CONNOR CAYDEN...HInawakan n'ya ang kamay ni JM at hinatak ito palabas ng silid ni Amera. Wala namang pagtutol mula sa asawa habang hatak-hatak n'ya ang kamay nito.Umakyat sila sa taas at pumasok sa kan'yang kwarto. Nang maisara iyon ay agad n'yang isinarado ang pinto at ni-lock iyon bago hinarap ang asawa.Nakatingin lang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita. Inilang hakbang n'ya ang pagitan nilang dalawa at sinugod ito ng mahigpit na yakap. Isinubsob n'ya ang kan'yang mukha sa leeg nito habang yakap-yakap ito ng sobrang higpit."C-Cayden, I can't breathe," saway sa kan'ya ni JM at agad naman s'yang kumalas mula sa pagkakayakap dito."I'm sorry baby, I'm sorry! Are you ok? Hindi ka pa rin ba makakahinga? Masakit ba ang pagkakahatak ni Amera sa buhok mo? I'm sorry wife, I'm sorry kung nasaktan ka na naman ng dahil sa akin," nag-aalalang tanong n'ya rito at sinapo ang mukha ng asawa."A-Ayos na ako. Salamat pala kanina at hindi ka naniwala sa drama ng artistahin mong kaibigan," ang asa
CONNOR CAYDEN...Isang malakas na tunog ng sampal ang nagpalingon sa kan'ya sa kinaroroonan ni Amera at JM. At nagulat s'ya ng makita na hawak-hawak ni Amera ang pisngi nito na nasaktan."Bitch! Why did you slap me?" galit na tanong ni Amera kay JM."Hayop ka Amera! Napakasama mo! Paano mo naatim na ipakidnap ang sarili mong anak! Nababaliw ka na ba?" nangangalaiti sa galit na sigaw ni JM kay Amera na ikinagulat n'ya. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan n'ya ang dalawang babae na nakitaan n'ya ng galit sa parehong mga mata."What did you say wife? Si Amera ang nagpakidnap kay Ameil?" singit na tanong n'ya kay JM. Nilapitan n'ya ito at hinawakan sa braso ngunit hindi s'ya nito tinapunan ng tingin dahil ang mga mata nito ay matalim na nakatingin kay Amera na ngayon ay namumutla at balisa."No! Connor that's not true! How can I do that to my own son—," sabi nito ngunit pinutol ni JM ang gustong sabihin nito."Dahil makasarili ka! Dahil demonyo ka na klase ng ina. Sarili mong mga anak ay
CONNOR CAYDEN..."Don't let her go, Torres dahil ikaw ang malalagot sa akin," may diin sa boses na utos ni JM sa taohan ng ama. S'ya naman ay nakamata lang dito at namamangha ngunit ng tumalikod ito para umalis ulit ay mabilis n'ya itong hinabol."Wife!" tawag n'ya kay JM. Lumingon ito sa kan'ya ngunit blangko ang expression."Where are you going?" seryosong tanong ng asawa ng makita na sinundan n'ya ito."Sasama ako sayo," sagot n'ya dahil ayaw n'ya na magpaiwan sa bahay at hahayaan ito kung saan pumunta. Nakaramdam s'ya ng takot na baka hindi na ito bumalik. Sa nakikita n'ya ngayon sa asawa ay alam n'ya na kaya nitong umalis na mag-isa at hindi na babalik. Isang matapang at malakas na JM ang nasa harapan n'ya ngayon, malayo sa JM na una n'yang nakilala."I'm going to take Amelia in a safe place, Cayden. Your house is not safe anymore," paalam nito at naglakad patungo sa silid ng batang babae."Saan mo s'ya dadalhin?""Kakasabi ko lang Cayden, I'm going to bring Amelia to a safe plac
CONNOR CAYDEN...Umakyat s'ya sa hummer ni JM na hindi pa rin makapaniwala sa kan'yang mga nakikita at nalalaman tungkol sa asawa. Ibang-iba sa JM na nakasama n'ya sa kan'yang bahay na kahit ubod ng kalokohan ngunit busilak ang kalooban. Ang JM na kasama n'ya ngayon ay malamig, matigas at nakitaan n'ya ng katapangan na kahit sinong lalaki ay matatakot kapag nakita ito.Umalis agad sila matapos s'yang sigawan nito dahil nakatunganga lang s'ya kanina dulot ng sobrang pagkagulat. At habang nagmamaneho si JM ay may kinuha itong isang earpiece at ikinabit sa tainga nito. Ngayon pa lang s'ya nakakita ng babae na ganito kung kumilos. Napaka astig ng kan'yang asawa sa bawat galaw nito at pakiramdam n'ya ay dinaig pa s'ya na isang lalaki."Anong balita Ontoy?" nataohan s'ya ng marinig na may kausap si JM. Narinig n'ya ang pangalan na Ontoy at naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao dahil nakaramdam na naman s'ya ng inis dahil kausap ni JM ang lalaki na naengkwentro n'ya nakaraan sa hospital."Alri
