CONNOR CAYDEN...Nabunotan s'ya ng tinik ng matapos ang pamamaril sa kanila. Nang hindi na makita ang taong tumulong sa kanila ay nagpasya s'yang itigil ang sasakyan sa gilid para silipin ang mag-ina.Agad n'yang ipinarada ang sasakyan sa gilid at tamang-tama lang na nakababa s'ya ng sasakyan at biglang dumating ang mga pulis. Maraming sasakyan din ang biglang nagsitigil sa gilid ng daan para makiusyoso sa nangyari."Amera! Are you ok? Amelia, Ameil, are you two ok?" sunod-sunod na tanong n'ya sa mga ito at mabilis na binuksan ang pintoan sa likod para e check ang mga bata."P-Papa ninong," nanginginig na tawag sa kan'ya ni Amelia. Agad n'ya itong kinuha mula sa pagkakasiksik sa ilalim ng upoan at sinunod si Ameil. Agad n'yang niyakap ang dalawang bata at ramdam n'ya ang panginginig ng katawan ng mga ito dahil sa takot.Si Amelia ay nanginginig habang tahimik na umiiyak ngunit si Ameil ay tahimik lang at hindi umiiyak ngunit ramdam n'ya ang panlalamig ng katawan nito tanda din ng tako
CONNOR CAYDEN...Nagulat s'ya ng makita ang suot ng asawa na napagitnaan ng mga bodyguards ng kan'yang ina. Hindi n'ya maipaliwanag ang hitsura nito at natulos lang s'ya sa kinatatayuan habang nakatingin sa hitsura ng asawa."Pinasok ang bahay n'yo at muntik ng mapahamak ang asawa mo. Connor this is not a simple matter anymore. Don't take it as a joke," anang ina sa kan'ya ng makita ang pagkagulat n'ya ng makita na may mga dugo ang damit ng asawa at may mga butas na animo'y napwersa ng kung sino.Wala sa sarili na naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao at nagtagis ang mga bagang habang ang mga mata ay nasa kan'yang asawa pa rin na walang emosyon ang mukha at nakatingin lamang sa kan'ya.Inilang hakbang n'ya ang pagitan nila at niyakap n'ya ito ng mahigpit. Hindi ito gumanti at parang kahoy na nakatayo lang at walang kabuhay-buhay."I'm sorry, I'm sorry wife," paghingi n'ya ng tawad kay JM. Kung hindi n'ya sana ito iniwan sa bahay ay hindi sana ito napahamak ngunit naisip n'ya na kung di
CONNOR CAYDEN..."Stop it! Bakit mo s'ya sinuntok?" galit na sigaw sa kan'ya ni JM ng tingalain s'ya nito."At kinakampihan mo pa ang gagong iyan? Baka nakalimutan mo na may asawa ka ng tao Jean Mary at walang ibang pwedeng humawak sayo kundi ako lang na asawa mo! Ako lang!" galit na sigaw n'ya pabalik sa asawa ngunit nagulat s'ya ng lumagapak sa kan'yang pisngi ang isang malakas na sampal mula sa babae."Ayan! Isang malakas na sampal para mataohan ka sa mga pinagsasabi mo! Asawa? Who? Ikaw? Bakit Cayden?Naalala mo ba na may asawa ka ng patirahin mo sa bahay ang kaibigan mo "daw"? " may diin na sagot nito sa kan'ya.Nagtagis ang kan'yang mga bagang at lihim na naikuyom ang kan'yang dalawang kamao. Akong gustong ipahiwatig nito? Na gumaganti ito sa ginawa n'ya kaya kahit sinong lalaki ay pwede itong hawakan o yakapin."Oh bakit ka natahimik? Bumalik sayo ang lahat, hindi ba? Bago mo sana pinatira sa bahay natin ang babaeng iyon ay naisip mo sana ang mararamdaman ko!""Fvck! What's wron
CONNOR CAYDEN..."Amera?" nagulat s'ya ng makita ang kaibigan na sakay sa wheelchair at papalapit sa kan'ya."What happened? Bakit narinig kong may nagsisigawan?" nagtatakang tanong nito ng makalapit sa kan'ya."Nothing! May pinag-uusapan lang kami ni JM?""JM?" nagtatakang tanong nito at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni JM. Hindi nito alam ang tawag n'ya sa asawa na JM dahil kapag nasa bahay sila ay Inday ang tawag n'ya kay JM ayon na rin sa pakilala nito kay Amera."What happened to your face? Bakit may pasa ka sa mukha love?" nag-aalalang tanong nito ng makita ang pasa sa kan'yang mukha mula sa suntok ng kaibigan ni JM."Hanep ma'frend! Ang kapal ng gilagid at sa sobrang kakapalan ay napunta sa mukha ang iba,' singit ng lalaki na kaibigan ni JM. Matalim n'ya itong tinapunan ng tingin ngunit nag peace sign lang ito sa kan'ya."What are you talking about?" nagtatakang tanong ni Amera sa lalaki na abot hanggang tainga ang ngisi. Ang sarap tirisin ng gorillang ito, kanina pa s'y
