MELCU CHUCK... "Welcome to our new home guys!" masayang bati n'ya sa kan'yang mag-ina ng makapasok sila sa loob ng bahay. "Wow! This is big honey," masayang sabi ng asawa habang inilibot ang mga mata sa buong lugar. "And awesome!" sabat naman ni Pia na mahina n'yang ikinatawa. Agad itong tumakbo sa sofa at naupo habang inilibot ang tingin sa malawak na sala. Courtney is a Zobel at mayaman ang pamilya nito kaya hindi s'ya bibili ng maliit na bahay para sa kan'yang mag-ina. He bought a mansion in London in the most expensive area. Zobel ang kan'yang asawa at Carson s'ya, hindi din naman s'ya alangan sa mga ito kung yaman lang din ang pag-uusapan. Hindi sa nagmamalaki s'ya sa pamilya nito gusto n'ya lang na ipakita sa ama at kapatid ni Courtney na kaya n'yang buhayin ang kan'yang mag-ina at bigyan ng magandang buhay na hindi umaasa sa iba. "Do you like our new house? We will stay here hanggang gusto n'yong dalawa." "How about your work in the Philippines? A-And, a-ahmmm, yong c-co
MELCU CHUCK...Madaling lumipas ang mga araw at parang kailan lang, dalawang buwan na pala simula ng makalabas si Courtney sa hospital.At mas naging kampanti na s'ya ngayon dahil bumalik na ang lakas ng asawa. Ang dating halos buto at balat na katawan nito ay nagkaroon na din ng laman at halos bumalik na ito sa dating katawan nito.Kung titingnan ang kan'yang asawa ay parang hindi lang ito naratay sa hospital ng apat na taon. Nasa London pa rin sila at wala pa s'yang balak na umuwi ng Pilipinas dahil may mga check ups pa si Courtney at hanggang ngayon ay under observation pa rin ang paggaling nito.Ayon kay Carter ay maganda naman daw ang mga test na ginawa dito at mukhang tuloyan na talagang gagaling ang kan'yang asawa. Pati ang mga therapy nito ay hanggang nitong buwan na lang at magandang senyales iyon para sa lubosan ng paggaling ni Courtney.Walang hanggang pasasalamat ang kan'yang ginawa sa buhay ng kan'yang pinakamamahal na asawa."Daddy let's go!" nagbalik lang s'ya sa kan'y
MELCU CHUCK... Inayos n'ya ang sarili bago pumasok sa loob ng sasakyan para hindi mahalata ng kan'yang asawa at anak ang kan'yang pagkabahala. Sa sinabi ni Carter sa kan'ya ay hindi n'ya maiwasan ang makaramdam ng pagkabahala para sa kan'yang mag-ina ngunit alam n'ya na hindi mangyayari ang kan'yang iniisip dahil magpahanggang ngayon ay marami pa rin ang nakabantay sa kanila na taohan ni Henry at ni Dr. Evans. They are just watching them from afar para hindi magtaka si Courtney ngunit alam n'ya na nasa paligid lang ang mga ito. Nagbuga s'ya ng hangin bago ipinasya na pumasok sa sasakyan. "How's my girls?" nakangiti na tanong n'ya sa kan'yang mag-ina na masaya na nagkukwentohan pagkapasok n'ya sa loob ng sasakyan. "We're good daddy, mommy is telling me that— "look at your daddy, mi prinsesa, he is so handsome while talking to your uncle on the phone," madaldal na sumbong ni Pia sa kan'ya. Nilingon n'ya si Courtney na agad na nag-iwas ng tingin habang namumula ang mukha. Sumilay an
MELCU CHUCK... "Courtney, what happened?" agad na binitawan n'ya ang kan'yang hawak at agad na tumakbo sa asawa. Naabutan n'ya itong nanginginig habang nakatingin sa kung ano sa damohan. Pati ang anak nila ay mabilis din na tumakbo papunta sa ina nito na nanginginig at parang takot na takot sa nakita. Sinundan n'ya ng tingin ang damohan kung saan nakatingin si Courtney at ganon na lang ang kan'yang pagmumura ng makita ang isang patay na pusa na nakahandusay sa damohan. Duguan ang naturang pusa at parang brutal na pinatay. Warak ang lalamunan ng pusa at lumalabas din ang mga lamang-loo nito. Dilat ang mga mata ngunit ang isa ay nakalabas na ang eyeball. Kahit s'ya ay lihim na napangiwi at ilang beses na napalunok ng laway ng makita ang naturang patay na pusa. "Baby it's ok! It's just a cat, ok?" alo n'ya rito na agad na niyakap ang asawa para patahanin. Ipinalibot nito ang sobrang lamig na mga braso sa kan'yang bewang at isinubsob ang mukha sa kan'yang dibdib. "Daddy what h
