MELCU CHUCK... "Courtney, what happened?" agad na binitawan n'ya ang kan'yang hawak at agad na tumakbo sa asawa. Naabutan n'ya itong nanginginig habang nakatingin sa kung ano sa damohan. Pati ang anak nila ay mabilis din na tumakbo papunta sa ina nito na nanginginig at parang takot na takot sa nakita. Sinundan n'ya ng tingin ang damohan kung saan nakatingin si Courtney at ganon na lang ang kan'yang pagmumura ng makita ang isang patay na pusa na nakahandusay sa damohan. Duguan ang naturang pusa at parang brutal na pinatay. Warak ang lalamunan ng pusa at lumalabas din ang mga lamang-loo nito. Dilat ang mga mata ngunit ang isa ay nakalabas na ang eyeball. Kahit s'ya ay lihim na napangiwi at ilang beses na napalunok ng laway ng makita ang naturang patay na pusa. "Baby it's ok! It's just a cat, ok?" alo n'ya rito na agad na niyakap ang asawa para patahanin. Ipinalibot nito ang sobrang lamig na mga braso sa kan'yang bewang at isinubsob ang mukha sa kan'yang dibdib. "Daddy what h
MELCU CHUCK... Lumipas ang mga araw at napapansin n'ya na madalas ay parang balisa si Courtney ngunit hindi ito nagsasabi sa kan'ya kung ano ang dahilan. Simula ng may mangyari sa park na pinuntahan nila noong nakaraang linggo ay madalas balisa na ito at parang hindi mapakali. Ginawa n'ya rin ang lahat para mahanap ang bata na naghagis ng naturang pusa sa harapan ni Courtney at nahuli naman ito ng mga taohan ni Henry ngunit ng komprontahin n'ya ito ay napansin n'ya na wala ito sa tamang pag-iisip at kung ano-ano ang mga sinasabi kaya wala din s'yang nagawa kundi ang hayaan na lang ito sa buhay. Ngunit ang impact sa kan'yang asawa ay hindi maganda dahil madalas, kaunting tunog lang ng bagay na masagi o mahulog ay nagugulat na agad ito at nanginginig sa takot. Tumawag na s'ya kay Carter para ipaalam ang nangyari at nangako ito na bibisita sa kanila pagkauwi nito galing sa Barcelona. Nag refer din ito ng ibang doctor ngunit mas gusto n'ya na si Carter ang titingin sa kapatid nito. P
MELCU CHUCK... "Damn it! Findi the person who did this to my wife at iharap mo s'ya sa akin!" nangangalaiti na sigaw n'ya kay Henry na kausap sa telepono ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi n'ya alam kung ano ang gagawin sa kan'yang mag-ina. Pareho ang mga ito na takot na takot ng makita ang peke na pugot na ulo ng tao na puno ng dugo na s'yang nakapaloob sa naturang box na ipinadala kay Courtney. "Calm down, Chuck, we are working on it," pampakalma sa kan'ya ng pinsan ngunit mas lalo lang umigting ang kan'yang panga sa narinig. Hindi na s'ya pwedeng kumalma dahil hindi na maganda ang nangyayari ngayon. Hindi na s'ya naniniwala na aksidente ang nangyari sa park at sigurado s'ya na sinadyang gawin iyon pati na ang pagpapadala ng package ngayon na nakapangalan kay Courtney. "I can't calm down, Henry! Nagkaroon na ng trauma ang mag-ina ko and I can't just sit here and wait for nothing! Akala ko ba may pinapabantay kayo, bakit nakakalapit pa rin ang mga hayop
MELCU CHUCK... "Why do we need to move to dad's house, Chuck? What's going on?" nagtatakang tanong ni Courtney sa kan'ya ng sabihin n'ya rito ang kan'yang plano. Nagpakawala s'ya ng hangin bago lumapit sa asawa. He cupped her face at masuyong pinakatitigan ito. Nakikita n'ya pa rin ang takot sa mga mata ni Courtney at hindi s'ya papayag na ganito na lang ito hanggang sa huli. Hindi s'ya papayag na hindi mapayapa ang isip nito dahil sa mga nangyayari. "We need to do this, Pumpkin para matapos na to. I want you and Pia to live peacefully and safely at all times kaya kailangan kong gawin to. It won't take long, Pumpkin. Ipinapangako ko sayo na pagkatapos nito ay hindi na tayo maghihiwalay na tatlo. Just this one at ligtas kayo sa bahay ng daddy mo, habang wala ako," paliwanag n'ya sa asawa. "What do you mean na wala ka? Are you going somewhere? Iiwan mo kami?" "It's not like that! I am going to hunt the person who is doing this to you, the person who is threatening you and giving yo
