your seat, we're not done yet." Gigil na sabi nito sa kanya na halatang gustong-gustong makabawi sa kanya. Hindi niya nakikita sa mga mata nito na gusto nitong mabawi ang perang naipatalo nito kung hindi sadya lang talagang lulong ito sa sugal at natamaan niya ang pride at ego nito.

Umiling naman siya at bahagyang sinadyang ipakita ang relo na suot niya upang ipakita dito na wala na siyang oras makipaglokohan. "Nex time," Maiksing sagot niya habang aggresibo din niyang pinagpag ang kamay nito sa kanyang balikat.

Tuloy-tuloy naman siyang naglakad papalayo sa lamesang iyon at bahagya pang naglakad sa halos mataong lugar na iyon upang marating ang may bandang restroom.

Ang lugar na iyon isang ilegal na pasugalan kung saan makikita mo ang mga mayayaman na taong nagkapera dahil sa mga illegal na gawain. Illegal ito pero hindi ito lingid sa mga ka-awtoridad dahil marami pa rin namng kurakot sa bansang ito.

Namataan niya ang isang lalaki sa bandang gawi sa gilid ng kanyang mga mata na nakatingin sa kanya.

Si Jake, Isa sa kasamahan niya sa grupo sa kanyang mga ilegal na gawain. Tinanguhan niya ito upang ipagbigay alam na tapos na ang plano nilang pagsimot ng pera sa isang matabang isda.

Ang kaninang tinalo niya sa larong poker ay ang tinatawag nila sa madilim nilang mundo na si Martin Guerro alyas "BIG GUY" , Isa sa mayamang negosyante na nagbebenta ng mga nakaw na gold sa mga lumang banko ng bansa. Ang yaman nito ay galing sa maduming paraan.

Si Thorne "River" Rivera ay isang binatang galit sa mga katulad ni Guerro, ang trabaho niya ay pagnakawan ang mga ito kung kaya't ligtas siya sa mga kaso dahil kapag nakakapanakaw ang kanilang grupo ay walang nais na magsumbong sa pulisya dahil nga galing ang yaman ng mga ito sa maduming paraan.

Ang paglalaro ng cards sa mga casino ang daan niya upang mapagnakawan niya ang mga ito. Upang hindi maipit sa gulo ay mas pinili niya ang ganitong paraan upang hindi lumalim ang koneksyon niya sa madilim at maruming kalakan ng mundong iyon.

Hindi kalakihan ang kanilang pagnanakaw dahil tatlo lamang sila sa grupo. Si Jake ang kanyang kanang kamay, at si Pau isang baguhan na gusto sumunod sa yapak nila. Upang hindi mahalata at hindi maging delikado ang kanilang mga buhay ay hindi siya pumapatol sa kahit anong krimen na magdudulot sa kanya balang araw sa kulungan.

Galit at poot lamang ang nagtulak para sa kanya upang gawin ang mga bagay na ito dahil sa kanyang nakaraan. Namatay ang pinakamamahal na kanyang ina ng hindi man lang nito nakamit ang hustiya para sa ama nitong nakakulong. Nakulong ang kanyang ama sa salang hindi nito ginawa.

It was a frame set up. Ipinagkanulo ito ng matalik nitong kaibigan na ngayon ay nasa mataas na kalagayan na. Ipinagkanulo ito upang makamkam ang lahat ng kanilang pera na pinaghirapan ng kanyang mga magulang.

Dahil nawala ang lahat sa kanya, Ang kanilang yaman, kapangyarihan at ang kanyang magulang ay naiba kanyang direksyon. Lumaki siyang mag-isa sa masalimuot na mundo ng ito.

Nawala ang kanyang ina na hindi man lang naranasan ang muling pag ginahawa sa buhay. Namatay ito sa sama ng loob. Kung kaya't hinding-hindi niya iyon makakalimutan sa buong buhay niya.

