MELCU CHUCK... "Mama! Gising ka na po? Daddy gising na talaga si mama? Totoo na po na dilat mga mata n'ya? You are not pranking me, right?" inosenteng tanong ni Pia sa kan'ya. Nakaramdam s'ya ng awa sa kan'yang anak dahil lumaki ito na walang ina. Nakikita n'ya din na sa murang edad ay masyado ng independent ang anak sa mga bagay na kaya nito. Kaya nga hindi s'ya nahihirapan noong iniwan ito ni Carter sa kan'ya dahil hindi na ganon ka alagain si Pia. At nakikita n'ya din na may maayos na disiplina ang kanilang anak ni Courtney kahit wala ang mga magulang nito sa tabi. Isa sa mga bagay na gusto n'yang pasalamatan kay Carter. Kahit may pagkamaloko ito ngunit napalaki nito at naalagaan ng maayos ang pamangkin. Utang n'ya ang buhay ng kan'yang mag-ina kay Carter. Kung hindi ito dumating sa lugar kung saan nangyari ang aksidente ay baka kung hindi n'ya na nakita pa kan'yang mag-ina. Hindi sana s'ya nakaranas ng pakiramdam na magkaroon ng kan'yang sariling pamilya katulad ng kan'yang m
MELCU CHUCK... "Tatlong araw na ang nakalipas simula ng magkakilala ang kan'yang mag-ina at sobrang saya n'ya na sa wakas ay kumpleto at buo na sila. Ang anak nila ay ayaw ng umuwi kaya wala s'yang nagawa kundi ang hayaan itong mananatili sa hospital. Maayos-ayos na din ang kalagayan ni Courtney at ang pagdating ni Pia ay may malaking tulong para sa recovery ng kan'yang asawa. Nakikita n'ya sa mga mata ni Courtney ang kagustohan nito na gumaling na agad para maalagaan ang kanilang anak. "Hon," tawag ng asawa sa kan'ya. Nilingon n'ya ito at naabutan ito na inginuso si Pia na nakasiksik sa gilid ng ina nito at mahimbing na natutulog. Kani-kanina lang ay nakikipaglaro pa ito kay Courtney habang nakasampa sa hospital bed ng ina ngunit ngayon ay mahimbing na itong natutulog. Patunay lang ang tunog ng hilik ng anak na pareho nilang ikinatawa ni Courtney. Lumapit s'ya sa kama at dahan-dahan na kinarga ang anak para ilipat sa isang kama na s'yang tinulogan nilang dalawa ng anak. Hindi sil
MELCU CHUCK... "W-What? I-Is that true? H-Hindi ako totoong anak ni daddy?" nanubig ang mga mata at nanginginig ang labi na tanong ni Courtney sa kan'ya ng marinig ang kan'yang sinabi. Naawa s'ya sa kan'yang asawa ngunit wala s'yang magawa. Hindi habangbuhay na maitatago n'ya dito ang totoo. And she deserves to know her real family and to be happy. Alam n'ya na simula pagkabata ay hindi naramdaman ni Courtney ang pagmamahal ng isang ama kahit kasama nito ang kinalakhang ama. Kaya kailangan ng malaman nito ang totoo. Kahit may hindi sila pagkakaunawan ng tunay na ama nito ngunit nakikita n'ya naman sa matanda na mahal na mahal nito ang nag-iisang anak na babae. Idagdag mo pa si Carter na sobra-sobra din ang pagmamahal sa kapatid. Sigurado s'ya sa kan'yang sarili na kapag nalaman ni Courtney na may ibang pamilya pa ito maliban sa tatay-tatayan nito na demonyo ay magiging masaya ang asawa at iyan ang mahalaga sa kan'ya. Ang kasiyahan ni Courtney ay kasiyahan n'ya din at deserve iyo
MELCU CHUCK... Pagkatapos malaman ni Courtney ang tungkol sa kapatid at totoong ama nito ay naging mas maaliwalas ang hitsura ng asawa. Kinabukasan ay dumating din ang ama nito at hindi katulad kagabi kay Carter ng ipinakilala n'ya sa asawa ay mas naging emosyonal ang pagkikita ng mag-ama. Lumabas muna s'ya para bigyan ng privacy ang mga ito na makakapag-usap. Hindi pa sila nag-uusap ng ama ni Courtney at balak n'ya na mamaya n'ya na lang ito kakausapin para makipag-ayos dito. Hindi naman s'ya lumayo at nasa labas lang ng kwarto ng asawa. Kasama ng mga ito si Pia at Carter sa loob. Naupo s'ya sa upoan at isinandig ang ulo sa pader. Ang gaan na ng kan'yang pakiramdam ng mga oras na ito. Unti-unti ng bumabalik sa maayos ang lahat. Ang ama na lang ni Courtney ang problema n'ya ngayon pero mamaya ay kakausapin n'ya ito at makipag-ayos na sa matanda. Hindi naman pwede na ganito na lang sila hanggang sa huli dahil magiging pamilya n'ya na rin ang mga ito. At isa pa ay matanda na ang
