Hello Siobabies, bawi ako bukas sa update. Thank you ❤️❤️
CONNOR CAYDEN...Nakanganga lang s'ya habang nakasunod ang tingin sa asawa na sobrang bilis na inakyat ang mataas na pader. Ang daming nakakagulat na bagay kay JM na minsan ay hindi n'ya na alam kung asawa n'ya pa ba ang kasama n'ya o ibang tao na dahil sobrang layo na nito sa JM na pinakasalan n'ya.Nawala na ito sa kan'yang paningin at may narinig s'yang lagitnit ng gate mula sa kabilang bahagi kaya dali-dali n'yang tinungo ang pinanggalingan ng tunog. At hindi naman s'ya nagkamali dahil nakita n'ya ang asawa na binubuksan ang naturang gate.Nag-aalala pa s'ya rito na baka napilayan ito ng tumalon mula sa taas ngunit sa nakikita n'ya ngayon ay mukhang maayos naman ang kalagayan ng asawa.Lumapit s'ya kay JM at agad s'yang pinapasok ng asawa sa loob. Dali-dali din s'ya nitong hinila sa isang pader para magtago."Listen to me Cayden, mabuti pa siguro ay hintayin mo na lang ako dito dahil dilikado kung sasama ka pa sa akin. Baka mapahamak ka sa loob," sabi nito sa kan'ya ngunit umalma
CONNOR CAYDEN...Palitan ng mga putok ang maririnig sa buong lugar. Marami-rami na rin ang napatumba nilang mga kalaban ni JM. Hindi n'ya alam kung anong uri ng mga tao ang kumuha kay Ameil at kung bakit ng mga ito kinuha ang bata.Kung kautosan ito ni Amera, ano ang mapapala nito sa pagpapakidnap sa sariling anak? Samot-saring bagay ang gumugulo sa kan'yang isip ngunit iwinaksi n'ya muna ito sa kan'yang isip at ibinaling ang kan'yang atensyon sa mga kalaban.Si JM ay walang mintis ang bawat bala na pinapakawalan nito mula sa baril na hawak. Sino ang mag-aakala na ganito kagaling humawak ng baril ang babaeng pinakasalan n'ya.Nakakatakot man isipin ngunit sa likod ng kan'yang isip ay natutuwa din s'ya na malaman na ganito ka astig ang kan'yang asawa. Tunay namang napakaswerte n'ya rito. Maganda, sexy, maalaga, masarap magluto at napaka astig pagdating sa labanan.Bonus na lang ang katayuan ni JM sa buhay na hindi n'ya din inaasahan na isang mayaman pala. At kung nagkataon man na mahir
CONNOR CAYDEN...Natapos ang gulo at matagumpay nilang nakuha at nailigtas si Ameil. Agad na sinugod ito sa hospital para mapatingnan sa mga doctor dahil sa mga natamo nitong sugat sa katawan at trauma dahil sa nangyari.Igting ang kan'yang mga panga habang nakatayo sa labas ng kwarto ng bata na kinuha n'ya para rito. Hanggang ngayon ay pabalik-balik pa rin sa kan'yang isip ang kalunos-lunos na sitwasyon nito kanina ng matagpuan nilang dalawa ni JM.Walang puso ang mga gumawa nito sa batang walang kamuwang-muwang. Dumating ang mga kasama ni JM kanina para tulongan sila at napag-alaman n'ya na hindi lang pala sampong katao ang nasa warehouse na iyon kundi nasa mahigit tatlumpo para bantayan si Ameil.Nakakatawa dahil isang bata lamang ngunit dinaig pa ng mga ito ang nagbabantay sa presidente ng bansa. Nakilala n'ya din ang ilan sa mga kasama ni JM na rumesponde kanina.Ang isa ay anak ni Drake Lucas Toretto na isa sa mga investor ng isang kompanya kung saan ay mayroon din s'yang stocks
CONNOR CAYDEN...Ilang araw silang nanatili sa hospital bago sila pinayagan na lumabas. Medyo maayos na rin ang lagay ni Ameil at nakakausap na ito ngunit may mga pagkakataon pa rin na sa pagtulog nito ay bigla na lang itong nagigising at umiiyak dahil sa takot.Ayon sa doctor nito ay medyo matatagalan pa at mawala sa isip ni Ameil ang tungkol sa nangyari at kailangan nito ng masusing gabay at pag-alaga. Naka schedule din ang mga therapy nito every month at may counseling din ito para mas mapadali ang recovery nito mula sa trauma.Lahat ay ginawa ni JM para lang mapagaling ng tuloyan ang pamangkin nito. Nakita n'ya kay JM na magiging isang mabuting ina ito pagdating ng panahon.At hindi na s'ya makapaghintay na darating ang araw na iyon. He is more excited at naiisip n'ya pa lang na magkakaanak sila ng asawa ay sobrang napakasaya n'ya na."Are we good?" tanong n'ya sa asawa na s'yang nag-aayos ng mga gamit ni Ameil."Yeah! Pwede na tayong umuwi. Ameil are you excited to see Amelia? Sh
