"C-Courtney buhay ka?" nauutal dahil sa gulat na tanong ni Niana sa kaibigan nito. Kitang-kita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa nakita na buhay ang matalik na kaibigan."I am Niana! I'm still alive and kicking,"masayang sagot ng asawa at agad na tumayo at nilapitan ang nagulat pa rin na kaibigan at hinawakan sa magkabilang balikat."H-How? I-I mean paano? H-Hindi ba sinabi nila na p-patay ka na?" nauutal na tanong ng babae kay Courtney ngunit tinawanan lang ito ng kan'yang asawa."Yan din ang pag-aakala ko Niana! Akala ko ay mamamatay na rin ako pero mabait pa rin ang panginoon sa akin dahil binuhay n'ya pa rin ako. Hindi n'ya binigyan ng pagkakataon ang mga masamang tao na magtagumpay sa balak nila na patayin ako," turan ng asawa sa kaibigan nito. Natulos sa kinatatayuan si Niana at gulat na gulat pa rin ang hitsura nito habang nakatingin sa mukha ng kan'yang asawa. Para itong nakakita ng multo na nanlalaki ang mga mata at awang ang bibig habang nakatingin sa mukha ng kahar
MELCU CHUCK..."So.., you guys have dated for how long already?" usisa ni Courtney sa dalawang kaharap. Nagkatinginan ang mga ito ngunit mabilis na nag-iwas ng tingin si Carter pagkatapos at tanging si Niana na lang ang humarap kay Courtney para sagutin ang tanong ng kaibigan.Mahina s'yang natawa ng makita ang reaction ng mukha ni Carter at isa namang katakot-takot na tingin ang ibinigay nito sa kan'ya ng makita na pinagtatawanan n'ya ito."Hmmmm, a year," nakangiti na sagot ni Niana kay Courtney."Wow! That long? I'm happy for you Niana, alam ko na hindi mo talaga bet ang makikipag relasyon because you told me before na may iba kang lalaki na nagugustohan. What happened to that guy, anyway?" "People change, Courtney and so the feelings as well. And she's already married, so what's the use of keeping my feelings for him," walang gatol na sagot ni Niana kay Courtney. Nakita n'yang umigting ang mga panga ni Carter sa narinig ngunit hindi ito nagsalita. Nakamata lang s'ya sa bawat isa
MELCU CHUCK... The night went well at masaya silang nag-uusap ng mga bagay-bagay maliban kay Carter na poker face ang mukha at animo'y ipinaglihi sa sama ng loob ang ugali ng gabing iyon. Dinaig pa nito ang may dalaw na paiba-iba ang mood simula pa ng dumating ito hanggang ngayon na patapos na sila. "Hoy Zobel bakit parang byernes santo yang mukha mo?" mahinang tanong n'ya kay Carter ng makita na busy sa pakikipag-usap ang mga babae. "Shut up!" singhal nito sa kan'ya. "Fvck you! This is your idea, hindi ba? Bakit ngayon ay parang byernes santo yang pagmumukha mo!" sita n'ya rito. "Sana ay sinabihan mo man lang si Courtney na huwag akong gisahin sa harapan ni Niana," singhal sa kan'ya ni Carter na mahina n'yang ikinatawa. So ito pala ang binubusangot ng mukha nito. Ang ginawang paggisa ng kapatid nito sa harapan ni Niana. "Ay sus! Yan lang pala ang ikinagagalit mo? Eh di sabihan! Pum—," "Shut up! Gago ka talaga, manahimik ka nga!" pigil nito at tinakpan ng palad ang kan'yang bi
COURTNEY ANNIKA...Maaga s'yang nagising at nagluto ng kanilang almusal. Nami-miss n'ya si Pia at ang madalas na ginagawa nilang dalawa ng anak paggising nila. Pagluluto ng almusal ang kanilang bonding na dalawa ng kan'yang anak at hinding-hindi s'ya magsasawa na gumising araw-araw para makasama ito sa paggawa ng almusal nilang tatlo.Nauna s'yang bumangon at pumasok sa banyo para magsipilyo at maghilamos.Tulog pa si Chuck at hindi n'ya na muna dinisturbo ito dahil madaling araw na itong natulog dahil sa trabaho. Hindi s'ya iniiwan ng asawa kaya ang lahat ng trabaho nito na kailangang gawin ay sa bahay ginagawa ni Chuck kung saan ay katabi s'ya dahil hindi ito mapakali kapag hindi s'ya nito nakikita.Kaya madalas ay para na rin s'yang nagtatrabaho ng trabaho ng kan'yang asawa. Madalas ay pinagtatawanan n'ya ito ngunit kapag naiisip n'ya kung gaano s'ya kamahal ni Chuck dahil hindi nito gusto ang nawawala s'ya sa paningin ng lalaki ay hindi n'ya mapigilan ang mapangiti dahil sa sobran
