NALIE ATHALIA...Nagulo saglit ang kan'yang isip ngunit agad din namang nawala dahil sa ina ni Adrian. Hinatak s'ya ng ginang papasok sa kusina at wala s'yang nagawa kundi ang magpatianod na lang at sumunod dito.Hindi pa s'ya nakabawi sa pagkagulat ng makita at malaman na nasa bahay ni Adrian ang mga magulang nito. Hindi n'ya ito inaasahan dahil ang pagkakaalam n'ya ay silang tatlo lang ni Adrian at Khairo ang nakakaalam na nandito sila.Kahit si Peter na matalik n'yang kaibigan at pinsan mismo ni Adrian ay hindi n'ya sinabihan kung saan sila uuwi paglabas nila ng hospital dahil kahit s'ya ay wala ding alam na dito sila dadalhin ng binata."Iha tikma mo itong niluto ko, paborito ito ni Adrian at hindi ko alam na paborito din pala ng apo ko. Oh my gosh, I'm so happy to meet my dear Khairo, iha. At talagang sinunod mo pa sa pangalan ng ama ni Adrian,huh! You are so sweet darling, thank you so much Nalie, thank you for loving Adrian at sa pagpapakilala mo sa apo namin sa amin. Hindi mo
NALIE ATHALIA...Nagising s'ya na mag-isa na lamang sa kwarto. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin at walang ibang tao sa loob. Siguro ay lumabas si Adrian at hinayaan na muna s'ya na makapagpahinga. Marahas s'yang napabuntong hininga dahil alam n'ya kung bakit nandito na naman s'ya sa kama at nakahiga. Hindi n'ya napigilan ang sarili kagabi. Itinaon pa talaga na nandito ang mga magulang ni Adrian at sinumpong s'ya ng kan'yang sakit.Nawalan s'ya ng malay kanina ng makita ang litrato ng kan'yang ama na ipinadala ng kung sino. Nang maalala iyon iyon ay dali-dali s'yang bumangon at hinanap ang kan'yang cellphone ngunit hindi n'ya ito makita kaya wala s'yang nagawa kundi ang pabagsak na naupo sa kama.Naihilamos n'ya ang kan'yang mga palad sa mukha dahil sa sobrang frustration."Kailan pa matatapos to? Kailan pa mawawala sa akin ang ganitong sakit sa tuwing may bumabalik na alaala ng pamilya ko? Pagod na ako Dyos ko, hanggang kailan ko dadalhin ang mapait na karanasan sa nangyari sa pamil
NALIE ATHALIA...FLASHBACK...Totoo sa sinabi nito si mang Berto. Inihatid sila nito sa sariling bahay sa bayan. Namangha pa s'ya ng makita ang bahay ng matanda. Napakalayo nito sa nakasanayan na bahay ng mga taga lugar nila.Gawa sa semento ang bahay at maayos ang pagkakagawa. Halatang ginastosan ito ng malaking halaga. Nasa loob din ng isang subdivision ang bahay ni mang Berto at medyo tahimik dito banda at malayo ang agwat ng mga kapitbahay kaya masasabi n'ya na ligtas sila dito at hindi agad-agad na mahuhuli ng mga taohan ni senyor Romeo kapag ipinahanap sila."Nalie pagpasensyahan n'yo na itong bahay ko. Hindi pa kumpleto ang mga gamit ngunit ang mga pangunahing gamit sa araw-araw ay mayroon naman dito. Ikaw na ang bahala dito ha at mag-iingat kayo ng nanay mo. Ang mga habilin ko sayo, huwag na huwag mong kakalimutan. Dito ko kayo pinatira dahil hindi ito alam ni senyor Romeo at hindi maisip ng matandang iyon na sa isang subdivision kayo nagtatago. Kaya kahit paano ay panatag ang
NALIE ATHALIA...Nang mahimasmasan ay dali-dali s'yang tumayo. Hindi man lang s'ya tinulongan ng lalaki na nabangga n'ya. Kahit s'ya ang nakabangga dito ngunit babae pa rin s'ya at sana ay nagpaka gentleman man lang ito.Pero ano ba ang aasahan n'ya? Sa hitsura n'ya pa lang ay walang lalaki na papansin sa kan'ya. Mukha lang naman s'yang manang na bumaba mula sa bundok."Nakakainis ang lalaking iyon ah, hindi man lang ako tinulongan," maktol n'ya habang nagpapagpag ng kan'yang palda. Nagpalinga-linga s'ya ngunit hindi n'ya na nakita pa ang lalaki. Hindi n'ya na lamang pinansin pa ang nangyari, may mahalagang bagay s'ya na kailangan na unahin.Nagpatuloy s'ya sa paglalakad para maghanap ng law firm na makakatulong sa kaso ng kan'yang ama.Hindi n'ya ininda ang init na tumatama sa kan'yang balat. Ang mahalaga sa kan'ya ay ang mahanap ang kan'yang hinahanap.Inisa-isa n'ya ang lahat ng mga establishmento sa lugar na iyon. Marami-rami na din ang mga tao sa paligid dahil mag-aalas otso n
