MELCU CHUCK... Kinabukasan ay nagising s'ya na mga mukha ng kan'yang pinsan ang bumungad sa kan'ya. "Fvck!" malutong na mura n'ya at dahan-dahan na bumangon habang hawak-hawak ang ulo. Masakit ang kan'yang ulo dahil sa pag-inom n'ya kagabi. Habang nagtatrabaho si James sa iniutos n'ya rito ay panay ang inom nilang dalawa at hindi n'ya nga halos maalala kung paano s'ya nakauwi sa bahay nila ni Courtney. "Get up motherfvcker!" singhal sa kan'ya ni Briggs. "Kailan pa kayo dumating?" tanong n'ya sa mga ito. "Kagabi pa, noong mga oras na sana ay mag-isip ka ng maayos imbes na magpakalasing ka!" singhal ulit ni Briggs kan'ya "Fvck! Kasalanan to ni James eh," mahinang sabi n'ya at ipinasa ang sisi sa kaibigan. "Hoy gaga! Wala akong alam d'yan no! At hindi kita nilasing para pagsamantalahan, gaga to!" nagulat s'ya ng biglang pumasok si James na nakasuot ng isang dress at makapal na makapal ang make up. "What the fvck!" mura n'ya ng makita ang hitsura ng binata. Pa kembot-kembot pa
MELCU CHUCK..."Chuck!" tuwang-tuwa na tawag ni Courtney sa kan'ya ng makita s'ya nito. Isang linggo din s'yang hindi nagpakita sa mga ito at sobrang miss n'ya na ang asawa at anak. Hindi n'ya pala talaga kaya na malayo sa mga ito ng matagal. Kaya pagkatapos ng isang linggo at nagpasya na s'yang bumalik sa bahay ng mga Zobel para makita ang asawa at anak."Pumpkin!" tawag n'ya rito at agad na sinalubong ang asawa at niyakap ng mahigpit.Ganon din ang asawa sa kan'ya na hindi magkandauga sa pagyakap sa kan'ya."Oh my gosh! Sobra kitang na miss asawa ko! Bakit ang tagal mong hindi nagpakita sa amin?" si Courtney sa gitna ng kanilang yakapan."It's just one week baby! Anyway nandito ako para sunduin ka," nakangiting sagot n'ya rito habang hinahagod ang likod ng asawa."Talaga? Uuwi na tayo sa bahay natin?" "Tayong dalawa lang, Pia will stay here muna," sagot n'ya rito na ikinakalas nito sa pagkakayakap sa kan'ya at agad na nagtaas ng ulo para magtagpo ang kanilang tingin. Puno ng tanong
MELCU CHUCK... Pagka akyat sa kanilang kwarto ay sabay silang naligo at nagbihis ni Courtney. Inalayayan n'ya ito sa pagsuot ng damit pati na sa pag blower ng buhok nito at pagsuklay. Simpleng dress lamang ang suot ng kan'yang asawa ngunit lumulutang pa rin ang ganda nito. Kahit hindi pa tuloyan na bumalik sa dati ang katawan nito ngunit hindi pa rin maipagkakaila na lumulutang ang ganda ng asawa. "Gorgeous," papuri n'ya rito at hinalikan si Courtney sa ulo. Matamis na ngiti ang iginanti nito sa kan'ya na ikinasikdo ng kan'yang puso. "And you are handsome too," balik papuri ng asawa sa kan'ya. "I love you baby, mahal na mahal kita," madamdaming sabi n'ya rito. Nagsalubong ang kanilang mga tingin sa salamin at nakita n'ya ang pamumula ng pisngi ni Courtney lalo na ng kindatan n'ya ito. "M-Mahal na mahal din kita, Chuck. Salamat at hindi nawala ang pagmamahal mo sa akin kahit pa lumipas ang ilang taon na hindi tayo magkasama," namumula ang pisngi na sabi nito sa kan'ya. "Oh my
"C-Courtney buhay ka?" nauutal dahil sa gulat na tanong ni Niana sa kaibigan nito. Kitang-kita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa nakita na buhay ang matalik na kaibigan."I am Niana! I'm still alive and kicking,"masayang sagot ng asawa at agad na tumayo at nilapitan ang nagulat pa rin na kaibigan at hinawakan sa magkabilang balikat."H-How? I-I mean paano? H-Hindi ba sinabi nila na p-patay ka na?" nauutal na tanong ng babae kay Courtney ngunit tinawanan lang ito ng kan'yang asawa."Yan din ang pag-aakala ko Niana! Akala ko ay mamamatay na rin ako pero mabait pa rin ang panginoon sa akin dahil binuhay n'ya pa rin ako. Hindi n'ya binigyan ng pagkakataon ang mga masamang tao na magtagumpay sa balak nila na patayin ako," turan ng asawa sa kaibigan nito. Natulos sa kinatatayuan si Niana at gulat na gulat pa rin ang hitsura nito habang nakatingin sa mukha ng kan'yang asawa. Para itong nakakita ng multo na nanlalaki ang mga mata at awang ang bibig habang nakatingin sa mukha ng kahar