COURTNEY ANNIKA... Dumating ang araw ng pagkikita nila ni Niana. Nagbibihis na s'ya ng pumasok sa kanilang silid si Chuck. "Are you ready, Pumpkin?" tanong ng asawa sa kan'ya. Nginitian n'ya ito at tinanguan. "I am hubby!" "Hmmmm! Pwede ba akong sumama?" ungot ng asawa. Simula pa kahapon ang pakiusap nito sa kan'ya na gusto nitong sumama sa kan'ya ngunit paulit-ulit n'ya ding ipinaliwanag dito na hindi pwede dahil date nilang dalawa ni Niana ang araw na ito. "Honey, nag-usap na tayo hindi ba?" s'ya sa asawa at itinaas ang palad para haplusin ang pisngi nito. Agad na umusli ang nguso ni Chuck ng marinig ulit ang kan'yang pagtanggi na isama ito. "I know but I re—," "I'm fine hubby at kaya ko na ang sarili ko, ok? Huwag ka ng mag-alala dahil walang mangyayari na masama sa akin," malambing na sabi n'ya rito para lang mapanatag ang loob ni Chuck. Nagbuga ito ng hangin at wala ding nagawa kundi ang hayaan s'yang umalis na mag-isa. "Alright! I surrender na basta tawagan mo agad ako
COURTNEY ANNIKA... "So, susunduin ka ba ni Chuck?" tanong ng kaibigan habang nakatayo sila sa labas ng coffee shop. Tapos na sila sa kanilang coffee session at nagkayayaan ng umuwi. Kanina pa s'ya hindi mapakali at nararamdaman n'ya na parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw. Panay din ang pa simply n'yang paggala ng paningin sa paligid nila para magmatyag. "I don't think so! He's busy at ayoko na ding disturbohin pa. Mag cab na lang ako pauwi," sagot n'ya kay Niana. "Ihahatid na lang kita, how's that?" alok nito sa kan'ya ngunit tumanggi s'ya rito. "Ano ka ba? May meeting ka pa no at isa pa you spent so much time with me na at ok na sa akin yon. Kaya ko namang umuwi na mag-isa. Nakarating nga ako rito na mag-isa eh," natatawang sagot n'ya sa kaibigan. Ayon kasi dito kanina ay may meeting pa ito pagkatapos ng coffee nila kaya ayaw n'ya itong madisturbo pa at baka ma late ito sa meeting. Pwede naman s'yang umuwi na mag-isa at kaya n'ya na ang kan'yang sarili. Kailanga
COURTNEY ANNIKA...Nagising s'ya na parang binabarina sa sakit ang kan'yang ulo. Dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagsalubong ang kan'yang kilay ng makita na hindi pamilyar sa kan'ya ang lugar ngunit ng maalala ang nangyari kanina ay unti-unti s'yang kumalma.Pagkatapos n'yang mawalan ng malay dahil sa bagay na pinaamoy sa kan'ya ng mga lalaki ay wala na s'yang alam kung ano ang nangyari at kung saan s'ya dinala ng mga ito. At hindi n'ya rin alam kung gaano na s'ya katagal sa loob ng silid na iyon. Ipinalibot n'ya ulit ang kan'yang tingin sa buong silid at nagbabasakali na may makita ngunit wala talaga.Walang kahit na anong gamit sa loob ng silid na kinaroroonan n'ya at ngayon n'ya lang napansin na nakasalampak pala s'ya sa sahig habang nakagapos ang mga kamay at mga paa. Kaya pala nahihirapan s'yang gumalaw dahil sa mahigpit na pagkakatali ng isang kadena sa kan'yang mga kamay at paa."Niana!" tawag n'ya sa pangalan ng kaibigan ngu
COURTNEY ANNIKA...Isang malakas na sampal ulit ang kan'yang natanggap mula sa hilaw na kapatid. Halos mabingi s'ya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kan'ya at pakiramdam n'ya ay namamanhid na din ang kan'yang pisngi dahil sa sunod-sunod na sampal na natamo mula rito ngunit kinaya n'ya ang lahat at tinatagan ang sarili. Hindi n'ya ipinakita rito na nasasaktan s'ya at nanghihina."Ito lang ba ang kaya mo Garnett? Ang manakit ng tao na walang kalaban-laban? How pathetic you are, isn't it?" nang-uuyam na sabi n'ya rito. Nginisihan s'ya nito sabay hablot sa kan'yang buhok na lihim n'yang ikinangiwi dahil pakiramdam n'ya ay maaalis ang kan'yang anit dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kan'yang buhok."Kung ako lang ang masusunod Courtney, kanina pa kita pinatay! Pero syempre hindi ko gagawin yon dahil gusto kong pahirapan muna kita bago tutuloyan. Tingnan ko lang kung ano ang mararamdaman ng mag-ama mo lalo na ng anak mo!" gigil na sabi nito sa kan'ya habang nakasabuno