CONNOR CAYDEN...Nakanganga lang s'ya habang nakasunod ang tingin sa asawa na sobrang bilis na inakyat ang mataas na pader. Ang daming nakakagulat na bagay kay JM na minsan ay hindi n'ya na alam kung asawa n'ya pa ba ang kasama n'ya o ibang tao na dahil sobrang layo na nito sa JM na pinakasalan n'ya.Nawala na ito sa kan'yang paningin at may narinig s'yang lagitnit ng gate mula sa kabilang bahagi kaya dali-dali n'yang tinungo ang pinanggalingan ng tunog. At hindi naman s'ya nagkamali dahil nakita n'ya ang asawa na binubuksan ang naturang gate.Nag-aalala pa s'ya rito na baka napilayan ito ng tumalon mula sa taas ngunit sa nakikita n'ya ngayon ay mukhang maayos naman ang kalagayan ng asawa.Lumapit s'ya kay JM at agad s'yang pinapasok ng asawa sa loob. Dali-dali din s'ya nitong hinila sa isang pader para magtago."Listen to me Cayden, mabuti pa siguro ay hintayin mo na lang ako dito dahil dilikado kung sasama ka pa sa akin. Baka mapahamak ka sa loob," sabi nito sa kan'ya ngunit umalma
CONNOR CAYDEN...Palitan ng mga putok ang maririnig sa buong lugar. Marami-rami na rin ang napatumba nilang mga kalaban ni JM. Hindi n'ya alam kung anong uri ng mga tao ang kumuha kay Ameil at kung bakit ng mga ito kinuha ang bata.Kung kautosan ito ni Amera, ano ang mapapala nito sa pagpapakidnap sa sariling anak? Samot-saring bagay ang gumugulo sa kan'yang isip ngunit iwinaksi n'ya muna ito sa kan'yang isip at ibinaling ang kan'yang atensyon sa mga kalaban.Si JM ay walang mintis ang bawat bala na pinapakawalan nito mula sa baril na hawak. Sino ang mag-aakala na ganito kagaling humawak ng baril ang babaeng pinakasalan n'ya.Nakakatakot man isipin ngunit sa likod ng kan'yang isip ay natutuwa din s'ya na malaman na ganito ka astig ang kan'yang asawa. Tunay namang napakaswerte n'ya rito. Maganda, sexy, maalaga, masarap magluto at napaka astig pagdating sa labanan.Bonus na lang ang katayuan ni JM sa buhay na hindi n'ya din inaasahan na isang mayaman pala. At kung nagkataon man na mahir
CONNOR CAYDEN...Natapos ang gulo at matagumpay nilang nakuha at nailigtas si Ameil. Agad na sinugod ito sa hospital para mapatingnan sa mga doctor dahil sa mga natamo nitong sugat sa katawan at trauma dahil sa nangyari.Igting ang kan'yang mga panga habang nakatayo sa labas ng kwarto ng bata na kinuha n'ya para rito. Hanggang ngayon ay pabalik-balik pa rin sa kan'yang isip ang kalunos-lunos na sitwasyon nito kanina ng matagpuan nilang dalawa ni JM.Walang puso ang mga gumawa nito sa batang walang kamuwang-muwang. Dumating ang mga kasama ni JM kanina para tulongan sila at napag-alaman n'ya na hindi lang pala sampong katao ang nasa warehouse na iyon kundi nasa mahigit tatlumpo para bantayan si Ameil.Nakakatawa dahil isang bata lamang ngunit dinaig pa ng mga ito ang nagbabantay sa presidente ng bansa. Nakilala n'ya din ang ilan sa mga kasama ni JM na rumesponde kanina.Ang isa ay anak ni Drake Lucas Toretto na isa sa mga investor ng isang kompanya kung saan ay mayroon din s'yang stocks
CONNOR CAYDEN...Ilang araw silang nanatili sa hospital bago sila pinayagan na lumabas. Medyo maayos na rin ang lagay ni Ameil at nakakausap na ito ngunit may mga pagkakataon pa rin na sa pagtulog nito ay bigla na lang itong nagigising at umiiyak dahil sa takot.Ayon sa doctor nito ay medyo matatagalan pa at mawala sa isip ni Ameil ang tungkol sa nangyari at kailangan nito ng masusing gabay at pag-alaga. Naka schedule din ang mga therapy nito every month at may counseling din ito para mas mapadali ang recovery nito mula sa trauma.Lahat ay ginawa ni JM para lang mapagaling ng tuloyan ang pamangkin nito. Nakita n'ya kay JM na magiging isang mabuting ina ito pagdating ng panahon.At hindi na s'ya makapaghintay na darating ang araw na iyon. He is more excited at naiisip n'ya pa lang na magkakaanak sila ng asawa ay sobrang napakasaya n'ya na."Are we good?" tanong n'ya sa asawa na s'yang nag-aayos ng mga gamit ni Ameil."Yeah! Pwede na tayong umuwi. Ameil are you excited to see Amelia? Sh