Nang tanguhan niya ang ang kasamahang si Jake ang naintindihan naman agad nito ang ginawa niya. Agad nitong inubos ang laman na alak sa beer nito at mabilis na lumabas ng lugar na iyon.

Nagpalinga-linga muna si River upang matiyak na walang sumusunod sa kanya ng mapagdesisyunan niyang pumasok sa makipot na daan papunta sa restroom ng mga lalaki.

Dala ng usok ay tinakpan niya ang kanyang matangos na ilong gamit ang manggas ng kanyang leather jacket bago makapasok sa pintuan ng male restroom.

Saktong walang tao dito at ang nakasalubong niya isang lalaki na papalabas sa restroom na iyon ang tanging laman noon. Diretso siyang tumayo sa tapat ng urinal upang umihi.

"Ikaw ba si River?!" Isang matigas na accent ang narinig niya mula sa kanyang likod ng akmang ibaba niya ang zipper ng kanyang pantalon.

He gave him a half-turn to look at his behind. Nakita niya sa gilid ng kanya mata ang isang may ka-edaran na lalaki na mukhang tatay na niya ang edad. Ang harapan nito ay halos dumikit na sa kanyang likuran.

He bit his lowered lips while turning his full body in front of this middle-aged man. "Bakit pare? Maninilip ka?" He gritted his teeth to make a provocation dahil alam niya na may plano ito.

Matapang din itong ngumisi sa kanya at itinaas ang dalawang makapal na kilay upang sindakin siya. "Ah ganon?!" Akmang susuntukin siya nitong nang mabilis niyang nai-iwas ang kanyang ulo at mabilis na binigyan ng suntok ito sa sikmura dahilan upang mapaubo ito sa lakas ng bigwas niya. Hinawakan niya magkabilang kwelyo nito sa jacket at tinuhod muli ang sikmura nito at mabilis na tinulak ng malakas dahilan para mapasandal ito sa pader.

Mabilis naman ang naging aksyon nito kahit na nanghihina na may dinukot ito mula sa likuran nito na isang matalim na maliit na balusong. Iwinasiwas pa nito sa ere iyon upang takutin siya. Bahagya naman siya napaatras hindi sa natakot siya kung hindi upang bumwelo.

"Tingan natin ang tapang mo ngayon!" Sigaw nito na may halong pag-gigil. Natawa naman siya dahil sa bilis ng kanyang mata ay calculado niya na kung saan nito iwawasiwas ang hawak na balisong upang undayan siya.

Nahawakan niya ang kamay nitong patusok na sana sa kanyang tyan at ipinilipit ito papaikot sa matanda.

"Arghhh," Utal nito ng masaktan niya ang braso nito dahilan upang mabitawan nito ang hawak na patalim. itinulak niya ang katawan nito upang maipit sa malamig na tiles ng pader ng banyo.

"Ang bagal mo naman kumilos," Pangungutya niya na para bang sisiw lang ang lahat ng nagyayari. " Sabihin mo sa amo mo, Hindi niya ako natatakot sa kanya huh.." Pabulong na sabi niya dito bago niya ito i-untog sa pader.

"Argghh," Impit pa nito bago mawalan ng malay. Napahingal naman siya sa maiksing aksyon na iyon ngunit hindi naman siya nangalay or kahit mang pagod sa pakikipagbasagan ng mukha.

Nang matantong mag-isa lamang ito at wala ng susunod na papasok na kasamahan nito ay mabilis niyang inayos ang nagusot na leather jacket at binigyan ulit ng malakas na sipasa sikmura ang nakatulog na lalaki.

"Kuya! Tara na!" Napalingon siya sa lalaking biglang lumitas sa bukana ng pinto. Si pau, Nang mapansin nito na may binugbog siya lalaki ay napaawang ang nbibig nito. "Wow! Fantatstic pinatulog mo kuya?" Naawang sabi pa nito?

Hindi naman niya pinansin ang pangaasar nito at nilagpasan ito.

"Halika na," Utos niya dito upang sumunod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status