TANYA CAMILLE... Nagising s'ya na masakit na masakit ang kan'yang katawan lalo na ang kan'yang gitna. Napangiwi s'ya ng sumigid ang kirot sa kan'yang pagkababae. Alam n'ya na kung bakit, unti-unting nagliwanag ang lahat sa kan'ya. At nakumpirma ang kan'yang hinala ng mapansin ang braso ni Simon na nakapulopot sa kan'yang bewang. Sinilip n'ya ang asawa at napangiti s'ya ng makita na payapa at mahimbing itong natutulog sa kan'yang tabi. Ang inosente ng mukha nito, parang hindi makabasag plato. Dahan-dahan n'yang itinaas ang kan'yang kamay at hinaplos ang gwapong mukha ng kan'yang asawa. Napaka swerte n'ya na isang katulad ni Simon ang minahal n'ya at nagmahal sa kan'ya. "Good morning gorgeous," natigil lang s'ya sa kan'yang iniisip ng marinig ang bedroom voice ng lalaki. Sinilip n'ya ito at nakita n'ya na gising na ito at nakatingin sa kan'ya. Isang matamis na ngiti ang ibinigay n'ya kay Simon na ginantihan naman agad nito. Hindi pa ito nakuntento, umusod pa ito at inilapit ang
TANYA CAMILLE...Hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya mapakali ngunit pinipilit n'ya na lang na balewalain ang lahat. Pagkatapos n'yang sunduin ni Simon sa kan'yang pinapasukan na university ay dumiretso sila sa bahay na binili nito noon. Balak na nilang lumipat at katunayan ay nandoon na ang iba nilang gamit.Kahit paunti-unti lang ang kanilang ginagawang paglilipat ng mga gamit nila , ang mahalaga ay may nagagawa sila sa tuwing free time nila.Marami na ring mga gamit sa kanilang bahay dahil bumili na sila ni Simon at ang lahat ng mga gamit nila ay s'ya ang pinapili ng asawa."Hey! Are you ok? Bakit ang tahimik mo baby?" tanong ng asawa sa kan'ya habang nagmamaneho ito ng sasakyan."Huh? Ahhmmm! Wala, may iniisip lang akong ayos ng sala natin. Parang gusto kong ibahin ang ayos eh," pagkaila n'ya. At dahil nagmamaneho ng sasakyan si Simon ay hindi nito nakita ang nagsinungaling n'yang mukha."It's fine wife! Kung gusto mo ay kukuha tayo ng designer at pagkatapos ay magbibigay sila
TANYA CAMILLE... Nanginginig ang kan'yang katawan pagkatapos makausap ang tao na tumawag sa kan'ya. Nagpakawala s'ya ng hangin at paulit-ulit na pinaypayan ang kan'yang sarili. Hindi s'ya dapat na matakot dahil kasama n'ya si Simon at alam n'ya na hindi s'ya pababayaan ng asawa n'ya. Isang buga pa ng hangin ang kan'yang ginawa bago napakalma ang kan'yang sarili. Kailangan na sabihin n'ya na sa asawa ang lahat-lahat. Alam n'ya na maintindihan s'ya nito at tutulongan sa taong gusto s'yang sirain. Akala n'ya ay tapos na ang kan'yang problema at nakalimutan n'ya na ang tungkol sa kan'yang naipangako sa isang tao. Hinamig n'ya ang kan'yang sarili ng may marinig na mga yapak mula sa labas. Sigurado s'ya na si Simon iyon kaya naman ay inihanda n'ya na ang isang ngiti para sa asawa ngunit sa loob-loob n'ya ay para s'yang binibitay. "Hey! You're here! How's the master's bedroom baby?" ang masayang boses ng asawa ang kan'yang narinig mula sa kan'yang likuran. Nilingon n'ya ito na may ngi
TANYA CAMILLE... Hanggang sa makauwi sila sa bahay ng mga magulang ni Simon ay hindi pa rin s'ya mapakali dahil sa sinabi ng ginang kanina sa banyo. Kaya buong byahe ay nagkunwari s'yang tulog ngunit ang totoo ay naguguluhan s'ya at iniisip pa rin ang tungkol sa sinabi ng matanda sa kan'ya. Nagdilat lang s'ya ng kan'yang mga mata ng maramdaman ang pagtigil ng sasakyan at ng ilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid ay nakita n'ya na nasa mansion na sila ng bahay ng mga magulang ni Simon. "Are you ok baby? You look tired and sleepy," tanong sa kan'ya ng asawa. Nilingon n'ya ito at nginitian. "Ayos lang ako, nasobrahan lang sa kain," sagot n'ya rito. Napailing na nakangiti naman si Simon ng marinig ang kan'yang sinabi. Bumaba s'ya at nakaalalay sa kan'ya ang asawa hanggang sa pumasok na sila sa loob ng mansion. At nasa bungad pa lang sila at may naamoy s'yang niluluto sa kusina kaya mabilis n'yang binitawan ang kamay ni Simon at tumakbo patungo sa kusina. "Tanya can you please