MELCU CHUCK..."So.., you guys have dated for how long already?" usisa ni Courtney sa dalawang kaharap. Nagkatinginan ang mga ito ngunit mabilis na nag-iwas ng tingin si Carter pagkatapos at tanging si Niana na lang ang humarap kay Courtney para sagutin ang tanong ng kaibigan.Mahina s'yang natawa ng makita ang reaction ng mukha ni Carter at isa namang katakot-takot na tingin ang ibinigay nito sa kan'ya ng makita na pinagtatawanan n'ya ito."Hmmmm, a year," nakangiti na sagot ni Niana kay Courtney."Wow! That long? I'm happy for you Niana, alam ko na hindi mo talaga bet ang makikipag relasyon because you told me before na may iba kang lalaki na nagugustohan. What happened to that guy, anyway?" "People change, Courtney and so the feelings as well. And she's already married, so what's the use of keeping my feelings for him," walang gatol na sagot ni Niana kay Courtney. Nakita n'yang umigting ang mga panga ni Carter sa narinig ngunit hindi ito nagsalita. Nakamata lang s'ya sa bawat isa
MELCU CHUCK... The night went well at masaya silang nag-uusap ng mga bagay-bagay maliban kay Carter na poker face ang mukha at animo'y ipinaglihi sa sama ng loob ang ugali ng gabing iyon. Dinaig pa nito ang may dalaw na paiba-iba ang mood simula pa ng dumating ito hanggang ngayon na patapos na sila. "Hoy Zobel bakit parang byernes santo yang mukha mo?" mahinang tanong n'ya kay Carter ng makita na busy sa pakikipag-usap ang mga babae. "Shut up!" singhal nito sa kan'ya. "Fvck you! This is your idea, hindi ba? Bakit ngayon ay parang byernes santo yang pagmumukha mo!" sita n'ya rito. "Sana ay sinabihan mo man lang si Courtney na huwag akong gisahin sa harapan ni Niana," singhal sa kan'ya ni Carter na mahina n'yang ikinatawa. So ito pala ang binubusangot ng mukha nito. Ang ginawang paggisa ng kapatid nito sa harapan ni Niana. "Ay sus! Yan lang pala ang ikinagagalit mo? Eh di sabihan! Pum—," "Shut up! Gago ka talaga, manahimik ka nga!" pigil nito at tinakpan ng palad ang kan'yang bi
COURTNEY ANNIKA...Maaga s'yang nagising at nagluto ng kanilang almusal. Nami-miss n'ya si Pia at ang madalas na ginagawa nilang dalawa ng anak paggising nila. Pagluluto ng almusal ang kanilang bonding na dalawa ng kan'yang anak at hinding-hindi s'ya magsasawa na gumising araw-araw para makasama ito sa paggawa ng almusal nilang tatlo.Nauna s'yang bumangon at pumasok sa banyo para magsipilyo at maghilamos.Tulog pa si Chuck at hindi n'ya na muna dinisturbo ito dahil madaling araw na itong natulog dahil sa trabaho. Hindi s'ya iniiwan ng asawa kaya ang lahat ng trabaho nito na kailangang gawin ay sa bahay ginagawa ni Chuck kung saan ay katabi s'ya dahil hindi ito mapakali kapag hindi s'ya nito nakikita.Kaya madalas ay para na rin s'yang nagtatrabaho ng trabaho ng kan'yang asawa. Madalas ay pinagtatawanan n'ya ito ngunit kapag naiisip n'ya kung gaano s'ya kamahal ni Chuck dahil hindi nito gusto ang nawawala s'ya sa paningin ng lalaki ay hindi n'ya mapigilan ang mapangiti dahil sa sobran
COURTNEY ANNIKA... Dumating ang araw ng pagkikita nila ni Niana. Nagbibihis na s'ya ng pumasok sa kanilang silid si Chuck. "Are you ready, Pumpkin?" tanong ng asawa sa kan'ya. Nginitian n'ya ito at tinanguan. "I am hubby!" "Hmmmm! Pwede ba akong sumama?" ungot ng asawa. Simula pa kahapon ang pakiusap nito sa kan'ya na gusto nitong sumama sa kan'ya ngunit paulit-ulit n'ya ding ipinaliwanag dito na hindi pwede dahil date nilang dalawa ni Niana ang araw na ito. "Honey, nag-usap na tayo hindi ba?" s'ya sa asawa at itinaas ang palad para haplusin ang pisngi nito. Agad na umusli ang nguso ni Chuck ng marinig ulit ang kan'yang pagtanggi na isama ito. "I know but I re—," "I'm fine hubby at kaya ko na ang sarili ko, ok? Huwag ka ng mag-alala dahil walang mangyayari na masama sa akin," malambing na sabi n'ya rito para lang mapanatag ang loob ni Chuck. Nagbuga ito ng hangin at wala ding nagawa kundi ang hayaan s'yang umalis na mag-isa. "Alright! I surrender na basta tawagan mo agad ako