MELCU CHUCK... Katulad sa nangyari noong nakita n'ya ang pamilyar na pigura ay hindi n'ya ulit ito naabutan. Ilang beses s'yang nagpalinga-linga sa paligid para hanapin ito ngunit hindi n'ya na ito namataan pa. "What's wrong fvcker? At sino ang hinabol mo?" nagtataka na tanong ni Carter sa kan'ya mula sa likuran. Sumunod din pala ito sa kan'ya para alamin kung bakit bigla na lang s'yang tumakbo at may hinabol. "Nothing! I thought, I saw a friend," sagot n'ya rito at inilibot ulit ang tingin sa paligid bago ibinaling kay Carter ang atensyon. "A friend my ass! Ayusin mo ang sagot mo Carson dahil kapag nalaman ko na niloloko mo ang kapatid ko ay babalatan kita ng buhay," may diin sa boses na banta nito sa kan'ya. "Fvck you! Iyan ang bagay na wala sa isip ko, idiot! I love my wife and my family is my life! At wala sa isip ko ang gagawa ng kapolpolan na ikakasira ng binuo at iniingatan kong pamilya," matigas na sagot n'ya kay Carter at agad na nilagpasan ito para iwan. Sinadya n'ya pa
MELCU CHUCK... "Welcome to our new home guys!" masayang bati n'ya sa kan'yang mag-ina ng makapasok sila sa loob ng bahay. "Wow! This is big honey," masayang sabi ng asawa habang inilibot ang mga mata sa buong lugar. "And awesome!" sabat naman ni Pia na mahina n'yang ikinatawa. Agad itong tumakbo sa sofa at naupo habang inilibot ang tingin sa malawak na sala. Courtney is a Zobel at mayaman ang pamilya nito kaya hindi s'ya bibili ng maliit na bahay para sa kan'yang mag-ina. He bought a mansion in London in the most expensive area. Zobel ang kan'yang asawa at Carson s'ya, hindi din naman s'ya alangan sa mga ito kung yaman lang din ang pag-uusapan. Hindi sa nagmamalaki s'ya sa pamilya nito gusto n'ya lang na ipakita sa ama at kapatid ni Courtney na kaya n'yang buhayin ang kan'yang mag-ina at bigyan ng magandang buhay na hindi umaasa sa iba. "Do you like our new house? We will stay here hanggang gusto n'yong dalawa." "How about your work in the Philippines? A-And, a-ahmmm, yong c-co
MELCU CHUCK...Madaling lumipas ang mga araw at parang kailan lang, dalawang buwan na pala simula ng makalabas si Courtney sa hospital.At mas naging kampanti na s'ya ngayon dahil bumalik na ang lakas ng asawa. Ang dating halos buto at balat na katawan nito ay nagkaroon na din ng laman at halos bumalik na ito sa dating katawan nito.Kung titingnan ang kan'yang asawa ay parang hindi lang ito naratay sa hospital ng apat na taon. Nasa London pa rin sila at wala pa s'yang balak na umuwi ng Pilipinas dahil may mga check ups pa si Courtney at hanggang ngayon ay under observation pa rin ang paggaling nito.Ayon kay Carter ay maganda naman daw ang mga test na ginawa dito at mukhang tuloyan na talagang gagaling ang kan'yang asawa. Pati ang mga therapy nito ay hanggang nitong buwan na lang at magandang senyales iyon para sa lubosan ng paggaling ni Courtney.Walang hanggang pasasalamat ang kan'yang ginawa sa buhay ng kan'yang pinakamamahal na asawa."Daddy let's go!" nagbalik lang s'ya sa kan'y
MELCU CHUCK... Inayos n'ya ang sarili bago pumasok sa loob ng sasakyan para hindi mahalata ng kan'yang asawa at anak ang kan'yang pagkabahala. Sa sinabi ni Carter sa kan'ya ay hindi n'ya maiwasan ang makaramdam ng pagkabahala para sa kan'yang mag-ina ngunit alam n'ya na hindi mangyayari ang kan'yang iniisip dahil magpahanggang ngayon ay marami pa rin ang nakabantay sa kanila na taohan ni Henry at ni Dr. Evans. They are just watching them from afar para hindi magtaka si Courtney ngunit alam n'ya na nasa paligid lang ang mga ito. Nagbuga s'ya ng hangin bago ipinasya na pumasok sa sasakyan. "How's my girls?" nakangiti na tanong n'ya sa kan'yang mag-ina na masaya na nagkukwentohan pagkapasok n'ya sa loob ng sasakyan. "We're good daddy, mommy is telling me that— "look at your daddy, mi prinsesa, he is so handsome while talking to your uncle on the phone," madaldal na sumbong ni Pia sa kan'ya. Nilingon n'ya si Courtney na agad na nag-iwas ng tingin habang namumula ang mukha. Sumilay an