CONNOR CAYDEN...Nakalabas sila ng hospital at dumiretso ng uwi sa kan'yang bahay. Nakaagapay sa kanila ang mga bodyguards na ipinadala ng kan'yang daddy. Wala na s'yang magawa kundi ang tanggapin ang matagal na nitong inaalok sa kan'ya na mga bodyguards. Hindi n'ya na isusugal ang kaligtasan ng tatlo lalo na ng dalawang bata na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.May nagmamaneho din na taohan ng ama sa kan'yang sasakyan. Nakaupo s'ya sa passenger side at ang mag-ina ay nasa likod. Walang imik ang mga bata at ganon din si Amera kaya hinayaan n'ya na muna ang mga ito.Hindi n'ya na lang kinausap ang mga ito at itinuon na lang ang kan'yang atensyon sa unahan. Naintindihan n'ya ang pananahimik ng mga ito lalo na ng mga bata. Mamaya n'ya na kausapin ang tatlo lalo na ang dalawang bata para makahingi s'ya ng paumanhin sa mga ito. Nadamay pa ito sa gulo ng kan'yang buhay at muntik ng mapahamak.Narating nila ang kan'yang bahay na wala namang nangyari sa daan. Nauna s'yang bumaba at in
CONNOR CAYDEN...Ilang minuto s'yang nanatili na nakatayo sa labas ng pinto at nakikinig sa usapan ng mga bata at ni JM. Hinintay n'ya muna na maging maayos ang pag-uusap ng mga ito bago s'ya nagpasya na lumabas sa kan'yang pinagtataguan at magpakita sa mga ito.Nagpakawala muna s'ya ng hangin bago kumatok ng tatlong beses sa pinto. Nabaling sa kan'ya ang atensyon ng tatlo at ng makita s'ya ng mga bata ay nakita n'ya kung paano ito tumingin kay JM na parang nanghihingi ng saklolo."How do you feel Ameil? Amelia? May masakit ba sa inyo? Tell papa ninong immediately kung may nararamdaman kayong sakit," tanong n'ya sa dalawang bata ngunit umiling lamang ang mga ito bilang tugon at hindi nagsalita.Nalipat kay JM ang kan'yang tingin ngunit hindi s'ya nito tinapunan ng tingin bagkus ay nagkunwari itong may inaayos sa mga gamit ng mga bata. Halata sa mga kilos nito na iniiwasan s'ya ng asawa.Nagbuga s'ya ng hangin at hinarap ang dalawang bata para kausapin ang mga ito."Magpahinga muna ka
CONNOR CAYDEN...Dali-dali s'yang umalis patungo sa bahay ni Brook. Hindi na s'ya nakapag-paalam kay JM dahil ng lumabas s'ya ay hindi n'ya na ito nakita.Mabilis ang kan'yang pagmamaneho patungo sa bahay ng pinsan. Nakita n'ya sa kan'yang likuran ang isang itim na SUV kung saan ay sakay ang kan'yang mga bodyguards. Marami din ang naiwan sa kan'yang bahay para magbantay. Hindi n'ya pa pala naitanong kay JM ang tungkol sa pumasok sa bahay nila. Nakakalimutan n'ya ang lahat kapag kaharap n'ya ang asawa. Biglang sumagi sa kan'yang isip ang nangyaring halikan nila kanina at unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kan'yang labi.Kahit gaano pa ka bigat ng kan'yang nararamdaman ay nawawala agad kapag naiisip n'ya si JM. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at mas binilisan pa ang pagmamaneho at hindi naman nagtagal ay narating n'ya ang bahay ng kan'yang pinsan.Agad s'yang bumaba ng kan'yang kotse ng maiparada ito. Malalaki ang kan'yang ng mga hakbang na pumasok s'ya sa loob ng bahay ni Brook. "
CONNOR CAYDEN...HInawakan n'ya ang kamay ni JM at hinatak ito palabas ng silid ni Amera. Wala namang pagtutol mula sa asawa habang hatak-hatak n'ya ang kamay nito.Umakyat sila sa taas at pumasok sa kan'yang kwarto. Nang maisara iyon ay agad n'yang isinarado ang pinto at ni-lock iyon bago hinarap ang asawa.Nakatingin lang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita. Inilang hakbang n'ya ang pagitan nilang dalawa at sinugod ito ng mahigpit na yakap. Isinubsob n'ya ang kan'yang mukha sa leeg nito habang yakap-yakap ito ng sobrang higpit."C-Cayden, I can't breathe," saway sa kan'ya ni JM at agad naman s'yang kumalas mula sa pagkakayakap dito."I'm sorry baby, I'm sorry! Are you ok? Hindi ka pa rin ba makakahinga? Masakit ba ang pagkakahatak ni Amera sa buhok mo? I'm sorry wife, I'm sorry kung nasaktan ka na naman ng dahil sa akin," nag-aalalang tanong n'ya rito at sinapo ang mukha ng asawa."A-Ayos na ako. Salamat pala kanina at hindi ka naniwala sa drama ng artistahin mong kaibigan," ang asa