CONNOR CAYDEN...Hindi pa s'ya tinantanan ni Amera at pumasok pa ito sa kan'yang kwarto habang umiiyak. Naupo ito sa sofa at s'ya naman ay nakatayo sa harapan nito habang nakatapis lamang ng tuwalya dahil hindi pa s'ya nakapagbihis simula pa kanina. Ang nasa isip n'ya ay ang asawa ngunit hindi n'ya din maiwan ang kaibigan na hindi n'ya alam kung bakit umiiyak na pumunta sa kan'yang silid."What happened Amera?" mahinahong tanong n'ya rito."May nagsend sa akin ng video ni Steve at ng babae n'ya. Akala ko naka move-on na ako pero masakit pa rin pala, masakit pa rin dito Connor," humagolhol na kwento nito na ang tinutukoy ay ang dating asawa nito. Nagpakawala s'ya ng hangin dahil kahit s'ya ay hindi alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan.Matagal ng hiwalay ito at ang dating asawa ngunit magpahanggang ngayon ay apektado pa rin ito sa tuwing may nakikitang may kasama ang dating asawa na ibang babae.Wala pa namang bagong asawa si Steve ngunit madalas itong nakikita na paiba-iba ng bab
CONNOR CAYDEN...Halos inumaga na s'ya sa labas ng pinto ni JM ngunit wala s'yang napala. Hindi man lang s'ya pinagbuksan ng asawa at hinayaan na makapagpaliwanag.Nakakasama ng loob dahil wala naman s'yang ginawa na masama. Tinulongan n'ya lang si Amera dahil hindi maganda ang pakiramdam nito. Nangalay na ang kan'yang mga paa sa kakatayo sa labas ngunit wala pa rin kaya naman ay nagpasya na s'yang umalis at umakyat sa taas.Igting ang mga panga na tinapunan n'ya ng huling tingin ang pintoan ng kwarto ni JM bago s'ya umalis para bumalik sa taas. Mag aalas singko na ng umaga at parang pipikit na ang kan'yang mga mata dahil sa antok.Deritso s'ya sa taas at pagkapasok sa kan'yang kwarto ay agad s'yang humiga sa kan'yang kama. Ilang beses s'yang nagbuga ng hangin dahil sa sobrang bigat ng kan'yang dibdib. Naiinis s'ya sa asawa dahil kahit sana pinagbuksan lang s'ya nito saglit para makapag paliwanag ng kan'yang side.Hindi man lang ito nagtanong sa kan'ya tungkol sa nakita. Agad-agad s'y
CONNOR CAYDEN...Matapos nilang kumain ay nagpasya na silang umalis. Kasama silang apat ng mga bata at ni Amera na sumampa sa sasakyan. Naiwan si JM sa bahay ng hindi sila nag-uusap. Alam n'ya na mali ang ginawa n'ya ngunit wala s'yang magawa. Nangyari na ang lahat at alam n'ya na kahit anong gawin n'ya ay hindi n'ya na maibabalik pa ang lahat. Babawi na lang s'ya kapag nagkausap na silang dalawa.Wala naman s'yang balak na habangbuhay na itong hindi kausapin, kukuha lang s'ya ng magandang pagkakataon para makapag-usap silang dalawa ng asawa."Are you ok love?" pukaw ni Amera sa kan'ya ng makita nito ang kan'yang pananahimik."Yup! I'm fine Amera, iniisip ko lang kung saan maganda dalhin itong dalawang boss na nasa likoran," nakangiting sagot n'ya sa kaibigan at sinilip ang dalawang bata sa likod na parehong nangingislap ang mga mata habang nakaupo sa likoran."Papa ninong bakit po hindi natin kasama si ate Inday? Sayang po kasi! Gusto ko pa sana s'yang kasama mamasyal," tanong ni A
CONNOR CAYDEN...Nabunotan s'ya ng tinik ng matapos ang pamamaril sa kanila. Nang hindi na makita ang taong tumulong sa kanila ay nagpasya s'yang itigil ang sasakyan sa gilid para silipin ang mag-ina.Agad n'yang ipinarada ang sasakyan sa gilid at tamang-tama lang na nakababa s'ya ng sasakyan at biglang dumating ang mga pulis. Maraming sasakyan din ang biglang nagsitigil sa gilid ng daan para makiusyoso sa nangyari."Amera! Are you ok? Amelia, Ameil, are you two ok?" sunod-sunod na tanong n'ya sa mga ito at mabilis na binuksan ang pintoan sa likod para e check ang mga bata."P-Papa ninong," nanginginig na tawag sa kan'ya ni Amelia. Agad n'ya itong kinuha mula sa pagkakasiksik sa ilalim ng upoan at sinunod si Ameil. Agad n'yang niyakap ang dalawang bata at ramdam n'ya ang panginginig ng katawan ng mga ito dahil sa takot.Si Amelia ay nanginginig habang tahimik na umiiyak ngunit si Ameil ay tahimik lang at hindi umiiyak ngunit ramdam n'ya ang panlalamig ng katawan nito tanda din ng tako