MELCU CHUCK... Lumipas ang mga araw at napapansin n'ya na madalas ay parang balisa si Courtney ngunit hindi ito nagsasabi sa kan'ya kung ano ang dahilan. Simula ng may mangyari sa park na pinuntahan nila noong nakaraang linggo ay madalas balisa na ito at parang hindi mapakali. Ginawa n'ya rin ang lahat para mahanap ang bata na naghagis ng naturang pusa sa harapan ni Courtney at nahuli naman ito ng mga taohan ni Henry ngunit ng komprontahin n'ya ito ay napansin n'ya na wala ito sa tamang pag-iisip at kung ano-ano ang mga sinasabi kaya wala din s'yang nagawa kundi ang hayaan na lang ito sa buhay. Ngunit ang impact sa kan'yang asawa ay hindi maganda dahil madalas, kaunting tunog lang ng bagay na masagi o mahulog ay nagugulat na agad ito at nanginginig sa takot. Tumawag na s'ya kay Carter para ipaalam ang nangyari at nangako ito na bibisita sa kanila pagkauwi nito galing sa Barcelona. Nag refer din ito ng ibang doctor ngunit mas gusto n'ya na si Carter ang titingin sa kapatid nito. P
MELCU CHUCK... "Damn it! Findi the person who did this to my wife at iharap mo s'ya sa akin!" nangangalaiti na sigaw n'ya kay Henry na kausap sa telepono ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi n'ya alam kung ano ang gagawin sa kan'yang mag-ina. Pareho ang mga ito na takot na takot ng makita ang peke na pugot na ulo ng tao na puno ng dugo na s'yang nakapaloob sa naturang box na ipinadala kay Courtney. "Calm down, Chuck, we are working on it," pampakalma sa kan'ya ng pinsan ngunit mas lalo lang umigting ang kan'yang panga sa narinig. Hindi na s'ya pwedeng kumalma dahil hindi na maganda ang nangyayari ngayon. Hindi na s'ya naniniwala na aksidente ang nangyari sa park at sigurado s'ya na sinadyang gawin iyon pati na ang pagpapadala ng package ngayon na nakapangalan kay Courtney. "I can't calm down, Henry! Nagkaroon na ng trauma ang mag-ina ko and I can't just sit here and wait for nothing! Akala ko ba may pinapabantay kayo, bakit nakakalapit pa rin ang mga hayop
MELCU CHUCK... "Why do we need to move to dad's house, Chuck? What's going on?" nagtatakang tanong ni Courtney sa kan'ya ng sabihin n'ya rito ang kan'yang plano. Nagpakawala s'ya ng hangin bago lumapit sa asawa. He cupped her face at masuyong pinakatitigan ito. Nakikita n'ya pa rin ang takot sa mga mata ni Courtney at hindi s'ya papayag na ganito na lang ito hanggang sa huli. Hindi s'ya papayag na hindi mapayapa ang isip nito dahil sa mga nangyayari. "We need to do this, Pumpkin para matapos na to. I want you and Pia to live peacefully and safely at all times kaya kailangan kong gawin to. It won't take long, Pumpkin. Ipinapangako ko sayo na pagkatapos nito ay hindi na tayo maghihiwalay na tatlo. Just this one at ligtas kayo sa bahay ng daddy mo, habang wala ako," paliwanag n'ya sa asawa. "What do you mean na wala ka? Are you going somewhere? Iiwan mo kami?" "It's not like that! I am going to hunt the person who is doing this to you, the person who is threatening you and giving yo
MELCU CHUCK... "Thank you dad," pasasalamat n'ya sa ama ni Courtney ng makaharap n'ya ito. Agad na sinabi n'ya sa ama ng asawa ang kan'yang pakay at walang pag-alinlangan na tinanggap sila sa pamamahay nito. Kahit may pagka strikto ang ama ni Courtney qt madalas ay poker face ang mukha ngunit nakikita n'ya rito na isa itong mapagmahal na ama sa mga anak nito. Siguro ay mali lang talaga ang kan'yang pagkakakilala rito noong una n'ya itong makaharap lalo na noong nag-usap silang dalawa at hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap. "Why are you thanking me, asshole? Courtney is my daughter and Pia is my precious granddaughter, and it is my responsibility too, to protect them and make sure that they are safe," sita sa kan'ya ng kan'yang byenan. Nakapag-usap na sila at nagkaayos bago pa nakalabas si Courtney sa hospital kaya alam n'ya na hindi naman ito mean sa kan'ya. Natural sa matandang Zobel ang pagka prangka at deritso sa punto kung magsalita. He is a father kaya