SIMON BRIGGS... Naihilamos n'ya ang mga palad sa mukha at pabalik-balik ng lakad sa loob ng kanilang silid ni Tanya pagkatapos mailagay sa kama ang asawa. Mahimbing na itong natutulog at naghihilik pa ngunit sa tabi nito ay limang cup cake na iniakyat nito sa silid nila. Nagtatalo pa silang dalawa kanina tungkol sa cupcake na gusto nitong dalhin sa taas ngunit sa huli ay s'ya din ang talo at walang reklamo na sinunod na lamang ang gusto nito. Idagdag mo pa ang kan'yang ina na kakampi ni Tanya sa lahat ng bagay. Parang nakakalimutan ng ina n'ya na s'ya ang anak nito at hindi si Tanya. Naguguluhan s'ya sa inaasal ng asawa dahil hindi naman ito ganito pagdating sa pagkain simula ng makilala n'ya ito. At wala din itong ugali na bigla-bigla na lang naiiyak kapag may nasabi s'ya tungkol sa pagkain nito. Kanina pa s'ya nagtataka ngunit wala naman s'yang lakas ng loob na tanungin si Tanya dahil sa pag-alala na baka magalit ito sa kan'ya at iiyak na naman ulit. Tinawag pa s'ya nito na pa
SIMON BRIGGS... Hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal natulala ng marinig ang sinabi ng kan'yang mga magulang. Halo-halong emosyon ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Tuwa, saya at kaba na din dahil baka magalit si Tanya sa kan'ya. Nag-usap na silang dalawa na hindi muna ito magbubuntis dahil nag-aaral pa ito at nangako naman s'ya dito na kaya n'ya namang maghintay pero ngayon ay maririnig n'ya sa kan'yang mga magulang na buntis ito. "Briggs!" malakas na tawag ng kan'yang ina sa kan'yang pangalan na ikinaigtad n'ya. "Mom!" "What? Are you not happy?" sita sa kan'ya ng ina ng makita ang kan'yang reaction. "I am! Of course I am the happiest man in the universe right now," sagot n'ya rito. "Then? What's with the face?" nakataas ang kilay na tanong ng daddy n'ya. "I'm scared! I mean, nag-usap kami ni Tanya na hindi muna s'ya magbubuntis dahil nag-aaral pa s'ya at nangako ako na maghihintay ako sa kan'ya tapos ngayon a—," "Stop! Wala ka ng magagawa dahil nandito na ito
TANYA CAMILLE... "Saan tayo pupunta?" nanghihina na tanong n'ya sa asawa. Nang magising s'ya kanina ay agad s'ya nitong inaya na umalis. Tinatamad s'ya at walang gana na gumalaw ngunit wala s'yang magagawa dahil ang asawa n'ya ang nagyaya. "You will know later, wifey!" "Hmmmm! Sabihin mo na Simon! Ayaw kong lumabas pero pinilit mo ako tapos ngayon ay may pa secret-secret ka d'yan," maktol na reklamo n'ya sa asawa. Ginagap lang nito ang kan'yang palad at pinisil sabay ngiti. Kapag ganito ang lalaki sa kan'ya ay mabilis s'yang nalulusaw. Ang lakas talaga ng karisma nitong asawa n'ya na isang ngiti lang nito sa kan'ya ay bumibigay na agad s'ya. Nagpakawala s'ya ng hangin at umusod ng kaunti palapit sa asawa. Para na naman s'yang dinuduyan sa antok kaya naman ay ipinalibot n'ya ang kan'yang braso sa braso ni Simon at inihilig ang kan'yang ulo doon. Hindi naman s'ya sinaway ng asawa at hinayaan lang sa kan'yang posisyon hanggang sa mawalan ng ulirat. Nagising s'ya na parang may tu
TANYA CAMILLE... Malakas na kumakalabog ang kan'yang puso habang naghihintay ng resulta ng kan'yang test. Nang marinig n'ya kanina sa doctor na baka buntis s'ya ay bigla n'yang nakalimutan ang lahat ng kan'yang inaalala at nakaramdam ng kakaibang saya sa munting buhay sa kan'yang sinapupunan. Alam n'ya na nangako sila ni Simon na hindi muna sila mag baby habang nag-aaral pa s'ya ngunit ng marinig n'ya na buntis s'ya ay hindi n'ya mapigilan ang sarili na alisin sa kan'yang isip ang tungkol sa kan'yang pag-aaral. Napuno ang kan'yang isip ng tungkol sa pagbubuntis at aaminin n'ya na excited na s'yang makumpirma kung totoo ngang buntis s'ya. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin n'ya nga ang mga pagbabago sa kan'yang katawan at ugali ngunit hindi n'ya ito binigyan ng pansin sa pag-aakala na baka may ganitong side lang s'ya na ngayon lang lumabas. Pero ang palagi n'yang pagkagutom at pagiging antukin ay ngayon lang lahat pumasok sa kan'yang isip na baka buntis nga s'ya at nasa paglil