CONNOR CAYDEN...After he learned that JM left him without any notice he felt devastated and abandoned. Nasaktan s'ya ng sobra at parang ayaw tanggapin ng kan'yang isip na iniwan s'ya nito ng hindi nagpapaalam at hindi sila nag-uusap. Ilang araw n'yang tiniis na hindi ito makita, thinking that his wife might need some space to sort out things about the two kids kaya kahit masakit para sa kan'ya ay nagtiis s'ya ng ilang araw para lang pala masaktan ulit ng malaman n'ya na wala na ito sa bahay at walang nakakaalam kung nasaan ang mga ito.Nasa kwarto lang s'ya at nagkalat ang mga bote ng alak sa loob. Nakaupo s'ya sa sahig habang may hawak na inumin at lasing na lasing.Halos hindi na s'ya makagalaw dahil sa sobrang kalasingan. Ilang beses na ding tumawag si Brook sa kan'ya ngunit hindi n'ya sinasagot ang pinsan. His life is in a big mess at kasalanan n'ya din kung bakit s'ya umabot sa ganito. Kung sana ay hindi na lang s'ya nagbigay ng space sa asawa ng ilang araw, siguro ay baka nak
CONNOR CAYDEN..."Get up and fix yourself bastard! Kailangan ka ng kompanya mo ngayon! Alam mo ba na ngayong araw ang pag turn over ng CCC ENTERPRISE sa bagong may-ari nito and you as the owner ay nandito sa bahay mo at walang pakialam na nawala na sayo ang kompanya na pinaghirapan mo!" singhal na sermon sa kan'ya ni Brook.Nagtagis ang kan'yang mga bagang at naikuyom ang kan'yang kamao dahil sa narinig. Dumagdag pa itong problema n'ya sa kan'yang kompanya na kagagawan ng mga taong traidor at mga halang ang bituka."What happened to them?""Anong what happened to them? Bakit si Brook ang tinatanong mong gago ka? Si Brook ba ang may-ari ng kompanya mo?" singhal sa kan'ya ni Chuck na ngayon lang nila nakasamang magpipinsan. Hindi nila alam kung ano ang nangyari dito na bigla na lang nawala at hindi nagpakita ng ilang taon sa kanila."Tang'ina! Makasita ka kay Connor akala mong gago ka ay hindi mo din ginawa sa kompanya mo ang ginawa ng gago na to. Mas masahol ka pa Chuck! Kami lahat ang
CONNOR CAYDEN..."Hayop kang babae ka! Papatayin kita!"nasasaktan na banta ng anak ni Nakamura sa asawa ngunit tinaasan lamang ito ng kilay ni JM."Uunahin ko muna kayong mag-ama! Magbabayad kayong tatlo ni Amera sa ginawa n'yo sa kapatid ko at sa pamangkin ko at pati na sa pagnanakaw n'yo sa kompanya ng asawa ko!" nangangalaiti sa galit na sabi ni JM sa mga ito sabay duro sa mag-ama na parehong duguan na nakasalampak sa sahig.Akala n'ya ay ang mag-ama lang ang makakatikim ng galit ni JM ngunit nagulat s'ya ng bigla na lamang nitong hinablot sa braso ang kan'yang sekretarya ng akmang aalis at walang abeso na ibinalibag sa ibabaw ng mesa."Ohhhhh! You're dead," narinig n'yang sabi ni Briggs na nasa kan'yang likuran at sinundan pa ito ng pagtawa ni Charles na parang aliw na aliw sa nangyayari sa kanilang harapan."Where do you think you're going bitch? Akala mo ba ay makakatakas ka?" galit na singhal ni JM sa babae na namumutla at nakitaan ng takot sa mga mata."W-What do you mean? Wal
CONNOR CAYDEN..."Fvck!" malutong na mura n'ya habang papasok sa kan'yang opisina. Pagkatapos ng nangyari noong nakaraang linggo ay wala na s'yang balita sa mga tao na nangloko sa kan'ya.Ayon kay Henry ay kinuha na ang mga ito ni Briggs at Charles at dinala sa lugar kung saan nito pagbayaran ang mga ginawang panloloko sa kan'ya at sa kapatid ni JM. Hindi n'ya alam kung anong klaseng parusa ang ginawa ng asawa at mga pinsan sa mga ito."Sir, good morning ho, pinapatawag ka ng CEO," salubong sa kan'ya ng isa sa mga empleyado n'ya. Kakarating n'ya lang sa kompanya at ganito agad ang sinalubong sa kan'ya.Nang sabihin sa kan'ya ni JM na ito na ang bagong may-ari ng kan'yang kompanya ay hindi na s'ya umalma. Asawa n'ya naman ito at kung ito ang makakakuha ng kan'yang kompanya ay walang problema sa kan'ya.Mag-asawa sila at kung nagkataon man na hindi ito ang nakakuha sa kompanya na pinaghirapan n'ya ay babawiin n'ya naman ito mula sa nakakuha dahil mayroon na silang ginawang bagay para ma