MELCU CHUCK... "Thank you dad," pasasalamat n'ya sa ama ni Courtney ng makaharap n'ya ito. Agad na sinabi n'ya sa ama ng asawa ang kan'yang pakay at walang pag-alinlangan na tinanggap sila sa pamamahay nito. Kahit may pagka strikto ang ama ni Courtney qt madalas ay poker face ang mukha ngunit nakikita n'ya rito na isa itong mapagmahal na ama sa mga anak nito. Siguro ay mali lang talaga ang kan'yang pagkakakilala rito noong una n'ya itong makaharap lalo na noong nag-usap silang dalawa at hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap. "Why are you thanking me, asshole? Courtney is my daughter and Pia is my precious granddaughter, and it is my responsibility too, to protect them and make sure that they are safe," sita sa kan'ya ng kan'yang byenan. Nakapag-usap na sila at nagkaayos bago pa nakalabas si Courtney sa hospital kaya alam n'ya na hindi naman ito mean sa kan'ya. Natural sa matandang Zobel ang pagka prangka at deritso sa punto kung magsalita. He is a father kaya
MELCU CHUCK... Matapos makapag paalam sa asawa ay nagpasya na s'yang umalis ngunit hindi pa s'ya tuloyan na nakalabas sa bahay ng mga Zobel ay s'ya namang pagdating ni Carter. At ng makita s'ya ng lalaki ay dali-dali itong lumapit sa kan'ya na sobrang seryoso ng mukha. Para din itong problemado na hindi n'ya mawari kung bakit. "Carson!" tawag ng binata sa kan'ya. Natigil s'ya sa paglalakad at hinintay ang lalaki na makalapit sa kan'yang kinaroroonan. "What is it Zobel?" "We need to talk," sagot nito at agad na nilampasan s'ya at nagpatuloy sa paglakad. Sinundan n'ya ng tingin ang lalaki at nakita n'yang pumasok ito sa isang pinto. Nagbuga s'ya ng hangin bago nagpasyang sundan si Carter. Hindi n'ya alam kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa. Tahimik s'yang sumunod dito at ng makarating sila sa silid na pinasukan nito ay napagtanto n'ya na isa itong library. Umabot din ng isang oras ang pag-uusap nilang dalawa. At ng lumabas s'ya sa bahay ng mga Zobel ay nakabuo s'ya ng
MELCU CHUCK...Matagal na naghinang ang kanilang mga mata ni Mrs. Zobel at hindi n'ya mawari pero parang ang hirap sa kan'ya ang bawiin ang tingin sa matanda. At ganon din ito sa kan'ya na magpahanggang ngayon ay nakikipagtagisan pa rin ng tingin sa kan'ya."Sir are you ok? May problema ho ba?" nagbalik lamang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ng kan'yang manager. Inalis n'ya ang tingin sa matanda at hinarap ang babae na kausap."I'm fine! Sa kitchen lang ako," paalam n'ya sa babae. Hindi n'ya na hinintay pa na makapagsalita ito at agad na iniwan ang babae at pumasok sa kusina.Ilang oras din s'yang nanatili sa kan'yang restaurant bago n'ya ipinasyang umalis. At sa loob ng ilang oras na pananatili n'ya ay hindi s'ya mapakali sa presensya ng babaeng Zobel. Kahit ng umalis na ito ay pa sekreto pa rin n'yang sinundan ng tingin ang babae.Nanatili pa s'ya sa restaurant ng ilang minuto bago ipinasyang umalis. Hindi n'ya alam pero hindi talaga s'ya mapakali kanina ng magtama ang
MELCU CHUCK... "Oh my bad! I'm sorry Chuck, mukhang hindi yata alam ni Carter na lover boy ka before you meet Courtney," sabat ni Niana sa kanilang mariin na pagtitinginan na dalawa ni Carter. Hindi na kasi maalis ang matalim na tingin ni Carter sa kan'ya habang igting ang mga panga. "You are an asshole, Carson!" malamig na sabi ni Carter sa kan'ya na mahina n'yang ikinatawa. Hindi din naman s'ya makakabawi sa lalaki dahil wala s'yang alam tungkol sa mga pambababae nito. "That was before Zobel!" may diin na sagot n'ya sa kapatid ng asawa. "Kahit na! Gago ka!" "Hey! Huwag kayong mag-away, pareho lang din naman kayo ah! Ikaw Carter, marami ka ring babae noon bago ako," awat ni Niana sa kanila. "That was before!" sagot ni Carter na mahina n'yang ikinatawa. "See that! You two are both the same kaya huwag na kayong mag-away na dalawa. Anyway, sino ang hinihintay mo Chuck?" tanong ni Niana matapos alaskahin si Carter. "My friend!" "Ohhhh! Business matter? I heard that your cousin,