NALIE ATHALIA...FLASHBACK...Umuwi s'ya agad sa bahay ni mang Berto. Naabutan n'ya ang kan'yang ina na nasa kwarto at nakaupo sa kama. Ngunit nawindang s'ya ng makitang hilam sa luha ang mukha nito."Nay, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" agad na tanong n'ya rito at mabilis na lumapit sa ina.Lumuhod s'ya sa harapan nito at agad na hinawakan ang dalawang kamay ng ginang."Nay bakit ka umiiyak, anong nangyari? May masakit ba sayo?" puno ng pag-aalala na tanong n'ya."Umuwi ka? Hindi mo ako iniwan? Akala ko iniwan mo na din ako katulad ni Alonso. Lungkot si Narsing, iniwan na ng lahat," sagot nito habang umiiyak. Parang piniga ang kan'yang puso ng marinig ang sinabi nito.Agad n'yang niyakap sa tyan ang ina at isinubsob ang mukha doon. Ipinalibot n'ya din ang mga braso sa bewang nito para maramdaman nito na nandito lang s'ya, na magkasama pa rin sila. Na hindi n'ya ito iniwan at kahit kailan ay hindi n'ya naisip na gawin iyon.Magkamatayan na ngunit mananatili sila na magkasama ng kan
NALIE ATHALIA...Natigil s'ya sa pag-iwas ng marinig ang pagsigaw ng lalaki. Hindi s'ya humarap dito at nanatili lamang na nakatayo dahil sa sobrang takot."May nakita ka bang mag-ina dito? Isang matanda at isang dalagita na mahaba ang buhok at maputi?" narinig n'yang tanong muli ng lalaki.Hindi s'ya kumilos at nanatili lang na nakatayo sa kan'yang kinatatayuan."Wala po, wala namang nagawi dito na mag-ina na sinasabi mo. Kung mayroon mang mag-ina ay mga bata ang kasama at hindi dalagita," narinig n'yang sagot ng isang babae.Mariin n'yang naipikit ang kan'yang mga mata at dahan-dahan na nagpakawala ng hangin. Akala n'ya ay s'ya na ang tinatawag ng lalaki. Akala n'ya ay mahuhuli na s'ya ng mga ito.Nang maisip ang bagay na iyon ay agad s'yang nahimasmasan. Pa simply s'yang umalis sa lugar na iyon at hindi na lamang tumuloy sa pagbili ng tinapay para sa kan'yang ina.Nang medyo malayo na sa mga taong nag-uusap ay dahan-dahan s'yang lumingon sa mga ito at nakita n'ya na hinaharang ng
NALIE ATHALIA...Lumipas ang dalawang linggo, dumating din ang araw na sinabi sa kan'ya ni Ms. Katherine na babalik sa opisina nito.Kaya katulad ng nakagawian ay maaga s'yang nagising at nag-ayos. Nagluto para sa ina bago umalis ng bahay.Ganon pa rin ang kan'yang suot. Mas mabuti na ang ganito dahil hindi agad s'ya makikilala ng mga taohan ni senyor Romeo.Siguro ay hindi na nakaabang ang mga ito sa mga daanan ngayon. Dalawang linggo na rin noong huli n'yang punta sa sentro at iyon ang araw na nalaman n'ya at nasaksihan mismo na hinahanap sila ng mga taohan ng dating amo.Sumakay s'ya ng tricycle papunta sa sentro. Katulad noong nakaraan ay maaga pa s'ya para wala pang gaanong tao sa opisina ni Ms. Katherine. Agad s'yang dumiretso doon at pumasok.Naabutan n'ya ang babae na kakalapag lang ng bag nito. Siguro ay kakarating lang din at nauna lang ito ng ilang minuto sa kan'ya."Nalie ang aga mo ah," nakangiting bungad nito sa kan'ya. Tipid n'ya itong nginitian at binati pabalik."Mag
NALIE ATHALIA...Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Gabi na at nasa sahig pa rin s'ya nakasalampak habang nakasandig sa kama ang kan'yang likod.Sa kan'yang likuran ay ang kan'yang ina na wala ng buhay simula pa siguro kaninang madaling araw at hindi n'ya man lang napansin iyon.Siguro kung hindi s'ya umalis para pumunta sa law firm ay baka buhay pa ito. Baka nagising n'ya pa ito ng maaga at nailigtas pa. Siguro ay kasama n'ya pa rin ito ngayon.Sinisisi n'ya ang kan'yang sarili na iniwan n'ya itong mag-isa ngunit may bahagi din ng kan'yang isip na nagsasabi na wala s'yang kasalanan sa nangyari sa ina.Na ginawa n'ya lang kung ano ang tama. Hindi n'ya alam kung may sakit na ang nanay n'ya o binangungot lang ito. Wala na din s'yang luha na mailabas. Maga na ang kan'yang mga mata ng mga oras na iyon.Wala din s'yang maisip na gagawin sa ina. Ayaw tanggapin ng kan'yang isip at puso na wala na ito. Parang ayaw n'yang ipaalam sa iba na patay na ang kan'yang nanay da