CONNOR CAYDEN...Nagulat s'ya ng makita ang suot ng asawa na napagitnaan ng mga bodyguards ng kan'yang ina. Hindi n'ya maipaliwanag ang hitsura nito at natulos lang s'ya sa kinatatayuan habang nakatingin sa hitsura ng asawa."Pinasok ang bahay n'yo at muntik ng mapahamak ang asawa mo. Connor this is not a simple matter anymore. Don't take it as a joke," anang ina sa kan'ya ng makita ang pagkagulat n'ya ng makita na may mga dugo ang damit ng asawa at may mga butas na animo'y napwersa ng kung sino.Wala sa sarili na naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao at nagtagis ang mga bagang habang ang mga mata ay nasa kan'yang asawa pa rin na walang emosyon ang mukha at nakatingin lamang sa kan'ya.Inilang hakbang n'ya ang pagitan nila at niyakap n'ya ito ng mahigpit. Hindi ito gumanti at parang kahoy na nakatayo lang at walang kabuhay-buhay."I'm sorry, I'm sorry wife," paghingi n'ya ng tawad kay JM. Kung hindi n'ya sana ito iniwan sa bahay ay hindi sana ito napahamak ngunit naisip n'ya na kung di
CONNOR CAYDEN..."Stop it! Bakit mo s'ya sinuntok?" galit na sigaw sa kan'ya ni JM ng tingalain s'ya nito."At kinakampihan mo pa ang gagong iyan? Baka nakalimutan mo na may asawa ka ng tao Jean Mary at walang ibang pwedeng humawak sayo kundi ako lang na asawa mo! Ako lang!" galit na sigaw n'ya pabalik sa asawa ngunit nagulat s'ya ng lumagapak sa kan'yang pisngi ang isang malakas na sampal mula sa babae."Ayan! Isang malakas na sampal para mataohan ka sa mga pinagsasabi mo! Asawa? Who? Ikaw? Bakit Cayden?Naalala mo ba na may asawa ka ng patirahin mo sa bahay ang kaibigan mo "daw"? " may diin na sagot nito sa kan'ya.Nagtagis ang kan'yang mga bagang at lihim na naikuyom ang kan'yang dalawang kamao. Akong gustong ipahiwatig nito? Na gumaganti ito sa ginawa n'ya kaya kahit sinong lalaki ay pwede itong hawakan o yakapin."Oh bakit ka natahimik? Bumalik sayo ang lahat, hindi ba? Bago mo sana pinatira sa bahay natin ang babaeng iyon ay naisip mo sana ang mararamdaman ko!""Fvck! What's wron
CONNOR CAYDEN..."Amera?" nagulat s'ya ng makita ang kaibigan na sakay sa wheelchair at papalapit sa kan'ya."What happened? Bakit narinig kong may nagsisigawan?" nagtatakang tanong nito ng makalapit sa kan'ya."Nothing! May pinag-uusapan lang kami ni JM?""JM?" nagtatakang tanong nito at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni JM. Hindi nito alam ang tawag n'ya sa asawa na JM dahil kapag nasa bahay sila ay Inday ang tawag n'ya kay JM ayon na rin sa pakilala nito kay Amera."What happened to your face? Bakit may pasa ka sa mukha love?" nag-aalalang tanong nito ng makita ang pasa sa kan'yang mukha mula sa suntok ng kaibigan ni JM."Hanep ma'frend! Ang kapal ng gilagid at sa sobrang kakapalan ay napunta sa mukha ang iba,' singit ng lalaki na kaibigan ni JM. Matalim n'ya itong tinapunan ng tingin ngunit nag peace sign lang ito sa kan'ya."What are you talking about?" nagtatakang tanong ni Amera sa lalaki na abot hanggang tainga ang ngisi. Ang sarap tirisin ng gorillang ito, kanina pa s'y
CONNOR CAYDEN...Nakalabas sila ng hospital at dumiretso ng uwi sa kan'yang bahay. Nakaagapay sa kanila ang mga bodyguards na ipinadala ng kan'yang daddy. Wala na s'yang magawa kundi ang tanggapin ang matagal na nitong inaalok sa kan'ya na mga bodyguards. Hindi n'ya na isusugal ang kaligtasan ng tatlo lalo na ng dalawang bata na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.May nagmamaneho din na taohan ng ama sa kan'yang sasakyan. Nakaupo s'ya sa passenger side at ang mag-ina ay nasa likod. Walang imik ang mga bata at ganon din si Amera kaya hinayaan n'ya na muna ang mga ito.Hindi n'ya na lang kinausap ang mga ito at itinuon na lang ang kan'yang atensyon sa unahan. Naintindihan n'ya ang pananahimik ng mga ito lalo na ng mga bata. Mamaya n'ya na kausapin ang tatlo lalo na ang dalawang bata para makahingi s'ya ng paumanhin sa mga ito. Nadamay pa ito sa gulo ng kan'yang buhay at muntik ng mapahamak.Narating nila ang kan'yang bahay na wala namang nangyari sa daan. Nauna s'yang bumaba at in